10 Bastard Sword

Kasalukuyang nasa itaas ng puno si Yeman habang nakadungaw sa mga goblin na makikita sa pasukan ng kweba.

"Hehe tama nga hinala ko. Umuwi nga sa lungga niya ang goblin. Hindi lang yun, mukhang marami pang goblin ang nasa loob. Hehe kung suswertihin ako baka may mahanap pa akong pagkain at inumin sa kwebang ito. Kung hindi dahil kay system ay matagal na akong naging malamig na bangkay sa kasumpa-sumpang mundong ito."

Napansin ni Yeman na marami pang goblin ang lumalabas sa kweba.

"Ow, mukhang nag-tipon tipon ang mga panot sa unahan. Balak paba nilang lumaban pa?"

Pak!

"Hehe tinadyakan pa yung nag-iisang nakaligtas. Base sa hitsura ng sumipa mukhang ito ang leader nila. May malaki itong katawan at mapulang mga mata. Makikita rin ang malaking mga pangil na lumalabas sa bibig. Para itong orc kung titingnang maayos. May kakaibang tribal na tatoo rin ang makikita sa kanyang katawan. Hehe mukhang magiging masaya to. Ito ata yung tinatawag na Hob Globlin? Hindi ako sure kung ito nga yun pero wala akong paki kung ito man yun o hindi. Ow, ang ganda ng espada sa likod niya. Kung hindi ako nagkakamali isa yang Bastard Sword. Mukhang mas bagay sa akin ang espadang yan."

"Kuku! Simulan na ang madugong pangangaso. Hehehe!"

Tumalon si Yeman mula sa punong pinagtaguan

Thump!

Biglang napatingin ang mga goblin sa kanyang direksyon.

GwArR! GwArR!

Galit na nakatingin ang mga goblin kay Yeman na dahan dahan naglakad papunta sa kanilang kinaroroonan.

Crack! Crack! Crack!

Bawat hakbang niya ay gumagawa ng kakaibang tunog mula sa mga naapakang mga tuyong sanga at dahon. Sa kanyang kamay ay makikita ang kakaibang mga sandata. Sa kanan ay ang kalawanging espada, sa kaliwa naman ang sinaklaw na dagger. Habang ang kanyang mukha naman ay tanging ang mapupulang mata at kakaibang ngisi lang ang maaninag.

"Hello mga pangit na panot. Hehe gusto n'yo ba maglaro?" Sabi ni Yeman habang pinaikot-ikot ang kanang kamay na may hawak na kalawanging espada.

"Kuku. Hindi n'yo pala ako maintindihan. Gwar Gwar Gwar! Gwahahahaha! Ano bang klaseng salita yan Hahahahaha?!" Sabi ni Yeman habang ginagaya ang mga salita ng goblin. Hindi niya tuloy mapigilan na humahagikhik sa tawa habang nakatingin sa madilim na kalangitan.

GwArRrR!!

Habang nakatutok sa direksyon ng madilim na kalangitan ang kanyang ulo. Ang mapulang pupil naman ng kanyang mga mata ay nakatuon sa mga goblin sa kanyang harapan. Na nasa sampung metro lang ang layo. May mahigit tatlumpung goblin naman ang kasalukuyang nasa harapan ni Yeman. May mga bitbit itong samot saring sandata. Mula sa mga kahoy na pampalo, dagger, pana at palaso, sibat at espada.

GwAr! GwaR! GwAr!

Nagsisigaw ang mga ito.

Crack! Crack! Crak!

Dahan dahan humakbang palapit kay Yeman ang mga goblin ngunit hindi manlang gumagalaw si Yeman.

Crack! Crack! Crack!

Limang hakbang nalang ang distansya. Ngunit "GwaRr!!!" Biglang nagtalunan ang mga goblin kay Yeman.

Shiing!

Shiing!

Dalawang ulo ang humiwalay sa katawan. Kitang kita ang paglipad nito dahil sa liwanag ng buwan. Tanging ang kislap lang ng mga dugong nasitalsikan ang makikita bawat hampas ni Yeman ng kanyang mga sandata.

