1 Chapter 1

"Ako nalang po ang bababa para tumingin sa 711 kung may mga school supplies," pagprisinta ko. Napaka-busy kasi ng teammates ko and no one seems to bother to go out of this building para makahanap ng mga kakailanganin.

"You sure? David could accompany you," sabi ni TL Ruby.

"Yeah, samahan kita para ako ang magbitbit." Na-appreciate ko ang offer ni David pero kasi I don't want to hassle him more. Malakas ang aircon dito sa office pero dahil sa effort niyang magkabit ng mga palamuti sa bay namin eh daig pa niya ang nag-exercise sa pagtagaktak ng pawis niya.

Plus, gagawa pa siya ng arc para sa Mexico Theme ng team namin.

Magsisidatingan kasi ang mga clients and big bosses bukas at may pa-Bay Decor Competition silang ganap. Each team was assigned for a specfic country. And yes, obviously, nagagahol na kami sa oras.

"Salamat nalang pre," sabi ko kay David. "Magpahinga ka nalang muna habang naghihintay ng materials na dadalhin ko. Baka... puyat ka," I suddenly tease. Tinawanan niya ako at kunwareng kinurot sa tagiliran.

"Pero you sure about it? Mahihirapan ka."

"Ako pa ba?" pagmamayabang ko.

Gratefully, may mga natitirang colored paper at glue sa 711. Kinuha ko na lahat ng available, but to my dismay, wala silang kahon. Or should I say, ayaw nila akong bigyan whatever their reason is.

Wala akong ibang option kundi ang magtanong sa katabi nitong sikat na coffee shop. Medyo nakakahiya kasi ang sososyal ng mga customers nila at may mga foreigners pa na may kaharap na laptop. Ang iba halatang nagmi-meeting regarding business.

Kinapalan ko na ang mukha ko, nanghingi ako ng karton kahit na hindi ako bumili ng kahit na anong kape or products nila. Well, at first, sabi ko bibilhin ko nalang. But they refuse. Itatapon lang rin naman daw nila yun which I am glad about.

Ang saya ko dahil ang dami nilang binigay. Yet, napalunok. Kakayanin ko kayang bitbitin ang lahat ng ito? Bigla tuloy akong nagsisi na hindi ko sinama si David. Siya lang kasi ang nag-iisang lalake sa team namin kaya siya halos ang nagkakabit ng decorations sa ceiling. Sana pala di ako naawa at pumayag na sumama nalang siya sa akin. Joke!

Sa sobrang dami ng dala kong kahon at may hawak pa akong plastic ng school supplies, hindi ko na halos nakikita ang dinaraanan ko.

Hanggang sa may nabunggo ako at tumapon sa braso ko ang mainit na kape. Napasigaw ako sa sakit.

"Oh, shit. I'm not sorry since it's your fault."

Teka, tama ba pagkakaintindi ko hindi na ako marunong umintindi ng english?

Binaba ko ng bahagya ang hawak kong kahon para tingnan kung sino man ang nakadisgrasya sa braso ko.

Lalake. Matangkad. At hmm, gwapo. Medyo maganda ang katawan niya so tingin ko kaya naman niyang bitbitin ang mga kahon.

Umiyak ako ng malakas. "Ang sakit! Nalaplos ang balat ko dalhin mo ko sa pinakamalapit na clinic may alam ako." At umiyak ulit ako.

I know I look disgusting right now pero nahihirapan na kasi akong magbuhat ng dala ko knowing na may limang steps pa akong aakyatin papuntang building.

The guy gives me a weird look.

Narinig ko ang ibang tao na nag-usap tungkol sa'min. Na halatang nasa akin ang simpatya.

avataravatar
Next chapter