11 Pretending as his girlfriend

Lumipas ang mga araw na hindi na nagpakita pa si Mr. Dawson sa Hotel. Hindi n'ya alam kung bakit pero mas pabor naman 'yun sa kanya, kaya nagpatuloy lang s'ya sa pagpasok sa Hotel.

Nagtataka man na wala isa man ang sumisita sa kanya na parang wala namang nangyari. Normal naman ang pakitungo sa kanya ng mga staff, maging ng mga Admin ng Hotel. Ang lahat ay tulad pa rin ng dati kaya ang buong akala niya wala na s'yang magiging problema at hindi na niya makikita pa ito.

Mahigit isang buwan ang matuling lumipas simula ng mag-umpisa ang training niya sa Hotel sa pakiramdam niya parang ang tagal na panahon na ang nakalipas, namimiss na niya ang pamilya n'ya lalo na si VJ. Konting panahon na lang naman makakauwi na rin s'ya. "Konting tiis na lang anak, uuwi na rin si Mama." Bulong ng isip niya.

Malalim na naman siyang nag-iisip. Habang lumalakad patungong dining area nang hindi tumitingin sa dinaraan. Dahilan para hindi niya mamamalayan ang mga nakakasalubong, nang bigla na lang s'yang magulantang..

Muli huli na para bumawi pa..

Buti na lang maagap at matikas ang lalaking sumalo sa kanya bago pa s'ya lumagapak sa sahig. Maagap siya nitong nasalo, bago pa man siya bumagsak. But this time they did not fall down.

Para kasi siyang kumapit sa matigas na bakal. Base sa matatag nitong pagkakatayo.

By that time, isa lang ang hindi niya napigilan ang mapasubsob sa matigas at malapad na dibdib nito. Dahilan para muling malanghap niya ang swabeng amoy nito na naiiwan pa sa kanyang ilong. Isang tao lang ang alam niyang ganito ang amoy, isang taong kilala niya?

Nang mahamig niya ang sarili, dahan-dahan siyang tumingala.

To reach out the gorgeous man she ever met, now in front of her. 

Habang nakakapit pa rin siya sa damit nito at alalay pa rin siya ng lalaki. Pagharap niya biglang naumid ang kanyang dila kung kaya't hindi siya agad nakapagsalita.

Bukod kay Joseph, kahit hindi n'ya gusto ang lalaking may balbas, aminado siyang sa kabila ng makapal nitong balbas natatago ang kagwapuhan ng lalaking ito.

And that's the fact beyond her observation. Nagulat pa s'ya ng maunahan siya nitong magsalita.

" So, here you are again? How many times do you intend to blocked my way? Hah! Bakit ba sa tuwing minamalas ako palaging nand'yan ka at nakaharang? I think you had a birthmark on your ass?" Tungayaw nito sa kanya, pero ng mapagmasdan naman s'ya nito biglang nagbago ang expression nito. Biglang naging malambing ang tingin nito sa kanya.

Pakiramdam niya biglang nag-init ang kanyang mukha, hindi n'ya lang alam kung sa sinabi nito o sa paraan ng matiim na pagtitig nito sa kanya. Gosh! Bakit parang ang g'wapo nito ngayon may nabago ba? Tanong ng isip niya. Bigla tuloy siyang napabitaw at napalayo dito.

Pinamulahan tuloy s'ya ng mukha.

Dahil sa naging reaksyon n'ya naulinigan pa niya ang mahina nitong pagtawa. Bago muli itong tumingin sa kanya, napasinghap na lang siya at ng makabawi..

"Hindi ah! Anong sinasabi mo d'yan? Wala akong balat sa puwet!" Pabigla niyang sagot. "At saka bakit mo ako sinisisi sa kamalasan mo? Hindi naman.." Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin ng sabay pa silang mapalingon sa babaeng biglang nagsalita sa di-kalayuan.

"So, here you are!" May bahagyang kalakasang sigaw nito, sapat para marinig nila pareho. Buti na lang nasa gilid na bahagi sila ng dining hall at walang gaanong napapadaan sa bahaging 'yun.

