webnovel

OneShotPoIto?

"She loves me."

"She loves me not."

"She loves me."

"She loves me not."

Ika-ilang dahon na nang malunggay ang pinaglaruan ko pero sa "She loves me not" pa rin nauubos ang dahon.

_______________________________________________

She is Ariadne. And she loves me. Or not. She's my neighbor and my best girlfriend. Magkasing-edad kami. Same day ang birth, same month at same year.

Having the same birthdays had always been a joke to our neighbors.

They would always say " Pre, nagsabay ba kayo sa paggawa sa kanila?" And my dad and Ariadne's father would just laugh. It was just a joke after all.

Sabay kaming lumaki. Pareho kaming mag-isang anak kaya mas lalo pa kaming naging close sa isa't- isa. Sabay kaming naligo nung kami ay bata pa. Nakita na rin niya niya ang totoy ko nang ako'y nagpatuli. Grade three pa kasi ako noon at inosente pa kami sa ganyang bagay. Tinawanan pa niya ito minsan dahil nagka "kamatis" ito.

Sabi pa niya noon "Sana ganyan na Henry para mas malaki".

.........,

Namatay ang nanay niya nang grade 5 pa lang kami. Kaya itinuring na rin siyang anak ni mama.

..........

Ako ang bumili sa unang napkin na ginamit niya. Grade 7 kami noon. Bigla siyang sumigaw nang nasa CR siya.

"Riad? Okay ka lang?" Sabi ko sa kanya sa may pinto.

"Kya!! Ry!! Menstruation ko!!!!" Sigaw niya.

Bigla akong tumawa. Pati na si Aling Bebang na napadaan lang ay narinig kong humagikgik dahil sa lakas ng boses ni Riad.

"E kung menstruation mo? " Pang-aasar kong sabi.

" Ry!! Pabili naman ng napkin o!" Sigaw pa nito. Nag-e echo pa ang sinasabi niya.

"Ayaw ko" tumatawang sagot ko pero binibilang ko na ang coins sa bulsa ko.

"Anung ayaw ka diyan! Dalian mo ma-la-late tayo sa school!" Saka ko nga pala naalala, may pasok pa kami.

"E, magkanu ba kasi yun Riad? Eighteen lang yung merun ako dito"

"Ewan ko Ry! Utangin mu na lang"!" Sigaw niya.

"Sige hintayin mo lang ako saglit".

Pumasok ako sa bahay at kumuha pa ako ng coins sa alkansya ko. Nahihiya kasi akong mangutang. Naghanap rin ako ng ng cap para isuot ito. Pero kita pa rin na ako. Buti na lang may bonnet dun na yung mata lang nakikita. Yung gamit ng mga kidnappers sa movie? Basta yun. Isinuot ko at pumuntang tindahan.

Nakita kong medyo umatras si Aling Ester, ang matandang dalaga na nagtitinda. Natakot ata.Haha. Pero mas lumapit pa ako at sa medyo nilaliman kong boses ay sinabi kong

"Pabili po ng napkin"

Halos matawa si Aling Ester pero pini pigilan niya ito.

"Anong napkin?"

"Kahit ano." Nakakahiya na kasi. May tumigil pang dalawang matanda sa tindahan. Baka inisip nilang hold upper nga ako kasi yung isang kamay ko nasa bulsa. Hawak ang mga barya.

"O, eto" sabi niya sa akin sabay abot ng malambot lambot na kung ano na kulay violet. Binasa ko pa ang nakasulat at WHISKIES ata yun.

"Magkanu po?" Tanung ko

"40 pesos Lang"

Binibilang ko ulit yung coins pero may nahulog. Kukunin ko na sana nang tumawa si Aling Ester nang napakalakas.

"Henry! Ikaw ba yan?" Sabi nito habang tumatawa.

Takte. May tinta nga pala ang t shirt ko sa likod.

"Opo aling Ester, huwag po kayong maingay" nahihiyang sabi ko.

"At san mu gagamitin ang napkin ha?" Tumatawa pa ring sabi nito.

"Si Ariadne kasi. Pinabili niya" Sabi ko. Saka medyo na siya ulit bumalik sa katinuan.

" Ah. Bilisan mo baka hinihintay niya"

Matapos kong bayaran ay umalis din ako.

_______________________________________________

" O, anu na namang kapilyuhan yan" narinig kong sabi ni Ariadne habang papalapit sa akin.

"Wala, binibilang ko lang ang mga dahon ng malunggay" pagsisinungalin ko.

Andito ako sa labas ng bahay. Hinihintay siya. Graduation ceremony namin sa high school.

"O? Sinungaling. Lumalaki butas ng ilong mu uy! Kala mo di kita kilala?" Tumatawang sambit nito.

Baka nga talaga. Everytime kasi na nagsisinungalin ako, alam niya e.

