webnovel

My Savior

Aerin POV

"Magandang gabi senorita! Nakahanda na po ang inyong hapunan." Ang sabi ng isang maid na ngayon ay nakatayo sa labas ng aking kwarto.

Napa irap ako bago napahawak sa aking noo. "Great!" Walang nagawa na sabi ko sa loob ko. Papaano pa ako makakatakas nito kung may tao naman sa labas ng kwarto ko.

Hindi naman pupweding lumabas ako mula sa main door ng mansyon dahil siguradong nakabuntot kaagad sa akin ang mga bodyguard ko.

I hate bodyguards! Pero dahil minsan ay napaka higpit ni daddy at kailangan ko raw ng proteksyon ay walang magawa na sinusunod ko nalang ito.

Hindi ako pweding makipag date ng wala sila, kaya kapag nalalaman ni daddy...bukas o makalawa aayawan na nila ako. O hindi kaya, pagbabantaan sila ng mga tauhan ni daddy. Nakakainis!

And then sasabihin pa na hindi ako pupweding makipag date kung kani-kanino, dahil ang mayaman ay para lang sa mayaman. At may lalaking nakatadhana para sa akin, which is ayoko naman sa kanya. Kung sino man siya, dahil maging ako ay hindi ko parin ito nakikilala.

"Senorita?" Muling pagtawag sa akin dahilan para mapukaw ako sa malalim kong pag-iisip.

Napatikhim ako. "C-coming!" Tipid na sigaw ko rito para marinig niya dahil sobrang napaka kulob ng kwarto ko. "Bababa na ako." Dagdag ko pa ngunit ang totoo ay hinihintay ko lamang itong umalis na.

Biglang napadako ang mga mata ko sa bintana ng kwarto at kaagad na napangiti. Hmmmm...bright idea Aerin, magtatagumpay ka.

Lumapit ako rito at napasilip. "Not bad." Bulong ko sa sarili habang tinitignan kung gaano ba kataas ang tatalunin ko magmula dito sa pangalawang palapag ng mansyon. Kung saan ako nakatira.

Dahan dahan na pumwesto ako sa nakabukas kong bintana. Tinanggal ko na muna ang suot kong high heels bago ito naunang itinapon kung saan ako parte babagsak.

Napa inhale at exhale muna ako bago..."Bahala na." Sabi ko pa sa sarili.

Bumilang muna ako ng tatlo bago tuluyan ng napatalon rito. "O-Ouch!" Reklamo ko sa dahil naunang tumama ang pwet ko sa matigas na semento.

Napapangiwi na lamang ako sa sarili habang hinihimas ang parte ng katawan kong nasaktan. Hindi ko na muna muling isinuot ang sandals ko upang makapag takbo ako o makapag lakad ng mas mabilis at maayos.

Mabuti na lamang ay nasa labas na si Harry. Sigurado akong kanina pa yun naiinip na naghihintay sa akin. Who's Harry? Well, isa lang naman siya sa mga lalaking nahuhumaling sa akin.

Alam ko naman kung ano lang ang gusto nila mula sa akin. Bukod sa maganda at sexy kong katawan, sa pagiging famous at dinaig pa ang pagiging celebrity, of course! Ano pa nga ba? Kung hindi ang kayamanan na dala dala ko dahil sa anak lang naman ako ng isa sa pinaka mayamang business tycoon dito sa Pilipinas at Kilala sa buong Europa, walang iba kung hindi ang daddy ko, si Tony Hamilton.

"Hi Harry." Kaagad na pagbati ko rito ng makarating sa tapat ng kanyang kotse. Nakapa sandal ito habang naka cross arms.

Napapasipol habang may kung anong paningin sa kanyang mga mata. Iyong para bang isa akong masarap na putahe sa kanyang mga mata at naka handa na ito na lapain ako.

"Hello, there, sexy. Want some---

"Shhh." Pagpigil ko rito bago inilagay ang dulo ng hintuturo ko sa kanyang labi. "Don't be so fast Harry. Let's have fun first. Okay?" Kagat labi na sabi ko rito bago ito kinindatan at tuloy tuloy ng pumasok sa loob ng kanyang kotse.

"Hard to get huh?" Pang aasar pa niya. Napangisi lamang ako. Man will always be a man, kapag nakuha na nila ang gusto nila sayo, they will throw you like a garbage. Maswerte ka nalang kung may pupulot pa sayo dahil pakikinabangan ka pa. Eh papaano kung hindi na? O wala ng magkukusa.

