webnovel

Simula

Until Friends

Date Started: 01:57AM, 02-12-2008

Date Finished: 03:03AM, 02-12-2008

Mahal kita ngunit may mahal kang iba,

dito sa puso'y natatangi ka sinta.

Di ko mawari kung paano nagsimula,

kahit na alam kong mali 'tong pagsinta.

Subalit sa isip, laging naririnig,

tutol sa pusong hangad lang ay pag-ibig.

Puso at isip ay laging inuusig,

Sakit sa dibdib ay walang kasindaig.

Sa bawat paglalakbay, ikaw ang tulay.

Pag-ibig sayo, higit pa sa aking buhay.

Buong pagsinta, sa'yo ko lamang alay,

Kahit batid ko na iba ang iyong gabay.

---

Hindi ako makatulog. Madaling-araw na at may pasok pa ako mamayang ikawalo ng umaga subalit hanggang ngayon ay gising pa ang aking katawan at diwa.

Siyam na taon... siyam na taon na ang lumipas, subalit siya pa rin ang nilalaman ng isip at puso ko... magpahanggang sa kasalukuyan. Kahit anong pilit ko na kalimutan na ang lahat, hindi ko magawa. Masakit na ikaw na lang ang umaasa, subalit kailangan kong magpatuloy sa buhay, kahit wala na siya.

A/N:

Yung tula, para sa akin talaga yan. Laan sa isang tao (noong mga panahong 'yan) na lihim kong itinatangi, subalit iba ang kanyang nais.

Next chapter