1 Chapter 1

Mabagal ang ginagawang paglalakad ni Liezel papunta sa table kung saan naghihintay ang ka-date niya. Alam niyang late na siya pero balewala yon sa kanya. Sinasadya niya talagang paghintayin ang mga lalaking nakakadate niya. And besides napilitan lang naman siya dahil sa pakiusap ng kaibigan niyang si Serina.

Isinet-up siya nito sa isang malayo nitong kamag-anak na nakilala niya sa party nito last week. Hindi na niya ito masyadong matandaan but according to Serina ay mukhang na love at first sight daw ito sa kanya. Kaya ayun kinulit na siya ng kaibigan na pumayag sa isang dinner date.

Pagkatapos ng ilang tawag ay napa-oo na rin siya. Tutal ay single naman siya ngayon.

Henry Miranda ang pangalan ng ng nirereto ni Serina sa kanya, isang architect.

Isang apologetic na ngiti ang pinakita niya dito ng makarating na siya. "I'm sorry I'm late."

"Its okay sandali pa lang naman ako naghihintay." Inalalayan pa siya nitong umupo.

Nginitian niya uli ito. Isang oras siyang late at sigurado siyang matagal itong naghintay.

"You look so beautiful and elegant tonight Liezel." Puri agad nito sa kanya. Alam niyang hindi siya nito binobola dahil kahit naman napilitan lang siya ay nag-effort naman siyang magpaganda. Nakatorqouise silk jersey dress siya na lagpas tuhod. Naemphasize din ang hubog ng kanyang katawan dahil body hugging ang damit niya. She's always forgiven for being late by looking good. Men like it if you dressed up for them.

"Thank you. You also look great." Hindi rin niya ito pinaplastic. Totoo namang may itsura ito at maganda ang tindig. Magaling din itong manamit at nabida na rin sa kanya na may sarili itong architectural firm. Hindi na masama.

"Nasabi sa akin ni Serina na may-ari ka pala ng isang man power agency." Simula nito habang naghihintay sa inorder nilang pagkain.

"Well ang totoo may kapartner ako pero sa ngayon busy siya sa kanyang personal life kaya ako muna ang in-charge." Business partner niya ang kanyang pinsang buo na kakasal lang at kasalukuyang nasa ibang bansa para sa honeymoon nito.

"Buti at may time ka pang lumabas kasama ako."

"Sabihin na nating maganda ang pagkakabuild-up sayo ni Serina."

"I hope I will not disappoint."

"So far you're doing great." Sagot niya dito. Charming ito at attentive. Hindi rin ito cheapskate. Mahal ang restaurant kung saan ito nagpareserve. Talagang nagpapaimpressed ito sa kanya and she likes it. Mukhang inalam din nito ang paborito niyang pagkain dahil ito pa talaga ang nag-order para sa kanya.

Nasa gitna sila ng conversation nang biglang nagring ang cellphone niya. Noong una ay wala siyang balak sagutin ang tawag pero nang makita niya ang pangalan nang tumatawag ay nagbago ang isip niya.

"I'm sorry but I need to answer this." Paalam niya dito.

"No problem, sagutin mo na baka emergency."

Mahina ang boses niyang sinagot ang tawag para hindi siya marinig masyado ng kaharap.

"Hello?" Bakit ka napatawag?" May naririnig siyang parang musika sa background. "I'm on a date and yes, nakakaistorbo ka."

Pagkatapos ng tawag ay pinasok niya agad ang cellphone sa bag niya.

"I hope you dont mind me asking, sino ba yung tumawag?" tanong naman ni Henry.

"A good friend of mine brokenhearted kasi. Kaya gusto ng kasama. Saan na nga ba tayo?" pag-iiba na niya ng usapan.

"Well you're asking me if I could help you design yung extension ng office nyo na balak nyong itayo ng pinsan mo." paalala nito.

