1 After Ten Years of Waiting 1

-----------------------------------------------------------------------

"MAHAL kita, Jennifer. Promise, magpapakasal pa tayo. Magtatayo ng sarili nating pamilya. At higit sa lahat, ikaw ang gusto kong makasama habambuhay…"

"Totoo ba yan, Matthew? Babalikan mo ako after ng conference na yon sa Hongkong?"

"Oo naman, mahal ko. I promise na babalik ako…"

-----------------------------------------------------------------------

Dumaan ang mga araw, linggo, buwan at taon ang lumipas, nabaon na sa limot ang mga pangako na binitiwan nya sa'kin bago sya umalis noon.

I've tried to contact him pero wala ni isang sagot ang natanggap ko. Nagtanong na rin ako sa iba pero kahit sila, walang nakakaalam sa nangyari sa fiancée ko.

Hanggang sa hindi na nga sya nagparamdam sa'kin.

Tinititigan ko ngayon ang singsing sa pulang kahong kinalalagyan nito. May parte sa aking puso na nanakit dahil sa katotohanang napawalang-bisa na ito. Masakit isipin na ang alaalang iniwan nya ay sanang magiging daan para magkaroon at masecure na may forever na kame ni Matthew.

Pinagmasdan ko itong muli. Nakakatanga naman. Halos sampung taon na pala ang nakakaraan. Pero umaasa pa rin akong babalikan nya ako kahit malaki na ang tsansang hindi na matupad iyon.

Pinilit ko syang kalimutan kahit sa ilang sandali. Ngunit sadyang sobra ko syang mahal at minamahal kaya ultimo sarili kong kapakanan, nalilimutan ko na.

Sa sampung taong lumipas, ang daming nagbago. As in nagbago.

Pero ang pag-ibig ko sa walanghiyang lalaking yon? Hindi. Kaya lang may halo ng poot at galit dahil sa pang-iiwan nya sa'kin sa ere.

HAPON na at maraming tao sa park. May mga nagja-jogging, nagtatakbuhan, naglalaro, naglalandian…sobrang saya ng paligid.

Naupo ako sa isang bench malapit sa big fountain.

Napapikit ako at napasandal pagkaupo ko. Tumingala sa kalangitan habang nirerelax ang aking diwa.

Hayst. Ang sarap ng feeling. Lalo na't malamig ang simoy ng hangin.

Idagdag mo pa ang amoy ng isang masculine perfume~TEKA…

Okay. Binabawi ko na lahat ng sinabi kong nakakahinga ako ng maluwag sa lugar na ito. Sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko, hindi ko na alam ang gagawin ko para huminga ng marahan.

"Jenny…"

Sa hinaba-haba ng paghihintay ko, ngayon ko na lang ulit narinig ang boses nya.

Napadilat ako ng di oras. Walang emosyon nya akong pinagmamasdan habang nakatayo sa aking harap.

Tadhana nga naman, bakit masyadong mapaglaro?

"Matthew…"

Ganoon pa rin ang hitsura nya. Pero di ko maiwasang ipagkumpara sya noon at ngayon. Mas gumawapo sya.

"Jenny, I'm sorry…" lumuhod sya tapos niyakap nya ako. Natameme ako sa biglaan nyang pagyakap. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Masyado akong nadala sa mga nangyayari.

I didn't respond.

Sorry. I'm too hard to be soft.

"Matthew, bakit ngayon ka lang bumalik?" I asked without thinking. Kusa itong lumabas sa aking bibig.

Hindi ko kasi akalain na nandito sya, sa aking harap.

He didn't answer. Bagkus hinigpitan pa nya ang pagyakap sa akin, yung tipong ayaw na talaga nya akong pakawalan.

"I-I'm s-sorry…"

What the?!! Puro sorry na lang ba ang lalabas sa bibig nya? Hindi ko kailangan ng sorry nya, ang kailangan ko ay yung explanation nya!

He faced me, enveloping mine with his palms.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako…na pinupunasan nya naman.

"M-Matthew…*sob*…A-Alam mo namang *sob* mahal na mahal kita di ba? *sob* P-pero bakit n-niloko mo ako? B-bakit iniwan mo ako?! *sob*…" wala pa ring tigil ang pagluha ko.

