6 Singko

WARNING:THIS CHAPTER WILL CONTAIN SOME MATURE CONTENT,SEXUAL THEMES,PHYSICAL ABUSE,ATTEMPTED RAPE,DRUG,ALCOHOL USAGE,SELF-HARM AND STRONG LANGUAGE!!

IF THIS CHAPTER MIGHT TRIGGER YOU,YOU CAN ABSOLUTELY SKIP IT^_^

I've warned you,ok?

~•~

I was true when I said that my nightmare is just starting.

Sa sobrang takot ko ay hindi na masyadong makafunction ang utak ko para makaisip ng paraan para makatakas dito.

Wala akong magawa since nakatali ang parehas ko kamay at paa.

Bigla akong nawalan ng malay kanina ng muli niyang tinakpan ng panyo ang bibig at ilong ko.

Nagising na lang ako bigla ng makaramdam ako ng lamig,yun pala ay dahil may lalaking bumuhos sa akin ng isang balde ng tubig.

Sa tinding gulat ay bigla akong napaupo,di alintana ang sugat na meron ako kanina.

Ngayon ay alam kung malalim na ang gabi dahil tunog ng kuliglig ang tangi kong naririnig na bumabalot sa kung saan man ako nandito ngayon.

Kung di ko lang sana naramdaman na may humawak ng mahigpit sa panga ko ay patuloy pa sa siguro ako sa pakikinig ko sa napakagandang tunog na likha ng ingay ng mga kuliglig.

Kung kanina ay parang pagod ako,ngayon nasisiguro kong pagod na nga ako dahil sa gutom at takot na nararamdaman ko.

Tanging pag iyak na lang ang nararamdaman ko.

Alam kong wala itong magagawa o hindi ito makakatulong para makatakas ako dito,pero hindi ko naman ito mapigilan.

Nilakasan ko ang loob ko kahit ramdam ko na kumakalam ang sikmura ko.

Pinipilit niya akong patinginin sa mga mata,pero kusa ko na iyong tiningnan ng pagkasama-sama.

Pero walang hirap naman niya iyong nilabanan.

Tinanggal na niya ang pagkakabusal ng bibig ko

"Scared,huh?pero nagawa mo pang mag tapang tapangan,tingnan lang natin mamaya kung magagawa mo pa yan."his last sentence made me wickened so much

"You pervert asshole!"pagsisigawan ko sa mukha niya

Hindi siya sumagot kaya naisip kong duraan ang mukha niya,yun na lang ang tanging nagawa ko sa oras na iyon.

Bigla siyang natigil at inalis ang tingin niya sakin,kumuha siya ng panyo sa bulsa niya para punasan ang dura ko sa pisngi niya.

Pagkatapos nun ay halos kapusin ako ng hininga ng sakalin niya ako,hinigpitan niya pa ito lalo ng nakita niya na nahihirapan na akong huminga.

"Tingnan natin ang tapang mo mamaya sampid na De Loughrey!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya,kahit sino bukod sa pamilya namin ay walang alam tungkol dun.

Dahil walang kahit sino man sa amin ang nagtangkang sabihin iyon sa ibang tao kay nagtataka ako na bakit alam niya iyon.

Sa sobrang rahas ng pagkakabitaw niya sa leeg ko ay napahiga ako bigla dahilan kung bakit nabakog ang ulo ko sa malamig na semento,kaya naman ay matinding pag sakit ng ulo ang naramdaman ko,dugo at pawis na ang tumutulo ngayon,galing sa noo ay pawis at sa bandang likod ng ulo ay dugo.

Lumabo na rin ang paningin ko kaya nagbabadya nanamang mawalan ako ng malay.

Nakitang ko siyang tinalikuran ako ng biglang bumigat ang pag hinga ko at mas lalong lumabo ang paningin ko

Then everything went into black.....

Nagising ako ng dahil sa matinding gutom at pananakit ng ulo ko,nakita kong namumutla na ang balat ko ng dahil siguro sa dugo galing sa ulo ko.

