31 Act 31

ACE

"Hindi ko alam noon," sabi ni Damien.

Nakaupo siya sa sofa sa harapan namin ni Clark. Katabi ko si Clark at magkahawak ang aming mga kamay habang nakikinig sa kwento ni Damien.

"Aaminin ko attracted talaga ako sayo noon," sabi pa niya. "Pero a few months ago, may nakasalubong akong isang babae. Nakilala niya ako. Sinabi niya sa akin na kaibigan siya ng mommy ko. Siya ang nagsabi sa akin ng lahat. Syempre, hindi ako naniwala agad. Pero pinilit ko pa ring hanapin ang sinasabi niyang totoo kong tatay."

"Ang tatay ko?" tanong ko.

Tumango siya. "Oo. Sabi niya, ang totoo ko raw na ama ay ang isang nagngangalang Robert Montemayor. Matagal ko rin siyang hinanap hanggang sa nakita ko siya rito. Nakakulong. Nakumpirma ko na siya ang tatay ko kasi kilala niya si mommy. Kasi kilala niya ang babaeng nabuntis niya bago sila pinaghiwalay ng mga magulang ng mommy ko."

"So, nagkakausap na kami ni dad?"

Tumango siya ulit. "Madalas ko siyang bisitahin. Alam kong hindi siya ang kinalakihan kong ama pero ama ko pa rin siya. Kadugo ko pa rin siya."

Tinamaan ako roon. Hindi ko nagawang bisitahin sa kulungan ang daddy ko. Kasi hindi ayoko siyang makita. Kasi hindi ko alam kung makakaya ko kapag nakatayo na siya sa harapan ko.

"Nababanggit ka niya sa akin, Ace," sabi ni Damien.

Nakaramdam ako ng lungkot. Kahit papaano ay nami-miss ko pa rin ang pakiramdam na may ama. Hindi naman puro masasakit na alaala ang meron kami ng sarili kong ama.

Naging mabuti siyang ama sa amin. Bago siya nagbago. Bago siya naging gago. Bago niya ako binaboy. Bago niya pinatay ang mommy ko at mga kapatid ko.

"Baby?" nag-aalalang tanong ni Clark. Hindi ko namalayan na bumibilis na pala ang paghinga ko. "Okay ka lang?"

Pumikit ako at kinalma ang sarili ko. "Okay lang ako. Thanks, baby."

Tumayo si Clark at tumingin kay Damien. "Mabuti siguro kung huwag na muna natin pag-usapan ang tungkol dito. Kailangan na rin kasi namin umuwi. At ikaw, Damien, right? Pwede ka na ring umuwi."

"Gusto ko pa sana makausap si Ace. Ang kapatid ko," giit ni Damien.

"Kailangan na niya magpahinga," sabi ni Clark. "And I don't trust you enough para hayaan kayong magkasama. I mean, I don't trust you at all."

Tiningnan ako ni Damien pero sinenyasan ko siya na umalis na. Hindi na rin ako komportable na makita siya ngayon. Naalala ko sa kanya si daddy.

"Tara na, baby," sabi ni Clark. Inalok niya ang kamay niya.

Hinatid niya ako sa bahay.

"Salamat, baby," sabi ko. Nakatayo kami sa tapat ng bahay namin. Bahay nila Ben. Nginitian ko siya. "I love you," sabi ko at ginawaran siya ng mabilis na halik sa labi.

"I love you more," nakangiting sabi ni Clark. "I'll see you soon."

Tumango ako. "Ingat ka sa pagda-drive."

Natawa siya. "Opo. Kahit malapit na lang naman."

Oo nga naman. Ilang blocks lang ang layo ng bahay nila mula rito. But there's nothing wrong with asking people to take care and be safe.

Pumasok na ako sa bahay.

"Musta ang lakad?" salubong ni Ben na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.

"I met my brother," sagot ko na hindi lumilingon sa kanya. Dire-diretso akong umakyat sa kwarto ko at nagkulong.

Agad akong sumalampak sa kama ko. My God, I'm so tired. Pero masaya. Masaya ako kasi kasama ko si Clark buong araw. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko si Damien. Akala ko pa noon ay attracted ako sa kanya. Lukso ng dugo pala itong nararamdaman ko.

Mabuti na lang at hindi kami madalas magkita. Baka kasi nahulog ako sa kanya.

Gwapo naman kasi si Damien. Actually, napansin ko kanina na may pagkakahawig sila ni Daddy. Ako kasi, namana ko most of my features kay mom. Kaya siguro...

Kaya siguro pinagnasaan ako ni dad noon.

---

"We have to secure all the necessary documents para sa passport renewal mo at sa visa application mo, Ace," sabi ni tita Megan.

Nandito na naman ako sa bahay nila Clark. Nandito kami sa living room at pinag-uusapan na ang paglipad namin papuntang England para doon ikasal. Pero dahil matagal na rin akong nakikitira kina Ben at hindi naman ako naalis, na-expire na ang passport ko.

"Nakuha na naman namin noong isang araw ang iba pang importanteng dokumento ni Ace," sabi ni Clark.

