1 Spotlights

Author:

Hello Beautiful Stranger! If you like this story, do hit up that follow button, add this on your Reading List, and drop me some Stars! I'd gladly appreciate it. Now on to the story

+++

This is it Linea. One step at a time. Matutupad na rin ang mga parangap para sa 'yo ng iyong mama.

Tumakbo sa isip ko ang hinaharap and lahat ng gusto kong makamit. Maging isang widely-respected superstar, a Philippine sweetheart, adored by millions, loved by countless fans.

Pero sa ngayon, magsisimula ako sa simula, bilang isang extra sa most anticipated teleserye ng bansa, ang Just Like A Dream, na pinagbibidahan ng sikat na loveteam ng bansa.

Take note, extra ako with four lines!

Matagal na rin ako ruma-raket sa mga small time gigs. Sa mga commercials, at bilang brand ambassador sa mga malls, nag-po-promote ng mga products. Kahit madalas minor roles ako sa commercials at mas madalas mukang engot na pangiti ngiti sa mga tao sa mall at ilang oras nakatayo, papatusin ko talaga. It's all part of the journey ika nga, at lahat naman dumadaan sa maliliit na hakbang.

Inikot ng paningin ko ang buong set. Ayala Triangle ang location namin. Night time, outdoors ang shoot, at napapalibutan kami ng malalaking ilaw. Everyone was running around to fix some stuff dahil malapit na mag-take. Dito magaganap ang meet cute ng main characters na sina Mark at Bela. Played by the hottest loveteam at the moment, sina Josh Vergara at Cassie Garcia.

Kahit na ubod ng liwanag ng mga lighting strobes, they pale in comparison nang lumabas ng tent si Cassie. She seemed to suck all the light dahil sa tindi ng aura niya. Now that's a superstar. Straight, shiny hair framed her luminous heavenly face that anyone would love, mapa-lalake o babae man. She's the type who has celebrity and elegance written all over her. Siya yung tinatawag na #goal ng maraming nangangarap na tulad ko.

Di ko pa nakikita si Josh, apparently, lagi pala itong late.

Biglang napabalik ako sa realidad at napahanap ako ng salamin sa aking tote bag. Pagkakita ko sa aking sarili di ko napigilang mapa- Ew! Dahil daw malanding babae na lasing ang role ko kaya ilang layers ng make up ang nilagay sa kin ng make-up artist, at medyo pinahulas pa ito para daw magmukhang "I had fun". Para akong sinampal ng sampung bakla! Bukod pa dun, nakasuot ako ng skimpy top na kita nang bahagya ang cleavage at pusod ko. Naka-p*k-p*k shorts pa ko. "Okay Linea," I told myself aloud, "part of the journey, kaya mo to!"

"Okay ka lang sister?" tanong ng bestfriend kong si Eli, na nagprisinta sumama sa kin dahil big fan ito, correction, in-love na in-love ito kay Josh Veraga.

"Okay lang sis, medyo dyahe lang ako dito sa suot ko, pero kakayanin. Wala pa yung man of your dreams mo ah, may pagka-diva. Asan na kaya yun. Next na yung eksena namin eh."

"Alam mo naman ang superstar, maraming engagements, ganun tlaga," pagtatanggol ng kaibigan ko.

"Di excuse yun, dapat may time management. Look at Cassie, super professional. Di na nga kami nakapag script-reading. Sana carry ko mamaya."

"Bat ba ang bigat ng dugo kay Josh, my love!?"

"Di ko lang gusto vibe nyang pa-angas na ewan. Di ko nga alam bat ang daming patay na patay dun."

"Hoy boses mo, andito yung Joshnatics at Jocas fans, may makarinig sayo at tuluyan kang madumog, tuluyang magmukha kang binugbog...." napahinto ito na tila nagka Eureka moment, "Suuus if I know he reminds you of Ken," pabirong sinabi Eli with matching naughty smile.

"Baklang toh, wag na wag mong mabanggit banggit ang pangalan na yan!"

"Di ba ganun na ganun din ex-jowa mo. Mula sa tindig at yung angas. Pinagnasahan ko rin kaya yun. Haha"

"Ewww!" kinilabutan ako sa sinabi ng bulgar kong kaibigan.

"Alam mo..," naputol ang sasabihin ni Eli dahil sa nakakabinging announcement.

"NEXT SCENE, READY TO TAKE! PLACES EVERYONE!!!" sigaw ng direktor sa megaphone.

"Baks eksena ko na," sabi ko kay Eli. Bigla akong kinabahan, first time ko kasi makaka-eksena ang isang major star at under pa ng isang premyadong director na si Direk Kat. Usually sa commercials wala akong linya na kailangan sabihin, puro pa-cute, simpleng pabebe at konting kembot lang carry na. Ngayon I've got four lines!! Yes, big deal yun sa starlet na kagaya ko. Bigla ako inatake ng kaba. Holy shit bat' ngayon pa.

"Sister.... andyan na si... JOSH VERGARAAA!" pahabol na tili ng bakla habang papalakad ako sa pwesto ko. Unti unti, hindi lang tili ni Eli ang bumalot sa buong location. Dahil sa tindi ng lighting na nakatutok sa kin, di ko maaninag na ang dami na palang fans sa may bandang hindi natatamaan ng studio lights. Everyone went hysterical. So this is stardom, in-imagine ako na ako yung tinitilian. Weird, but I get it. Fans are doing this dahil mahal na mahal nila mga idolo nila.

