webnovel

Kabanata 1

"Sandro! KAHIT NGAYON LANG! PILIIN MO NAMAN KAMING MGA ANAK MO!"

Nakatakip ang mga kamay ko sa mga mata ng kapatid kong si Shore habang nakasilip kay mama na nakakapit sa tuhod ni papa na humahagulhol sa iyak at pinipigilan ang pag-alis niya.

Narinig ko silang nag-aaway. Sabi ni papa ay aalis na siya at iiwan na niya kami.

Nasaksihan ko lahat ng 'yon. Kung paano maghabol si mama. Kung paano niya ipinaglaban si papa kahit alam niyang sya nalang naman ang nagmamahal sa kanilang dalawa. Pero hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pangangaliwa ni papa ay ganoon parin siya kamahal ni mama.

 ~~~

"Will you spend your whole life with me?"

Tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Napatakip ako sa aking bibig saka napahagulhol ng iyak.

"Yes!"

I should be the one standing there.

I should be the one saying 'Yes'.

I should be the one wearing that ring.

That should be me.

Mararanasan ko na naman ba ang mga salitang pinagpalit at iniwan?

Bakit sino pa 'yong nagmamahal ng totoo, siya pa yung masasaktan ng todo?

PAKKK!

Isang malakas na sampal ang nakakuha ng atensyon ng lahat. Pakiramdam ko lumapat ang pisngi niya sa palad ko dahil sa lakas nito.

"Who's that girl?"

"She's ruining the moment."

"Is she  your ex Jeym? "

"Yes! You're right! He's now my ex! Ang tanga ko naman para tawagin ko pa syang BOYFRIEND kung ENGAGED na siya sayo." sagot ko sa babaeng papakasalan niya.

I remember her, she's Mica. Jeym's first love.

So, first love never dies talaga? How pathetic!

"Sand?"

Pilit akong ngumiti nang lingunin ko siya. "What happened tous Jeym?" napasinghap ako at pilit na pinipigilan ang paggaralgal ng boses. "Sana naman nakipag break ka muna. Sana sinabihan mo ako na ayaw mo na , na pagod ka na at sawa ka na! Sana sinabi mo  nung una palang na break na tayo kasi handa mo nang iaalay ang buhay mo para sa iba!"

"What do you mean?" lumipat ang mga tingin ni Mica sa aming dalawa.

"You don't know? He never said 'Let's break up.' but he knelt in front of you and asked 'Will you spend you whole life with me?" naisuklay ko na lamang ang kamay sa buhok. Hindi makapaniwala sa mga pangyayari. "Nagpa-uto na naman ako."

"Sand, I'm sorry."

"Sorry? Tangina naman Jeym, 3 years! Tatlong taon! Sana sinabi mo na sya parin!"

"Masyado akong gago para sayo Sand, pero-"

"Ano, ginamit mo lang ako para makalimot tapos noong bumalik naging marupok ka ulit?" pilit akong humalakhak pero may halong pait ngunit di nagtagal ay muli ko na namang narinig ang mga hagulhol ko.

"Pero naniwala ako sayo , pinagkatiwalaan kita! Bakit ha? Hindi ba sapat ang pagmamahal na binigay ko na higit pa sa pagmamahal na ibinigay mo?"

"Akala ko nakalimutan ko na sya pero hindi Sand kasi... kasi hanggang ngayon sya parin ang mahal ko."

"Tanginang pagmamahal yan! Bakit hindi mo magawang ibigay sakin ng buo?"

Tama na. Nakakatanga.

Pinahid ko ang luhang umaagos sa mga pisngi ko at pilit na ngumiti sa kanilang dalawa.

"Simula sa araw na to,wala na akong koneksyon sayo."

"Sand!"

Bago pa man ako makalayo ay dumapo na ang kamay nya sa braso ko. Gusto ko syang bugbugin sa mga oras na to pero masyadong nanghihina ang katawan ko para gawin ko yun.

"Don't you dare touch your filthy hands on me."matigas kong wika at muling humarap sa kanya.

"Manloloko ka. Nakapagtapos ka pa naman bilang Magna Cum Laude pero hindi mo manlang alam ang pagkakaiba ng "minahal" sa "mas mahal". Minahal mo lang ako pero mas mahal mo parin siya."

     