"Oh yeah. Nasabi kasi sa akin ni Serina na you're a great architect, bigyan mo ako ng discount ah." Naramdaman niyang nagvibrate ang cellphone niya. Siguradong minessage na naman siya ng kaibigan. Kahit ayaw niyang ipahalata ay hindi na siya mapakali.

"Sure kahit libre pa. Tsaka hindi naman talaga ako magaling. She... " pinutol na niya ang sasabihin pa nito.

"Henry uhmmm I'm sorry but I need to go. My friend needs me." Kahit nahihiya siyang mas matagal pa ang pinaghintay nito kesa sa actual date nila hindi na siya nakatiis na hindi magpaalam dito.

"It's alright, hindi namang tama na i hold pa kita when you're obviously worried about your friend." Nakakaunawang sagot nito.

"Babawi ako sa susunod." She does feel guilty na iwan ito.

"Ihahatid na kita." Offer pa nito.

"No need may dala akong sasakyan. I'm really sorry. I had a great night."

"Me too, I hope pumayag ka uling lumabas kasama ako sa susunod." Habol pa nito.

"Of course." Mabilis niyang sagot dito at pagkatapos noon ay nagmamadali na siyang umalis. After reading the text message ay sumakay na siya sa kotse and sped off.

Halos thirty minutes din siyang nagdrive bago siya nakarating sa bar kung saan naroroon si Nathan. Hindi na niya ito tinawagan para sabihing darating siya. Nang makapasok na siya ay nakita niya agad ito na umiinom malapit sa bartender. Hindi niya agad ito nilapitan. Pinagmasdan muna niya ito ng ilang minuto. Hindi sa nag-aalangan siya puntahan ito. Hinahanda lang niya ang sarili.

Mukhang broken hearted pa rin ito at matatagalan pa bago ito makarecover base na rin sa kagustuhan nitong laging nag-iisa. Surpresa ngang tinawagan siya nito.

Pagkatapos niyang huminga ng malalim ay lumapit na siya with a poker face. She can't show him na naaawa siya dito.

Dahil busy ito sa pag-inom at pagtingin sa kawalan ay hindi siya agad nito napansin. Kaya medyo nagulat pa ito nang magsalita siya. "Nakapagtataka ka rin. Ikaw itong nakipagbreak pero ikaw tong mas miserable." Sabay upo sa tabi nito.

"Akala ko may date ka. Why are you here?" takang tanong nito.

"Ano pa eh di para samahan ka while you wallow in your misery." Pagkatapos niya itong tingnan mula ulo hanggang pa ay umiling siya and rolled her eyes.

"I know I'm pathetic." Sagot nito.

"Buti alam mo. Kulang na lang may sign diyan sa dibdib mong nagsasabing miserable ako. Mag-isa bang magpakalasing sa bar?" kinuha niya ang inorder nito at tsaka niya ininom.

"That's mine." Pero hindi na rin nito tinangkang kunin sa kanya ang baso.

"You had enough." Pinigilan na niya ito nang akmang oorder na naman ito ng panibago.

"Pumunta ka lang ba dito para sermunan ako? O baka naman gusto mo uli akong awayin like the last time. Ang tinutukoy nito ay ang pang-aaway niya dito nang makipagbreak ito sa kaibigan niyang si Andrea. Hindi niya ito pinansin ng mahigit isang buwan. But seeing him right now na parang isang malaking talunan, she can't help but feel sorry for him. Pero hindi niya basta puwedeng iparamdam ang awa niya dahil baka lalo itong mag self-pity.

"Sucked it up and moved on." Balewala niyang sagot dito.

"Parang ikaw? Madaling makapag-moved on." May laman ang sinabi nito sa kanya.

Hindi naman siya nagalit dito. She has a reputation sa kanilang magkakaibigan. Mabilis daw siyang mainlove pero mabilis ding ma fall-out of love. Sinabihan pa nga siya nito minsan na isa raw siyang heartbreaker.

"Yes parang ako." Pagsang-ayon niya dito. Hindi siya nakatingin dito kundi sa baso ng alak.

