1 Chapter 1

Alex's Point of View

8:30 P.M.

Nandito ako ngayon sa labas ng aking bahay.  I wanted to become independent that's why I bought my own house at the age of 22. Simple lang naman ang bahay ko.  It is a 2-storey house, painted with pastel color blue. May maliit na garden and a garage suited for 2 cars. It has 3 rooms sa taas at may isa naman sa baba. Meron ding mga simpleng terrace ang bawat kwarto sa itaas kung saan nagsabit ako ng mga hanging plants to add on it's aesthetic look.

Noong una, tutol na tutol sina mommy sa pagbukod ko, pero in the end, wala rin silang nagawa. Ako pa ba? Magpapapigil ba ko? When I decided on something, I see to it that it will happen. What I want is what I get.

Okay, saan na tayo napadpad? Ang daldal ko ba masyado? Hindi naman siguro. Ganito lang siguro ang epekto ng walang gaanong nakakausap dahil mag-isa sa bahay. Makakarelate kayo sa 'kin kapag bumukod na rin kayo sa parents niyo.

Back to what I'm doing right now,  nakasandal ako rito sa  bakod ng bahay ko habang hinihintay ang aking mga club buddies slash loyal friends na sina Shane at Darren.

I prefer calling them loyal friends than best friends. Wala lang. Trip ko lang. Pake mo ba?

Tumingin ulit ako sa aking relo. Kanina pa ako tingin nang tingin pero wala pa rin sila. Tatlumpong minuto na silang late. My gosh! What the hell happened to them? They're getting on my nerves. Nakalimutan ba nila na may lakad kami ngayon o masyado lang silang busy sa pakikipaglandian sa kung saan? Grrr! 21st century!

They can just beep me for a second so that I can go on with the plan. ALONE.

"What's with that sour face, bitch?"

Kahit hindi na ko mag-angat ng tingin ay alam ko kung sino ang nagsalita. Si Shane.

Bubugahan ko na sana siya ng apoy ng aking galit, ngunit nang makita ko ang itsura niya, napanganga ako. Literally.

Pawis na pawis siya. Bitbit din niya ang kaniyang heels at nakasuot siya ng oversize na black shoes ng lalaki.

Hindi ko pa naisasatinig ang mga tanong sa aking isip ay sumagot na siya.

"Nasiraan ako ng kotse. Sumakay ako ng taxi. Nasiraan ulit sa labas ng village. No choice, naglakad ako. It seems like this is my lucky day, right?" she asked sarcastically.

Hindi na lamang ako sumagot. Hinila ko siya at pumasok kami sa bahay. Pinagshower ko siya, pinagpalit ng damit at pinag-ayos.

After 15 minutes, she's done.

"I feel refresh again. Hooo! Ang lagkit-lagkit ko kanina."

"Madalas ka kasing swertehin e. Note the sarcasm," I laughed and she pouted.

"By the way, you look like an angel in your outfit tonight. All white, huh?" she commented.

"Wild angel, Shane." I winked.

Marahan siyang napatawa dahil doon.

Lumabas na ulit kami para hintayin si Darren.

10 minutes later, he arrived.

"Where have you been? You're 45 minutes late," Shane asked him.

Kung makatanong akala mo hindi siya late.

"May dinaanan lang."

"Girl?" I queried.

Darren looked at me and smiled.

"Yes...but--"

I cut him off.

"That's cool. Lumalovelife na ata ang baby Darren natin, Shane."

"Sinabi mo pa. Halata sa mata."

Sumakay na kami ni Shane sa kotse habang nagtatawanan. Wala na ring nagawa si Darren kun'di ang mamula na lang sa kahihiyan.

Ako na ang nagdrive dahil pagod pa si Shane. Ikaw ba naman maglakad mula sa labas ng subdivision hanggang sa bahay ko.  Ewan ko lang kung gugustuhin mo pang umulit. Hahaha! Kotse ni Darren ang gamit namin dahil hindi pa ko bumibili ng sasakyan ko. Pinag-iipunan ko pa. Ibinalik ko kasi kina mommy 'yung sasakyang ibinigay nila sa 'kin nung grumaduate ako ng college. Nakakasawa rin kasi kung puro bigay nina mommy lahat ng gusto ko. Mas may thrill kung ako mismo ang magrereward sa sarili ko ng mga bagay na inaasam ko.  All my life, binibigay nila lahat ng gusto ko until one day I woke up and realized that it's kinda boring when you can just get everything in one click. That's why I decided to be on my own and work hard for my wants.