Pinilit kong bumangon pero hindi ko na kaya ng dahil sa gutom,pananakit ng ulo at katawan ko.

Wala na akong lakas,ubos na ubos na.

Kahit ang pagbukas ng ilaw ay ikinagulat ko.

Ngayon alam ko na kung nasaan ako isang lumang hospital,abandonado,napaka luma siguro ay higit tatlo o apat na dekada na simula ng inabandona nito pero ang tanging silid na kung saan ako naroon ang malinis ngunit wala na itong pintuan.Napansin ko rin na higit na mas malaki ang silid na ito kaysa sa iba.

Naagaw ng atensyon ko ang silid sa tapat mismo ng kwartong ito.

Maraming lalake ang naroon nasa bilang na anim o lima bukod pa dun ang lalaking tanging kilala ko lang,hindi ko na masyado pang nakita ang mga mukha ng iba dahil narin sa panlalabo ng mata kakaiyak at sa sakit narin ng ulo ko.

Ngayon ko lang napansin ang amoy ng usok galing sa sigarilyo at amoy ng alak.

Sinuri ko pa ng mabuti kung ano pa ang nasa ibabaw ng lamesa na naroon,nagulat ako na nakakita ako ng mag marijuana at cocaine bukod sa mga alak at sigarliyo,alam ko iyon dahil minsan na rin yung naturo sa amin ng high school kung ano ang mga magiging epekto ng droga sa isang tao.

Napansin ng isa sa kanila na nakatingin ako sa kanila kaya may sinabi siya sa lalaking tanging pamilyar lang sa akin

"Blake,gising na yung dala mo"pagsasabi niya sa kay Blake ba?kung tama ang pagkakarinig ko,Blake pala,sabay turo sa akin ng lalake.

May kinuhang baso ng tubig si Blake at humakbang na papalapit sa akin kaya naman napaatras ako at tumigil na ng maramdaman ang dingding sa likod ko.

Nang nakalapit na siya sa akin ay bigla nanaman akong dinalaw ng matinding takot.

"Inumin mo toh"pagtuturo niya sa tubig"Right,nakatali ka pa pala"kalmado niyang sabi sa akin kaya naman nagtaka ako sa kinikilos niya.

Amoy ko ang alak sa hininga niya.

Kinabahan ako ng maramdaman ko ang kamay niyang kinakalas ang tali sa kamay ko.

"Uminom ka na"pagpupumilit niya sa akin

Kinuha ko na baso dahil uhaw na uhaw na ko ng bigla akong may naamoy na kakaiba sa tubig.

I saw amusement on his eyes when I was about to drink the water,it gives me chill,his actions was strange.

Kaya kahit uhaw na uhaw na ako ay tinapon ko iyon dahilan para mabasag ang baso at matapon ang laman nito.

Nakita kong nandilim ang mga mata niya.

Bigla niya akong sinampal,it cause my face to hurt,it made me cry.Kahit mga kasama niya gulat na napatingin sa amin,nagtatanong kung anong nangyari.

Sinakal niya ako para mahirapan akong huminga.

"Wala talagang pinipiling sitwasyon yang pagtatapang-tapangan mo noh!"pagsisigawan niya sa mukha ko

"Tingnan natin kung hanggang saan yan!"bigla niya sinunggaban ng halik ang leeg ko,nakakadiri,nakakatakot,kahit anong tulak ko kanya ay hindi niya parin magawang tumigil.Nagmamakaawa na akong umiiyak sa kanya na itigil na niya ang kamanyakan niya.

Sa sobrang galit ko ng naramdaman kong hinawakan niya ang dibdib ko ay nagawa ko siya itulak para malayo siya sa akin.

Nandidiri kong pinunasan ang leeg ko.

Kahit may saplot pa ay gamit ang dalawa kong kamay ay tinakpan ko ang dibdib ko sa takot na baka kung ano pa ang magawa niya.