Nang makilala niya ang babae na sa pagkakatanda niya, ito ang nobya ng lalaking katabi niya ngayon. Dahilan para sana lalong siyang dumistansya dito. Pero hindi na niya nagawa.

Dahil iba ang naging reaksyon nito pagkakita sa babae. In a second, he grip her waist and pull her closer to him. She feel shocked at the moment, gross! Anong ginagawa ng lalaking ito sa kanya? Tanong sa isip niya..

Pinilit niyang lumayo sa lalaki pero nabigo lang s'ya. Dahil mahigpit nitong hawak ang kanyang baywang at lalo pa nitong idinikit ang sarili sa kanya ng maramdaman nitong tinangka niyang lumayo.

Habang lumalapit ang babaeng inaakala niyang nobya nito. Lalo pa itong dumikit sa kanya, halos hindi na s'ya makahinga. Pakiramdam n'ya tumigil ang pag-ikot ng mundo. Lalo na s'yang naparalisa ng idinikit nito ang labi sa puno ng kanyang tainga at saka bumulong..

"Don't try to leave me right now or else, you will be sorry. I'm trying to kill you this time. Stay there.." Mariing utos nito, kahit may hinuha s'yang hindi naman talaga ito totoo sa sinabi.

Naguguluhan man sa ikinikilos nito ngayon, mas pinili na lang niya na manatili sa tabi nito. Dahil aminin man niya o hindi curious s'ya na malaman, kung ano ang drama nito sa pagkakataong iyon?

"Jeremy!" Tawag ng babaeng bigla nasa harap na nila ito.

"So you there.." ulit pa nito.

"Jeremy? Yun pa la ang ang pangalan niya Jeremy Dawson." Ulit na bulong ni Angela sa sarili.

Naramdaman niya na biglang bumitaw si Mr. Dawson sa kanya, ang akala niya pakakawalan na s'ya nito. Yun pala ililipat lang nito ang mga kamay sa kanyang balikat at muli kinabig s'ya para lalo silang magkadikit nito.

"What's the meaning of this, and why you're here with that a kitchen girl?" Mapanuring tiningnan s'ya nito, mula ulo hanggang paa. Pagkatapos tiningnan s'ya ng matalim.

"And so what, If I am with my fiancee?" Sagot nito sa babae na mukhang nabigla. Ang buong akala niya ito ang nobya ng lalaki. Pero sa nakikita niya mukhang gusto nitong takasan ang babae at mukhang s'ya ang ginagawa nitong alibi? Ito ba ang dahilan kung bakit gusto nitong magpanggap s'yang nobya nito, pero bakit? Tanong ng isip niya. Maganda ang babae at mukhang hindi basta-basta. Kaya lang mukhang may attitude?

"What, are you crazy? She's only a kitchen girl. If you want to fool me, think it first. You know me honey." Galit na pahayag nito. Ngunit saglit lang 'yun, dahil mahinahon na ito ng muling magsalita. Kaybilis nitong nagpalit ng mood. "You know how much I like you, darling. Please stop joking!" Sabi pa nito sa malambing ng tono, hinawakan pa nito ang braso ni Joaquin at pasimpleng tinulak nito si Angela.

Dahil dito muntik na s'yang mabuwal kung hindi lang s'ya maagap na naalalayan ng lalaki.

"Hey Martha! Why you do that? Don't do this again, I'm warning you!" Banta ng lalaki na halatang nagpipigil lang ng galit habang hawak pa s'ya nito sa kanyang braso. "How many times? Should I tell you that, I don't like you ever since. And I want you to know, me and Angela were getting married soon." Paniniyak pa nito sa babae habang hawak pa rin ang kanyang kamay.

"No! I don't believe you.. I know, it's just a joke! If you want me to believe you, prove it!" Paghamon pa nito.

"You want a proof?" Tanong ni Joaquin dito. "Then I'll give you one!"

