7 CHAPTER 5

Read, vote and comment is recommended.

Feel free to ask questions.

--

FIFTH CHAPTER

KIM's POV!

Nang nakarating na kami sa classroom ni Alyana, meron na si Sir Jake, ang poging creative and writing teacher namin pero hindi ko makakalimutan yung sinabi ni Nelle sakin kanina.

Nakakakiliiiiiggggggggggg mga bessy!!!!! Nag babye sakin ang my one and only Nelle ko at ngumiti pa siya sakin😍

"Babye Kim..." sabi ni Nelle sakin.

"Bernardino!" Sigaw ni sir Jake sakin.

"Bakit ka nakatunganga jan at hindi ka nagsusulat!" Sigaw ulit niya sakin.

"So..sor..sorry sir" sabi ko.

"TUMAYO!" Sigaw ni sir. CAPSLOCK para dama haha.

"Anu ang iniisip mo at nakatunganga ka jan?!!" Pagalit na tanung ni sir habang lumalapit sakin. Wag ka lalapit sakin sir, baka mayakap kita jan. Pogi eh.

"Gusto mo bang tumayo sa likod hanggang matapos ang klase ko ah!" Pagalit na sabi sakin ni Sir Jake.

"Hindi po sir, sorry po, hindi na po mauulit." Mahinhin kong sabi sakanya. Si Nelle kasi eh, masyadong nagpapakilig tuloy napagalitan ako ngayon pero ayos lang kinikilig pa din ako.

"At anung nginingiti-ngiti mo jan?!! Tumayo ka sa likod! Now!" Sigaw ni Sir Jake.

Naglakad ako sa likod at tumayo ako sa may tabi ng cabinet.

"Tignan ko lang kung makakangiti ka jan hanggang matapos ang klase ko, tatayo ka jan!" Sabi ni sir Jake sakin at tinuloy niya na ang discussion.

(MAKALIPAS ANG SAMPUNG MINUTO)

Nangangalay na ako, gusto ko na siya este gusto ko ng umupo pero hindi pwede. Habang nagsusulat akong nakatayo, napatingin ako sa labas at nakita ko si Elle na dumaan at napahinto sa harap ng pintuan namin, buti na lang gawa sa salamin yung pintuan kaya nakikita ko ang mga dumadaan haha.

Napatingin siya sakin at halatang nagulat dahil nakita niya akong nakatayo.

"Anung nangyari?" Sabi niya na pabulong.

"Napagalitan ako kaya hanggang dismissal akong nakatayo." Sulat ko sa papel gamit ang pentelpen ko na nasa bulsa ko.

Nagulat na lamang ako ng biglang...

Lumoob si Nelle sa classroom namin at lumapit sakin.

"Umupo ka na, ako na ang tatayo." Seryosong sabi niya sakin.

"Pero...hindi pwede." Sabi ko sakanya at pinapalabas ko na siya.

"At sinu ka?!!" Pasigaw na tanung ni Sir Jake kay one and only ko.

"Hi sir! Ako po si Nelle Jon Go, stem student po." Sabi ni Nelle with his sweet damn voice.

"Ampogi niyaaa...!!!" Naririnig kong sabi nung mga babae sa classroom.

"Diba yan yung sikat dito?" Sabi naman ng iba kong kaklaseng lalaki.

"At bakit ka nandito Mr.Go?" Tanung ni sir Jake.

"Ako na lang po ang papalit kay Kim, ako na lang at tatayo at paupuin niyo na po siya." Seryosong sagot ni Nelle at ngumiti.

"Okay, Kim umupo ka na." Sabi ni sir Jake sakin.

"Pero Nelle, may klase ka!" Bulong sakanya.

"Wala si sir kaya ayos lang, bestfriend naman kita kaya dapat ang magkakaibigan nagtutulungan." Bulong niya sakin.

Umupo na ako at ainulat yung nasa black board.

"Sir! Ako na lang po ang tatayo! Wag na si Nelle, napakapogi niya tapos papatayuin niyo lang." Sabi ng isa naming babae na kaklase.