"Hindi mo ako katulad Liezel. I can't just go out with some random girl. Hindi ko kaya."

"So you're saying I like going out with some random guy? You make it sound like I'm an easy girl." Hindi niya tinago na nasaktan siya sa sinabi nito.

"I'm sorry you know that's not what I meant. Isa pa ngang scotch." order uli nito sa bartender.

"Tama na nga yan." Sinenyasan niya ang bartender na huwag na itong bigyan ng maiinom. "Why dont we just get out of here ng makalanghap ka naman ng sariwang hangin." Aya na niya dito.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong nito.

"Sa bahay ko gusto mo?" she smiled teasingly at him.

"Medyo lasing na ako Liezel baka patulan kita."

"Yeah right." Mapakla niyang sagot dito. Matagal na akong sumuko sayo Nathan. "Ano sasama ka ba o gusto mong iwan na lang kita dito?" tanong na lang niya uli dito sabay tayo.

"Ganito na lang samahan mo na lang ako and I promised hindi na ako iinom. Kuwentuhan na lang tayo."

"Ano naman ang gusto mong pag-usapan natin?" hindi naman ito madaldal.

"Anything. Matagal na rin naman na tayong di nakakapag-usap. Mula nung maghiwalay kami ni Andrea hindi ka na rin nagpakita sa akin." May konting hinampo sa boses nito.

"Ikaw tong gustong nag-iisa tapos nagtataka kung bakit hindi tayo nakakapag-usap."

"Alam ko namang you hate me dahil sa paghihiwalay namin ni Andrea."

"At kailan naman ako nagalit sayo ng matagal? I was just surprised. Sandali nga may tanong lang ako sayo. Sabi sa akin ni Andrea nakipag break ka sa kanya dahil sa babae pero bakit kahit anino ng babae na yon hindi ko nakita. Meron ba talagang babae o baka naman lalake ang pinalit mo sa kanya?" curious na tanong niya dito. Kilala niya ito sa pagiging loyal. Kaya hindi siya makapaniwala na third party ang dahilan ng break-up nito at ni Andrea.

Medyo natawa ito pero halatang may lungkot pa rin. "Sige sasabihin ko na sayo ang totoo. Pero huwag mo akong pagtatawanan."

"Promise," itinaas pa niya ang kanang kamay.

"Nakipag break ako sa kanya para magpahabol at makapag-isip na rin." Pag-amin nito.

"What? Ano ka babae? Nagpapahabol?" hindi siya makapaniwala sa narinig.

"Alam mo namang kaya ako nagtrabaho ng two years sa Dubai para mapaghandaan ang buhay pag-aasawa ko."

Nang makapasa ito sa Civil Engineering board exam ay agad itong nag-abroad para makaipon.

"Pero nang ayain ko naman si Andrea na magpakasal pagkabalik ko, tinanggihan naman niya ako. Kesyo gusto muna niyang mapromote sa trabaho. Nang mapromote naman siya hindi pa rin daw siya ready. Nakipagbreak ako dahil akala ko kapag nawala ako mararamdaman niyang importante kami sa isa't-isa." .

"So nagsinungaling ka at sinabi mong may mahal ka nang iba." Hindi niya tuloy alam kung maaawa dito o maiinis.

"Wala akong sinabi sa kanya she assumed na may babae ako at hindi ko itinama yung assumption na yon."

"College pa lang tayo kilala mo na si Andrea. You should know better. Ayaw nun ng pinipilit at lalong hindi ka nun hahabulin. Alam mo minsan talaga may pagkatanga ka eh." Ngali-ngali niya itong batukan. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya eh sa nangyari na ang lahat.

"Oo na tanga na at huli na rin para bawiin pa ang pakikipagbreak ko dahil may iba na siya ngayon."

"Oh well ganyan talaga ang buhay. You need to accept the fact na nakahanap na siya ng ibang mamahalin." Sagot na lamang niya dito.

"Minsan iniisip ko kung minahal niya ba talaga ako kasi parang ang dali sa kanyang palitan ako." Pasisimyento di asukal na naman nito.