"Tara na?" Ka ko..

"Sige, sina papa at Tito?"

"Nauna na."

"Riad?"

"O?"

"Ganda mo."

"Ayiieee. Salamat!" Sabay kurot sa pisngi ko.

"No, Riad. I'm serious. You really are beautiful."

Medyo natahimik siya.

" #KyayZuu (Thank you) Ry" sabi niya at ngumiti. Ewan ko pero may naramdaman akong kirot.

Natapos na ang grad ceremony at nagbonding rin kaming mag kaklase. Gabi na nang kami ay umuwi.

Dahil busog kami ay dumeretso kami sa porch nila. Dating gawi. Banig. Unan. Kumot. Higa. Kuwentuhan habang pinapanood ang mga bituin.

"Ry" sabi niya.

"O ?"

"Anung plano mo sa college?"

"Sinabi ko naman sa iyo noon a. Kukuha ako ng kursong Accountancy" sabi ko sa kanya. Nakita kong medyo lumungkot mukha niya. Malakas na rin kasi liwanag ng buwan kaya nakikita ang facial expressions niya.

"Ry" sabi ulit niya.

"O?"

"Sa El University ako mag co-college"

Natahimik na rin ako. Malayo yun sa amin.

"Kay Tita muna ako titira. Nag ibang bansa na rin kasi yung mga pinsan ko at walang magbabantay sa bahay nila"

"E si Tito?" Tanong ko na tinutukoy ko yung tatay niya.

"Lilipat kaming dalawa roon Ry"

"Ah" yun na lang nasambit ko. Kalalaki kong tao, may tumulong luha sa mata ko.

"Ry?" Sabi ulit nito.

"O?"

"Aalis na pala kami bukas. Nakaready na ang la-hat" sabi niya. Narinig ko ring parang naiiyak siya.

Hindi ako kumibo.

Tuluyang nahulog ang aking mga luha.

"Ry?"

"O?"

"Okay lang naman tayo di ba"

"Oo naman" bilis kong sabi.

Naramdaman kong mas lumapit siya sa akin. And then she hugged me. She actually did. A hug, which I gladly returned back.

I want to tell her that I love her. Pero umuurong dila ko. I want to ask her to be my gf. Pero tumahimik lang ako.

Natulog kaming magkayakap. First time. Nang gumising ako kinabukasan ay wala siya. Bumaba ako sa first floor ng kanilang bahay pero walang katao-tao.

"Riad?" Sigaw ko. Pero wala.

May nakita akong sticky note na nakadikit sa sa may mesa. Kasama ang mga litrarong kuha nung JS prom namin.

"Ry, let's see how destiny works" yan ang nakasulat sa sticky note.

At naramdaman kong may pumatak na luha.

__________________________________________

One year.

Two years.

Three

Tatlong taon na ang nakalipas pero wala kaming kumunikasyon ni Riad.

...........

Nag-aahit ako isang umaga nang may narinig akong pamilyar na boses.

"Ry!! Ry!!!" Sigaw nito.

Tumakbo ako palabas nang bahay.

And there she is. Riad. My Riad. Mas pumuti pa siya. She was wearing a white dress and a rubber shoes. She looks like a runaway bride.

Para kaming tangang tumakbo palapit sa isa't isa. Sinalubong ko siya ng napakahigpit na yakap. I can feel her tight hug too. I was about to kiss her when she stopped me by putting her hands into my lips.

"Oops oops" she said.

"Why?"

"Nothing".

And she hugged me again.

"Tama na yan. Tulungan niyo ako rito sa mga dala" sabi ni Tito.

Dalawang buwang nagbakasyon sina Riad sa amin. Kami palagi ang magkasama. Kami. Kami.

........

Friday night. Same routine. Mat. Pillows. Blankets. Stars.

"Ry?" Sabi niya.

"O"

"I found him."

"You find who?" Sabi ko kahit merun na akong ideya.

"The one."

"When?" Nangagatal kong sabi.

" Two years after naming lumipat doon."

" Is he great?" Sabi ko. May nabuo nang luha sa aking mga mata.

"He's more than great"

"Cool." Sabi ko. Medyo ako tumagilid para itago ang aking mga luha.

"Ry?"

"O?"

"You all right?"

"Yeah, I am" pagsisinungalin ko.

"Ry?"

"O."

"Look here. "

Nang humarap ako ay nakita ko siyang nakatitig sa akin.

"You're not all right" sabi nito.

She moved a lil bit closer to me and give me a quick kiss on my lips.

"You'll gonna know him someday Ry" sabi nito.

"Yeah, sure will"

Same as three years ago, natulog kaming magkayakap.

And same as three years back, gumising ulit akong wala siya.

_________________________________________

One year . Graduate na kami pareho. Saka na medyo umuso ang social media. She greeted me. Like a casual friend. And I did the same.

