1 Prologue

"Thanks for this!" Pasasalamat ko sa isang waiter na nag-abot ng isang bote ng beer sa akin.

"You're welcome ma'am!" Kaagad na sambit nito bago tumalikod na para bigyan ang iba pang guest ng inumin.

Napatingin ako sa isang babae na kani-kanina lamang ay grabe kung makipag lampungan sa kanyang nobyo.

Hindi ba siya nahihiya? I mean, dude nakakailang kaya yung ganon. Tss! Hindi ba siya tinuruan ng magulang niya ng tamang asal? Like what the fck! Kissing in public? Eh kulang nalang halos mag sex na sila sa harapan ng maraming tao eh. Well, kung sabagay. Wala naman yatang ibang nakakapansin sa kanila kundi ako lang.

Teka nga, bakit ba? Pake ko ba sa kanya? Hindi ko naman yan ka anu-ano, isa pa, hindi naman yan ang ipinunta ko rito at mas lalong hindi ang pagtitig sa kanilang dalawa ang misyon ko kung bakit ako nandito.

At ngayon ay nakikipagtawanan na at masayang nakikipagkwentuhan sa kanyang boyfriend. Napatingin ito sa gawi ko bago ako sinamaan ng tingin at may kasama pang pag irap.

Naiiling na napaiwas na lamang ako ng tingin mula rito. Maglalakad na sana ako ng may bigla naman akong nabangga at bumagsak sa harapan ko sa buhangin.

"Ouch!" Sambit nito. Halatang nasaktan.

Kaagad na napayuko ako rito at inalalayan siyang tumayo. Mukhang may tama na yata ng alak. "Sorry." Paghinge ko ng paumanhin ng tuluyan ko na itong naitayo.

Matagal ito bago nakapag salita at nakapag react dahil sa napatitig lamang ito sa buong mukha ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapangisi. Pero dude, ang ganda niya! Para siyang isang anghel.

Napakurap ito bago napatikhim.

"It's okay." Wika nito habang hindi parin inaalis ang kanyang mga mata sa akin. Nakakailang naman. Sabi ko sa loob ko. Napangiti ito sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapalunok dahil mas lalo itong naging maganda pag nakangiti.

"Are you sure?" Muling tanong ko pa. Nakakahiya naman, baka kasi nabalian ito o may masakit sa kanya. Kaagad na napatango ito. Ayaw ko pa mang umalis pero kailangan na, mahirap na, papatayin ako ni Breeze dahil kanina pa ako nawawala. Ang sabi ko kasi sandali lang ako.

"Okay, see you around Uhmm--" Hindi ko nga pala alam ang pangalan niya.

"Catherine." Pagpapakilala nito kaya natawa ako ng mahina. Magsasalita pa sana akong muli ng may biglang tumawag ng pangalan ko. It's Rick. Breeze's husband.

"Billy! Billy! Hey, over here!" Mabilis na nahanap ng mata ko ito bago muling napatingin sa magandang babaeng nasa harapan ko.

"Right. Catherine, see you around!" Halos pasigaw na, nasabi ko rito bago tuluyan ng napatalikod at nagtungo sa mga kaibigan ko.

Hindi pa man kami tuluyang nakakalayo sa maingay na parte ng beach nang may mapansin akong isang babae habang sa likod naman nito ay may isang lalaki, na may kung anong dinudukot sa loob ng maliit nitong sling bag.

"Wait guys!" Mabilis ang kilos na nagtungo ako rito. Bago mabilis na hinawakan ang kamay ng lalaki bago ito pinilipit patalikod.

"Ang pagnanakaw, dapat ginagawa sa walang makakakita." Sabi ko rito.

"Sino ka ba?!" Natawa lamang ako rito bago muling pinilipit ang kanyang kamay

"Ouch! Ouch! Ano ba t-t-tama na masakit! S-sorry na!" Namimilipit na sabi nito habang nakikiusap sa akin. Binitiwan ko ang kamay nito, ngunit isang malakas na sipa naman sa kanyang katawan ang kanyang natamo mula sa akin.

Napatakbo na ito ng tuyuan habang iika ika. Tsk!

Dinampot ko ang nakuha nitong wallet mula sa loob ng sling bag nong babae.

"Excuse me, miss?" Tawag ko sa babae.

Kaagad na napaharap ito sa akin bago ito mataray na napataas ng kilay at tinignan ako ng masama. Gusto ko pang magulat ng makita ko ang mukha nito.

Walangya! Siya iyong babae kanina na grabe kung makipag PDA.

"Wait, ikaw yung babaeng tingin ng tingin sa amin ng boyfriend ko kanina, hindi ba?" Mataray na sabi nito sa akin.

"And?"

"Siguro, type mo yung boyfriend ko 'no?" Pagtataray parin na sabi nito sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapatawa. "Is that a joke?" Natatawa parin na sabi ko rito. "Halikan kita dyan eh." Bulong ko sa sarili.

"Anong sabi mo?" Kaagad na tanong nito. Napapailing na lamang ako sa sarili.

"Wallet mo." Sabi ko rito bago inihagis na iyon sa kanya ng tuluyan na kaagad niya rin namang nasalo. Gulat na napatingin ito sa akin at magsasalita na sana ng inunahan ko na siya.

"Hindi ko ninakaw yan. Mukha ba akong magnanakaw? Sa susunod kasi, mag iingat ka lalo na sa ganitong lugar." May concern parin naman ako sa mga babaeng katulad niya 'no?

"Ma'am, is everything okay here?" Tanong ng isang naka men in black na lalaki, na sa tingin ko ay bodyguard nito. Nagsama pa siya ng bodyguard, wala namang silbi. Tss!

"It's fine. I can handle this one." Sabi nito bago ako tinignan ng baba at pataas.

"Is that the right way to say thank you?" Sarcastic na tanong ko rito. "Well, never mind. Maganda ka sana kaya lang.." Tinignan ko rin ito ng baba at taas. "May attitude problem. Bitch! " Dagdag ko pa bago ito tuluyan ng tinalikuran.

"You witch! Come back here!" Narinig ko pang sabi nito habang papalayo ako sa kanya.

Hayyyy, Women. Dismayadong sabi ko sa sarili. Ngayon na nga lang ulit nakabalik galing sa misyon, makakasalamuha pa ako ng babaeng, hindi ko maintindihan kung anong pagkatao ang meron. Mukhang matino naman sana siya sa unang tingin, pero... Tsk! Napailing na lamang akong muli bago nagpatuloy pa sa paglalakad papunta sa kung nasaan man ngayon sila Breeze.

avataravatar
Next chapter