webnovel

Prologue

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Prologue

Nakatanaw lang ako sa labas. Kanina ko pa napapansin na puro nagtatayugang puno nalang ang nakikita ko. Naliligaw ba kami? I think ang layo na namin sa syudad. Ilang oras na kaming bumabyahe? Dalawa? Tatlo? Gaano ba kalayo ang skwelahan at napunta kami dito sa malagubat na lugar? Sobrang tahimik at niisang tao ay wala akong nakita. I remember the movie The Wrong Turn, we eere like in that movie. I suddenly get nervous of my thoughts.

Tila nakahinga ako ng maluwag nang hininto ni Mama ang sasakyan sa harap ng isang mataas na kulay gintong gate. Bakit parang iba ang pakiramdam ko dito? Sinilip ko ang itaas na bahagi nito kung saan may nakasulat na "Welcome to Alucard Academy". So this will be my new school huh.

But it's so weird. A school in a middle of a forest? Hindi naman nakakatakot dahil sobrang bago ng gate nila. At ang mga vines na kumakatay sa gilid nito ay mukhang sadyang inilagay doon. Sa gilid ng gate ay may estatwa: sa kaliwa ay babaeng may hawak na maliit na kulay puting crystal habang sa kanan ay lalaki na may hawak na punyal na gawa sa pilak.

I wonder if totoo ang ginto, crystal at pilak na nandito sa gate? This school must very expensive. How can my mother afford this one?

"Nandito na tayo." anunsyo ni Mama at naunang lumabas ng kotse. Hindi ko namalayang nakapasok na pala kami sa loob, sa sobrang lalom ng iniisip ko.

Halos malaglag ang panga ko literally laglag na siya dahil hindi ko akalaing palasyo pala ang pupuntahan namin at hindi paaralan! Pagkababa ko sa sasakyan, inilibot ko ang aking mata sa paligid.

May mga matataas na puno sa gilid ng daan at halama't bulaklak sa gilid ng drive way. May dalawang drive way kung saan may fountain sa ginta. At sa gitna ng fountain ay isang babaeng may hawak na punyal sa kanang kamay na nakataas at sa kaliwa naman ay isang maliit na sisidlan kung saan umaagos ang tubig. Ang gandang pagmasdan sa mala-kristal na tubig.

Clean and clear. But mysterious.

This place is so beautiful and enchanted. I think I'm in a fairytale right now. Hindi ko akalaing may ganitong klaseng lugar. Pinaghalong vintage at modern ang mga desinyo. Kaso kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa lugar. Naninibago lang siguro ako.

Agad naagaw ang atensyon ko sa babaeng nakangiting naglalakad pababa ng hagdanan patungo sa direksyon namin. I think nasa mid 50's na sya dahil sa kulobot niyang balat pero lumilitaw parin ang kagandahan nito. At halatang mataas ang posisyon nya sa paaralan dahil sa tindig nitong karespe-respeto.

"It's been a long time Caroline. How are you?" nakangiting bati niya kay Mama at agad niyakap nang makalapit siya sa amin.

They know each other?

"I'm fine. Ikaw ang ganda mo parin. Walang kupas." pabalik na bati ni Mama na ikinatawa nito.

Hinampas niya ng mahina ang braso ni Mama. "Sos! Bolera ka parin." atnagtawanan silang dalawa.

Sige usap lang kayo. Wala ako dito. Nagmumukha akong hangin sa harapan nila.

My mom grab my elbow. "Oh I forgot to introduce my daughter. Senthia, this is my daughter Crystal Maoey. And Crystal, this is my friend Senthia Titania." I smiled.

I extended my hand na agad niyang tinanggap. "Nice to meet you po." I said politely.

She smiled. "Nice to meet you too, hija." tumingin siya saakin at kay mama. "Hindi mo sinabing mala dyosa pala ang kagandahan ng anak mo, Caroline." namula agad ang pisngi ko sa narinig.

"Saan pa nag mana?" biro ni Mama. Senthia just chuckled.

Niyaya nya kaming pumasok sa loob dala ang gamit ko. It's a dormitory school. Pagpasok namin ay bumungad sa akin ang kagandahan sa loob.

Diko alam kung panaginip lang ba ito o hindi. But it's so damn beautiful and amazing.

Ang chandelier nito ay puno ng dyamante na nagsisilbing ilaw. Sa gitna ng hall ay may dalawang hagdan na paliko sa magkabilang direksyon. Sa gitna nito ay ang napalaking painting ng isang napakagandang babae na nakasauot ng vintage gown. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang nilalang sa tanang buhay ko.Her fierce blue eyes ang umagaw sa atensyon ko. Tinitigan ko ito ng matagal. Her face is perfect. At sa ibabang bahagi ay may pangalang nakaukit na kulay ginto.

"Mistress Hacientta Margaret Vlad" pagbasa ko sa pangalan.

