webnovel

Kabanata Labing-Isa [1]

SA LABAS NG FATORY NA pinagtataguan nila sa nakalipas na mga linggo ay naroon sina Myceana at Vinceo na nakaupo sa ibabaw ng kotse na kapuwa kumakain ng tinapay. Sa simula ay tahimik lamang sila habang pinapanood ang ibang mga kasamahan na may kaniya-kaniyang inaasikaso sa loob ng gusali, hanggang sa hindi nagtagal ay binasag ng lalake ang katahimikang namamagitan.

"Myceana, anong nakita o naranasan mo no'ng nahulog ka sa ilusyon ng telepath? Ano ang pakiramdam?"

"Para siyang totoo, hindi mo talaga malalaman na nasa ilusyon ka na; yung parang nananaginip ka lang na kahit ikaw mismo alam mong hindi na makatotohanan yung nangyayari pero naloko't naisip mo pa ring totoo ito." Paliwanag niya habang nakatingin kay Arlette na kanina pa nakatulala sa tabi ng kinahihigaan ni Beth, "Sa simula ay akala naming inatake na kami ni Arlette, pero kalaunan ay nagulantang na lang ako nang namalayan kong mag-isa na lang pala ako. Nakita ko ang sarili na nasa loob ulit ng pasilidad ng Herozoan, roon sa silid na kinamumuhian ko ng lubos, kaya gano'n na lang ang takot ko."

"Anong nakita mo? O ano bang nangyari?" tanong ulit ng lalake, "Pero kung ayaw mong sagutin, ayos lang."

"Muli kong naranasan yung araw na pinatay ko mismo yung natatangi kong kaibigan." Malungkot na pahayag ng babae nang maramdamang parang pinupunit ang kaniyang puso sa naaalala, "Ang desisyon ko na lubusan kong pinagsisisihan hanggang ngayon."

Sa narinig ng lalake ay muli rin niyang naalala ang kaganapan nitong umaga lang kung saan habang nagmamaneho siya ay ginambala na naman siya ng pilit kinakalimutang alaala, "P-Pareho pala tayo, pawang sinubok tayo ng Herozoan na kitilin ang buhay ng taong malalapit." Aniya.

"Zoea, yung pangalan niya. Napakabait niyang tao, no'ng mga panahon na parang 'di ko na kakayanin pa ang pinaggagawa nila ay siya lang itong naroon para sa 'kin. Para ko na siyang kapatid." pahayag nito habang binabalikan ang nakaraan at mapait na napangiti, "Pero pinatay ko siya, naging makasarili ako."

"Walang may gusto sa pinaggawa ng Herozoan Myceana. Napilitan ka rin noon alang-alang sa kaligtasan mo."

"Kung sana ginamit ko yun upang iligtas ang buhay namin---."

"Alam mong hindi mo yun magagawa Myceana. Alam nating hindi na yun posible pa dahil mas lalong naging mahigpit ang seguridad nila. Makakalabas ka nga sa silid mo pero hindi sa pasilidad." giit ng lalake.

"Kontrolado talaga nila tayo gamit yung bagay na nasa sentido natin." tan ni Myceana at biglang napahawak sa sariling sentido at dinama ang bakas ng naiwang peklat."

"Sinubukan ko ring sirain 'yun noon, pero nakabaon pala ito hanggang sa loob ng utak natin. Ayon pa nga sa mga scientists ng Herozoan ay ikakamatay ko ito kung susubukan kong hilain, alisin, o sisirain. Kaya sa mga panahong yun ay gustong-gusto kong bunutin ito upang magpakamatay, 'di ko na kasi kaya ang pinapagawa nila, pero nagawan nila ito ng sulusyon." salaysay ng lalake, "Sa tuwing magtatangka ako ay kinukuryente nila ang ulo ko hanggang sa mawalan ako ng malay, paulit-ulit na lang na gano'n hanggang sa nagsawa na rin akong . Imbes na manlaban ay sumunod na lang ako at naghintay ng tamang tiyempo para tumakas at makipaghiganti."

"Gano'n din sa 'kin," turan niya nang maalala ang mga panahong nanlalaban siya sa mga nag-eeksperimento ng kakayahan niya, "Buti na lang talaga at nagkaroon ng pagsabog, hindi ko alam kung ano pang paghihirap ang mararanas natin kung hindi nangyari yun."

