1 Prologue

"I'm exhausted, pochiii. I need a hug. Please?" Pag mamakaawa ko kay Amir. Ngunit hindi n'ya ako pinansin at nagpatuloy s'ya sa kaniyang ginagawa.

"Amir, I need hugs and kisses right now, please?" Ulit kong sabi. Kaso mas'yado s'yang naka focus sa kaniyang ginagawa. Naasar na ako.

"Amiro Viann." I uttered. And finally I got his attention.

"Ano 'yun, Viv? May problema ba?" Ani n'ya.

"Ikaw ang problema. Kanina pa ako nagsasalita rito tas hindi mo ako pinapansin. Nakakatampo ka." mahina kong sambit. At humilig sa kaniyang di kalakihang braso.

"uh-huh, please bear with me, Viv. Thank you." iyan ang huli kong narinig bago ako nakatulog sa kaniyang mga bisig.

May naramdaman akong nakadagan saakin. I pinched and squeezed it like a teddy bear. And booommm. My human teddy bear is screaming in pain. Ayan ang napapala ng taong hindi ako pinapansin.

"Viv, don't be mad at me. I'm just busy awhile ago. I can't lose my opportunity to graduate with flying colors. You know that." Tuloy tuloy n'yang sabi.

Oo, ganu'n katalino ang pochiii ko. Running for latin honor 'yan.

"I'm just asking for hugs, Amir." And then he hugged me. As if I'm going to live him hanging.

"Vivienne Acassia, huwag mo akong kakalimutan, ha?" He uttered.

"Yes, Amir. I will never forget you, my pochiii." Ani ko. Ang sarap sa feeling na kayakap mo ang taong mahal mo. Iyong wala kayong pinoproblema.

"Amir, promise me that you'll never leave even if I'll forget you. Kahit na ipagtabuyan kita, sana hindi mo ako iiwan." I uttered. I'm smiling like an idiot when he nod his head like a little kid.

"Iiddukat taka, Vivienne." Bulong n'ya saaking tainga.

"Hayyy." naputol ang aking pag re reminisce ng humikab ang katabi ko.

"Oh? Tulala ka nanaman, Viv." Ani saakin ni Akki.

"Gusto ko ulit s'yang makita at mayakap." Bulong ko saaking sarili.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang iyong mga panahong  nakakasama at nakakausap ko s'ya.

Nawalan na ako ng oras na makasama s'ya simula noong nagkaroon na ako ng totoong kaibigan.

Halos hindi na nga sumasagi sa isipan ko si Amir noon e. Mag iisang taon na rin simula noong nawala ang communication namin.

I love being with Amir, kaso kung ang kakalabasan ng pagkagusto kong makasama s'ya ay ang tuluyan n'ya nang pagkawala, handa akong iwanan s'ya.

Losing someone part of living.

When someone you love becomes a memory, the memory becomes a treasure.

avataravatar
Next chapter