Kumunot ang noo ko nang may maramdamang presensiya sa likod. Ngumiti ako at humarap sa nagmamay-ari ng presensiya at nagbabakasali na isang studyante dito ang bubungad pero wala. Nawala ang ngiti ko nang makitang walang ibang tao dito.

Nasisiguro kong may tao kanina sa likod ko. Inilibot ko ang aking paningin sa bawat sulok pero niisang anino ay wala akong nakita.

"CM!"

Sinulyapan ko muli ang babae na nasa painting bago pumasok sa isang silid kung saan nanggaling ang boses ni Mama na tumatawag sa akin.

"Please take care of my daughter." rinig kong sambit ni Mama pagkapasok ko.

"No need to say that. We will." nakangiting tugon ni Ms. Senthia kay Mama.

"Mama." tawag ko at lumapit sa kanya. Biglang lumungkot ang ekspresyon sa mukha niya.

"I'll miss you, baby." malungkot nyang sabi. Kumunot naman ang noo ko.

"Eh? Wag ka ng malungkot, Ma. Uuwi naman ako every weekend diba?" pagpapagaan ko sa loob nya. Hindi agad nakasagot si Mama.

Something is wrong.

"Of course. Diba Caroline?" si Ms. Senthia ang sumagot. Tumango lang si Mama.

Nag-usap muna sila saglit bago nagpaalam si Mama sakin. Bigla tuloy akong nalungkot.

"Wag kang pasaway okay? Yung mga sinabi ko sayo wag mong kalimutan." pagpapaalala ni Mama habang nakayakap sakin.

Humigpit ang yakap ko sa kanya. 'Of course!" natatawa kong sabi.

Napatingin ako kay Senthia na pinapanuod lang kaming mag-ina. Agad siyang nag-iwas ng tingin.

Di nagtagal ay umalis na si Mama. Sumunod ako kay Miss Senthia, ituturo nya daw kung saan ang dorm ko.

Di ko napansing may elevator pala sa katabi ng silid kung saan kami pumasok kanina.

Pumasok kami sa elevator. Pati ba naman elevator ginto? Pinapahanga talaga ako sa skwelahang ito. Sana mapahanga din nila ako sa mga studyante nila na magiging schoolmate ko. Bigla ko tuloyng naalala ang presensiya kanina. Baka nagkamali lang ako.

Huminto ang elevator sa 2 floor.

Nasa likod lang ako ni Miss Senthia habang tinatahak namin ang hallway sa magiging dorm ko. Parang 5star hotel ang dorm nila.

Sobrang mamahalin at ganda.

Hindi ko mapigilang hindi puriin ang bawat bagay na nakikita ko.

Yung mga studyante kaya. Mababait kaya sila? Sana. Walang akong nakitang ni isang studyante pagdating palang namin. Baka nasa mga dorm nila. Bukas pa kasi ako papasok and it's Sunday today.

Last week pa nag-umpisa ang klase nila.

Biglang humarap si Miss Senthia sa akin. "This will be your dorm." di ko namalayang nasa harap na pala kami sa kulay brown na pintuan na may numerong 201.

Halos kapusin ako ng hininga sa isang pares na matang kulay abo na nakatitig saakin pagkabukas ni Miss Senthia sa pinto.

Prente siyang nakaupo sa sofa. At deretsong nakatitig sa akin.

Diko namalayang naitulak pala ako ni Ms. Senthia sa loob dahil nasa taong nakaupo ang atensyon ko.

"Please to meet your room mate." narinig ko nalang ang pagsarado ng pinto pagkatapos sabihin ni Miss Senthia ang katagang yun.

What the f!?

Nanatili akong tulala sa harap ng isang napaka gwapong lalaki. Ba't may lalaki dito? Baka nagkamali lang si Miss Senthia. Baka dorm to ng mga boys. My gosh! Ang gwapo ng nilalang na ito. Pero mali yata ang pinaghatiran ni Miss Senthia sa akin!

Pinilig ko ang ulo ko. No, this is a mistake! Tumalikod ako at pipihitin ko na sana ang door knob ng bigla siyang nag salita.

"Where do you think your going?" halos tumindig lahat ng balahibo ko sa malamig ng boses. Shit.

"A-Ahm kay Miss Senthia. Nagkamali siguro siya sa pinaghatiran sa akin." nanginginig ang boses kong sabi.

"I am your room mate. Walang mali." malamig niyang tugon.

This time napanganga na ako. What!? A boy will be my room mate!? Di ba nila naisip kung anong pwedeng mangyari pag magkasama ang babae't lalaki sa isang room!? Hindi naman sa hahayaan kong may mangyari!

"Hindi ka ba na inform ni Miss Senthia sa bagay na to?" obvious ba? Di ko mapigilang irapan sya.

"Kung na inform ako di sana ako magugulat ng ganito." inis kong sabi sa kanya.

He gave me death glare. Kung kanina natakot ako sa malamig na boses at mata nyang nakatitig. Mas lumala ngayon. Mapapaaga yata ako nito.

