webnovel

1

Sa napakatagal na panahon ay nabuhay na magisa si Amanda. Sa pangangalaga ng lolo niya siya lumaki. Tahimik at laging nagiisa. Ng magkaiip siya ang tinanong niya sa kanyang Lolo kung nasaan ang kanyang mga magulang . Iisa Lang ang sagot Ng matanda sa kanya 'nasa payapang lugar sila'.

Na tumuntong siya ng kolehiyo ay nakilala niya si Howie. Nagkakilala dahil sa musika. May banda ito at may sariling practice room sa university. Anak mayayaman kasi. As the days past naging malapit sila na Howie. Kahit na isang simpleng babae lang siya ay hindi niya naramdaman na hindi sila magkalevel ng pamumuhay ni Howie. But things were about to change ng dumating ang childhood sweetheart ni Howie galing sa America na matagal nitong hindi nakita. Simula noon minsan nalang niya ito makita.

"Hello Amanda. Long time no see." Bati sa kanya ni Ridge. Pumunta siya sa practice room nila Howie.

"Hi. Nandito ba si Howie?"

"Wala eh. Ken alam mo ba kung nasaan si Howie?"

"Hindi eh. Actually dapat kanina pa nandito yon."

"Wherever he is, he is with Alellie." Si Bryan. Ang pinaktahimik sa grupo.

Nanlumo siya. Gusto pa naman siyang ipakita dito. Nagpaalam na siya sa Tatlo at umalis. Nasa labas siya ng building ng makita si Howie. Kasama nito si Alellie. Hindi niya maiwasang mainggit kay Alellie. Maganda, mayaman at higit sa lahat may magulang. She sigh. Bagay tingnan ang dalawa. Itinago nalang niya sa bag ang hawak na notebook.

Ng hahanda na sa paguwi si Amanda ng may kumalabit sa likuran niya. It was Howie.

"Hi, pumunta ka raw sa practice room kanina sabi ni Ridge?"

"Ahm oo"

"Bakit?"

"May ipapakita lang sana ako sayo. Hayaan mo muna hindi naman importante."

"What are you saying. Come on ano ba iyon? Tutal nandito na ako."

"Ahm saka ko na ipapakita. Kapag.....kapag naayos ko na"

"Okay. By the way sorry kung hindi kita nakasabay kumain ng lunch kanina. Inaya ako ni Alellie nakakahiya nnaman tumanggi."

"O-okay lang Howie. Alam kong matagal mong hindi nakita si Alellie kaya dapat lang na asikasuhin mo siya"

"I'm knew you would understand." Nakangiting sabi ni Howie

"Kumusta si Alellie?"

"She's great! I always knew shell grow beautifully. Wag mo akong pagtatawanan ha, alam mo bang ilang beses akong natulala kapag kaharap siya. She's really pretty" may pagmamalaking sabi ni Howie.

"S-so l-liligawan mo na ba s-siya?" Bigla itong natawa sa tanong niya.

"You really know me Amanda. Mga bata palang kami ni Alellie ay gusto ko na siya. Hindi lang ako nabigyan ng pagkakataon noon dahil nagmigrate ang pamilya nila sa Australia. But now is my chance and I won't waste it"

Hindi siya umumik. Heto na ang kinakatakutan niya. Ang unti unting paglayo ni Howie sa kanya.

"Anyways I have to go. Nangako akong ihahatid si Alellie ngayon. Ingat sa sa paguwi friend" umalis na ito ay nandoon parin si Amanda. Inilabas niya ang notebook mula sa bag saka tinitigan. The only thing that knows what she really feel is that notebook.

~~~~~~~~~~~~~~

Habang papunta sa school ay kausap ni Amanda ang kanyang lolo sa cellphone.

"Lolo, paano naman po eepekto yang gamot ninyo kung hindi nyo iinumin ng maayos."

"Wag mo akong problemahin apo at saka pakiramdam ko ay mas lumalala ang pakiramdam ko kapag umiinom ako ng gamot"

"Lolo wag naman po matigas ang ulo. kailangan nyong makinig saakin. Ang mamahal Ng gamit nyo sayang naman Kung Hindi nyo iinumin"

"'nakung bata ka. Sino ba kasing may sabing bumili ka ng gamot?"

Matigas na nga ang ulo ng lolo niya, matalas pa ang dila. Napabuntong hininga nalang siya at sumasakit ang ulo niya. Binilin niya ito bago nagpaalam.

Ng makapasok sa school ay naabutan niya ang ilang mga studyante sa harap ng bulletin board.

"Amanda tingnan mo oh. May band competition dito sa school. At ang laki ng premyo." Si Andrea isa sa mga kaklase niya.

Tama ito malaki ang premyo. Napangiti siya. Siguradong sasali sina Howie. Not because of the price but the guys love competition. Agad siyang pumunta sa practice room nila Howie. Isang linggo rin niyang hindi nakita ito kaya excited siya. Pinapadalhan niya ito ng mga text messages pero hindi ito nagrereply. Sa hallway ay nakasabay niya si Ken.

"Amanda! Nice seeing you."

May mga dala itong mga supot.

"Ano yang mga dala mo Ken?" Tinulungan na niya itong magbuhat.

"Salamat. Pagkain and drinks. Naubusan na kasi kami ng stock. Dapat si Bryan ang kasama ko pero may ginagawa kasi siya at saka may bisita si Howie. "

"Bisita?"

"Yup. Si Alellie. You know her right?"

Tumango lang siya.

"Oo nga pala may band contest ang school sasali ba kayo?" tanong ni Amanda.

"Ah iyon ba? Oo sasali kami syempre. Lolo nga ngayong andito si Alellie. Siya pa nga nagbalita saamin kahapon."

Mabuti nalang palang at tinanong niya si Ken. Balak pa mandin niyang siya ang ibang magbalita kay Howie. She even plan to volunteer sa pagsulat ng kanta. Nanghihinayang man ay hindi niya pinahalata Kay Ken.

Ng makarating sa practice room naabutan nga nila si Alellie doon katabi nito si Howie sa couch.

"Konichiwa mina-san! " Bati ni Ken. Nauna itong pumasok saka siya sumonod

"What are you doing here?" Nagulat si Amanda sa tanong ni Howie. Bakit ganoon ang bungad ni Howie? Bawal na ba siyang pumunta roon?May kasalanan ba siya? Nataranta siya kaya basta nalang niya inilapag ang dala.

"T-tinulungan ko lang si Ken" iyon lang at lumabas na siya. Lakad takbo ang ginawa niya. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa Nagiging bata na laging ipinagtatabuyan dahil walang magulang at isang matandang lalaki lang ang kasama.