Well, naniniwala naman ako na sa hundred percent ng lalaki sa mundo eh, may iilan parin naman sa ten percent nito eh yung lalaki na kayang panindigan ang isang babae. Hindi dahil nakuha na nito ang gusto nila, kung hindi dahil mahal niya.

First love? Or what so ever they are called love at first sight? I don't think naniniwala ako diyan. Hindi naman kasi iyon totoo. Why? Hindi rin dahil sa bitter ako. O sawi. Marami diyan sinasabi nila mahal nila ang isa't isa but after seven or how many years naghihiwalay parin sila. First love never dies, eh marami sa first love nila kasal na sa iba, o puppy love lang sila. And that love at first sight? That's the most stupid words I've ever heard. Nakita mo lang ng isang beses ang isang tao mahal mo na kaagad? Stupid right?

I ONLY believe in love at second sight. Wait, what? Yes, that's true. Second sight, iyong feeling na mag i-slow motion pa ang lahat kapag nakita mo siya ng pangalawang beses at sa pangalawang pagkakataon. For me, that's the real love. That's what they call destiny. Kasi, bakit kayo hahayaan magkitang muli? Bakit kayo hinayaan na pagtapuing muli. Hindi ba dahil hinayaan iyon ni universe na mangyari? Because you are destined for each other.

That's the real love for me. At iyong mafefeel mong safe ka at hindi ka niya pababayaan.

"Alright, we're here." Masungit na sambit ni Harry sa akin bago inihinto ang kanyang sasakyan sa parking area. Padabog din itong bumaba ng kotse at hindi man lamang nag-abala na pagbuksan ako ng pintuan.

Problema 'non? Sabi ko sa loob ko. Hindi mo kasi pinagbigyan kahit isang kiss. Tuyo naman ng aking isipan. That's bullshit. Iritableng sabi ko sa sarili bago bumaba na rin mula sa loob ng sasakyan.

Nakita ko si Harry na pumasok na sa loob ng bar habang may kaakbay na isang, whatever. Hindi naman kagandahang babae. Naupo sila sa isang pabilog na couch na sa tingin ko ay kakasya ang limang tao.

Mabuti na lamang at medyo tago at liblib ang lugar na ito. Dahil sigurado ako na pinaghahanap na ako ng mga tao ni daddy ngayon at tiyak na galit na galit na iyon dahil sa ginawa ko.

Walang nagawa na naupo na lamang din ako sa couch parahap kina Harry. He's trying to kiss a girl ngunit dahil sa hindi na ako nakapagtimpi, tumayo ako at tinapik ang babae sa kanyang balikat.

"Hoy! " Pagtawag ko rito bago ito hinila patayo mula sa pag kandong ni Harry.

"Anong problema mo miss?!" Inis na sambit nito ngunit tinaasan ko lamang ito ng kilay dahilan upang siya ay padabog na mag walk-out.

Muli ay ibinalik ko ang aking atensyon sa lalaking kanina pa, eh kulang nalang halos lumuwa na ang kanyang mga mata sa akin.

"That's my girl. I like that. Hmmm.." Kagat labing sabi nito sa akin bago ako hinila sa aking balakang at siniil ng isang mainit na halik na kaagad ko namang tinugon.

Napaupo ako sa mga hita nito at napakapit sa kanyang batok. Naramdaman ko rin ang dahan dahan na pag gapang ng kamay nito papunta sa dulo ng skirt ko. Ngunit hindi iyon nagtagal ng pinutol ko ang halik at muling napatayo.

"W-what the---what's your problem?!" Inis na tanong nito sa akin na halata mong nabitin.

Napangisi lang ako bago inayos ang suot ko. "Sorry Harry. I can't do this. Bye." Kaagad na paalam ko rito bago mabilis ang mga hakbang na tumalikod na at naglakad papalayo sa kanya. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa kanya ng hablutin ako nito sa aking braso.

"Anong akala mo sa akin, hahayaan lang kita na umalis ng hindi pa natitikman?" Oh shit. Ang pogi niya sana, manyakis nga lang.

"Harry, bitiwan mo nga ako!" Sabi ko sa kanya bago nagpupumiglas. Ngunit natawa lamang ito.