"Sigurado naman akong minahal ka niya. Yun nga lang eh tinamaan ng kupido sa iba. You can't really predict things. Nagbabago ang damdamin."

"Nasaan na ba siya ngayon? Masaya ba siya?" Tanong nito.

"Ayon balik probinsya may inaasikasong bagay dun. Hindi ko alam kung kailan ang balik niya. You know what ganito na lang ang gawin mo. Why don't you go on blind dates? May mga kakilala ako na naghahanap ng boyfriend. Sigurado akong pasado ka sa mga taste noon." Suhestyon niya dito.

"Hindi na yata ako sanay. I mean mahigit apat na taon din kami ni Andrea."

Matatag ang naging relasyon ng dalawa. Kahit nagtrabaho si Nathan ng dalawang taon sa ibang bansa ay hindi nag-break ang mga ito. Nagkaroon lang talaga ng problema nung yayain na ngang magpakasal ni Nathan si Andrea. Ang totoo ay hindi rin niya maintindihan kung bakit tinanggihan ito ni Andrea. And yet fell head over heels in love with a guy a she met sa hometown nito. Whirlwind romance daw ang nangyari at ngayon nga eh may balak na raw itong magpakasal. Kakaiba rin talaga ang pag-ibig.

"Puwede ba Nathan. Ikaw pa you're a smooth talker you can charm any woman you like." Pagbibigay lakas loob niya dito.

"Pag-iisipan ko yang suggestion mo but for the meantime I think I need to unwind first. Baka kailangan ko munang magbakasyon."

"Bakasyon na naman? Di ba kagagaling mo lang ng Hongkong two weeks ago." Kahit hindi sila nag-usap ng matagal ay nakibalita pa rin siya dito.

"Trabaho yon. Pero wala naman akong balak lumayo. Babalik na lang muna ako sa pagpipinta o photography"

"Well kung makakatulong yon sa recovery mo why not."

Bigla ay tumunog ang phone niya. Napasimangot siya.

"Sagutin mo nayan."

Napilitan siyang sagutin ang tumatawag "Hello karl. Wala ako sa bahay I'm with a friend. No he's not a new boyfriend. He's an old friend si Nathan. I'm sure you know him. I'm busy next week. No hindi ako puwede. Just leave me alone okay." At pagkatapos ay binaba na niya ang phone at pinatay yon.

"Sino yon at mukhang nabubuwisit ka na."

"Si Karlo."

"The lawyer?"

"Yup the annoying lawyer. Gusto ko na ngang humingi ng restraining order sa korte para tantanan na

niya ako. Hindi yata tumatanggap ng pagkatalo. Wala namang mangyayari sa mga apila niya."

She dated the guy for three months pero pagkatapos nun ay nilayuan na niya ito.

"But I thought he's the one. Puring-puri mo nga siya sa akin last time."

"Well I was wrong. He's too competitive." Balewala niyang sagot dito.

"Di ba nakipaghiwalay ka kay Art dahil you felt na he's too laid back. That's why you dated Karl because he's the total opposite."

"Eh sa ayoko na sa kanya."

"If I didn't know you better iisipin kong galit ka sa mga kabaro ko." naiiling ito sa ginagawi niya.

"Nathan I don't hate men. Mataas lang talaga ang standard ko." katwiran niya dito.

"How about Vince? Nung umalis ako papuntang Dubai ang ganda ng relasyon ninyo. Nalaman ko na lang sa mga kaibigan natin na break na pala kayo. Ni hindi mo nga sinabi sa akin samantalang halos araw-araw tayong nag-uusap online." Si Vince na tinutukoy nito ay ang pinakamatagal niyang naging boyfriend mahigit isang taon din ang naging relasyon nila. Akala nga niya nung una ay ito na ang hinahanap niya. Hindi kasi ito demanding at ginagalang ang pagiging medyo conservative niya. Marami kasing nag-iisip na dahil mabilis siyang magpalit ng boyfriend eh liberated na rin siyang mag-isip pagdating sa pakikipagrelasyon. Nothing can be farther from the truth. Mas maingat pa nga siya dahil takot siyang matulad sa magulang niya na hiwalay na ngayon. Pero kahit anong ingat ay nagkamali pa rin siya ng pagkakakilala kay Vince. Nalaman niyang may tinatago pala itong girlfriend sa hometown nito. Hindi siya nagkuwento kay Nathan dahil ayaw niyang mag-alala ito sa kanya.

