webnovel

Unang Kabanata

Maagang umaga. Napakaliwanag ng sinag ng araw kaya binuksan ko ang aking tinatamad na mga mata.  Bakit kailangan ang aming bahay paharap sa araw? Ang gumising araw-araw para sa nakakasilaw na liwanag ay nais kong sumigaw.

"Ikaw na walang kwenta at tamad. Bumangon ka na ba?!"

Pagkarinig ko sa kaaya-ayang boses, kaagad akong tumalon pababa mula sa kama.

"Nakabangon na po!, nakabangon na po!"

"Halika na't magmadali upang kumain ng iyong almusa at baka mahuli ka pa inyong paaralan."

"Sige po. Ako'y pariyan na!"

Sa kabutihang palad, kumilos agad ako ng mabilis kung hindi ay ang kaaya-ayang tinig ng aking ina ay magsisimulang diligan ng elementary magic, water bullet, upang gisingin. Ngunit ang aking ina ay isang intermediate water magician, kaya pag natamaan tiyak na ako'y magiging kaawa-awa. Subalit hindi naman ito ang pangunahing dahilan, sapagkat kapag pina ulanan ako ng aking ina ng water bullet tiyak na ikakabasa iyon ng aking kumot. Kapag lumabas ako upang patuyuin ang kumot, lahat ng kaibigan ko ay uumpisahan akong libakin ng "Bedwetting-Wu".

Tama. Nakalimutan kong ipaliwanag ang aking karanasan. Syempre, ako ang bayani ng kwentong ito. 

Ang aking pangalan ay Zhang Gong. Ang kontinente kung saan ako namumuhay ay tinatawag na Tianwu at sa kanluran bahagi ay ang kontinente ng Libo. Sa boung mundo ay dalawa lamang kontinente, syempre, ang natitirang bahagi ay nasasakop ng karagatan. Sa kontinente ng Tianwu ay mayroon tatlong bansa: ang kaharian na nag-uumapaw ng kayamanan, ang Dalu Kingdom, ang kaharian ng mga kabalyero, ang Xiuda kingdom, at ang kaharian kung saan ako naninirahan, ang Axia magical kingdom.

Ang Dalu kingdom ang may pinakamalawak na lupain. At saka mayaman sa resources kaya ito ang mas makapangyarihang sa tatlong kaharian. Ang pangunahing hukbo ay kinabibilangan ng mga kabalyero samantala ang mga salamangkero ay suplemento lamang ng hukbo salamat sa pagpopondong natatanggap. Dahil rito ang kaharian ng Dalu ay ang mayroon pinakamalaking hukbo sa tatlong kaharian.

Ang Xiuda kingdom ay ang bansang itinataguyod ang karangalan ng mga kabalyero kaya ang ang mga salamangkero ay mabibilang lamang ang nakatira. Ang kanilang hukbo ay kinabibilangan lamang ng mga mandirigma, dahil sa kawalerya mayroon, sila ang naging pinakamakapangyarihan hanay ng hukbo sa boung kontinente ng Tianwu. At saka, sila ang may hawak sa tatlong rehimyento ng walang-katulad na "earth dragoons" na kung saan binubuo ng mga kabalyerong panggitnang  ranggo o mataas pa. Sa malawak na kapatagan ay hindi magagawa ng mga kalabang hukbo tumagal sa pagsalakay ng kawalyera ng Xiuda ng walang pananggala.

Samantala sa aking tinubuang bayan, ang Axia kingdom ay sa katunayan ay tahanan ng purong kinabibilangan ng mga salamangkero. Bawat mamayan, kahit gaano pa sila kahirap ay makakatanggap ng paunang baitang ng edukasyon ng majika. Ang kaharian ay may angkin dose-dosenang malalaking paaralan ng majika sapagkat ang bawat mamayan ay mayroon karapatan mag-aral at matuto ng majika. Syempre kinakailangan na magkakaroon ng pera upang magbayad ng matrikula. Kahit ang mamayan ay walang pera pang matrikula ay may kakahan pa rin silang matuto sapagkat ang mga nakakatanda sa bayan ay nagtuturo ng mga panimulang majika ng libre.

Sa kontinente ito, ang edukasyon ng salamangka ay nahahati sa tatlong yugto: Elementary Magic Academy. Kadalasan ang mga mag-aaral nagpapatala ay nasa pagitan lima hanggang sampu taong gulang at magpapatuloy ang pag aaral hanggang limang taon. Sa pagtatapos ang mag aaral ay kukuha ng pagsusulit upang maging alagad ng majika o makakatanggap ng pangunang ranggo ng majika.

Pangalawang yugto: Intermediate Magic Academy. Ang pagpasok ay base sa puntos na nakuha ng mag-aaral sa pangunang baitang ng akademya sa pagtatapos nito at natural ang mag-aaral na nakakuha ng magandang resulta ang may kakayahang makapasok sa mas mas mabuting akademya ng majika. Ang panggitnang akademya ng majika ay walang takda ng numero ng taon ng pagtatapos, sa halip ay naayon sa bilang ng karangalan natamo o kridito. Tanging animnapo (60) kridito upang makapagtapos at makakuha ng panggitnang ranggong salamangkero. Sa mga dukado, ang mayroon pinakamabilis na naitala sa pagtatapos ng panggitnang akademya ng majika hanggang ngayon ay nasa tatlong taon samantala sa pangkalahatan ay tumagatagal ng lima hanggang sampung taon pagtatapos ang isang pangkaraniwan mag-aaral. Ang mga higit sa mga mayayamang mamayan ng kaharian ay tumitigil mag-aral ng salamangka minsan sa panahon ng panggitnang akademya ng majika. Ang bilang ng panggitnang ranggong salamangkero ay nasa isang dako ng tatlong daan libo (300 000) hanggang apat na daan at lamampung libo (450 000).

