3 Dos

~•~

Higit isang buwan na rin simula ng nawala sa amin si mommy,isang buwan na rin simula ng pinuno ng kalungkutan at katahimikan ang pamamahay namin ng mga De Loughrey.

Hindi na namin pinatagal pa ang paglibing kay mommy.

Pagkatapos niyang mailibing ay wala nang ni isa sa amin ang bumanggit pa tungkol sa nangyari.

Nang isang araw rin ay pumunta na pa Australia si Kuya Alexmone para ipagtuloy ang kanyang pag aaral.

Sa susunod naman na linggo ay papuntang ng Spain si Ate at Daddy,they will stay there for 2 years since hindi na namin nabibisita ang bahay namin sa Spanya.

Tanging kami lang ni Addison ang maiiwan dito sa Pilipinas.

Bukas ay magpapa enroll na rin ako dahil sa susunod na buwan ay simula na ng pasukan.

Sa ngayon,hindi ko pa alam kung anong kukunin kong course.

Btw I'm an incoming college student in short mag fifirst year college pa lang ako.

Si Addy naman is graduating na sa high school this year.

She's a miracle baby,all of us thought na magkakaroon siya ng disability since nasa mid 30 na si mommy nung pinagbubuntis niya si Addy.

She brought joy and happiness to us.

Never namin siyang kinainggitan kahit siya ang paborito ni mommy and daddy.

Hindi rin naman namin sila masisisi. She's fragile masakitin siya kaya nga sa Private school siya nag aaral consisting of special sections na merong 5 students lang,di rin namin siya dinadala pag pumupunta kami sa mga crowded places.

Ako yung naaawa at nahihirapan para sa kanya.

Nakarinig ako ng katok galing sa labas ng kwarto ko .

"Ate?our dinner is ready"mukha atang hindi siya matamlay ngayon.

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama ko at lumabas na.

"I should be the one to call you,are you ok?"

"It's ok ate kanina pa naman ako nandun sa baba tumulong ako kina manang in cooking our dinner"mukhang masaya siya sa ginawa nila.

"Addy,you know na bawal kang mapagod diba?"

"Hindi naman ako napagod ate sa totoo nga nag enjoy pa ako"her smile is priceless

"And ate ano nga pala si Ate Alexandra at Daddy ay nasa sa Spain na they were about to tell you kanina but your sleeping kaya di ka na nila inistorbo"

"Napaaga ata sila"akala ko next week pa.

"Emergency daw sabe ni Dad"tumango na lang ako.

Magsasalita na sana ako pero narinig na namin si Manang,siguro ay kakain na.

"Tana!Addy!halina kayo't lalamig na ang pagkain niyo"Hindi man sumisigaw ay dinig pa rin namin ang boses ni Manang Felly kahit malayo.

Nauna na sa aking bumaba si Addy,nang nasa kusina na kami ay kita na naming nakahanda na ang lahat.

"Sabay na ho kayo sa amin tutal ay marami rami rin po ang putaheng niluto niyo,Yaya Mirang pwede niyo po bang tawagin sina Mang Rey at Mang Jose para makasabay na rin satin"saad ko bago tuluyang maupo.

"Sige po Ma'am"ngumiti muna siya bago tuluyang umalis.

"Kain na po tayo"ngumiti ako para mapa sang-ayon sila.

Maya-maya ay nag si upo na rin sila.

Dumating na rin sina Yaya Mirang,Mang Rey at Mang Jose.

Pinangunahan na ni Addy ang pag dadasal.

Tahimik lang ako habang kumakain habang silang lahat ay nagkwekwentuhan,kung tatanungin man ay saka lang ako sumasagot.

Nang natapos kumain ay dumeretso na ako sa kwarto upang magpahinga dahil maaga pa ako bukas para sa enrollment.

Bago ako mahiga ay chineck ko muna kung kompleto na ba ang mga dapat na dalhin bukas.