Biglang pinalibutan ng sampung goblin si Yman. Tumalon ng mataas ang lima habang nakataas sa bandang ulo ang hawak nilang iba ibang klaseng sandata. Pero bago pa nila maihampas ang mga sandata. Tumalon si Yman ng tatlong metro habang nakaunat sa magkabilang direksyon ang mga kamay. Ilang sandali ay.. *Whoook! Whoook! Whoook!* Kakaibang tunog ng mabilis na pag-ikot.

Ang mga kawawang goblin na hindi maswerteng tamaan ng mga talim ng espada at dagger ay walang kalaban kalaban na nagka-hiwahiwa ang mga laman. Isang goblin ang tinamaan sa ulo habang nakataas pa ang mga kamay. Dahil dito ay sabay naputol ang mga kamay at ulo nito. Sinundan naman ng mala-fountain na pag-agos ng maraming dugo.

Nakangisi habang kitang kita ang tuwa sa mga mata ni Yeman. "Hehe sige pa! Sugod lang ng sugod! Hehe!" Sabi ni Yeman habang natamaan ng parang elisi niyang pag-ikot ang isang goblin sa kanyang bewang. Agad naman itong nahati sa dalawa. "GwArR!" Mga iyak ng mga goblin at walang katapusang pag-agos ng dugo sa paligid. Nang huminto na sa pag-ikot ang katawan ni Yeman, ay binati siya ng isang sibat na mabilis isinaksak sa kanyang tiyan. Pero hindi manlang umilag si Yeman at hinayaan lang na tamaan siya. *Chap!* Kakaibang tunog nang bumaon ito sa tiyan ni Yeman. *GwAgWa!* Tuwang tuwa na sigaw ng goblin ngunit...

Shiing!

Lumipad ang ulo nito sa ere na sinundan naman ng pag-ulan ng dugo sa paligid. Nagkukulay itim na ang paligid at pati narin katawan ni Yeman dahil sa mga dugong tumalsik sa kanya. Dinilaan ni Yeman ang dugo ng goblin na tumalsik sa kanyang bibig.

[New substance detected]

[Analyzing new substance...]

[SNEAK SKILL DETECTED]

[SAVING...]

[Saving complete]

[Install Sneak Skill]

...[Done!]

[New Skill Aquired!]

"Woah! hehe hindi ko inaasahan yun ah."

Habang tinatanggal ang nakabaon na sibat sa kanyang tiyan ay tinanong ni Yeman si System kung paano gamitin ang skill na Sneak.

[Say Sneak Activate! In your mind. But you need to step in the shadows first before activating this skill.]

"Hehe ganun lang pala yun."

Swoosh!

Isang palaso ang mabilis na patungo sa noo ni Yeman. "Hehehe" Ngumiti lang siya nang makita ito at biglang tumalon paatras diretso tapak sa anino ng puno na dala ng maliwanag na buwan. Pagkatapak ni Yeman sa anino ay mabilis niyang binigkas sa isip ang "Sneak Activate!" Pagkatapos masambit ito ay biglang naglaho ang kanyang imahe.

Nagulat ang mga goblin dahil naglaho ang tao na kanilang kalaban. Ilang sandali...

Shiing!

GWaA!

Isang iyak ng goblin na may hawak na pana at palaso. Nasa labing limang metro ang distansya nito sa dating kinatatayuan ni Yeman. Bigla namang rumesponde ang ibang goblin at mabilis na nagsitalon sa direksyon ni Yeman. Ngunit naglaho ulit ang buong imahe niya bago paman maabutan ng mga goblin.

Shiiiiiing!!!

Lumitaw sa likuran ng mga goblin si Yeman at isang horizontal slash gamit ang kalawanging espada ang kanyang pinakawalan. Walang magawa ang mga goblin habang hinahati sa dalawa ang kanilang mga katawan.

Mula sa likod ni Yeman ay may isang goblin ang sumulpot. Mukhang gumamit din ito ng Sneak Skill. Ngunit hindi manlang lumingon sa likod si Yeman at mabilis na binaliktad ang paghawak ng kalawanging espada at mabilis na isinaksak ang matalim na dulo sa likod niya ng hindi nakatingin. *ChAp!* Kakaibang tunog nang bumaon ang dulo ng kalawanging espada sa ulo ng goblin na nasa likod ni Yeman.

Ilang sandali ay naubos na ang mga goblin tanging ang malaki na may bato-batong katawan nalang ang naiwan. Makikita rin ang kakaibang tribal nitong tattoo sa dibdib. Habang lumalabas naman ang malalaki nitong mga pangil. "Hehe para nga itong orc."