"Siguro nasa loob pa tayo o napabilang na sa Project Void. Ang hi---."

Sa 'di inaasahan pagkakataon ay ginambala ang kanilang kapayapaan nang biglang tumilapon ang dalawa matapos nakaramdam ng malakas at mainit na puwersang tumama sa kanila. Sa kabila ng mabilis na pangyayari ay nagawa pa rin namang bumuo ni Myceana ng puwersang humarang sa kanilang katawan, kung kaya't 'di sila bumagsak at sa kaniyang gabay ay marahan silang lumapag na nakatayo. Paglingon nila ay roon sila nagulantang nang bumulaga sa kanilang paningin ang tatlong lalakeng altered na nakasuot ng unipormeng pang Herozoan, at may kasama itong mga sundalo na armado nakatutok sa kanilang gawi ang mga nagtataasan nitong baril. Bilang proteksyon ay agad na kinontrol ni Myceana ang kotseng pinagsampahan nila kanina at hinila ito papalapit, ginawa niya itong pangharang sa kanilang dalawa at kapuwa napayuko nang muling nagkaroon ng malakas na pagsabog kalakip ang sunod-sunod na pagpapaputok ng baril.

"Void altered," pahayag ng lalake na sinang-ayunan niya.

"Arlette ma—."

Habang ginagawang pansalag sa umuulang bala ang kotseng sinasandalan ay natuon ang kanilang pansin sa malaki at naglalagablab na apoy sa kabuoan ng lumang factory. Sa lakas ng atake ng mga altered na biglaang umatake ay wala silang magawa kung hindi ang panoorin kung paano tupukin ng apoy ang gusali; unti-unti na rin itong gumuguho at pinangangambahan ni Myceana ang ideyang naroon sa loob ang kanilang mga kasama.

"Arlette? Arlette nasaan kayo?" aniya na sinusubukang alamin ang kaligtasan ng ibang kasama.

"Myceana papalapit na sila rito sa puwesto natin." Babala ng lalake matapos silipin ang papalapit na kalaban sa ilalim ng kotse, "Kailangan natin silang labanan, hindi tayo makakatakas ng buhay."

"Bwisit, papaano ba nila natatagpuan ang pinagtataguan natin?!" hindi makapaniwalang saad niya at nag-isip ng paraan paano nila lulusutan ito lalo pa't wala rin siyang kaide-ideya sa mga uri ng altered na umatake.

"Hindi ako sigurado kung may pareho ba kay Cyan ang Herozoan o sadyang may traydor ang grupo natin." Tugon naman ng lalake habang humahango ng mga patalim sa kamay gamit ang steel na nakuha niya sa sasakyan.

"Sa hudyat ko, paslangin mo ang lahat ng sundalo at ako na ang bahala sa proteksyon." Pahayag ni Myceana habang minamasahe ang mga kamay na gagamitin niya sa pagmamanipula ng kakayahan.

"Mukhang magandang plano 'yan." tumango naman ang lalake at mula sa mahahabang patalim na nagawa ay hinahati niya ito sa tatlo upang dumami ito.

"Isa…dalawa…tatlo!" sa hudyat niya'y agad siyang napatayo kasabay ng pagkontrol ng sasakyang humaharang, hinagis niya ito sa gawi ng mga altered na akmang aatake ulit sa kanila, at saka hinawi at sinalag naman ang mga umuulang bala patungo sa kanilang gawi.

Ngunit, nagimbal na lang siya nang makita ang kotseng hinagis niya ay biglang nadurog habang nasa ere pa ito at ang mas malala pa ay nasaksihan nila kung paano ito ginawang isang malaking bilog ng lalakeng nasa gitna. Walang kahirap-hirap nitong binago ang hugis ng lumang kotse na para bang isang hamak na papel. Samantalang ang dalawa pang mga altered na nasa tabi nito ay nagsitakbuhan patungo sa factory kung saan naroon sina Renie at Valtor na kakalabas lang, kung kaya't hinayaan niya lang itong lagpasan sila ni Vinceo, bagkus ay pinagtuonan na lang ng pansin ang banta ng lalakeng altered sa harap niya.

"Shit, isa siyang psychokinetic gaya ko."

Heto na ang updates para sa inyo!

XenontheReapercreators' thoughts
Next chapter