It's too late for her to guess, what he did next? It's something she didn't expect.

Just a second, to move her more closer to him and then he gave her a kiss. In that time she didn't get a chance to choose. She even want to protest but she can't.

Sinikap niya itong itulak pero mahigpit nitong hawak ang kanyang ulo, habang ang isa nitong kamay pumipigil at humahaplos sa kanyang likod.

Samu't-saring pakiramdam ang saglit na nagpatigil ng kanyang kamalayan pati yata pagtibok ng kanyang puso. Nang mariin s'ya nitong hagkan sa kanyang labi at hindi pa dito natapos ang lahat..

She stopped breathing, when his lips start to move over her to taste every part of her lips.

Dahilan para panandaliang mawala sa kanyang sarili si Angela.

A strange feeling's flowed into her senses, for the first time in her life. Here is something new to her, ngayon n'ya lang ito naramdaman. Ito nga ba ang una niyang halik? Si Joseph kahit kaylan hindi nagtake-advantaged sa kanya. Kahit batid niya ang pagkagusto nito sa kanya.

May bahagi man sa isip niya ang tumututol. Pero hindi niya maitatanggi na may isang bahagi rin sa kanya ang pumipigil na lumayo dito. Isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.

The strange sensation that changed her emotions that time, and she knows? Her heartbeat changed the same too.

May mga bagay na hindi n'ya kontrolado, pero pwedeng iwasan o pigilan ng hindi na lumawig pa. Kung si Joseph sana ang humalik sa kanya ngayon walang s'yang problema, hindi ang lalaking ito na kailan lang niya nakilala. Biglang sumagi sa kanyang isip ang reyalidad, hindi s'ya maaaring magmahal ng iba. Si Joseph, VJ at s'ya lang ang magsasama hanggang sa huli. Yun ang pangako n'ya sa kanyang sarili.

Bigla siyang natauhan, sa isiping ito. Nagkaroon siya ng lakas para muling itulak ang lalaki. Pero naging mas maagap ito sa kanya ng maramdaman ang kanyang pagkaalarma. Hindi pa rin s'ya nito binitiwan. Bumitaw ito sa paghalik sa kanya para lang makalanghap s'ya ng hangin. Pero mahigpit na pigil pa rin s'ya nito at magkaharap pa rin ang kanilang mga mukha.

Nalalanghap pa rin n'ya ang mabangong hininga nito. Bagay na nakapagpapalito sa kanya, pero hindi ito dapat nangyayari! Sigaw ng isip niya.

"Ano itong ginagawa mo?!" Galit na n'yang bulong sa lalaki.

"Sumakay ka na lang ok? Malagpasan lang natin ito, promise gagawin ko lahat ng gusto mo. I swear, please pretend!" Bulong din ng lalaki na hindi inaalis ang pagkakalapit ng kanilang mukha.

Sasagutin pa sana niya ito, pero hindi na niya naituloy ng muling magsalita ang babaing tinawag nitong Martha. Nawala na sa isip niya na meron nga pala silang audience.

"Do you think, I believe you, because of that kiss? Oh! Com'on honey, just only a kiss. I've kiss you so many times for free. How much you cost that woman? Or let me guess, maybe it's a benefits of her?" Nakakauyam na pag-akusa nito.

"What?" Nabigla niyang sagot ng ma-realized ang sinabi nito. Bigla n'yang hinawi si Jeremy para harapin ito. Kanina lang minata s'ya nito at tinawag na kitchen girl. Pero ok lang dahil sa kusina naman talaga s'ya naka-assign. Pero sumosobra na yata ito ngayon.

"What did you mean again? You know what? I don't want to get mad at you, Because I'm here at the Hotel and I don't want to have a problem here again. But you're accusing me something.." Saglit s'yang nahinto sa pagsasalita ng hawakan s'ya ni Joaquin sa braso.

"Hey!" Tinabig n'ya lang ito at nagpatuloy..

