4 Chapter 4

Naging maayos naman ang day off ko, yun nga lang hindi kami nakapag-date ng boyfriend ko dahil busy siya sa work and unfortunately, magkaiba kami ng schedule sa trabaho. Wala akong ibang magawa kaya naglinis nalang ako ng apartment ko at nagdecorate ng wallpapers.Nawindang ako pagbalik sa trabaho. 

Ayaw kasi nilang gawin ko ang usual na trabaho ko. Gusto nilang ako ang gumawa ng reports tapos i-e-mail ko sa boss.

"Tatapatin ko na po kayo, wala po akong alam sa ganyan. Sa production nalang po ako please," pagmamakaawa ko kay Boss Ice.

"Pasensya na, Hera. Gusto ko man pagbigyan ka pero ayun ang utos ni Boss Zed. Ikaw naman kasi, masyado mong ginalingan." Nagbiro pa siya.

Argh. Sir Zed talaga gustong nasisira ang araw ko!

"Saka wag kang mag-alala, tuturuan ka ni Ailene. Iche-check niya muna bago mo isend sa mga boss. At kung may tanong ka or may bagay na nalilito ka, magtanong ka lang. Kaya mo yan."

So, wala na nga akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kanilang mga boss.

Hindi naman ganun kahirap ang paggawa ng reports katulad ng inaasahan ko. Yun nga lang, kailangan mong i-check 10 times bago i-send kasi dapat 100% sure ka.

Mga 10 minutes bago ko na-send ang files sa e-mail addresses ng mga boss, naka-receive ako ng reply... na galing lang kay Zed.

Hi Ms. Jané,

I really appreciate your reports. However, for some reason, I need to have hard copies of these files. Could you please send it over to me? Let's meet at the coffee shop where I spilled you my drink (according to you).

Looking forward to see you!

Your one and only handsome boss,Zed

"Ang walanghiya..." nasabi ko nalang.

Napatingin sa akin si Mam Ailene na katabi ko.

"Sorry, may nabasa lang po na hindi maganda."

"Don't tell me you're doing non-working stuffs?"

"Ay nako, hindi po."

She seems not satisfied, tumingin siya sa screen ng computer ko at binasa ang e-mail ni Sir Zed.

Ang istriktang mukha niya ay napalitan ng pagka-amuse. Tumawa siya, hindi kalakasan pero nakakapanibago. Ngayon ko lang kasi siyang narinig tumawa although hindi ko naman siya madalas nakakasama kasi ibang department siya. Pero kapag nagkakasalubong kami laging seryoso ang mukha niya na nakaka-intimidate kausapin.

"Mukhang bet ka ni Boss Zed ah," sabi niya at bumalik sa upuan niya.

"Bet po inisin?"

Tiningnan niya ako ng seryoso. "Mag-ingat ka. Babaero yan, palibhasa gwapo at powerful kahit sinong babae ang gustuhin nakukuha niya."

"Okay. Salamat po sa advise. Mas mabuti po siguro kung iba nalang po ang mag-abot ng files ano?" Tiningnan ko siya ng mainam. Akala ko makakalusot pero..

"Ibang usapan kapag trabaho syempre, gusto mo bang toyoin yan? Pare-pareho tayong mawawalan ng trabaho. Mabait yan si Boss Zed pero nakakatakot kapag galit."

Ang daming sinabi. Pwede namang sabihin na lang na hindi pwede.

Gaya ng utos, nagpunta ako sa coffee shop dala dala ang mga documents na kailangan ni Boss Zed.

Nakita ko agad siya pagkapasok sa loob dahil hindi naman marami ang tao rito sa ngayon. May kausap siya sa phone at nakangiti. Naiirita ako the way he smiled. Paano, halatang nakikipaglandian. Don't get me wrong. Naiinis ako sa kanya kasi alam kong malandi siya, at gusto niya lang siguro makipaglandian sa akin kaya niya ako binibigyan ng special task.

As if naman katulad ako ng mga babae niya! Besides, faithful ako sa boyfriend ko.

"What took you so long?" tanong niya sa akin nang maupo ako sa upuan na katapat niya.

Binaba niya ang telepono at tiningnan ako ng mainam.

"May mga tinapos pa po kasi ako. Eto na po yung files, pwede na po ba akong bumalik sa office?"

"Di naman halatang nagmamadali ka."

"I have loads of work to do."

"Don't mind them. Others would take care of it."

"Sir, wag na po tayong magpakainosente. We both know why you're treating me like this."

"Yes, because you always get me entertained."

See?

"And I'm sorry pero hindi ako katulad ng inaakala mo. If you want to flirt, you can choose other ladies out there. Just not me. I'm not interested with you and I have a boyfriend." Hindi ko din alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para masabi ko ng dire-diretso ang bagay na 'yon.

He doesn't seem to look offensive, rather amuse. "May boyfriend ka?"

"Yes. Kaya iba nalang po, Sir. Babalik na po ako sa office." Nilapag ko sa table ang mga dokumento at mabilis na umalis.

Shocks. Feeling ko talaga bibilang nalang ang natitira kong panahon sa office, eh.

Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa kong 'yon lalo na nung nanahimik na siya. Nakabalik na ako sa department na pinanggalingan ko at hindi na ako nakakatanggap ng kung ano mang e-mail mula sa kanya.

Siguro naapakan ang ego niya. Pero thankful ako kasi nirespeto niya yung sinabi ko sakanya at wala pa naman akong napapansin na gumaganti siya through my work.

Well sana nga.

Until one day, para na naman akong hihimatayin sa nalaman ko.

Since nandito pa sa Pinas ang mga BIG BOSS, sasama daw sila sa Company Outing. Alam mo yung feeling na ayokong makita si Boss Zed kasi hanggang ngayon nahihiya pa din ako sa mga sinabi ko sakanya tapos ganito pa ang nangyari?

"TL, magkakalagnat po ako ng 2 days 3 nights. Baka di po ako makasama sa outing, next time nalang," sabi ko kay TL pagkalabas namin ng conference room.

Katatapos lang namin mag-meeting at nalaman ko nga na kasama ang mga boss.

"Nako Hera, tigil tigilan mo ako. As if namang di ko ramdam na nagdadahilan ka lang porket nalaman mong kasama si Boss Zed. Umamin ka nga, naka-one night stand ka ba nun at ganyan ka nalang mailang sa kanya?"

Napatingin sa amin ang ilan naming ka-team.

"TL, baka gusto mong hinaan kahit konti yang boses mo? At hindi noh? Never akong nakipag-one night stand saka may boyfriend kaya ako! Ayoko lang nandun si Boss Zed kasi nakakairita ang landi."

Tinitigan niya ako ng maigi. "Malandi? Parang di naman. Pero sa bagay, I can sense na bet ka niya. Sabihin mo ako nalang landiin niya wala akong boyfriend."

"Pero may asawa?"

At tumawa kami ng sabay.

"Pero sumama ka, Hera. Hahayaan mo bang masira nalang bigla yung mga pinlano natin? Magv-vlog pa nga tayo di'ba?"

Napaisip ako. Tama nga naman ang TL ko. Why would I let someone to ruin my joyful plan?

"Sige na nga. Pasalamat ka TL, mahal kita."

Kinurot niya ako sa tagiliran sa sobrang ka-sweet-an ko raw.

Haysss. Bahala na. After ng mga sinabi ko sakanya, may mukha pa ba akong ihaharap?

avataravatar
Next chapter