"Paano kung ayoko?" Sabi pa niya. At mas hinigpitan pa ang pagkakakapit sa aking braso.

"Harry nasasaktan ako!" Singhal ko pa ngunit wala iyong nagawa. Itinulak ako nito dahilan para mapasandal ako sa matigas pader.

Ouch! Ang sakit ng likod ko ha. Napayuko ako upang damputin ang hawak hawak kong pouch.

"Hey! Hey! Hey!" Rinig kong sabi ng isang lumapit kay Harry upang awatin. "Ang babae hindi sinasaktan. Hindi mo ba alam yun?" Tanong nito kay Harry. Ngunit dahil sa oras ko na iyon upang makatakas sa kanya kaya mabilis ang hakbang na tumalikod na ako at hinayaan na magtalo sila ng taong yun.

"Ano bang pakialam mo?!" Galit na sigaw nito doon sa pumigil sa kanya. Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi nito dahil sa medyo nakakalayo na ako sa kanila.

Tumakbo ako sa parking area ngunit huli na nang maalala ko na wala nga pala akong dalang kotse.

"Shit!" Pagmura ko sa sarili at walang nagawa na naglakad na lamang paalis ng lugar na iyon.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ng may tumawag sa akin. "Miss, sandali!" Napa irap lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Miss teka nga! Ang sabi ko sandali!" Naiinis na, na sambit nito sa akin ngunit hindi ko parin ito nililingon man lamang.

"Dammit. Bingi ka ba?! Hindi naman diba?!" At naubusan na nga ito ng pasensya. Gusto ko tuloy matawa dahil sa mga pinagsasabi niya.

Napahinga muna ako ng malalim bago tuluyang napaharap sa kanya. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita kong muli ang pamilyar nitong mukha dahil sa liwanag na nagmumula sa mga ilaw ng kalsada.

Ang ganda ganda niya talaga! Hindi mo aakalain na ordinaryong tao lamang ito dahil sa kutis, tangkad at sexy niya. Aakalain mo na isa itong modelo na naligaw lamang sa lugar na ito.

At ang mga mata niya, there's something in her eyes na hindi ko malaman kung ano. Iyong madadala ka na lamang kapag napatitig ka, yung kanyang maangas na porma, na mas lalong nagpapaganda sa kanya. Shit! Para bang nag slow motion ang lahat sa akin at sa kanya lamang naka focus ang aking paningin. Halos kahawig nito ang hollinwood star na si Gal Gadot, kung hindi ako nagkakamali. Sa pananamit at awra nito parehong pareho sila.

"Are you alright?" Tanong nito sa akin na siyang muling nagpukaw sa akin.

Kaagad na napa iwas ako ng tingin rito. "Y-yes." Utal na sagod ko bago napakagat sa aking dila. Napansin ko ang sugat at konting dugo sa gilid ng labi nito.

"Teka nga, ano bang kailangan mo sa akin?!" Pagtataray ko pa sa kanya.

Oo nga! Sang ayon naman ng aking isipan.

Ngunit sa halip na sagutin ako ay natawa lamang ito sa tanong ko. "Seriously? Itatanong mo talaga yan?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Na kaagad na ikinainit ng ulo ko. Gusto ko pa naman sana siyang tanungin kung ayos lang ba siya. Tss!

Napataas lamang ako ng kilay sa kanya bago napa cross arms. Para kaming siraulo na nagtatalo dito sa may gilid ng kalsada. Hindi naman parehong magkakilala.

"Hindi ka talaga marunong magpasalamat 'no?" Wika nito sa akin. Napanganga na lamang ako dahil sa hindi rin makapaniwala sa kanyang sinasabi.

"Iyon ba ang pinuputok ng butche mo dyan? Edi thank you!" Inis na sabi ko rito bago napairap. "And I remember you. For your information, you are the one who called me bitch that night."

Ngunit sa halip ay mainis ay muli lamang itong natawa sa aking sinabi. "Ikaw ba naman sabihan ng 'may gusto ka boyfriend ko' no?" Pang gagaya pa nito sa sa boses ko.

Nauubusan ng pasensya na napatalikod na lamang ako rito at nagsimula ng muli sa paglalakad. Hindi ko naman kasi dapat sinabi yun. Nagagandahan lang naman talaga ako sa kanya noong gabi na iyon. At wala akong ibang maisip at makita na maipintas sa kanya kundi iyon lamang.