"Hey big guy! Let's have some fun. Kekeke!" Napa english pa si Yeman. Inakala ba niya amerikano ang kaharap?(LoL)

"GwAaRrR!!!"

Malakas na sigaw ng malaking goblin habang binunot ang Bastard Sword mula sa likod. Sheeng! Kakaibang tunog nang binunot niya ito.

Lalo pang namangha si Yeman sa espadang hawak nito. Tumaas ang kilay ni Yeman dahil napag-isip niya na gusto ata ng dwelo ang goblin na ito. "Mabuti at mukhang matapang ka." Isinuksok ni Yeman ang dagger sa kanyang tagiliran. Dahil gusto ata ng kalaban ng 1 on 1 kaya dapat ay pagbigyan.

Ilang sandali ay...

Tiiing!

Sabay na umatake ang dalawa. Nagbanggaan ang Bastard Sword at Kalawanging espada.

Tiing!

Tiing!

Paulit-ulit na banggaan ng dalawang espada.

Tiiiiing! Isang masakit sa tenga na tunog ng malakas na banggaan ng metal.

Tatlong sigundo nagtulakan ang dalawa. Ngunit patas lang ang kanilang lakas. Nagulat ang goblin sa lakas ng payat na taong ito. Si Yeman ay nagulat din sa lakas ng goblin na ito. Pero lalo lang niyang kinasaya na makatagpo ng malakas na kalaban.

"GwAaAaArRrR!!!"

Sumigaw ng napakalakas ang goblin. At mabilis na tinadyakan sa tiyan si Yeman.

Pak!

Tumilapon ng sampung hakbang paatras ai Yeman dahil sa lakas nito. Pero hindi siya natumba. Dumausdus lang ang kanyang mga paa. Ngumiti si Yeman sa lakas ng goblin na ito. Ilang sandali ay...

Pak!

Malakas na siniko ni Yeman ang tiyan ng goblin bilang ganti sa sipa nito. Dahil sa bilis ng kilos niya ay hindi masundan ng goblin si Yeman. Kung sa lakas ay patas sila, lamang naman si Yeman sa bilis.

Pak!

Sinipa pa niya sa mukha.

Pak!

Tinadyakan niya ang binti. Halos hindi na gumalaw ang goblin dahil sa lakas ng mga sipa ni Yeman.

Gwaaaah!

Napaiyak ang goblin habang napabaluktot sa lupa.

"Mukhang hanggang dito kanalang boy." Malamig na sabi ni Yeman habang pinupulot ang nabitawan na Bastard Sword.

Nang mahawakan na niya ito ay hindi maitago ang pagkaexcited na rumehistro sa kanyang mukha. Medyo mabigat ang espadang ito kaysa sa kalawanging espada na kanyang hawak. Ngunit laking gulat ni Yeman sa...

[Additional Stats Detected]

[Applying additional stats..]

[Initializing...!]

[Complete!]

[Strength greatly increase!]

Sunod sunod na pop up ng notification ni System. Naramdaman ni Yeman ang laki ng dagdag sa kanyang lakas nang mahawakan ang espada. "Kuku! Swerty mukhang hindi basta bastang espada ito."

Itinutok ni Yeman ang matalim na dulo ng Bastard Sword sa leeg ng goblin.

"Hehe paano ba yan? Mukhang hanggang dito kanalang. Keke!"

Shiing!

[STRENGTH INCREASE!]

[VITALITY INCREASE!]

[STAMINA INCREASE!]

[SENSE INCREASE!]

Tumaas pa ulit ang kanyang mga stats. Hindi mapigilan na mapangiti si Yeman. Dahili ramdam na ramdam niya ang paglakas ng katawan. Lalo na ang lakas na dagdag ng espada.

Tumalsik ang maraming dugo at gumulong ang malaking ulo sa lupa. Pagkatapos paslangin ang malaking goblin na parang orc ay dahan dahan naglakad si Yeman papasok sa kweba habang dinidilaan ang natutuyong mga labi.

Sa kanyang likod nakasabit ang Bastard Sword at kalawanging espada. Habang hawak naman sa kamay ang sinaklaw na dagger.

avataravatar
Next chapter