Napayuko sya't bumuntong-hininga bago nagsalita.

"I'm very sorry, Jenny. I-it's just that…" napatingin sya sa ibang direksyon bago hinarap muli ako. "I-I'm not yet…ready."

I looked at him straight in his eyes.

"Dapat sinabi mo sakin habang maaga pa na hindi ka pa handang magpakasal sa'kin! Hindi yung paaasahin mo ako sa wala!" I went berserk. "Alam mo ba kung gaano kasakit ang mga dinaranas ko habang wala ka?! Habang hinihintay kita ha?! Ultimo magulang at kaanak ko, itinaboy ako dahil sa kahihiyang nagawa ko na ikaw ang may gawa. Yung kasal na pinapangarap ko, nawala at nawasak na lang sa isang iglap! Dahil sa kagagawan mo!" napapasigaw na ako sa galit. Bwiset eh. Nabalik nanaman yung sakit na matagal ko na dinadamdam.

"Mahirap sa'king tanggapin ang katotohanan na nangyari sa kapalaran natin. Na iniwan mo ako ng wala man lang pasabi. Ginawa mo pang biglaan. Akala ko, makakasama na kita sa araw ng ating pag-iisa, ng kasal natin. Akala ko kasi gusto mo na eh. Buong akala ko lang pala lahat ng iyon…" I cried a lot. Reminding all the pain. "…tapos ngayon babalik ka rito na ang eksplanasyon mo eh hindi ka pa handa?! Pagkatapos ng sampung taong pagtitiis ko?!" patuloy ang aking pagtangis sa harap nya. Hindi ko na inalintana pa ang paligid.

Mukhang nakikiramay sa'kin ang langit. Nagsimula nang umambon ngunit di ko na iyon pinansin pa.

Kahit siguro si Matthew. Ang importante eh yung ngayon.

"Shh…�� tinakpan nya ng kanyang hintuturo ang aking labi. "Kaya nga nandito na ako di ba? Itatama ko na lahat ng pagkakamali ko't pagkukulang ko sayo…"

Walanghiya…

Napatayo ako ng wala sa oras. Pinunasan ko ang aking namamasang mga mata.

Unti-unti rin syang tumayo na parang nagdadalawang-isip pa. Dahil sa mas matangkad sya sa'kin, tiningala ko sya.

Wala ni isang salitang namutawi sa aming mga labi. Nakatutok lamang ang aming diwa sa isa't isa sa pamamagitan ng malalimang titigan.

At naramdaman na nga namin ang ulan na bumubuhos sa aming katawan…sa aming paligid.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako nakabawi sa aming titigan.

Isang malutong na sampal ang iginawad ko sa kanya. Hindi dahilan ang ulan para hindi ko marinig ang tunog na dulot ng ginawa ko.

Kahit basang-basa na kami sa gitna ng parke, nakuha ko pa ring umiyak.

"You can't change the past, Matthew. Even a million years passed, the scars you made will always be buried inside my broken heart. Kahit ano pang gawin mo, hindi mo na matatanggal pa ang sakit na naidulot mo sa nasawi kong puso…" then I left him even I felt a slight concern because he was already drenching…

… and leaving him despondent.

Anong akala nya sa'kin? After ng ilang taong paghihintay ko sa kanya, babalikan ko sya sa mismong pagbalik nya? Hindi ako t*nga. Dahil t*ngang tao lamang ang may gustong makipagbalikan sa taong nanakit na sa kanila ng walang humpay kahit ba ikamatay nila.

Ang kapal ng mukha nya. Nakakainis. Ang pusong nasaktan ay hindi parang tutang madaling amuhin. Hindi yan parang 4 year old na bata na kayang-kayang pasunurin.

Para yang oras. Hinding-hindi kayang pabalikin.

While I'm walking away, I give him a short look.

Durog na durog na ang puso ko. Ang akala kong magkakaroon na kami ng forever ay naging never na.

Pero lalong nadurog ang puso ko nang makita ko sya kahit sa malayo na nagpupunas ng luha.

-To be Continued

avataravatar
Next chapter