"And where do you think you're going?" Tanong nito sa akin. Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy pa sa paglalakad.

Ngunit parang gusto ko na agad magsisi dahil nasa lilib na lugar pala talaga ako dinala ni Harry. Damn him!

Napakadilim na sa lugar na ito at wala na masyadong poste ng ilaw sa kalsada. Bakit hindi ko iyon napansin kanina noong papunta palang kami ni Harry? I hate him! Inis na sabi ko sa sarili. Talagang gusto akong ipahamak ng lalaking yun.

Pabalik na sana ako ng maramdaman kong may matulis na bagay na nakatutok sa tagiliran ko.

"Ops! Wag kang magkakamali." Matigas na sambit nito sa akin bago mas idiniin pa sa aking balat ang kung ano mang matulis na bagay na iyon.

Awtomatikong nanginig ang kalamnan ko dahil sa boses nito at tawa na parang demonyo. Itinaas ko ang dalawamg kamay ko habang nanginginig parin at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ngayon palang pinagsisisihan ko na, iniwanan ko yung babaeng yun.

"Wow! Pare, nakabingwit ka pa yata ng mayaman na, makinis pa!" Biglang sulpot naman ng dalawang kasama nito na hindi ko alam kung saan nang galing.

"A-ano hong kailangan niyo? Please, m-maawa po kayo sa akin." Nanginginig ang boses na sabi ko sa mga ito. Ngunit sa halip na maawa ay sabay sabay pang natawa ang mga ito.

"Sige na pare, kunin mo na lahat ng pweding makuha dyan. Atsaka...mukhang masarap din itong papakin ha." May pagkamanyakis na sabi ng isa bago ako tinignan ng mula ulo hanggang paa habang nakalabas ang dila.

Nangingilid na ang mga luha ko habang nananalangin na sana mayroong mapadaan kahit man lamang sasakyan.

"Wow! Pare, hayop! Mukhang galante tayo ngayon! Mayaman pala talaga itong si Miss." Dagdag pa ng isa. "Hindi ba anak ka ng isa sa pinaka mayamang negosyante dito sa Pilipinas?" Tanong pa niya. "Hindi ako nagkakamali, madalas kang lumabas sa mga balita at dyaryo." Pagkatapos ay muli na naman silang nagtawanan.

Ilang sandali lamang ay may narinig akong tunog ng sasakyan. Lumiwanag ang paligid gamit ang ilaw nito.

Huminto ito sa may tapat namin habang nakatutok naman ang ilaw sa mukha naming lahat.

Kusang nanlaki ang mga mata ko ng bumaba mula dito ang isang babae. Ang babae na kanina lamang ay kausap ko. At hindi isang kotse ang sasakyan nito kung hindi isang big bike 2019 Suzuki G5X-S1000F2. Mas lalong nanlaki pa ang mga mata ko habang napapanganga pa ng makita ko ang hawak hawak nitong baril na nakatutok sa tatlong lalaki.

"Drop your knife or I will blow your brains off!" Matigas na sambit nito at alam mong may pagbabanta.

Napalingon ang dalawa sa mga ito at parang takot na takot na napa takbo ng mabilis. Habang ang isa naman ay nanatili parin sa kanyang pwesto sa likuran ko.

"Ross. Para namang hindi tayo--

"Now." Madiin na putol nito dito.

"Okay, relax! Ibababa na." At kaagad nga na binitiwan nito ang kanyang kutsilyo at humarap sa babae na tinawag nitong Ross. "Magkikita pa tayo." Nakangising sabi nito bago tuluyan na kaming tinalikuran.

Narinig ko pa ang malutong na pagmura ng babae mula sa aking kinatatayuan. Habang ako naman ay nanatili paring shock sa mga nangyari. Sa tanang buhay ko ngayon lamang ako natutukan ng kutsilyo. "Sinasabi ko na sayo, hindi safe sa ganitong lugar." Malamig na sabi nito at tumalikod na sa akin.

"Wait." Pigil ko sa kanya. "Iiwanan mo'ko dito?" Nanginginig ang boses na tanong ko sa kanya ngunit napa musyon lamang ito na sumakay ako sa kanyang sasakyan. At ini-abot ang helmet sa akin.

Napalunok ako ng disoras. Mapagkakatiwalaan ba siya?

First chapter na tayo guys! Please don't forget your comments and votes!

Jennexcreators' thoughts
Next chapter