3 Anino 3

Nanlamig si Dean sa mga katagang narinig. Nahihilo siya. Hindi siya makapag-isip ng diretso ngunit sa konting liwanag ng kanyang isip ay nagawa pa niyang ma-proseso ang mga sinabi ng unggoy.

"Anong sinabi mo?"

Binalewala ng unggoy ang tanong at nagpatuloy ito.

"Makinig ka mabuti. Me mga taong naghahanap sa akin, sa amin…. Sa iyo. Me mga pagkakamali dati na nais nilang itago. Ibaon sa limot. At isa ka sa mga katibayan ng mga pagkakamaling iyon…"

Wala pa ring maintindihan si Dean sa mga sinasabi ng kaniyang bisita. Hindi nya alam kung takas ba sa zoo ang unggoy o takas sa mental, dahil walang sense ang mga pinagsasabi nito. Hindi kaya, siya mismo ang nasisiraan ang ulo dahil nakikipagusap siya sa unggoy na parang kinakausap ang isang tao.

"Sino? Anong kailangan nila sa akin? Anong pagkakamali?"

Natigil ang unggoy, nakatitig sa mga mata ni Dean. At nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sa mga oras na ito, me mga taong naghahanap na sa akin. Sa amin. Pati sayo. Me mga kasama ako na maaring kumausap sayo upang ikwento sayo ang mga nangyari. Maaring mas maniwala ka kapag hindi isang hayop lang ang magsabi sayo. Alam nila ang mga nangyari dati. At naiintindihan nila ang mga nangyayari ngaun…"

Biglang natigilan ang unggoy sa pagsasalita. Tahimik. Palinga-linga. Nakikiramdam. At matapos ang ilang sandali, nagpatuloy ito.

"Nagkamali kami sa mga desisyon dati. Kami ng tunay mong ina… Ngunit para sa aming magiging anak ang aming ginawa… para sa iyo. Ngunit nagkamali kami…. Sa kabilang banda, kahit siguro hindi naming ginawa ang mga bagay na iyon, hindi rin mapipigilan ang ibang tao para pumalit sa posisyon namin. At maaring mas malala pa ang mga kinahinatnan ng mga bagay-bagay… "

Sa bawat paglipas ng mga sandali, parami ng parami ang pumapasok na tanong sa isipan ni Dean. Imbes na naliliwanagan siya sa mga pinagsasabi nitong hayop na mahilig sa kuto.

Palinga-linga ang unggoy. Natigil ulit sa pagsasalita. Nakikiramdam.

"Andito na sila. Malapit na sila… Malalaman mo buong istorya sa isa sa mga kaibigan natin…. Pero ang hindi nila alam ay ang tungkol sa Anino…. Sundan mo lang ang Anino, Kiko. Sundan mo ang Anino…. Makikipagkita sa iyo ang isa sa…"

Hindi pa man natapos na ungoy ang kaniyang sinasabi, bigla na lamang ito natumba at lumagapak sa sahig. Walang narinig si Dean na putok o anuman. Luminga linga si Dean. Walang iba tao sa kwarto. Nakasara ang bintana at ang pinto. Hindi alam ni Dean ang gagawin. Kung takot siya kanina, mas lalo siyang natatakot ngayon. Anong nangyayari? Me naghahanap sa akin? Ano ang pagkakamali dati at ano kinalaman ko? Sino kakausap sa akin? Madaming tanong ang naglalaro ngayon sa isip ni Dean.

Lumapit siya sa unggoy. Gamit ang payong na hawak hawak, tinutusok tusok ni Dean ang unggoy upang malaman kung buhay pa ito. Tinusok. Tinusok ulit. Hindi gumalaw ang unggoy.

Hindi na nakayanan ni Dean ang pangangatog ng kanyang mga tuhod na animoy isang dildo na bago ang baterya. Sumalampak siya sa sahig. Umurong sa sulok. Nagiisip. Ang mga butil ng pawis sa kayang noo ay nagkakarerahan pababa patungo sa kanyang baba. Hinanap niya ang kanyang yosi. Sinindihan ang sigarilyo at sumalampak ulit sa me malapit sa pintuan.

Me kamaluskos sa kabilang side ng pintuan. Napabalikwas si Dean. Nakiramdam. Tinalasan ang pandinig. Dahan dahang hinawakan ulit ang payong. Kumaluskos ulit. Napaatras si Dean mula sa pintuan.

Ngunit me pwersa sa loob nya na nagsasabing buksan ang pinto at tignan kung ano ang bagay na nag-iingay sa labas. Ganun nga siguro ang likas na ugali ng tao. Me mga bagay tayong ginagawa na kahit ayaw natin, me kung anong pwersa na nasa loob natin na gawin yun. At isa sa mga pwersang ito ang kuryusidad. Naisip nya ang kasabihan. Natigilan at nagdalawang isip. Ngunit naisip din nya na hindi siya pusa.

Dahan dahan siyang lumapit sa pintuan. Hawak ang payong sa kanang kamay, inabot niya ang door knob gamit ang kaliwang kamay. At kasabay ng pagpihit ay biglang binuksan ni Dean ang pinto.

Gulantang ang pusa. Parang isang bata na nahuling me ginagawang masama sa loob ng CR ng kanyang nanay. Natulala ang pusa at pagkatapos ng isang Segundo ay kumaripas ng takbo.

Nagkakalkal pala ng basura ang pusa at napagtripan nito ang pagkain ni Dean na tinapon nya kaninang tanghali.

Huminga si Dean ng malalim. Dahan dahan humina ulit ang tibok ng puso nya. Akmang isasara nya ang pinto ng me narinig siyang gumalaw sa likuran nya. Lumingon siya sa pinanggalingan ng ingay.

Nakita niyang bumagon ulit ang unggoy. Nakatayo.

Ngunit me kakaiba na sa kilos ng unggoy. Mukha pa rin itong unggoy ngunit ang kilos nito unggoy na unggoy rin. Lumingon lingon ang unggoy na tila nawawala at hindi alam kung nasaan ito. At nang matuon ang mga mata nito ke Dean at nagtama ang paningin nila. Napansin ni Dean na wala na ang kakaibang ningning ng mga mata nito hindi gaya ng nag-uusap sila kanina. Walang ekspresyon, kundi ang ekspresyon na karaniwan lang sa mga hayop. Walang emosyon. Walang kaluluwa. Totoo siguro ang kasabihan na ang mga mata ang bintana ng kaluluwa ng isang tao.

Nang magtama ang kanilang paningin, natigilan ang unggoy. At bigla-bigla na lang nag-ingay ang unggoy na parang nagwawala. Tumalon talon. At ng makita ang bukas na pinto, kumaripas ito palabas habang si Dean ay umiwas papalayo sa pinto.

Pagkalabas ng unggoy, hinabol tio ng tingin ni Dean. At sa isang iglap, nagkinain na ng madilim na gabi ang unggoy. Naglaho sa mga anino na kadiliman.

Naiwan si Dean sa pinto, hawak ang payong. Tumitingin sa kawalan. Sa mundo na binalot na ng malamig na kadiliman ng gabi. Mundo ng mga anino. Nanginginig. At iniisip…

"Anong nangyari?"

avataravatar
Next chapter