1 Panimula

"Dok! Dok, nawawalan ng ang pasyente! "

"Sandra anak! Kapit ka lang ha."

Nakapirmi lamang ang tingin ko sa lalaking klarong-karo ang pag-aalala sa mukha.

"P-papa"

Nagkakagulo ang paligid, nakakarinig ako ng mga hagulhol at pakiramdam ko'y kunti nalang ay pipikit na ang mga mata ko. Inaantok ako. Ang lamig at ramdam ko ang tumutulong dugo mula sa katawan ko.

"Oo, anak, nandito lang si papa."

"P-pa, huwag nyo nang ulit iwan si mama ha. "

"I promise kaya lumaban ka."

"Inaantok na po ako, papa."

"Hindi! Hindi! Hindi anak!Sandra! Sandra! ANO PANG GINAGAWA NYO! SAVE THE LIFE OF MY DAUGHTER!"

Gumuhit ang mga ngiti sa labi ko bago tuluyan tumiklop ang talukap ng mga mata ko.

And as I closed my eyes, mukha nya lang ang nakikita ko. Nakangiti.

"Goodbye Amper."

___________________________

Author's note: My apologies for the typos and errors ahead. I just want to share my first completed story. Thank you so much for saving it in to your library.

avataravatar
Next chapter