~~~

"Sir, Sir please! Just one more chance! Aayusin ko na po ang trabaho ko. Please, I really need this job."

I tried to live a normal life. It's been weeks simula ng mangyari ang gabing iyon. Hindi ako naglasing, umuwi ako ng bahay, natulog na parang walang nangyari at pumasok ng trabaho.

Hindi pwedeng umikot lang ang mundo ko sa sakit.

Pero kahit anong pagpapanggap ang gawin ko para masabing okay lang at kaya ko ay hindi ko paring magawang itago.

I can't focus. Madalas tulala at lutang.

Halos patakbo na akong maglakad para mahabol lang si Sir Santos, ang boss ng kompanyang pinagtratrabahuan ko.

I'm just an intern pagkatapos ay inaayawan na agad ako ng boss.

Wala na akong pakialam kung pag usapan man kami ng mga katrabaho ko. I just can't quit the job. Desperada na ako pero ayokong mawala ang trabaho ko.

"For now, I can't give another chance Sandra. Better heal yourself first." buntong-hiningang saad ni Sir.

"Pero Sir, wala po akong sakit! "

"Dahil na mas malala pa sa sakit ang nararamdaman mo Sandra. Alam ko na masyado kang nasaktan dahil sa nangyari sa inyo ng ex mo pero ayokong madamay pati ang reputasyon ng kompanya ko."

"Hay , naku. Kawawa naman si Sandra"

"Tama rin si Boss. Kailangan nya ding magpahinga."

"Sir,please! I really need this job! "

"Dont worry, if you come back and we'll accept you. Pero saka kana bumalik kapag okay ka na that you've already let go and move on."

Kusa akong napayuko.

Parang sampal sa akin ang mga sinabi ni Sir Santos.

So, this is my reality.

Love is really draining my energy.

"I'm sorry Sir."

"I hope that you'll find someone that can heal your wounded heart Sandra." naramdaman ko na lamang ang marahang pag tapik ni Sir Santos sa aking balikat bago niya ako talikuran.

Humugot ako ng malalim na hininga at pinasadahan tingin ang kahong yakap-yakap ko bago pinihit  ang busol ng pinto.

"She's still mad at you."

"Ma?"

Agad na nanghina nag katawan ko dahilan para mabitawan ko ng kusa ang hawak ko. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin ng bago pinasadahan ng tingin ang lalaking kahit kailan ay ayoko ng makita.

"What is he doing here?"

"Anak."

"Anak? " tumanggo-tanggo ako habany pilit na pinipigilan ang mga namumuong luha sa mga mata ko.

"Wow ha! Ang tagal ko ding hindi narinig yan ah! Teka, may karapatan ka pa palang tawagin akong anak?"

"I'm too irresponsible that time that's why i left. Inuna ko ang kaligayahan ko at iniwan kayo. At pinagsisihan ko lahat ng 'yon."

Napangisi ako at tinitigan ng diretso.

"So bakit ka pa bumalik? Okay na kami eh. We don't deserve you and you don't deserve mom. Kaya umalis ka na."

"Mahal na mahal ko kayo at gusto kong buuhin ulit ang pamilya natin that's why i came back."

"Sorry ah, ang alam ko kasing pagmamahal ay 'yong hindi nang-iiwan at ' yong hindi ka kayang ipagpalit."

"I'm sorry, anak. Sana hindi pa huli ang lahat, sana mapatawad mo ako."

"Sa tingin nyo ba, ganun lang kadali 'yon? Ang isang salita na may limang letra ay kayang alisin lahat?  'Yong sakit na binigay nyo ay parang blackboard na ginamitan nyo ng permanent marker imbis na chalk-- na isang daan lang ng eraser ay mabubura agad."

Pilit akong ngumiti nago muling pinulot ang kahon at nilagpasan silang dalawa.

"Sandra!"