Wala pa rin siyang balak magkuwento dito sa ngayon. Kaya nagdahilan na lang siya "Eh sa wala kaming mapagkasunduan." Sagot na lamang niya dito.

"I think you're just being fickle minded."

"Hindi ako fickle minded." Kontra niya. "In fact I'm the opposite. Ako yung tipo kapag nagmahal hindi na basta-basta pa nagbabago."

"So bakit ang bilis mong magpalit ng boyfriend at hindi ka nababakante" kahit close sila ay hindi talaga ito nag-uusisa tungkol sa buhay pag-ibig niya. Hindi naman kasi ito pakialamero. Nagtatanong lang siguro ito sa ngayon para malayo ang usapan sa buhay pag-ibig nito.

"Simple lang hindi ko sila mahal. I want to give them a chance kaya ako nakikipagdate sa kanila pero wala eh. Walang spark. At kung meron man sa umpisa eh hindi nagtatagal"

"Naniniwala ka sa spark?" medyo natawa ito.

"At ikaw hindi?" tinaasan niya ito ng kilay. Kilala niya ito. He's a romantic at heart. Isa yon sa mga charms nito.

"You sound like an idealistic teenager."

"Whatever Nathan, ganoon ka rin naman. Mas idealistic ka pa nga at sentimental kesa sa akin."

"Not anymore."

"One heart break and you're already jaded? Masyado ka naman yatang mabilis sumuko."

"Hindi pa naman ako sumusuko. Pagod lang. Ipapahinga ko muna ang puso ko sa mga spark na yan."

"Fine, so gusto mo na bang umuwi?" aya niya uli dito.

"Sige na nga mapilit ka." tumayo na ito. Medyo hindi na ito diretso maglakad. Hindi naman kasi ito sanay uminom.

"Give me your keys." Nilahad pa niya ang kamay dito.

"I can drive." Sagot nito.

"Like hell i'll let you drive in your condition."

"Hindi ako lasing." Pagmamatigas nito.

"Gusto mo pa bang itanong ko sa bartender kung ilan na ang naorder at nainom mong drinks? Give me your keys Nathan." Mas pinaseryoso pa niya ang kanyang boses.

"Fine act like you're my mom."

"With the way you're acting baka nga tawagan ko si Tita Cora sa US nang makatanggap ka ng sermon." Medyo pagbabanta niya dito. Close siya sa ina nito. Siya pa nga ang naging tulay para matanggap ni Nathan ang muling pag-aasawa nito. Maaga kasi itong nabiyuda. Five years ago ay may nakilala ito at nainlove sa isang foreigner. Ayaw ni Nathan na mag-asawa uli ito pero sa pangungumbinsi niya ay napapayag na rin niya ang kaibigan. Kaya ngayon nga ay nasa US na ang mama nito kasama ang asawa.

"You won't do that." Medyo namumungay na ang mga mata nito.

"At bakit naman?"

"Dahil kapag ginawa mo yon magpapanic yon at pipilitin na naman ako nung magmigrate sa America at sa ngayon baka makumbinsi na niya ako. And you wouldn't want that to happen because I know you'll miss me." And for the first time ay ngumiti ito. Yung klase ng ngiti na nakikita niya tuwing he's trying to be charming. Bihira ang babaeng hindi nabibighani sa ngiting iyon. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso niya. His smile still has the same effect on her after all these years.