"Oh! Before anything else, let me tell you something. Jeremy and I we're having an agreement before.. You know what?" Saglit n'yang ibinitin ang pagsasalita, para makita ang reaksyon ng dalawang kaharap. Bahagya s'yang napangiti ng makita ang pagkainis sa mukha ng babae at pagkagulat sa mukha ni Mr. Dawson. Pero halatang parehong naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"Yes he's right, he and I were getting married soon. And that's because of his responsibility for me." Walang gatol niyang pahayag sa babae.

"Don't tell me you're preggy?" Dudang tanong pa nito.

"I'm sorry to disappointed you, Madam. But I'm done giving birth to his son." Deretso at sigurado niyang sagot sa babae.

"What?" Gulat na tanong ng babae.

Hindi na rin n'ya nakita ang gulat at pagkatigagal sa mukha ni Joaquin. Lalo na sa sumunod n'yang tanong.

"You want to see a proof?" Hamon na tanong niya dito na nilangkapan pa n'ya ng sarkasmo.

"Yes!" Hamon din nito.

"Okay, then you should see this!"

Taas noo niyang  inabot dito ang kanyang cellphone na agad namang inabot ng babae. Hindi n'ya alam kung bakit naisip niya ang gano'n bagay hindi niya gustong saktan ito o paglaruan. Ang nais lang n'ya turuan ito ng leksyon at ipahiya sa sarili. Kung hindi pa ito maniniwala sa naisip n'yang taktika wala na s'yang magagawa para matulungan ang lalaking katabi n'ya, na hindi n'ya namamalayan ang pagkalito at pagkaalarma dahil sa kanyang ginawa.

Naging mabilis ang mga pangyayari. Bigla na lang naghisterikal ang babae, kay bilis nitong naniwala sa sinabi niya. Nang walang gatol pagkakita nito sa picture ng kanyang anak. Hinarap nito si Jeremy at tinungayawan ito.

"I waited  for you for almost eight years, we become friends but never told me you have a child. Why you keep a secret? Because of her, a kitchen girl?

I thought Liscel's only I need to defeat. Why you always never considered me as a woman. You just traded me to that woman. Why is she?" Galit na sigaw nito kay Joaquin at duro nito kay Angela. Habang si Jeremy na halatang hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat.

"Liar! You both go to hell!" Sabay hagis nito sa cellphone na hawak, bago pa tumalikod ang babae at tuloy-tuloy ng umalis.

Isang bagay na hindi n'ya napaghandaan na magagawa nito. Para tuloy s'yang tanga na tinangka pang habulin at saluhin sana ang kanyang Cellphone. Huli na para ma-realized n'ya ang katangahan. Naramdaman na lang niya na may sumakop sa kanyang baywang mula sa kanyang likuran upang pigilan ang kanyang pagkasubsob.

Nang muli n'yang sundan ng tingin ang kanyang cellphone, nasa sahig na ito at tuluyan ng nawasak at mukhang hindi na rin magagamit pa. Bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang hindi sa presyo nito o sa ano pa man, kundi sa sentimental value nito sa kanya. Regalo ito ni Joseph sa kanya nitong last birthday n'ya. Nandito rin ang mga pictures nila na hindi pa niya na-saved.

Paano na, ano nang gagawin ko ngayon? Mahinang bulong niya sa sarili.

Sa isang iglap lang parang ang daming nagbago.

Hindi na n'ya napigilan ang unti-unting pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

Bakit ba s'ya naiiyak?

"Hey! Why are you crying? It's just only a phone. Pwede ko 'yang palitan kung gusto mo." Pang-aalo nito, pero iba ang dating nito sa kanya. Bigla din ang naging paglingon niya dito.

Ang sama sama na nga ng kanyang pakiramdam at 'yun ay dahil sa lalaking ito. Sabay tiningnan din n'ya ito ng masama.

Kung nakamamatay lang ang kanyang tingin, malamang bulagta na ito.

"Hey! Are you mad at me?"

___________//

By: LadyGem25

avataravatar
Next chapter