"Ayieeee..." bulong sakin ni Alyana at kinurot ang aking leeg.

"Tumahimik ka nga!" Sabi ko sakanya.

"Wag mo ng patayuin si Nelle sir kundi isusumbong kita sa guidance!" Sabi naman ng president naming babae.

"Oo nga sir, bawal yan at sa Nelle pa namin mo gagawin!" Sabi naman ng isa naming sikat din na kaklaseng babae.

"Bahala kayo jan!" Sabi ni sir Jake at nag walk out.

"Yeheeeyyy!!! Wala ng klase wahahahaha..." sigawan ng mga kaklase ko.

"Thank you guys!" Sabi ni Nelle.

"Anything for you, Nelle." Sabi nung president naming babae.

"Kim, Alyana mamaya na lang, una na ako." Sabi ni Nelle at umalis na.

Fangirls kasi ni Nelle, Patrick at Rence karamihan sa mga babae doto sa school kahit nga mga junior high school,may crush sakanila eh. Kqkaiba mga kaibigan ko nuh? Napakswerte ko haha.

"Ahyss napakaswerte naman ng girlfriend ni Nelle." Sabi nung kaklase kong babae.

Napakaswerte nga, kaya nga matagal na sila eh, five years na sila since junior high school palang, sikat din sa school namin at mabait siya, alam niya na kababata at kaibigan nmin si Nelle kaya swerte sila sa bawat isa.

PATRICK's POV!

"Talaga bro ginawa mo yun? Huwaw haha lakas ng loob ah." Natatawa akong sabi kay Nelle matapos niyang ikwento yung ginawa niya sa room nila Alyana.

"Oo hahaha, nung nakatayo na ako, tumingi sakin yung president na babae kaya sininyasan ko siya na tulungan ako pagkatapos yung mga babae sa classroom nila pinagalitan yung teacher kaya nag walk out at nakalis ako wahahahaha." Kwento ni Nelle sabay tawa ng malakas.

"Nagngiwat ka Nelle!" Sabi nung kaklase naming lalaki na nagbabasa ng wattpad.

"Sorry, anu na naman ba yang binabasa mo?" Tanung ni Nelle sa kaklase namin.

"Crush Ko Si Sir Teacher (CKSST) Ang ganda eh, basahin mo din." Sabi niya at pinakita ang kwento.

"Boi hindi ako nagbabasa ng ganyan haha pero irerecommend ko yan sa girlfriend ko, sige, magbasa ka lang jan." Sabi ni Nelle at tinuloy na nung kaklase namin ang pagbabasa sa wattpad.

"Astig mo talaga hahaha." Sabi ko kay Nelle.

"Tayo pa wahahahaha, btw balita ko malapit ng bumalik kambal mo." Sabi ni Nelle na nagpasaimangot sa mukha ko.

"Ahyss hayaan mo yun, d ko nga alam doon, bakit ba kasi babalik!" Matay kong sagot.

Tama ang basa niyo, may kambal ako, si Dark Nikolas Ocampo, pangalan palang demonyo na diba? Haha juk✌ Kambal kami pero mas matanda siya, hindi din kami magkamukha dahil ang kamukha niya si mama, ako naman si papa at higit sa lahat MAS POGI ako sakanya. Hindi ko alam kung totoo na crush din niya si Alyana, tsk, daming babae jan, si Alyana pa.

Ayaw ko kasi siya for my bestfriend dahil babaero yun, sa ibang bansa sinasabi ni mommy sakin na iba't iba daw inuuwi nun pero virgin pa yun ah haha. Babaero lang talaga, kumbaga timer siya kaya hindi sila pwede ni Alyana dahil si Alyana para lang sa taong seryoso at hindi siya sasaktan, hindi ko din hahayaan na mapalapit si Alyana sakanya, baka akitin pa nun, hindi ako makakapayag.

"Ohh wag mong sabihing nagseselos ka dahil crush niya si Alyana." Sabi ni Nelle sakin habang inaayos ayos ang buhok niya.