"Ayusin mo ang pagsagot mo, bago kalang dito." mas malamig pa ang boses niya kaysa sa ice. Oh fuck.

"Nasan ang kwarto ko?" yan nalanf mismo ang lumabas sa bibig kong nanginginig.

Mas mabuti pang sa kwarto nalang ako. Para kasing papatayin ako ng kasama kong 'to.

Tinuro nya ang puting pituan na katabi sa blue na pinto. Kwarto nya siguro yun. Nagmadali akong pumasok sa kwarto ko. Pakiramdam ko kasi nakatitig siya sa akin sa likod. Creepy.

Parang condo itong dorm. Kung kanina hotel ngayon condo. Ang laki kasi ng space ng kwarto ko. Thank god kumpleto lahat ng gamit. Inayos ko muna ang dinala kong gamit bago nahiga sa kama.

Napahikab ako at tiningnan ang oras sa wrist watch ko. Eight pa ng umaga. Maaga kasi kaming bumyahe kanina ni Mama papunta dito kaya inaantok pa ako. Mamayang hapon nalang ako mag libot-libot.

Nagising ako dahil ring ng ring ang phone ko. Mabilis ko namang sinagot.

"Hello.." inaatok kong boses. "Baby, kumain ka na ba ng lunch mo?" napabangon ako ng marinig ang boses ni Mama.

Lunch? Anong oras na ba? Napatingin ako sa wrist watch ko. 2:10 p.m!? Ang taas naman ng tulog ko. "Hindi pa po,Ma. Natulog kasi ako pagdating ko sa dorm ko kanina."

Matagal bago namin binaba ang tawag sa isa't isa dahil kailangan ng bumalik ni Mama sa trabaho at kailangan ko na ding kumain. Kumakalam na ang sikmura ko.

Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Naka V-neck white shirt at jeans lang ang suot ko at naka sneakers.

Mabilis akong pumasok pabalik sa kwarto ng may marinig akong nagtatawanan. Sumilip ako at nakita kong may mga tao sa sala.

"Oy Zion nasan na ba ka room mate mo? Tinakot mo ba kaya hindi lumabas?" natatawang sabi ng lalaking kasama nila.

Tumingin si Sungit sa direksyon ko dahilan para bigla kong naisarado ang pinto. Shit! Nakita niya ako. Inis akong magpapadyak-padyak at natigilan bigla. Bakit ba ako nagtatago dito? Hindi naman nila ako kilala kaya okay lang na mgapakita ako. Dadaan lang naman ako sa harap nila para lumabas sa dorm.

Napatango ako sa naisip. Tama. Dadaan lang ako na parang wala sila.

Napatalon ako sa gulat nang may biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Kamalabog ang dibdib ko at nanginginig ang kamay kong inabot ang door knob para pagbuksan sila. Kinakabahan ako baka pagtripan nila ako lalo na't kabago-bago ko pa lang dito.

What if mga bully sila? Tapos kakaladkarin nila ako palabas at dadalhin sa malawak na lugar kung saan makikita ng lahat ng mga studyante ang pagpapahiya nila sa'kin?

Pinilig ko ang ulo ko. Me and my expectations again. But I can't help to think about that. Lahat ng school ay may bully and some of them are boys na walang magawa sa buhay nila. They bully because they want something fun in there boring life. Bakit hindi nalang sila mag-aral diba? Mas makakatulong pa 'yon sa kanila kesa araw-araw silang mang-trip ng mga kapwa nila studyante.

Napailing ako. Masyado naman ata akong judgemental at advance mag-isip.

Kumunot ang noo ko ng marinig ang isa sa kanila na nasa labas parin ng kwarto ko.

"Woah. Grabe pa lang mag-imagine ang bago mong roommate Zion!" sabi nito at binuntunan ng tawa.

Napaawang ang bibig ko.

"Holy fuck....did he know what I'm thinking?" di mapaniwala kong sabi.

Tinitigan ko ang nakasarang pinto na nasa harap na para bang nakikita ko sila. Damn it!

Lalabas ba ako? Napakamot ako sa ulo at sumandal sa pinto habang nag-iisip kung ano ba ang sapat kong gawin.

Biglang nanlaki ang mga mata ko at napayakap sa aking sarili. What the? Baka bigla nila akong gagahasain?! No way! Mukhang mali ang paaralan na pinasukan ko!

Mas lalong napahalakhak ang lalaki na nasa labas hula ko ay 'yon din ang nagsalita kanina.

Sunud-sunod ang kanyang mura na para bang tuwang-tuwa siya at hindi ko alam kung anong ikinatutuwa niya.

Muli akong napaigtad sa gulat nang kumatok muli ang nasa labas. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pinihit ang door knob at buksan ang pinto. Nag-angat ako ng tingin sa kanila at halos malusaw ako sa kinatatayuan ko nang makita ang tatlong pares na iba't-ibang kulay na mga matang nakatuon sa akin.

This three guys standing in front of me are damn gorgeous!

Next chapter