Hindi na ako nagulat ng tingnan niya ako ng masama.

Narinig ko siyang may tinatawag sa kung sino man sa mga kasama niya.

Maya-maya lang ay lumapit na ang mga ito sakin at tinanggal ang tali sa paa ko.Pagkatapos ay pilit nila akong pinatayo,nagmatigas man ako kay wala iyong silbi dahil nagawa parin nila akong patayuin.

"Nag mamakaawa ako pakawalan niyo na ako!"pagmamakaawa ko sa dalawang lalake na kumakaladkad sa akin papunta sa kwartong katapat kung nasaan ako kanina.

Marahas nila akong binitawan ng nakarating na sa kwartong katapat.

Lalong sumakit ang ulo ko sa matinding amoy ng alak at sigarilyo.

Natumba ako ng binitawan nila ako,hinang hina at pagod na pagod.

Umupo na si Blake at naiwan ang dalawang lalaki sa magkabilaang gilid ko.

"Kunin mo na"utos niya sa katabi niya pero sa akin parin nakatingin,sinuklian ko siya ng pagod na tingin

Mas lalo akong natakot ng binigay ng inutusan niya ang isang galon na may nakasulat na Moriatic Acid kay Blake.

Napalunok ako sa iniisip ko.

"Itayo niyo"ngayon ay utos niya naman sa dalawang lalake sa magkabilaang gilid ko

Tumango naman ang mga ito at tinayo ako.

Kahit naghihina ay wala na akong nagawa.

"Pakiusap iuwi niyo na ako"hindi ko napigilan pang umiyak pagkatapos kong sabihin iyon.

Sa oras na ito alam kong nag aalala na sila sa akin,sigurado akong pag nalaman ito ni Daddy ay ako ang papagalitan niya.

"Pakiusap"pagmamakaawa ko sa kanila,pero tanging tawanan lang nila ang sagot sa pakiusap ko

Napapahikbi na ako sa kakaiyak.

"Choose"seryoso niyang sabi sa akin"Strip?"napalunok ako sa sinabi niya"Or this?"pagtuturo niya sa Moriatic Acid.

"Strip,strip,strip,strip,strip,strip,strip,strip,strip,strip!"pang-aasar nila na sinasabayan pa ng palakpak.

Umiling ako kahit alam kong wala na akong takas sa gusto nilang ipagawa sa akin.

Isa lang ang naiisip ko ngayon,at yun ang makatakas dito,pero paano?

"You choose,you'll strip or ibubuhos ko ito sayo.."kinuha na niya ang Moriatic Acid at binuksan"So you'll atleast end up with me cause I will be the only one that can accept you kahit maging pangit ka pa"nalaglag ang panga ko sa sinabi niya,kahit siya na lang ang kayang tumanggap sa akin,I wouldn't let my self to freaking end up with him.

Nadismaya silang lahat ng nagbaba ang tingin ko at di sumagot.

"Pwede na kayong umalis,gusto ko siyang solohin"nag-angat ako ng tingin para makita ang reaksyon nila

Kumunot ang mga noo nila pero maya-maya rin ay tumango senyales na sumang ayon sila.

Nabuhayan ako ng pag asa ng isiping aalis sila pero nawala rin iyon ng dahil sa edeyang ako at itong si Blake lang ang maiiwan dito.

Tumayo na silang lahat at umalis,nakayanan ko namang tumayo ng mag isa ng binitawan ako ng dalawang lalake.

Maya-maya lang ay narinig ko ng pinaandar nila ang makina ng mga sasakyan nila.

Nabuhay ang takot sa katawan ko na kanina ko pa kinikimkim.

"Aitana"napaigtad ako ng bigla niya akong tawagin

"Nakapili ka na siguro?"umiling na lang ako sa tanong

"You don't have any choice even you want it or not you'll strip or I'll do it for you"pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya at humakbang papunta sa harapan ko.

Umatras ako pero hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kanya.