Isa rin sa mga ipinunta namin sa dati kong bahay ay ang mga dokumento ko. Safe naman sa village namin kaya wala naman nakakapasok na kung sinu-sino. Ang may hawak lang ng susi ng bahay ay si tita Wendy at ako.

Ang garden ni mommy ay inaalagaan ng kapitbahay namin. Si Ninang Elise. Matalik na kaibigan siya ni mommy. Siya ang unang naging kaibigan ni mommy nang lumipat siya sa village kasi binilhan siya nila lolo roon ng sarili niyang bahay.

"Good. Pwede na pala tayo mag-proceed sa application mo ng passport," excited na sabi ni tita Megan. "Ahh... ang baby Clark ko ikakasal na," sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "At sa isang napaka-cute na bata pa."

Bigla ay nakaramdam ako ng hiya. Natutuwa ako sa overwhelming at heartwarming na pagtanggap sa akin ng pamilya ni Clark pero hindi ko pa rin talaga maiwasan mahiya kasi sobra-sobrang pagmamahal ang ibinibigay nila sa akin na parang sarili rin nila akong anak. Na parte na kaagad ako ng pamilya kahit hindi pa talaga kami kasal ni Clark.

"Sigurado akong magiging sobrang gwapo mo sa isusuot mong suit sa araw ng kasal ninyo," sabi pa ni tita Megan.

"Gwapo naman talaga iyang si baby kahit ano ang isuot niyan," segunda ni Clark. "Lalo na kapag wala siyang suot."

"CLARK JOHNSON!" nakasimangot na sigaw ni tita Megan sa anak.

Ako naman ay tiningnan ng masama si Clark. "Ang pilyo mo."

"Aasikasuhin ko na mamaya ang appointment ninyo sa DFA," sabi ni tita Megan. "I want the wedding to happen as soon as possible."

"Uhmm... tita Megan," may kahinaan kong sabi.

"Yes, dear?"

"May gusto sana akong sabihin," diretsang sagot ko.

Nilingon ko si Clark. Nakatitig lang siya sa akin. Pakiramdam ko alam niya na seryoso ang gusto kong sabihin. Tumango siya na sinagot ko ng isang ngiti. Tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"Akyat na po muna ako," sabi ni Clark at umalis na papunta sa kanyang kwarto.

"Ano iyon, hijo?" tanong ni tita Megan. Sakto namang dating ni tito Harold na kagagaling lang mula sa kusina.

"Una sa lahat, gusto ko pong magpasalamat sa pagtanggap ninyo sa akin," sabi ko. "Kahit ganito ako. Kahit na pakiramdam ko, hindi ako karapat-dapat para sa anak ninyo."

Umupo si tito Harold sa tabi ko. Ngayon ay nasa gitna na ako ng mag-asawa.

"What are you saying?" tila ay nag-aalalang tanong ni tita Megan. "Mahal ka ng anak ko. Hindi pa ba sapat iyon?"

"Iyon na nga po. Sobrang perfect ng anak ninyo. Ni Clark. Ang daming nagkakagusto sa kanya pero ako ang pinili niya. Ni hindi man lang ako nakapagtapos ng pag-aaral. Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako kina tita Wendy. Umaasa pa rin ako sa gamot. Nasaktan ko pa nga ang anak ninyo pero heto pa rin po kayo. Tinanggap at pinatawad ninyo pa rin ako," sagot ko. "I feel like I don't deserve of all this. And I want you to know that I'm so grateful sa lahat ng pagmamahal na ibinigay ninyo sa akin."

Niyakap ako ni tita Megan. Mainit. Nakaka-miss. Yakap ng isang ina. Naramdaman ko naman ang kamay ni tito Harold sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya na sinuklian ko rin ng isang ngiti.

"Ipinagpapasalamat ko rin na tanggap ninyo ang kung anong meron sa amin ni Clark," sabi ko pa. "I mean, hindi ako babae. Hindi ko kayo kayang bigyan ng apo. Saka baka maraming maghusga sa inyo. Sa anak ninyo kasi sa akin siya magpapakasal. Isang lalaki rin."

"Ace, anak. Love is love. Everyone deserves to love fully, equally, without shame, and without compromise. Hindi ka kailanman ikinahihiya ng anak ko. Hindi ka namin ikinahihiya. Mahal ka niya. Mahal ka namin. At alam kong mahal mo rin ang anak namin. At sayo siya sasaya," sabi ni tita Megan. "Sino ba naman kami para hadlangan siya? Kayo?"

Hindi ko na napigilan ang luhang kusang tumulo mula sa mga mata ko. This feels like the very first time na natanggap ako ng maituturing kong isang pamilya.

Alam kong mahal na mahal ako ni mommy pero hindi niya matanggap na hindi ako straight. Na nagkakagusto ako sa lalaki. Kaya itinago ko noon ang pakikipag-date ko sa kapwa-lalaki. Itinago ko noon ang pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki.

Si Will lang ang nakakaalam noon. Pero ngayon, wala na siya.

avataravatar