5 CHAPTER 3

Read, vote and comment is recommended.

Feel free to ask questions.

--

THIRD CHAPTER

NELLE's POV!

"Victory!" Sabi nung babae sa ML haha.

"Mythical glory is waving haha" sabi ni Patrick.

Andito kami ngayon ni Rence sa bahay ni Patrick dahil wala ang magulang niya,nasa abroad kaya ang lola niya ang nag babantay at nag aalaga sakanya na nakatulog.

"Lilinisin ko lang tong mga kalat natin baka kasi magulat si lola pag pumasok siya dito." Sabi ni Patrick.

"Ang bait naman talaga oh." Sabi ni Rence kay Patrick.

"Si Parick kaya yan, masungit sa school pero mabait sa bahay." Sabi ko naman,totoo naman eh.

"Alam ko haha,sige liligpitin ko muna ito para hindi na si lola pa ang maghuhugas mamaya." Sabi ni Patrick at lumabas dala ang mga ginamit naming baso at pitchel.

"Nelle may itatanong ako." Sabi ni Rence sakin.

"Anu yun?" Tanung ko sakanya habang naglalaro kami ng Mobile Legends.

"Gagawin kaya ni Patrick yung sinabi nung babae kanina na saktan yung babae na may crush sakanya?" Tanung niya sakin.

"Sa tingin ko hindi,hindi naman ganung lalaki si Patrick,hindi siya nananakit ng babae kahit na nasaktan siya dati at mabait si Patrick kaya hindi niya gagawin." Sabi ko.

"Sana nga kundi hindi ko na siya kakausapin pa dahil maling saktan at paglaruan ang damdamin ng isang babae." Sabi ni Rence.

"Huwaw! Advicer ah."Sabi ko sakanya sabay tawa.

"Anung pinagtatawanan niyo jan?!" Tanung ni Patrick.

"Wala, tinanung lang ni Rence kung gagawin mo daw ba yung bet na sinabi nung babae kanina,ang sabi ko hindi kasi hindi ka nananakit ng babae kahit na nasaktan ka na dati." Sabi ko sakanya.

"Hindi ko naman talaga yun gagawin." Sabi niya.

"Mabuti naman dahil once nananakit ka ng babae hindi ka na namin magiging kaibigan." Sabi ko sakanya.Realtalk lang kasi ayaw kong may masasaktan.

"Hindi ko yun gagawin at isa pa kababata natin si Alyana at Kim,nakakalaro nga natin dati yun eh." Sabi ni Patrick.

"Ah...naalala ko siya si Alyaya haha tapos ikaw naman si Patpatin hahahahaha ako si Nellelelele at si Rence ay si Rencey at si Kim nga eh Kimmot." Sabi ko sabay tawa.

"Ah sila ba yun wahahahaha." Sabi ni Rence.

"Ahyss nakalimutan mo na nga talaga." Sabi ko kay Rence.

"Makakalimutin ako eh pero may picture ako nung mga bata tayo nuh haha." Sabi ni Rence.

Naglaro na kmi ng playstation habang kumakain ng mga chichirya na nasa cabinet ni Patrick hahahaha.May cabinet ito ng mga pagkain kasi in case na tinatamad siyang bumaba,may pagkain siya na makakain sa kwarto niya habang naglalaro ng Mobile Legends syempre haha adik to sa online games eh.

PATRICK's POV!

Hindi ko naman talaga gagawin yung sinabi nung babae.Hindi ko kayang saktan si Alyana dahil naging kababata ko siya at mabait kaya yung pangit na yun wahahaha.

(7:00PM)

Habang nakahiga kaming tatlo na nanonood ng Harry Potter.

"Bro una na ako ah." Paalam ni Rence.

"Sige bro,salamat ah." Sabi ko naman sakanya.

"Chat chat na lang." Sabi ni Rence.

"Sige bro." Sabi naman ni Nelle at lumabas na si Rence ng kwarto.

"Ahyss kaboring yang panood haha,wala pang makachat anyameten." Sabi ko.

{ TRVIA : ANYAMETEN is a ilokano word,it means "Anu ba yan!" }

"Kung magNearChat ka kaya haha." Sabi ni Nelle.

"NearChat? Anu naman yun?" Tanung ko sakanya.

"Sa messenger yun, search mo lang 'NearChat' tapos gawa ka ng account mo doon, lagay mo nickname at full name mo then age at place tapos makakachat ka ng taong malapit lang sa lugar mo." Sabi ni Nelle.

Parang maganda pagtripan yang NearChat na yan ah😂

Kinuha ko ang cellphone ko at ipinunta ko sa messenger. Sinearch ko yung NearChat at may nagpakita nga kaya pinindot ko at gumawa ako ng account ko.

Nickname : Natsu Dragneel

Full Name : Patrick Nikolas Ocampo

Age : 19

Address : Heights Subdivision,Pangasinan

Nang matapos akong mag sign up, may nagpakita na 'CHAT NOW' kaya pinindot ko yun.

Hey! Nakahanap ako ng kachat mo!

Lucy - 19 - Pangasinan

TYPE THIS FF :

REVEAL - Makikita niyo ang full name at picture ng bawat isa.