"Classmate, braid mo buhok ko, thank you." Sabi ulit ni Nelle sa kaklase naming stylist ng buong classroom.

"Sige, wait lang." Sabi ung kaklase namin at lumapit kay Nelle at inayusan ito.

"Boi hindi ko gusto o crush si Alyana, kaibigan lang turing ko sakanya." Sabi ko kay Nelle at seryosong tumingin.

"Okay sabi mo eh pero sana wag mo kainin yan ah." Pang aasar na naman niya.

"Alam mo patrick, ako kaibigan ko din dati yung boyfriend ko ngayon, may pinsan siya na may gusto sakin tapos ayown hndi hinayaan ng boyfriend ko na mapalapit ako sa pinsan niya dahil sinabi pala ng pinsan niya sakanya na balak akong ligawan pero sabi ng boyfriend ko mahal niya ako, umamin siya sakin at nagtapat din ako sakanya, akala ko nga kaibigan lang talaga ang turing ko pero habang patagal ng patagal ang pagsasama namin, unti unti akong nagkagusto sakanya kaya wag mong sasabihin na kaibigan lang kasi hindi ikaw ang magdidikta, yang puso mo Patrick." Sabi nung kaklase ko sakin habang inaayos ang buhok ni Nelle.

"Tama ka jan classmate, apir!" Sabi ni Nelle at nag apir sila nung nag aayos sakanya.

"Ahyss bahala nga kayo jan basta kaibigan ko lang si Alyana at hanggang doon lang yun." Sabi ko sakanila.

"Tapos na Nelle." Sabi nung kakalae naming babae.

"Thank you, best classmate talaga ikaw." Sabi ni Nelle.

"Bola pa haha." Sabi nung babae at umalis.

NELLE's POV!

Wala nga ba talagang gusto itong si Parick kay Alyana? O dinedeny niya lang? Dark Nikolas bilisan mo kasi umuwi para magkaalaman na. Pag dumating si Dark Nikolas, doon ko malalaman kung may gusto ba itong si Patrick kay Alyana.

"Uy! Anung iniisip mo jan" gulat sakin ni Rence.

"Sa tingin mo, may gusto ba si Patrick kay Alyana?" Tanung ko kay Rence.

"Aheemmm....wala? Bet na lang tayo haha pag may gusto si Patrick kay Alyana ililibre kita ng lunch kahit saan in one week pero pag walang gusto si Patrick sakanya ako ang ililibre mo, deal?" Hamon ni Rence sakin.

"Sige ba, lunch at meryenda pa eh" sabi ko sakanya.

"Pero magsisimula ang hula natin kung dumating na ang kambal niya." Dugtong ko.

"Kambal? What the..dadating si Dark?! Patay tayo jan, eh napakaano ng lalaking yun." Sabi ni Rence.

"At may crush din yun kay Alyana dati pero malay mo hanggang ngayon pala crush niya pa din, si Dar Nikolas ang magiging susi para malaman natin kung may gusto si Patrick kay Alyana." Sabi ko sakanya.

"Anung susi susi kayo jan!" Biglang sabi ni Patrick na nasa likuran pala namin.

"Wala sabi ko, yung susi ng motor ko pala gusto ko palagyan ng keychain." Palusot ko.

"Rence..." seryosong tingin ni Patrick na kinakatakot ni Rence haha.

"Ah..oo..tama..tama yung sinabi ni Nelle parang gusto ko nga din palagyan yung akin." Sabi ni Rence na halatang natatakot sa mata ni Patrick haha.

"Ah palagyan pala ah, bakit may motor ka ba?! Ahyss ako na naman pinag uusapan niyo, ang kulit niyo, wala nga akong gusto kay Alyana eh." Sabi ni Patrick.

"Makikita natin." Bulong namin ni Rence.

"Anung sabi niyo?" Sabi samin ni Patrick.

"Ah walaaaaa..." sabay na sabi namain ni Rence at tumakbo sa field.

avataravatar