Ang ikatlong yugto: Advance Magic Academy. Upang mapabilang sa Advance Magic Academy, hindi lamang ang katunayan o sertipiko ng intermediate magic academy ang kailangan, kailangan din makapasa din sa pagsusulit ng "Samahan ng mga majika" o Mage's Union. Pagtatapos makapasa, ang mag-aaral ay muli matatanggap base resulta ng pagsusulit. Ayon sa mga alin-tuntunin ng kaharian ng Axia, lahat ng mag aaral dumalo sa mataas na antas ng akademya ng majika ay hindi na kailangan pang magbayad ng matrikula. Sa kadahilanang na lahat ng gastos ay  ang kaharian na ang bahala upang mas paunlarin pang lubos ang mga mamayan mayroon talento pagdating sa salamangka. Ang pinaka prestihiyosong akademya ng majika ay ang "royal magic academy" kung saan ay ang mga mag-aaral na mayroon kabigha-bighaning talento lamang ang tinatanggap.

At saka mayroon silang labis na mahigpit na pagsusulit kahit pa para sa mga angkan ng mga maharlika.

Ang tatlong kontinente ng Tianwu ay higit na nagkakaisa sapagkat mayroon silang iisang kalaban ang kanluran kontinente ng mga demon race at beast clan.

Ang kanluran kontinente ay mayroong dalawang kontinente. Ang Dark Empire na pinamumunuan ng mga Demon Race samantala ang Beast Clan ay Valiant Mist Empire. Ang hitsura ng Demon race ay may pagkahalintulad sa mga tao ang pagkakaiba lamang ay ang kulay ng kanilang mata, kulay ube. Kaya ang demon race ambisyoso at agrisibo habang sila ay likas sa angkin pagdating sa dark magic.

Sa kabilang dako, ang beast clan ay walang kakayahan gumamit ng salamangka subalit ang kanilang malakas na katawan ang kanilang pinakmahusay na armas dagdag sa kanilang mataas na defense magic. Ang ace corp ng beast clan ay kung ihahambing sa kanilang pangunahing hukbo ay mas nakakatakot.

Ang silangan at kanluran kontinente ay nahahati sa pamamagitan ng bonduk Tianduo. Isinakripisyo ng sangkatauhan ang mahigit milyon kabalyero upang maitayo ang pinakamatibay na moug o fortress, ang Telun fortress. Nang maitayo ang magic fortress ang dalawang angkan ng mga beast clans ay hindi magawang makalampas sa lawang tinatawag na Lie, na makayang magkaroon ng kapayapaan ang boung kontinente sa loob ng dalawang daan (200) taon.

Dito sa mundo, mayroon anim na elemento ng majika: light, darkness, water, fire, earth at wind. Bukod sa anim na elementong ito, mayroon din espesyal na elemento ng majika tulad ng summoning magic, spatial magic, atbp.

Ang ranggo ng mga salamangkero ay nahahati sa: novice mage, elementary mage, intermediate mage, advance mage, great mage, magic scholar, magister at ang  maalamat na Grand Magister.

Ang magic spells ay nahahati sa siyam na ranggo: ang unang ranggo hanggang pangatlong ranggo ay tinatawag na elementary class, ang pang-apat at pang-limang ranggo ay mga intermediate class, pang-anim hanggang pang-walong ranggo ay nabibilang sa advanced class at ang pang-siyam na ranggo naman ay nahahanay sa forbidden class.

Ang forbidden class spells ay kinakailangan ng anim na Magister upang na matagumpay na maipukol o cast. Ang salamangkerong kayang maipukol ang forbidden class spells ng mag isa ay maituturing na isa sa mga Grand Magister at tanging nag iisa lamang ang lumitaw sa boung alamat.

Ang ranggo ng mga kabalyero at nahahati sa: elementary warriors, intermediate warriors, advanced warriors, knights, earth knights, heaven knights, holy knights, sword saint at ang maalamat na War God.

Ang battle spirit class ay nahahati sa mga sumusunod: battle spirit, earth battle spirit, heaven battle spirit, god battle spirit, at ang holy battle spirit na kayang-kaya ang sino man magkaroon nito ang hindi mapinsala ng kahit ano mang spells sa ibaba ng forbidden spells.

Ang summoned beast ay may dalawang uri: ang power growth type, kung saan lumalaki bilang isa sa mga makapangyarihan kapag dumating ang kanilang takdang panahon o maturity, at ang body rank type na mananatiling makapangyarihan kahit pa sila ay tinawag. Kung mataas ang ranggo ng kanilang katawan, mas magiging makapangyarihan ang beast. Mula una hanggang pang-siyam na ranggo, ang power growth type ay masyadong bihira lamang.

Next chapter