3 Chapter 3

"Nako, patay tayo dyan talaga," ang nasabi nalang ni TL Ruby nang ma-kwento ko sakanya ang nangyari except sa elevator part. You know what I mean? "Bebe naman kasi bakit sa dinami-rami ng nandoon kay Bos Zed ka pa nanghingi ng tulong magpabuhat ng kahon?"

"TL, di naman po ako nanghingi ng tulong sakanya."

"Oh, yun na nga eh. Sana sa iba ka nalang nakisuyo."

"Sorry na, TL. Yun na kasi ang naisip ko eh. Saka di ko naman alam na boss natin siya."

"Jusko ka. Alam ko di ka nakikinig nung training, pero di never mo bang nakita pagmumukha ng mga boss natin sa About The Company? Makikita mo siya sa lounge at sa mga pages ng company sa internet."

"Mamaya po, TL, tignan ko. Baka bukas si Mark naman ang mapagbitbit ko eh." Si Mark, ang tatay ni Zed na CEO ng company.

Tumawa si TL Ruby. "Loko ka talagang bata ka. May iba ka pa bang sinabihan tungkol dito?"

"Sa'yo palang. Ewan ko lang kung na-kwento na niya kay Ma'am Angie. Magkasama sila, eh."

Namilog ang mga mata niya. Bago pa siya magsalita...

"Everyone! Papunta na dito si Boss Zed within 5 minutes. Pakiligpit ng mga pinaggupitan ninyo for decor. Pakibilisan."

At tuluyan na kaming namutla ni TL Ruby. Sa sobrang nerbyos naming dalawa, kami ang may pinakamaraming naligppit na kalat. Nawiwirduhan na nga ang mga ka-team namin sa kinikilos namin eh.

Last one minute, uminom ako ng maraming tubig. Napansin ni TL Ruby ang uneasiness ko.

"Huwag mo munang isipin yun, Hera. Baka ma-apektuhan prod mo. Saka na natin problemahin 'yan kapag pinatawag na tayo."

At natawa nalang kaming dalawa.

"Anong pinagtatawanan niyo dyan ah," pabirong pakikiusisa ni Cecil.

"Welcome, Boss Zed!"

Napa-OMG nalang ako sa isip. Lalong bumilis ang heart beat ko.

"TL, pwede bang mag-early out?" pasimpleng bulong ko kay TL Ruby habang pinapanood si Boss Zed na nakikipagbatian sa mga empleyado na nadadaanan niya at ipinakikilala ng mga managers.

"Sapak lang pwede," sagot ng TL ko.

"Ay wag nalang."

Ayan na, papalapit na siya. Umalis ka nalang, please.

"Hi, I'm Zed. You are?" Kala mo talaga friendly. As if walang nangyari kanina.

"Pleasure to meet you, Boss Zed. My name is Hera."

"You're too formal. You can just call me Zed. And everybody please do."

We shake hands. Sandali kong nilibot ang tingin ko at napansin na nasa amin ang atensyon nila.

"Hera is our top performer and best in productivity ever since she was endorsed to production."

I mentally face-palm. Opo TL, may atraso ako sakanya. Pero tingin ko it's not good to bring up that thing kasi malakas ang kutob ko na that would just make things worse.

"That's awesome!" Luh, kala mo naman talaga. "How long has she been working in here?"

"Three months," sagot ni TL Ruby.

At sana tumagal pa...

"Can I please request for a chair? I just want to observe how our top employer works."

Patay na talaga!

Di sila magkandaugaga sa paghila ng swivel chair. Nataranta pa sa pagpili ng pinakamaganda upuan.

Nakakaasar! Friday the 13th ba ngayon? Bat' parang ang malas ko?

Nag-e-enjoy ako sa trabaho ko. At dito sa company ako naging masaya. Sana hindi ako matanggal dito. Pakiramdam ko kasi hahanapan ako ng butas ng mokong para tanggalin niya ako. I know what I did to him while ago could kinda step in to his ego. Lalo na boss siya.

Sinenyasan ako ng TL ko na umupo na at wag mag-panic na nasa gilid ko ang boss. Lahat din nagsibalikan na sa kanya kanyang station.

Okay, hindi ko iisipin na may boss na nanonood sa ginagawa ko.

After a couple of minutes, hindi ko maiwasang di tumingin sakanya. Paano, naramdaman kong sa mukha ko siya nakatingin instead na sa ginagawa ko.

"Why po?" tanong ko.

"Just curious," mabilis na reply niya.

"About?"

"About when is the most prefect time to rape you."

Para akong nabilaukan sa sinabi niya.

Tumawa siya. "Kidding! Curious lang ako saan mo gagamitin ang mga kahon."

"Sir, sorry po talaga kung pinilit ko po kayong isama dito para pagbitbitin ng kahon-"

"You're not answering my question."

"Sa arc po. Mexico theme po kasi yung sa amin, para sa bay decor competition."

Tumango-tango siya. "I see."

"Sorry po ulit." Ayoko mawalan ng trabaho huhu.

"OK na ba ang paso mo?"

And you're not accepting my sorry! But, I really like your tagalog accent.

Tiningnan ko ang braso ko. Hindi naman nalaplos ang balat ko tulad ng sinabi ko kanina. Still, medyo mainit ang kape na tumapon sa balat ko kaya namula. Pero bearable pa naman.

"Konting mula lang naman po."

Tiningnan niya ang namumulang part sa braso ko. Tapos tumayo. Bago siya umalis, may nilabas siyang ointment mula sa bulsa ng pantalon niya at inilapag iyon sa desk ko. "Use that, get it from your clinic. May clinic naman kasi dito sa office, hindi mo ko doon dinala."

Tumawa siya bago tuluyang umalis.

At doon ko lang na-realize na ang shunga ko talaga. Oo nga naman. May clinic dito. Bakit nagpakain ako sa panic at hindi agad naisip yun?

***

"Hera!" tawag sa akin ni TL Ruby habang tumatakbo papunta sa akin.

Andito ako ngayon, ginugugol ang lunch break sa pag-stress eating.

Akala ko tatanungin ako ni TL kung kamusta ang pag-side by side sa akin ng boss kanina. Pero,

"May suggestion ka ba about sa improvement gamit ng ating tool?"

Nag-isip ako bago sumagot. "About sa GPS location. Pwede po bang mag-send automatically ang system natin ng notif if ever naka-off or naka-battery savings mode ang device ng users, or kung wala o mahina ang signal within their location? To make them aware na may possibility na hindi tayo makakuha ng accurate data from their end."

She clapped her hands. "You really are so brilliant, Hera! Di ko naisip yan, huh. Dahil dyan, kasama ka sa FGD mamaya.

Nasamid ako sa sinabi niya. Minsan kahit alam ko ang sasabihin o ang mga isasagot, wala akong confidence kapag kaharap ang mga boss. Madali kasi akong ma-intimidate.

"Si Ate Mary nalang po. Hiya me, eh."

TL rolled her eyes. "Sige na, please. You are my top performer afterall."

"Pasensya na po pero di ko po kaya masama po ang pakiramdam ko."

avataravatar
Next chapter