Nandito na pala kami sa bar na pakay namin. Ipinark ko sa parking lot ang sasakyan at sabay-sabay na kaming pumasok.

Ngunit nang nasa pintuan na kami, bigla kaming hinarang ng guard.

"Sorry, sir. Pero bawal po ang minor."

Ah mali. Si Darren lang pala ang hinarang. Hahaha!

"Pffft," pagpipigil ko ng tawa.

Bagong bar kasi itong pinuntahan namin kaya hindi pa kilala si Darren. And mukhang minor naman talaga siya.

Sinamaan niya 'ko ng tingin saka binalingan ang gwardiya.

"I'm not a minor anymore. I'm already 21, sir," he answered confidently.

Napangiti ako.

He lied confidently. Lol. He's just 17 years old. Pero matangkad siya. 5'10 na siya.

And sanay na 'yan magsinungaling. Ginagawa niya 'yan sa lahat ng bar na pinupuntahan namin. Nagpupumilit kasing sumama sa pagba-bar hopping namin ni Alex kahit minor pa lang siya.

Humingi ag pasensya ang guard at pinapasok na kami.

Dumiretso kami sa sofa na nasa gilid. We love to stay at corner.

We ordered drinks and observed people here.

After 30 minutes...

"Have you spotted--"

"Yes, Shane. My eyes were wide open and I saw my target for tonight. Crystal clear."

"Who's the lucky guy?"

"That boy over the counter. Drinking alone. I think he's in his mid 20's."

"Oh my gosh! That's Timothy!"

"You know him?"

"Of course! Anak siya ng boss ko. Siya ang tagapagmana ng Deluxe Company."

"O-kay. I'm not into profile, Shane. He's just a new flavor for me."

She rolled her eyes.

"I know right. I'm just telling you."

I looked at Darren.

Mukhang badtrip na naman siya. Tuwing pumupunta kami ng bar ay palaging hindi maipinta ang kaniyang mukha. Ewan ko nga kung bakit sumasama pa siya gayong parang hindi naman siya nag-eenjoy. Baka gusto Nita Lang talagang ma-experience para Hindi siya ma-left out ng ibang kabataang nagba-bar hopping na rin.

"Are you okay? Hindi na naman mai-drawing ang mukha mo."

Hinawakan ko ang mukha niya and mainit 'yon. Namumula na rin siya. Mukhang marami na siyang nainom.

 

"Okay lang ako," tipid na sagot niya saka iniiwas ang kaniyang tingin.

"Alright. By the way, what do you think of that guy?" Itinuro ko 'yung lalaking natipuhan ko na according to Shane ay Timothy daw ang pangalan at tagapagmana ng company na pinagtatrabahuan niya.

"For me, he's no fun. Boring. Dull."

"As usual, puro negative ang sagot mo."

"I'm just telling my point of view. Girls and boys' point of view differ."

I rolled my eyes.

"Whatever."

Tumayo na ako at naglakad patungo sa aking target.

Tumabi ako sa kaniya at umorder ng tequila.

Ni hindi man lang tumingin sa akin ang loko.

Lumingon ako kina Darren at siya na lang ang naiwan doon. Shane is now enjoying herself on the dance floor.

Mabuti pa siya, nag-eenjoy.

How about me? I'm getting bored here.

Mas lumapit ako nang kaunti sa kaniya at sinadyang tabigin ang basong nasa harapan niya.

"What the--"

Bumakat sa kaniyang asul na polo ang walong pandesal niya.

Mabilis akong tumayo at tinulungan siya sa pagpunas.

Nang hahawiin niya sana ang kamay ko'y hinigit ko ang kaniyang necktie saka inilapit ang mukha niya sa akin. Nagulat siya kaya naman napatitig siya sa aking mata.

"Do you want to taste a wild angel tonight? Or you want an angel to taste you?" I whispered to him seductively.

Marahan niya akong itinulak at nag-smirk.

"I'm sorry miss, but I'm not interested."

And then, he left.

He left me astounded and embarassed.

My first ever rejection.

Darn it! Fuck it!

I didn't see it coming.

Ìt seems like this is also my lucky day . Grrrrrr!

I smirked.

No worries. I might not be able to get you now but I will soon.

avataravatar
Next chapter