Hindi na ako muling lumingon pa ng marinig ang pagtawag ni mama. Agad kong tinungo ang kwarto ni Shore.

Marahan kong binuksan ang pinto at umupo sa upuang katabi ng kanyang kama.

"A-ate?"

mahinang aniya kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata. Gumuhit ang mga ngiti sa kanyang mga labi ng lingunin niya ako.

"Aalis muna si ate. Huwag kang mag-alala, babalik agad ako."

"Saan po kayo pupunta?"

Ngumiti lamang ako imbis na sagutin ang tanong niya.

Hindi ko rin alam, Shore.

"Tulog ka na ulit." wika ko at marahan sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kamay. Agad naman itong tumanggo bago muling pinikit ang mga mata. Napabuntong hininga nalang ako habang nakikita ang mga apparatus na nakatakip sa kanyang bibig.

"Goodnight." bulong ko at hinalikan siya sa kanyang noo bago nilisan ang kanyang kwarto.

                                   

Napabuntong hininga ako habang

inaalala ang mga nangyari. Sa huling pagkakataon ay sumulyap ako sa bahay namin bago muling tumalikod at naglakad palayo.  This is it!

Napadpad ako sa isang madilim na eskinita. Tahimik at mabaho , yun lang ang tanging maibibigay kung deskripsiyon sa lugar na to. Pagsipat ko sa aking relo ay pasado alas-otso na rin ng gabi. Tanging maleta at sling bag lang ang dala ko. No gadgets, no communication.

"Pare, Jackpot!"

Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses na yun. Grupo ng mga kalalakihan na sa unang tingin ay wala nang gagawin maganda.

Kusang napaatras ng hakbang ang mga paa ko at mas lalo humigpit ang hawak ko sa sling ng sukbit kong bag. Ngunit bago pa man ako makalayo ay agad nang tumakbo patungo sa direksyon ko ang isang lalaki.

Lagot na!

"Hi Miss!" nakangiting aniya ng lalaki at bigla akong inakbayan. Amoy na amoy ang alak at sigarilyo mula sa hininga nyang kumakapit sa buhok ko. Nakakadiri.

"Tsk, lumayo ka nga sakin. Kumakapit ang amoy mo panot!" irita kong winakli ang braso nya at tinulak sya.

"BWHAHAHAHA!" tawa ng mga kasama niya na parang nakasinghot ng katol.

"A-Ano bang kailangan nyo? I really have to go, naghahanap pa ako ng Lugar na pwede akong mag move on!"

Ang bobo mo Sandra eh! Syempre , patutulugin ka ng mga yan, dadalhin ka nila sa madilim na Lugar at WAAAAAAHHHHH dahan - dahan ka nilang hahalikan at huhubaran pagkatapos kapag nagsawa na sila ay papatayin ka nila't isasako tapos itatapon sa ilog!

Napapikit ako at napapangiwi dahil sa mga ideya sa utak ko.

Lord, tulungan nyo ako! Ayoko po na sa ganitong paraan  magtatapos ang buhay ko.

"Sumama ka samin. Pasasayahin kita at makakalimot ka."halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ang nakakakiliti ngunit masamangamoy na hanging sa tenga ko.

Diyos ko! Makakatikim na talaga sakin tong panot na 'to!

"Siguro imbis na makalimot ako, mamamatay pa ako sa takot dahil mukha kang pinaghalong asong mag tatlong ulo at cyclops na may dalawang mata!WAAAAAAAAAAHHHHH SUPERMANNNN! TULONGGGG! HELPPPPPP! KIKIDNAPIN NILA AKO, KUKUNIN NILA ANG DANGAL KO! HELLLLLPPPP!! "

"ANAK NG! PATAHIMIKIN NYO NA NGA YAN!" aniya ng nasa git a na mistulang lider nila. Bago pa man ako makapalag ay mabilis na sinapo ng panot ang bibig ko at tinakpan ito ng panyo. Bigla akong nakaramdam ngpagkahilo at nawalan ng malay.

Mangyayari na ba sa akin ang mga napapanood ko sa pelikula?

Next chapter