Nang natapos ko na itong tingnan ay nahiga na ako.Makalipas ang ilang minuto ay dinalaw na rin ako ng antok.

Kinabukasan ay maaga rin akong nagising.

In fact,mas maaga pa akong nagising kaysa kina manang kaya literal na walang pang agahan.

Tiningnan ko ang ref,nag hahanap ng bacon at saka itlog pero wala akong mahanap kaya nagluto na lang ako ng corn beef.

Meron pa kaming natirang kanin kagabi kaya sinangang ko na lang iyon kasama ng corn beef.

Matapos kong magluto ay hinanda ko na ang mga kobyertos.

Magsisimula na akong kumain ng may narinig akong nagsalita sa likod ko.

"Sorry po Ma'am kayo pa ang nagluto"nang tingnan ko ay si Manang Lisa ang aming Kusinera ang nagmamay ari ng boses.

"Ok lang po manang nakakahiya rin naman po kung gigisingin ko kayo para lang lutuan ako saka kaya ko naman"halatang pagkagising pa lang ni Manang.

"Matulog na ulit kayo Manang maaga pa po para magluto kayo ng agahan saka sabayan niyo na rin po si Addy na kumain mamaya"hindi na siya sumagot.

Nag bow siya sa akin bilang pagrespeto bago siya umalis at bumalik sa pag kakatulog.

Pinagpatuloy ko na ang pagkain,nakatapos rin naman ako kaagad kaya dumeretso na ako sa kwarto ko para mag ayos ng susuotin bago maligo.

Nakakita ako ng isang white tube, kaya hinanap ko na rin ang croptop denim jacket ko na black na galing sa Jag,kinuha ko na rin ang isang black leather skirt na galing naman sa Zara at boots na may taas na 3 inch para naman sa pam-paa.

Dumiretso na ako sa Cr para maligo medyo madilim pa sa labas siguro kung tatantyahin ay mag aalas-singko pa lang.

Tapos na akong maligo at mag bihis nag make up lang ako ng very light.

Nang nakuntento na ako sa make up ay lumabas na ako at sinarado ang pintuan tinitiyak na walang kahit anong ingay ang malilikha.

Dahan dahan din akong bumaba sa hagdan at pinatay ang ilaw sa sala na kanina ay aking binuksan.

Nang makalabas na ako ay kinuha ko na ang susi ng kotse,wala rin namang magdradrive ng kotse bukod sa akin dahil tulog pa sina Manong.

Higit 30 minutes pa bago ako makarating sa Van Doren Academy de Manila dito rin noon nag aral sina Mommy and Daddy.

Isa ito sa pristihiyosong kolehiyo sa Spain,nang nakaraang limampung taon pa lamang nila piniling magbukas ng branch dito sa Pilipinas,tanging mga Half Spanish-Half Pinoy at direct descendant ng isang Espanyol lamang ang nakakapag aral dito.

Sa lagay ko,parehas akong half at direct descendant dahil ang aking kalolo lolohan at kalola lolahan ay purong Espanyol samantalang ang aking mga Lolo at Lola sa parehong side ni Daddy at Mommy ay mga Half.

Bukod sa may pinipili itong lahi,ay may tuition fee din itong Anim na daang libo hanggang sa Siyam at limampung daang libo

(Php 600,000-950,000)kaya hindi lahat ay kayang makapag aral dito.

Di ko man gusto ay gusto ito ni Mommy para sa akin kaya wala akong magagawa.

Inabot ako ng mag aalas diyes ng umaga bago makatapos sa finifill upon na requirements kaya gutom na talaga ako.

Naghanap ako ng restaurant na malapit lamang at tanging Thai resto lamang ang nakita ko.

Kita pa lang sa labas kung gaano ito kaaliwalas pagpasok ko ay may waiter na agad na sumalubong sa akin.

"Table for one ma'am?"

"Yes please"

"Sa table 18 po Ma'am sa dulo"sabay turo sa akin ng waiter.

