26 Kabanata Walo [3]

"NAKAKA-INTIMIDATE tignan si Vinceo, Arlette. Hindi ko alam na may ganito pala siyang ugali," pahayag ni Myceana kay Arlette sa pamamagitan ng isipan, "Literal na naka game-face-mode siya." Aniya sa nanghahamong mukha at tusong ngiti ng lalake sa may 'di kalayuan.

"Marunong siyang manira ng konsentrasyon Myceana, h'wag kang papatalo."

Tatlumpung metro ang layo nila sa isa't isa pero klarong-klaro niya ang galaw ng mukha ng lalake at ang mga pawis na tumatagaktak pababa ng pisngi nito. Gaya ng hiningi nito ay pinagbigyan niya ang hamon ng lalakeng magkaroon sila ng sagupaan ng kaniya-kaniyang kakayahan. At sa puntong ito ay seryosong-seryoso na si Vinceo, malayong-malayo ito sa lalakeng nakakausap niya araw-araw na palaging masayahin. Ngumingiti nga naman ito ngayon, pero iba na ang kahulugan.

Inaamin niyang may pangamba siyang nadarama sa pinaggagawa ng lalake, alam niya ang kapasidad nito kung kaya't gano'n nalang kaliit ang naiisip niyang tsansa ng pagkapanalo. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng lalake sa mga lumulutang na mga likidong metal na umiikot sa katawan nito, sa kinikilos ay parang may hinihintay na pagkakataon si Vinceo. At ilang ilang saglit pa ay nagulat si Myceana nang makita niya kung paano bumuhos at naghalo-halo ang likidong metal hanggang sa ito'y maghugis espada na napakatalas at napakakintab dahil sa sinag ng araw.

"Unahan mo siya Myceana, hinihintay ka lang niya."

Dahil sa hindi rin naman siya makapaghintay ay agad niyang kinontrol ang mga nakatambak na drum sa tabi; ang lima nito ay mabilis niyang pinagulong patungo sa gawi ng lalake, samantalang ang tatlo pa ay malakas niyang hinagis sa kinalulugaran nito. Hindi pa rin siya nakuntento at sinundan pa ang mga atake, sa kumpas ng kamay ay nilipon niya lahat ng mga alikabok sa paligid at ito'y sinaboy sa lalake.

Sa isang kurap lang ay inulan ng makapal na alikabok si Vinceo, walang ideya si Myceana sa pinaggagawa nito bagkus ay naghanda na lang siya sa maaaring atake nito pabalik. Bilang depensa naman ng lalake ay 'di na siya nagulat pa nang makitang nagsiliparan papalayo ang mga drum na hinagis at pinagulong niya kanina; nayupi na ang mga ito at nagkabutas-butas matapos tuhugin at hatiin ito ng espada. Doon ay napagtanto niyang walang silbi ang alikabok na panggulo niya, sapagkat nagbagsakan lang ito sa lupa at naroon pa rin ang lalake, nakatayo ay may gas mask na nakatakip sa mukha na gawa rin sa metal na nagsilbing proteksyon. 

"Ang bilis,"

"Mag-ingat ka,"

At gumanti nga ang lalake, nawindang na lang siya nang sunod-sunod na nagsiliparan patungo sa kaniyang gawi ang mga metal na mahahaba at matutulis animo'y mga sibat. Bago pa man siya matamaan nito ay agad niyang sinalag ito sa pamamagitan ng puwersang depensa saka hinawi ito patungo sa ibang direksyon. Agad namang nakaka-atake pabalik ang lalake nang mabilis nitong nalilikom pabalik ang metal na tumilapon sa malayo saka hinahagis muli ito sa kaniya bilang maliliit na patalim na 'di mabilang sa rami.

