1 Otherworld Traveler

Isang binata ang makikitang nakahiga sa lupa sa loob ng isang gubat na mayroong mga malalaking puno at mahahabang baging.

Ang nakapikit na binata ay bigla nalang gumising at agad na umupo. Tumingin tingin siya sa kanyang paligid at talagang nalilito siya.

"Nasaan ako?"

Tanong niya sa kanyang sarili.

Ang binatang ito ay si Nathan Rein, isang ordinaryong mag-aaral na kaka-graduate lang ng hayskul. Labing walong taong gulang na siya ngayong taon at mag kokolehiyo na sana siya ng namatay ang kanyang pamilya dahil sa isang aksidente.

Dahil dito, nadurog talaga ang puso niya dahil sobra niyang mahal ang kanyang pamilya kaya siya naglakad-lakad sa tabi ng daan sa madilim na gabing iyon.

Di niya inaasahan na mamamatay rin siya katulad ng kanyang pamilya. Pero kung patay na siya, bakit buhay pa siya kahit ngayon?

[May natuklasan na Host]

[Pinagbubuklod ang kaluluwa ng Host sa Harem System]

[Ang Pagbubuklod ay Tagumpay]

[Sinisimulan na ang Harem System]

[Ang Harem System ay Aktibo na]

[Hello Host]

'System? Mayroon akong system? Panaginip lang ba to?'

[Tama ka Host. Mayroon kang system ngunit mali ka dahil hindi ka nananaginip.]

Gulat na gulat si Nathan sa kanyang narinig. Kung hindi ito panaginip, ang ibig sabihin lang nito ay talaga palang namatay siya.

[Tama ka nanaman Host. Ikaw ay namatay at naawa sayo si System God kaya binigyan ka niya ng Harem System na walang iba kundi ako]

Napansin ni Nathan na naging babae na yung boses ng system na kanina lang ay parang isang robot. Hindi niya ito matiis at nagtanong: "System bakit naging babae na yung boses mo?"

[Para madaling maka pag-adjust ka Host dahil basi sa nabasa ko sa iyong isipan. Mahilig ka sa mga magaganda at sexy na babae]

Nang marinig ito ni Nathan, nagulat siya dahil natural naman ito sa lalaki na mag ka gusto sa mga magaganda at sexy na mga babae.

Tinanong nalang ni Nathan nag system, "System meron ba akong status kagaya don sa mga may system na mga nobela?"

[Oo Host meron kang Status. Gusto mo ba itong makita? At isa pa pala Host, meron ka ding 'Harem God Pack']

Nang marinig ito ni Nathan, nasiyahan agad siya kaya niya ito pinabukas sa system.

[Binubuksan na ang Harem God Pack...]

[Binabati kita Host, nakatanggap ka ng Harem God Lust Aura]

[Binabati kita Host, nakatanggap ka ng Harem God's Eyes]

[Binabati kita Host, nakatanggap ka ng Harem God Dual Cultivation Manual]

[Binabati kita Host, nakatanggap ka ng Harem God Hands]

[Binabati kita Host, nakatanggap ka ng Harem God's Robe]

<•>

Harem God Lust Aura: Isang aura na ginagawa ang sinumang malapit sa Host na babae na sekswal na maaakit sa Host.

Harem God's Eyes: Mga mata ng Harem God na nakakikita sa kahit anumang bagay, maging ito ay damit o impormasyon tungkol sa isang tao.

Harem God Dual Cultivation Manual: Isang cultivation manual na pinalalakas ang Host pagkatapos makipasiping sa isang babae.

Harem God's Hands: Mga kamay ng Harem God na kayang gawing malibog ang isang babae kahit simpleng hawak lamang. Sa pamamagitan din ng kamay ng mga ito kaya rin ng Host ng gumawa ng kahit anumang bagay.

Harem God's Robe: Damit na pwedeng magpalit-palit ng anyo at hindi ito nasisira kahit ano man ang gawin dito.

<•>

{Status - Nathan Rein}

Age: 18

Bloodline: Human, ???, ???, ???, ???

Title: Harem God's Succesor, Otherworld Traveler

Body: Apprentice Ninth Level

Soul: True God

Cultivation Manual: Harem God Dual Cultivation Manual

Ability: [Harem God' Eyes] [Harem God's Hands]

Skill: [Harem God Lust Aura]

Harem Points: 0

Shop: Locked

Quest: Locked

Inventory

<•>

Nang makita itong lahat ni Nathan, hindi niya napigilan ang kanyang kaligayahan.

"Yes! Hahaha. Magkakaroon na ako ng sarili kong Harem!!"

avataravatar