"I'm glad hindi nawala ang tiwala mo sa sarili mo kahit broken hearted ka. But you're right I'm going to miss you, ego and all." Nakangiti na rin niyang sagot dito. Buti na lang at sanay na siya sa madalas na paglalambing nito sa kanya. Hindi rin nito minamasama ang pagiging prangka niya dito. Ganoon sila kakomportable sa isa't-isa. Minsan nga ay sobra na.

Tinuturing siya nitong bestfriend na babae. At madalas ay siya ang hinihingan nito ng payo patungkol sa lovelife nito. Well si Andrea lang naman talaga ang nagtagal na girlfriend nito. At ayon na rin dito ay tatlo lang naman ang naging girlfriend nito at kasama na roon si Andrea. Unlike her na hindi na nagsawa sa pangongolekta pero hanggang ngayon ay wala pa ring napipili.

Kaya nga hindi niya inaasahan ang paghihiwalay ng dalawa. Medyo naipit din siya sa sitwasyon dahil pareho niyang kaibigan ang mga ito. Pero alam din naman niya sa sarili na kahit ano man ang mangyari ay hindi niya magagawang tikisin si Nathan. At yun na nga ang nangyari. Isang simpleng tawag sa phone at kinakausap na niya uli ito na parang walang nangyari. Wala siyang pakialam kahit ito pa ang may atraso kay Andrea, susuportahan din niya ito.

Ilang segundo rin itong nakipagtitigan sa kanya na para bang tinitimbang ang determinasyon niya. Nang masigurado nitong hindi siya papayag na hindi siya ang magdrive sa wakas ay binigay na rin nito ang susi sa kanya.

"Masunurin ka rin pala kahit papaano."

Pinuntahan na nila ang kotse nito. Tahimik lang itong nakasunod sa kanya. Bubuksan na sana niya ang pinto nang umupo si Nathan sa hood ng kotse nito.

"Tambay muna tayo dito. Ayoko pa talagang umuwi. I really dont like being alone in my cold apartment."

Napilitan siyang tumabi uli dito. "Patayin mo kasi aircon mo. Makakatipid ka pa sa kuryente." Medyo pagbibiro niya dito.

Ngumiti uli ito pero halata pa rin ang lungkot sa mga mata nito. "I'm sorry alam kung ayaw mo ng mga melodramatic stuff. Minsan na lang kitang tawagan problema pa ang dadalhin ko sayo."

"As if naman hindi na ako sanay sayo. Nathan we've been friends for years. Kahit ano pang dahilan sasamahan kita. Ganoon ka rin naman sa akin. Naalala mo nung nagbreak kami nung first boyfriend kong si Roland sinamahan mo rin naman ako ah." She doesnt like to bring up the past pero gusto lang niyang ipaalam dito na hindi ito nag-iisa.

"Who would have thought that our friendship will so far outlast lahat ng ating mga romantic relationships?"

"Simple lang naman ang dahilan, we never expected anything from each other. At ganoon naman talaga dapat ang friendship walang masyadong expectation. Too much expectation ruins everything." Sagot niya dito.

"Yeah" humiga muna ito at pinikit ang mga mata. Halatang hilo pa ito dahil sa nainom.

Ginamit naman niya ang pagkakataong nakapikit ito para pagmasdan ito ng mabuti. Kahit medyo lasing ito ay hindi naman nawala ang boyish charm nito. Baby face kasi ito at may malalalim na dimple sa magkabilang pisngi. Heart throb talaga ito nung nasa college pa sila. At isa talaga siya sa mga kinilig dito noon. Ang lihim na tawag pa nga niya dito dati ay Mr. Dimple. Medyo darker version kasi ito ni Aga Muhlach. It also doesn't hurt na para itong ambassador of goodwill. Lagi itong nakangiti sa lahat.

Too bad his sweetest smile eh hindi nakareserve para sa kanya kundi sa kaibigan niyang si Andrea kahit una naman niya talaga itong nakilala.

Kung first come first serve lang sana ang pag-ibig.

avataravatar
Next chapter