5 Chapter 5

I'm so thankful dahil hindi kasama sa shuttle yung mga boss. Ayokong isipin na makikita ko si Boss Zed, but I can't help it. Di ko kasi alam kung ano ang mangyayari kapag nagkita kami. And that bothers me a lot.

Manghang mangha kami pagkarating sa resort. Asul na asul ang dagat na nagre-reflect sa kulay ng ulap. Pino at maputi ang buhangin. Scenery palang ang saya saya na namin! At halata sa lahat ang excitement.

"Ayun si Boss!"

Lumakas ang tibok ng puso ko nang may sumigaw nun.

Lumingon ako at laking ginhawa ko dahil hindi si Zed ang tinutukoy ng colleague ko. Kundi sila Boss Blue, Mark, Janine at Sapphire.

They greet us and so we do. Sinamahan nila kami sa tutuluyan namin. Ang galing nga, eh. Bawat team may mga naka-assign na cottage. And every cottage, may 2 separate rooms which is for girls and for boys. So in our team, kota si JV dahil sya lang ang lalake sa amin.

5AM kami bumiyahe tapos 9:30AM kami nakarating. Kumain muna kami ng breakfast feast tapos pinayagan kaming mag-enjoy muna sa dagat dahil hapon pa magsisimula ang team building games.

Sobrang saya dahil ang sarap ng foods. More on nag-seafood ako dahil ayun ang bihira kong makain sa Manila. Buti nalang at hindi ako highblood kaya walang kaso kung magmarami ako ng kain ng crab.

Humalubilo din kami sa ibang team. And as planned, nag-vlog kami ni TL. Ha-ha! Para may babalikan kami after nito.

"Be, pahingi ako ng sunblock. Feeling ko nasusunog na ako. Need ko na ata magpahid ulit ng lotion," pakisuyo ni Ate Rose Marie. Ang nanay-nanayan ko galing sa ibang team.

"Sige, Mother. Kunin ko lang po." Bago pa man ako umahon sa dagat, tinawag ako ni TL.

"Hera, panoorin mo ang ganda ng kuha ko," sabi niya at inabot sa akin ang Go Pro ko.

Dahil maaraw, medyo nahirapan akong panoorin ang video kaya kinailangan ko pang takpan ng palad ang ibabaw na parte ng device.

Pinapanood ko yung kinuhanang video ni TL habang naglalakad. Ang ganda nga. Nagpunta kasi siya sa medyo malalim na parte ng dagat para video-han ang mga isdang naliligaw. Ang cute! Lalo na siguro kapag nag-snorkeling kami mamaya or bukas. Mas maraming isda.

"And where are you going, miss?"

Bigla ko nalang naramdaman na may humawak sa noo ko. Pag-angat ko ng ulo nakita ko si Boss Zed. And I cannot deny how attractive he looks wearing hawaian style shirt with a hat.

Natulala ako sa kagwapuhan niyang taglay, pero agad rin naman akong nagbawi.

"Thank me later," nakangising sabi niya tapos binitawan an noo ko saka umalis.

And then I realize na kung hindi niya ako napigilan, malamang nauntok na ako sa puno. Oh shocks. Nakakahiya! Ang stupid ko hindi ko manlang namalayan kung saan na ako napadpad. Argh!

Ang mas nakakainis, may narinig akong nagtatawanan. Paglingon ko, nahuli ko sila TL at iba pa na nagtatawanan habang nakataas ang camera dahil obviously vini-videohan ako. Ang bully po nila.

"Ayiieee, ang sweet naman talaga." Di ko na mabilang kung ilang beses sinabi ni TL Ruby 'yan.

Nasa lilim kami ng puno ngayon kung saan ako muntik na mauntog. At kasalukuyan akong nagpapahid ng sun block lotion.

Si Mother Rose Marie tawa ng tawa kanina habang nilalapitan ako. Pasalamat siya love ko siya kundi pagdadamutan ko siya ng sunblock.

"Hera, panoorin mo ulit. Ang cute eh, parang Kdrama." Tapos tumawa siya ng malakas.

Napanood ko na yan kanina. At wala namang nakakatawa, para sa'kin. Tss.

Nag-vi-video si TL EJ kanina ng mga ginagawa ng mga team members niya tas nahagip ako sa camera then naramdaman niya siguro na magiging epic ang mangyayari kaya nag-focus siya sa akin. Imbes na tawagin ako at sabihan, nag-video lang siya, eno.

Then, nasa may kalayuan si Boss Zed umiinom ng juice tapos napalingon siya sa gawi ko. Tumakbo siya na halos nabitawan na niya ang hawak na juice at mabuti umabot siya. Nahawakan niya ako sa noo at napigilan na magpatuloy sa paglalakad dahil kung hindi, baka may bukol na ako ngayon.

Salamat kay Boss Zed, pero nakakahiya talaga.

Mayamaya lang ay tinawag na ang lahat. Magsisimula na daw kasi ang activities.

Mabuti naman para makatakas na rin sa pang-aasar ng TL ko.

Pero hindi pala. Dahil nakita ko si Boss Zed nung nagtipon tipon ang lahat. Ngumiti siya nang magkasalubong kami ng tingin. Alam niyo yung tipong ngiti na deep inside tumatawa?

"Everyone loves to eat, right? But who loves to cook?"

Ang magagaling kong teammates, ako na naman ang nakita. One time kasi nagluto ako ng Sinigang na hipon as my treat sa kanila nung birthday ko tapos nasarapan sila. Feeling tuloy nila ang galing galing ko na magluto eh ayun lang naman ang specialty ko.

Bawat team may representative na magluluto. Yung mga boss daw ang judges.

Inabutan isa-isa ng apron ang mga magluluto. TL ang mag-aabot. Pero ang lakas ng tama ng TL ko. Inabot kay Boss Zed ang apron tapos sinabing siya nalang ang magsuot sa akin dahil mas matangkad daw ako sa kanya at di niya raw ako abot.

Naghiyawan sila, pati yung mga boss nakikiasar na rin sa'min. OK lang ako promise!

Pinaharap ako ni Boss Zed sa kanya tapos lalong lumakas ang hiyawan nila nung pagkasuot sa leeg ko, eh itatali na niya yung banda sa likod ko. Ang labas eh parang niyayakap na niya ako.

Sinira ko ang kaligayahan nila. Inalis ko ang kamay ni Boss Zed at sinabing, "Thanks for the help but I can manage." At ako na ang nagtali ng apron.

Like I told you guys, sinigang na hipon ang niluto ko at dahil na rin ayun ang requested ng iba. Matapos namin lahat magluto, nag-boodle fight na kami.

Ang galing nga makisama ng mga boss eh. Kasi nagkamay kami habang kumakain. Tapos nakigaya sila kahit halatang hirap sila.

Si Sunny ang nanalo sa pasarapan ng luto. Rilyenong alimango ang niluto niya na di ko naman maitatanggi masarap talaga. Manalo matalo okay lang at least makakain ako ng marami. Doon palang panalo na ako.

avataravatar