Two years. Nag review siya at nagtake ng board. Pumasa.

I took a one year review .

Three years. Pumasa ako ng board.

.....

"I've got the job! A permanent one!" Message niya.

"Cool." I replied back

"How 'bout you Ry?"

" I've a job too Riad."

"Ry? "

"O?"

" Can you be my bestman?"

"Riad????? You serious???? Ikakasal ka???"

"Yeah Ry. Can you be?"

Five minutes.

Five minutes bago ko nirepyan ang message niya.

" Yeah Riad. I will be"

"KyayZuu Ry!" Reply nito.

I lost myself that night. Ilang bote ng beer na rin ang nainom ko. Para akong baliw na umiiyak na naglalasing..My dad is watching me. But I don't f**ckin care.

"Dad?? Can you believe it?"

Walang reply si Papa.

"Can you believe it? Ikakasal na si Riad!"

Nakatayo lang si Papa roon. Umalis na rin mga ilang minuto.

Bigla kong hinagis bote .

"B*ll sh*t Riad! B"*ll sh*t!!" Sigaw ko.

Narinig kong nagsalita si mama pero hindi ko napakinggan ng maayos dahil nakatulog ako.

Gumising ako kinabukasan na napakasakit ang ulo ko.

Kukuha na Sana ako ng inumin sa ref ng napansin kong may nakadikit dito.

"Henry anak, nauna kami kina Ariadne. Bahala ka nang sumunod"

Hindi ko na lang pinansin. Saka bakit ang aga nila. May isang linggo pa naman.

Tatlong araw bago ang kasal ni Riad when I received a message from her .

"Ry?"

"O"?"

"You're coming right?"

"Yeah Riad, I will" I assured her.

Kakayanin ko ba. Kakayanin ko bang panooring ikasal siya sa iba?. Akala ko siya ang ikaliligaya ko. Oo nga, ikaliligaya ko siya pero liligaya naman siya sa piling ng iba.

"Akala ko ikaw ang ikaliligaya ko" mahina kong sabi habang tinitingnan larawan niya.

9: 00 ang kasal ni Riad. Monday. Pero Sunday na ay hindi pa rin ako bumiyahe. Parang ayaw ko. But I already gave her my promise.

Kinuha ko ang first trip kinaumagahan. Alas tres. Dumating ako doon ng 8:40. May sundo naman ako sa terminal.

Dumeretso kami sa bahay ng tita ni Riad at doon ako nagpalit. Hinanap ko si Riad pero wala. Nauna raw sa simbahan.

Pumunta na rin kami. Punong puno na ang mga upuan ng andun kami. May umalalay sa akin at ipinunta sa harap ng altar. Habang naglalakad kami ay nakita ko ang mga kabitbahay namin sa probinsya, mga batch at kaibigan namin nung high school. Pati yung mga kaibigan ko sa college ay nandun na rin. Nang malapit na kami sa harap ay nakita ko sina mama at papa na nakangiti na parang graduation ng anak nila.

Tatanungin ko sana ang escort ko kung anung nangyayari ng biglang naglaro ang pianist. Siya ring pagpasok ng mga bulilit na nagkalat kalat ng mga bulaklak. Tumayo na rin ang mga tao nang pumasok si Riad. Ang aking Riad.

Hindi ko ma process kung anu ang nangyayari. Basta sa harap ko ay si Riad na lumuluhang dahan dahang lumalapit sa akin.

And here she is sa harap ko. Para akong istatwang nakatayo lang doon.

"Henry?" Narinig kong sabi ni tito.

Saka niya ini-abot sa akin ang kamay ni Riad.

"Riad? What is go-" and there she goes again putting her fingers into my lips.

"Shhh Ry".

Para akong nakalutang na ewan. I'm not even sure kong nananaginip ako.

.

.

.

"Henry?" Narinig kong sabi ng pari.

"I do" agad kong sabi.

"You may now kiss the bride"

And I passionately kissed her lips. Yung noon ko pa gustong halikan.

I whispered into her ears.."Akala ko ikaw ang ikaliligaya ko Riad. Pero hindi lang pala akala kundi isang katotohanan."

Kitang kita kung pumatak ang kanyang mga luha habang sinabi niyang

" It's how destiny works Ry."

At narinig naming nagpalakpakan ang mga tao.

______________________________

Mat. Pillows. blankets. Stars.

"Riad?"

"O?"

"Remember three years ago?"

"What about it?"

"You said you found the one. How come Riad?"

"I did Ry. I was referring to you. Marami na ring nanligaw sa akin noon pero ikaw lang talaga ang laman ng puso ko."

"So kasabwat mo sina papa?"

"Yeah Ry. Ikwunento nga nila sa akin kung paano ka naglasing" tumatawang sabi nito.

"Riad?"

"O?"

"To forever"

"To forever"

__EnD