END - tapusin ang chat niyong dalawa.

Lucy : Hi.

"Replyan mo yan, malay mo siya na diba? Maunna na din pala ako bro, may date pa pala kami ng girlfriend ko." Sabi ni Nelle.

"Sige bro,salamat." Sabi ko sakanya at lumabas na siya ng kwarto.

* CONVERSATION *

Lucy : anjan ka ba? Ieend ko na to.

Natsu : sorry late reply.

Lucy : otaku?

Natsu : hmm..oo? Ikaw?

Lucy : fairytail lang haha at coincidence ba to na Natsu ang nn mo at ako naman ay si Lucy haha.

Natsu : haha ewan, siguro, pwede or itinadhana haha.

Lucy : wahahahahahaha itinadhana nga😂 sorry, may crush na ako at loyal ako sakanya kahit walang kami haha.

Natsu : crush ka ba nun? Haha.

Lucy : hindi pero hindi ko siya mapalitan eh haha, alam mo ba dahil sa crush ko na yun na gitarista at mahilig sa opm, gusto ko din magkaroon ng gitara para matuto at nahilig ako sa opm bands dahil sakanya.

Natsu : wow haha btw gitarista nga pala ako sa Saint Louis Senior High School at pareho kami ng crush mo ah mahilig sa mga banda haha, malas naman ng crush mo haha.

Lucy : hindi nuh, swerte kaya yun at sa Saint Louis Din ako nag aaral pati si crush haha.

Natsu : talaga wow, sana magkita tayo bukas haha😂

Lucy : pwede din haha.

Natsu : malas ng crush mo kasi hindi niya pinapansin ang isang katulad mo na napaabait, pag ako nalaman ko na may crush ka sakin, hindi kita iiwasan, kakaibiganin pa kita, saya mo kausap at halatang madaldal ka kaya for sure masarap tahiin yang bunganga mo wahahahaha✌

Lucy : haha bakit ka gumamit ng ganito? May gf ka na ata jusko tapos gumagamit ka pa ng ganito.

Natsu : sana nga may gf haha, wala akong gf :) boring eh, umalis na mga kaibigan ko dito sa bahay kaya ako na lan nanonood ngayon ng harry potter tapos mamayang 9pm matutulog na ako.

Lucy : haha same, boring talaga haha.

Natsu : so....friends?

Lucy : oo naman! Kaibigan na tayo basta wag mo tahiin ang bunganga ko ah kundi friendship over na tayo haha.

Natsu : hndi nuh haha madaldal din kaya ako😂 kaya wag mo din tatahiin bunganga ko haha.

Natsu : anu nga palang name ng crush mo? Pwedeng malaman?

Lucy : hmm...sikat siya sa Saint Louis kaya pag kilala mo siya, wag mong sasabihin ah, si Patrick Nikolas Ocampo ang crush ko😍

Natsu : ah, anu bang nagustuhan mo doon? (Natatawa si Patrick dahil siya pala ang kausap ng babaeng may crush sakanya)

Lucy : yung pagiging gitarista niya, taga dito nga din yun sa Heights sub. Eh kaya kapitbahay ko lang tapos mabait yun pero pag sa school napakasungit.

Natsu : haha.

Lucy : bakit ka natatawa?

Natsu : pwede ba nating ireveal? Gusto kita makilala at maiadd sa facebook eh.

Lucy : sige :)

Natsu : reveal.

NearChat : Patrick meet Alyana Bautista aka Lucy Heartifilia - 19 - Heights Subdivision,Pangasinan.

Alyana meet Patrick Nikolas Ocampo aka Natsu Dragneel - 19 - Heights Subdivision,Pangasinan.

Natsu : Alyana? Ikaw yan? Wahahahahahah tignan mo nga naman oh, napakaliit ng mundo haha, wag mo ng ideny dahil ikaw na mismo ang umamin sakin.

Lucy : huhuhuhuhu bakit ikaw pa ang nakachat ko sa libo libong taong gumagamit nito, bakit ikaw pa huhuhuhu.

Natsu : oh friends na tayo ah at ayos lang naman na crush mo ko haha, madami ng nagkakacrush sakin, sanay na ako.

Lucy : tsk kapal. Balakajan, friends mo sarili mo, binabawi ko na oo ko.

NearChat : Lucy ends your chat.

* END OF CONVO *

Napakaliit nga naman ng mundo haha, sa dami ng babaeng pwede kong makachat sa NearChat siya pa, si Alyana pa na mismo ng umamin sakin na crush nga talaga niya ako haha. Hindi ko alam na ganun pala siya kadaldal at kasaya kausap. Nakakatawa siya na nakakainis dahil sa kadaldalan niya haha. See you tomorrow Alyana Bautista haha.

Excited na ako makita siya bukas at kung anu ang magiging reaksiyon niya pag nagkita kami matapos niyang aminin sakin na crush niya ako hahahahaha.

__

PLAGIARISM IS A CRIME!!

--

Add or follow niyo ako sa facebook ko: Abigail Parayno😊 Thank You!💕

avataravatar
Next chapter