Kinontrol naman niyang muli ang mga drum na natapon sa tabi't hinarang ito sa harap niya, roon ay damang-dama talaga niya ang lakas ng puwersang dulot ng lalake nang saluhin ng drum na depensa ang lahat ng mga patalim nito. Kasunod nito ay sumilip siya't kinonrol ang iba pang paparating na patalim at hinahagis ng diretso sa ere, patungo sa himpapawid. Nang wala nang natira pa ay hinagis niya rin papalayo ang drum na tadtad ng patalim, papalayo sa impluwensiya ng kakayahan ng lalake saka kinontrol ang magkabilang kamay nito upang pigilan na sa pag-atake.

Kinotrol niya rin ang mga kable ng kuryente na nakalambitin sa gilid ng factory at ginamit ito upang talian ang magkabilang kamay at paa ni Vinceo, mahigpit niyang ipinulupot ito hanggang sa pati mata ng lalake ay binalot niya't tinakpan din. Bilang reaksyon ay walang-tigil itong nagpumiglas at gustong-gustong kumawala sa higpit ng nakapulupot na kable; sa pagkabulag din naman nito at pinagbigkis na mga paa ay nawalan kaagad ng balanse ang lalake't bumagsak sa lupa. At sa lupa ay mas lalong nagwala at nagsisigaw ito habang walang-tigil sa pagmumura.

"Alisin mo 'to!" malakas na sigaw ng lalake na halos pumutok na ang ugat sa leeg, pulang-pula na rin ito at kumakapit na ang alikabok sa katawan, "Myceana! Pakiusap!"

"H'wag."

Akmang aalisin na sana niya ito nang pigilan siya ni Arlette, "Bakit?" tanong niya't binalingan ng tingin si Arlette na inoobserbahan si Vinceo mula sa malayo, ibinaba na lang niya ang sariling kamay at pinanood na lang ang paghihirap ng lalake.

"Tignan natin kung kakayanin ba niya."

"Nakakaawa na siyang tignan Arlette---."

Sa 'di inaasahang pagkakaton ay halos lahat ng bagay sa paligid ng lalakeng nagwawala ay gumagalaw at nag-iiba ng hugis, animo'y pauli-ulit itong niyayanig na paniguradong gawa lang din ng lalake. Naalarma na si Myceana sa nakikita, parang nag-iba na aksyon ni Vinceo na malayong-malayo sa inaasahan niya. Dahil dito'y nakuha rin ang atensyon ng iba pa nilang kasama; nagsilapit sina Valtor, Renie, at Cyan na pawang nag-aalala't nababahala sa pinapakita ni Vinceo.

Kapalit ng ginawa ni Myceana ay lubos siyang nagimbal nang makaramdam ng biglaang paninikip ng dibdib, kinapos siya sa paghinga at kahit anong singhap niya ay wala talaga siyang nalalanghap na hangin. Agad siyang nanghina't napaluhod sa lupa habang hawak-hawak ang sariling leeg, umaasang sana'y mawawala ang kung anong bagay na nakaharang sa kaniyang lalamunan. Saglit siyang napatingin sa paligid upang humingi ng tulong, nang sa kasamaang-palad ay nakita niya rin ang paghihirap nina Valtor na para bang isdang inalis sa tubig.

"Tama na, Vinceo!" sigaw ni Arlette na nasa malayo't hindi naapektuhan sa paghihirap nilang apat, "Vinceo mapapatay mo sila!" sigaw niya sa isipan ng lalake't kinontrol ito.

Hindi na nagugustuhan pa ni Arlette ang nangyayari't naalarma siya sa posibleng masamang mangyayari, hindi niya inaasahang ganito pala kalala ang gagawin ng lalake kapag ito'y matutulak na sa bingit ng kamalayan. Kung kaya't sinubukan niyang kontrolin ang katawan ng lalake at pinigilan ito sa paggalaw, gano'n na rin ang utak nito na pangunahing dahilan ng pagpapalabas ng sariling kakayahan.

Sa isang hudyat ay laking-pasasalamat niya nang magawa niyang manipulahin si Vinceo at ang nagwawalang lalake ay nanigas sa kinahihimlayan. Natigil na rin ito sa pagtatangka ng buhay ng kanilang kasamahan, bagay na ikinagaan ng loob ni Arlette. At hindi nagtagal ay nakita niya nakahinga na rin sina Myceana; malakas itong suminghap ng hangin at hinang-hinang napadapa sa lupa habang hinihingal. Pati sina Renie ay hinang-hina rin at

"Myceana, alisin mo na yung nakapulupot na kable." utos niya.