Dahil siguro sa late na nga, nakita kong tumatakbo papunta sa pwesto si Josh. When he got under the lights, mas nakita ko ang itsura ng pambasang heartthrob. He's so much taller pala in person, He was wearing blue long sleeved shirt and dark gray pants, his clothes were giving hints of silhouette of his lean and toned body dahil na rin sa ilaw sa likod niya. Nang pinatamaan ng reflector ang mukha ng binata, I now kind of get it why girls are swooning over this guy. Yeah di ko pa rin type ang angas features but that face is really something else. What surprised me was the gentle expression of his apologies. Nag-sorry siya sa direk at sa lahat dahil late siya.

"Okay , okay, let's start, QUIET EVERYBODY" inis na pagkasabi ni direk.

"In, 3... 2... 1... ACTION!"

And with what I turned into a malanding babae na lasing na kakausap kay Mark (na role si Josh Vergara). Nagsimula ako umarteng naglalakad na lasing. Pangatlong hakbang ko pa lang...

"CUT!" lalong dinig ang pagka-irita sa boses ng dikektor, "Give me more lasing acting, para ka lang nagkakalad na baliw na gutom!"

Solid ang tawanan na narinig ko sa paligid. "Sorry direk," ang nasambit ko lang.

"I don't need your sorry, I need you to do your f*cking job!"

I tried my best na ma-internalize ang role. Linea, lasing na malandi, yun ang atake. Inaalala ko lahat ng lessons sa workshops na pinagdalhan sa kin ni mama. Spirit of Acting, please I need you now. A couple of steps...

"CUT!!!!" kitang kita ko na litid ni Direk Kat, "F*ck! Ayusin mo!"

Uminit ang pisngi ko, alam kong namumula na ang mukha ko sa kahihiyan. I'm in the middle of a crowd of at least a hundred or so, mukhang pokpok, kaharap ang isang sikat na artista, and I'm doing a horrible job. This is something that's supposed to be my dream! Buti na lang at ang kapal ng make-up ko, singkapal ng asero. Ironically, I felt thankful na itinatago nito ang totoong mukha ko.

I looked at Josh's direction. He nodded at me and gave a reassuring thumbs up. He mouthed, "Kaya mo yan." Somehow that gave me a little comfort, at least meron akong semi-kakampi. After kong "ma-master" ang drunken walk, here comes my line...

"Hey handsome, would you like to have some fun?" I guess dahil sa tension, shaky yung boses ko.

"CUT!!!" Aside from litid sa leeg, veins sa noo. I could see pure murder in the director's eyes, "Are you f*cking kidding me? Nalasing ka na ba?" tumayo na ito sa kinauupuan, pasugod nalumapit sa min dala ang megaphone. "Nalasing ka na ba? HA?" she shouted through the blowhorn. Sakit sa tenga! Buti at binaba niya rin ito bago magpatuloy ng litanya. "Nag-workshop ka naman siguro no iha? Wag tanga! Kaya siguro hangang extra extra pa lang nararating mo!"

Everyone in the staff was so quiet even the fans na kanina eh wagas kung maka-hagikgik, I guess this director really commands fear. Napalabas din ng tent ang ka-loveteam ni Josh na si Cassie Garcia.

"Time is money for us here, at kung di ka aayos, magkakanda leche leche ang schedule dito. Di ka pa ba nalasing!?" tinapat na naman nito ang megaphone sa bibig niya. "Sinong may dalang alcohol dyan, paki-bigyan ng ilang shot to baka sakaling magka-talent!" napayuko na lang ako at pigil na pigil ang pagpatak ng luha. Napansin ko pang nanginginig ang mga kamao ng direktor. She was a small woman, pero parang higante ngayon ang presensya niya.

"Stop..." isang boses ng lalaki ang biglang sumingit sa gitna ng patuloy na pag-iinsulto sa kin ni direk. "Bagay na bagay sayo itsura mo ngayon, you look pathetic, and YOU ACTUALLY ARE PATHETIC."

"I SAID. STOP IT!" galit na sigaw ni Josh. Napahinto si Direk Kat. At humarap kay Josh.

Kung ano ang frightening presence na binibigay ng imahe ng direktor ay mas doble ang kay Josh. He's a superstar, dito sa Pilipinas mas may power daw ang sikat na artista kaysa sa isang direktor. And according to rumors he and Cassie can demand the impossible.

"Can't you talk to her nicely? Can't you see she's afraid? Mas lalo tayong walang matatapos kung takutan ang sistema natin dito. Those invectives you threw at her were so uncalled for. Let's keep a positive environment po sana dito sa set. Respetuhan naman po sana direk," said Josh with stern authority.

"Direk, chill po muna tayo," singit ni Cassie at inakbayan ang nanggagalaiting babae. Umalis sa harap namin ang direktor na mabigat ang bagsak ng mga paa.

"Are you okay?" Cassie asked me. She seemed warm and sincere.

"Of course she's not," pagsingit ni Josh. "Pasensiya ka na, I guess ikaw napagbuntunan dahil late ako. I think it's also my fault di tayo nakapag line-reading."

"15-minute break!" sigaw ng isa sa production. Ito na ang may hawak ng megaphone.

"Tara, let's practice. Coach na rin kita on what to do. Buti na lang, lagi akong lasing, you'll learn from the best," biro ng binata at tinapunan ako nito ng matamis na ngiti. Iba sa pakiramdam. It felt nice. And all of the bad impression I had of him was gone. "Here," sabay abot niya sa kin ng panyo niya. Di ko namalayan na pumatak rin pala mga luha ko.

"Thank you," halos pabulong na sabi ko sa kanya. I could feel my body shivering, sa mga pangyayari at sa lahat ng narinig ko sino ba namang hindi panghihinaan ng loob. Now I really wanted to run away at mag-iiyak.

"Don't worry you'll be fine, sagot kita. Sabay kindat sa kin ng binata."

Thank God he was looking after me and gave me a knight-in-shining-spotlights sa katauhan ni Josh.

avataravatar
Next chapter