"Your smell is good as fuck,darling"nakakadiri ang bawat salitang binitawan niya.

"Can't wait to taste every inch of you body,and your sweetness"nagtayuan lahat ng balahibo ko dahil sa sinabi,at isa lang ang masasabi ko hindi ko iyon hahayaang mangyari.

Sinubukan niya akong halikan pero tinuhod ko ang maselang parte ng katawan niya.

"Ahhhhhhhhhhh"namilipit siya sa sakit ng dahil sa sipa ko

I took advantage of it,I run as fast as I can.

Bigla akong nanginig ng nakarinig ako ng pagkasa ng baril pero tuloy tuloy parin ako sa pagtakbo.

It won't stop me from running away from here.

I'm half way through the exit when I heard a loud gun shot.

My feet trembled as I felt a killing pain,it kills me little by little,my sight dimmed,my body weakened.

"Ahhhhhhhh!"pagsisigaw ko sa sobrang sakit.

Namanhid ang buo kong katawan ng makita kong dumudugo ang braso ko,nabaril iyon,matinding pagkahilo ang naramdaman ko,panandaliang katahimikan,daan daang sakit na ang nararamdaman ko ngayon na tila ba ay susuko na ang katawan ko.I never felt this pain,napakasakit lalo na at pati ulo ko ay walang tigil parin sa pag sakit at pagdugo.Sa sobrang hina at sakit ay bigla nalang akong natumba.

Pero kailangan kong makatakas dito.

Ginapang ko ng ginapang ang katawan ko papunta sa likod ng mga dram para makapag tago.

Tahimik akong umiiyak at pinag-mamasdan ang brasong nabaril,tinitiis ang sakit.Ilang beses na pinag sisigawan sa isip ang salitang 'tulong' at 'ayoko pang mamatay.Hindi ako susuko,kailangan kong makatakas dito.

Nabuhayan ako ng lakas ng loob ng may nakita akong makapal na kahoy na kung tawagin ay Dos Por Dos,kinuha ko iyon.Sumilip ako para tingnan kung nasaan na siya,nakita kong papalapit na siya sa kinaroroonan ko.

"Hindi ka na makakatakas pa sa akin Aitana,hindi ako papayag!"pinuno ng sigaw niya ang buong gusali.

Hinanda ko na ang sarili ko sa nahahanda niyang paglapit sa mga dram.

Tahimik akong humihikbi habang hawak-hawak ang kahoy,ibibigay ko ang buong lakas ko makatakas dito at sa kanya.

Malapit na siya,napakalapit na.

Inihanda ko na ang sarili ko nang may natitirang isang hakbang na lang bago niya ako makita.

Nang nakita ko na siya sa gilid ng dram,ay tumayo na ako at buong lakas na pinalo ang ulo niya di alintana ang sakit na galing sa pagkakabaril ng braso ko.Pagkapalo ko ay agaran siyang nawalan ng malay,nakita kong dumugo ang ulo niya,nakaramdam ako ng awa pero di na iyon mahalaga.

Hawak ang sugat ko sa braso ay tinakbo ko na palabas ang hospital,bumungad sa akin ang gubat.Lakad at takbo ang ginawa ko hanggang sa maabot ko ang dulo ng gubat na siya ng kalsada.

May sugat sa ulo,nabaril ang braso,puno ng galos ang katawan ng dahil sa mga kahoy sa gubat.Pero salamat sa Diyos at buhay parin ako at ligtas kahit na pagod na pagod na ang katawan ko.

I saw an incoming vehicle,pinara ko iyon.

May nakita akong lalake na bumababa,nanlalabo na ang mata ko kaya hindi ko na masyadong makita pa ang mukha niya.

Nilapitan niya ako para tanungin "Miss,ano pong nangyari sa inyo?"bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Hindi ko na nagawa pang sumagot sa sobrang panghihina,ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na alam.....

C o n t i n u a r á

-A-

avataravatar
Next chapter