webnovel

Albularyo: The Filipino Shamans

KingNato · Fantasy
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 5: The Sacrifices for the New Generation

Unang pinuntahan nina Gloria si Mang Juan na isa ring albularyo na gumagamit naman ng buntot ng paginsa pagtataboy ng mga halimaw. Ngunit nabigla sila sa dinatnan nila sa bahay ni Juan. Nakita nilang bukas ang pintuan ng bahay ni Juan at pagpasok nila nakita nila si Juan na duguan at naghihingalo na.

Juan:(Habang nag-aagaw hininga) Gloria iisa-isahin daw nila tayo.

Gloria: Dugong Itim ba ang may gawa nito sayo?

Juan: Oo.

Gloria: Kung ganon mukang inuunahan nila kami para hindi namin masabi sa iba na nakalaya na si Iskwag.

Juan: Papanong nangyari yon?

Victor: Nagkaroon daw po kasi ng lamat ang dimensyon na pinagtapunan kay Iskwag.

Juan: Sino ka iho?

Gloria: S'ya ang apo ni Jose. Juan patay na si Jose pinatay nila si Jose dahil nalaman ni Jose na nakalaya na si Iskwag.

Juan: Kung ganon Gloria dapat na kayong magmadali. Sabihan n'yo na ang lahat ng miyembro ng "Kapatiran" upang makapaghanda. Bilisan n'yo na iwanan n'yo na ako dito. Nararamdaman ko na na ito na ang katapusan ko.

Victor: Mang Juan!!

Juan: Victor kunin mo itong kuwintas na ito. Bibigyan ka n'yan ng proteksyon sa oras ng panganip.

Victor: Isang anting-anting.

Gloria: Victor, magmadali na tayo kaylangan pa nating masabihan ang iba.

Kahit anong gawing madali nina Gloria at Victor lagi silang nauunahan ng Dugong Itim hanggang sa makarating sila sa bahay ni Mang Tomas, isang albularyong eksperto sa panggagamot.

Gloria: Tomas mabuti naman at hindi pa kami nahuli.

Tomas: Nabalitaan ko ang nangyari sa mga dati nating mga kasama sa "Kapatiran".

Gloria: Kung ganon tara na kaylangan nating magsama-sama upang bumuo ng pwersa.

Tomas: Tama.

Natalia: Lolo aalis po tayo?

Tomas: Oo Natalia.

Gloria: Natalia nasa malaking gulo tayo ngayon kaya naman dapat tayong magtago muna at bumuo ng pwersa.

Natalia: Kung ganon ihahanda ko na po ang mga dadalhin natin.

Sa gitna ng pag-uusap nila dumating sina Hameck, Shina at Sho. Hinarap ni Tomas at Gloria sina Hameck. Sinubukan muli ni Gloria na gumawa ng ilusyon ngunit hindi na ito umubra kay Hameck. Kaya naman mano-mano nilang hinarap ang tatlo. Pinatakas na nina Tomas si Victor at Natalia upang sila ang magtuloy ng misyon nilang nahapin ang iba pang mga albularyo. Ayaw pa sanang umalis nina Victor ngunit naisip nila na mababale wala lang ang sakripisyo nina Gloria kung pati sila ay mamamatay kaya tumakas na lang sila. Umiiyak na tumakbo si Natalia papalayo sa kanyang lolo. Subalit pinahabol sila ni Hameck kay Sho.

Sa gitna ng laban nina Hameck at Tomas nag bagong anyo si Hameck at Shina. Naging malaking asong lobo si Hameck at naging bambira naman si Shina.

Gloria: Isang Wolf Blood at Bampira!?

Tomas: Kung ganon bumuo na rin pala ng alyansa ang Dugong Itim at ang Dark World Organization.

Gloria: Kung ganon sila ay galing sa DWO?

Hameck: Mali kayo!!

Shina: Walang kinalaman ang DWO samin.

Hameck: Natutunan lang kasi ng Dugong Itim na gumawa ng mga halimaw na hango sa halimaw ng ibang mga bansa kaya naman nagawa nila kami.

Gloria: Kung ganon hindi kayo nagkaroon ng kapangyarihan gahil sa itim na uwak.

Hameck: Tanging mga Opisyal lamang ng Dugong Itim ang may kapangyarihan galing sa Uwak.

Tomas: Pero pano nila kayo nagawang ganyan?

Shina: mga dati kaming palaboy at pinagmalupitan kami ng mundong ito. Ang mga tao makasarili sila. Masasama at wala silang habag para samin kaya naman ng nilapitan kami ni Ginoong Grigor(isa sa opisyal ng Dugong Itim) at inalok kami ng tulong agad kaming sumunod sa kan'ya. Nangako rin s'ya na magiging makapangyarihan kami. Kaya naman gagawin ko ang lahat upang makabawi sa kanya. Tinurukan n'ya kami ng kemikal kaya kami nanging mga makakapangyarihang nilalang.

Gloria: Ginagamit lang nila kayo.

Hameck: Ginagamit o hindi may utang na loob parin kami sa kanila.

Nagpatuloy ang laban nina Gloria hanggang sa napuruhan si Tomas.

Tomas: "Bantay ng kalikasan bigyan mo ako ng kapangyarihan!! Nakamamatay na tinik lumabas ka!!

Lumabas ang mga malalaking tinik mula sa lupa na umatake kay Hameck na madali namang nailagan ni Hameck.

Hameck: Tapos ka na tanda!!!

Nahiwa ng matalim na kuko ni Hameck ang katawan ni Tomas kaya naman Unti-unti itong naubusan ng Dugo at namatay.

Hameck: Mag-isa ka nalng ngayon.

Gloria: Kung dito na ako mamatay ayos lang alam ko namang may tatapos ng misyon naming mga matatandang albularyo. Iaasa ko nalang ang kapalaran ng bansang ito sa bagong henerasyon ng albularyo(sabay isip kina Victor at Natalia)

Hameck: Hangal ka rin pala.

Ngumiti lang si Gloria at kumuha ng papel mula sa kanyang bulsa at sa papel na yun gumawa s'ya ng pagsabog at kasama n'yang nasabugan sina Hameck at Shina ngunit nakaligtas si Hameck at ang tanging namatay lang ay si Gloria at Shina. Samantala patuloy paring hinahabol ni Sho sina Victor at Natalia.