"A-Anong d-dahilan ba't nagkagano'n si Vinceo?" tanong ni Myceana.

"Muntikan na akong malagutan ng hininga," hinihingal na saad ni Valtor.

"May na-trigger kang alaala niya, isang masalimuot niyang kahapon na lubos niyang ikinatakot balikan." Sagot niya't nilapitan si Myceana,

"Pero h'wag kang mag-alala. Okay lang siya at sa ngayon ay wala muna siyang malay-tao."

"P-Pasensya na Arlette, su-sumobra ako." Ani nito nang makatayo sa suporta ni Arlette.

"Sige na, alisin mo na yung tali niya. At saka kayo Renie at Valtor, buhatin n'yo siya't ilagay roon sa loob ng van. Kailangan niyang magpahinga muna." Utos niya na sinunod naman ng lahat.

"Anong nangyari Arlette?"

Napalingon siya't nakita niyang si Digit pala itong paparating na may bahid ng pag-aalala ang mukha, "May kaguluhan lang sa pagsasanay, naging seryoso ito hanggang sa tangkaan na ni Vinceo ang lahat ng buhay na narito."

"Si Vinceo?!"

"Oo, boluntaryo siyang sum---."

"Sana 'di n'yo na pinasali, hindi n'yo alam na namatay ang pinakamatalik niyang kaibigan dahil sa kakahayan niya." Bulyaw nito, "Sumusobra na kayo!"

"Alam ko yun."

"E' bakit mo siya pinatuloy?!" nangangalaiting tanong ni Digit.

"Kailangan niyang subukin ang sariling kakayahan at kontrolin ito." Rason naman niya, "Kailangan niyang harapin ang sariling takot."

"Minsan naiisip kong baliw ka na Arlette. Siguraduhin mo lang na walang mangyayari sa kaniya ngayong wala na siyang malay." Pagbabanta nito at saka tinalikuran siya't tinungo ang kinalulugaran ni Vinceo na pinagtulungang akayin nina Valtor.

▪ ▪ ▪

ALAS DIYES NA NG gabi at tulog na ang lahat ng kasamahan niya. Nang masigurong mahimbing na nagpahinga na ang lahat ay dahan-dahan siyang bumangon mula sa hinihigaang karton na nakalatag lamang sa sahig, at saka maingat na humakbang patungo sa dulo, sa isang sulok ng factory kung saan naroon ang lumang palikuran.

Panay siya sa paglingon upang siguruhing hindi siya nasusundan at sa kadiliman ay sinanay niya ang sariling mata, dahan-dahan lamang siyang humahakbang sa takot na baka may masagi siyang nakaharang na bagay. Hanggang sa ilang saglit pa'y narating niya rin ang comfort room na puno ng alikabok na kaniyang nalalanghap at sapot ng gagamba kaniya ring nasasagi. Napatakip na lang siya ng sariling ilong upang 'di siya gaanong makakalanghap lalo pa't nagsimula nang mangati ang kaniyang ilong.

"Myross…" tawag niya sa kawalan.

"Kumusta na? Ano na ang balita riyan?"

"Tuluyan na akong nakahalo sa grupo, nagawa ko na ring makipaghalubilo na hindi napapansin."

"Mabuti naman kung gano'n, siguruhin mong magtatagumpay ka't makukuha mo ang kinakailangan kong impormasyon."

"Hindi ko kayo bibiguin."

"Tunay ngang mas lalo nating mapapakinabangan ang 'yong kakayan ngayon kaya pag-isipan mo muna ng maigi ang bawat hakbang. Mahirap nang mabisto ka nila. Alalahanin mo na ang ating hinaharap ang nakasalalay rito."

"Para sa altered."

"Para sa altered."

avataravatar
Next chapter