Nang nakaupo na ako ay kinuha ko na ang menu,umorder ako ng cheesy Takoyaki at isang chicken soup with dumplings.

"Is that all ma'am?"

"Yes"

"Your order will be serve in less than 15 minutes ma'am"

Wala pang 15 minutes ay nadala na sa akin ang order ko.

"Enjoy your food ma'am"nginitian ko muna siya bago niya ako tinalikuran.

Gutom na ako kaya sinimulan ko na iyong kainin,lahat ng inorder ko ay masasarap,ng nakatapos na ako ay tumayo na ako at iniwan ang bill sa lamesa hindi ko na hiningi pa ang sukli.

Bumalik na ako sa VDA para mag take ng entrance exam engineering ang kukunin ko.

Dalawang oras kaming nag test consisting of 1000 items buti na lang talaga kumain muna ako.

Sa isang araw pa kami sasabihan kung nakapasa ba kami or hindi.

Di naman ako medyo kinakabahan sa magiging resulta ng exam dahil nagreview din ako at karamihan dun ay lumabas sa test kanina.

Nang natapos na kami lahat ay sinabihan na kaming lahat para bumalik.

Hindi ako sumabay sa mga tao papalabas sa parking lot.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago lumabas dahil ayaw ko rin namang maipit noh.

Bago pa ako makalabas ng gate ay may mga boses ng bata na akong nariring na nagtatawanan.

Bigla akong kinabahan nang sa di malaman na rason.

Kaya sa aking kyuryusidad ay tiningnan ko kung saan nag gagaling ang tawanan na naririnig ko.

Nakita kong binubutas ng mga bata ang gulong ng sasakyan ko sa unahan,at ang iba naman sa kanila ay sinisimulan nang baklasin ang gulong sa likurang parte ng sasakyan ko.

Ang kaba na ngayon ay nadagdagan na ng galit ay umakyat sa aking ulo.

Nagmadali na akong takbuhin ang distansiya mula sa gate papunta sa kung saan naka park ang kotse ko.

Dali daling nagtakbuhan ang mga bata papunta sa isang madilim na parte ng parking lot.

Ngunit may isa akong binata o babae na nahabol ewan parang tomboy ata toh.

"Ate,sorry po sorry po pinagutusan lang po kaming gawin yun para may pagkain na po kami sorry po talaga ate wag niyo po akong ipakulong

may pamilya pa po akong pinapakain"Ewan ko pero nakaramdam ako ng awa sa batang toh.

"Sinong nag utos sa inyo?"ma awtoridad kong tanong sa kanya.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya,pero tumingin siya sa madilim na bahagi ng parking lot na parang tinituro kung sino ang sagot sa tanong ko.

Pinangkunutan ko siya ng aking noo at maya maya ay nagapakawala ng malalim na buntong hininga.

"Cge na wag niyo ng uulitin yun ha,masama yung mga ginagawa niyo"

Binitawan ko na siya mula sa mahigpit na pagkakahawak ko sa kanya kanina.

Hinayaan ko na siyang tumakbo palayo sa akin.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago bumalik sa kotse kong flat na ang gulong hays.

Tiningnan kong mabuti kung magagamit ko pa ba tong sasakyan pabalik sa bahay,at sa kasamaang palad ay hindi na talaga siya pwede,dahil matindi ang pagka flat ng gulong niya.

Low bat ng rin ang cellphone ko kaya hindi ko matatawagan sina manong para sunduin ako.

Nilagay ko na ang bag ko sa loob para sana tingin kung kaya ko ba tong maayos pero natigilan ako ng may makitang akong lalake sa unahan ng kotse ko.

Sinarado ko na ang pinto para makita ko ng mas klaro kung sino man ang lalake.

Kunot-noo akong tumingin sa kanya,sinusuri ang bawat detalye ng mukha niya ng biglang tumikhim.

"Is there something wrong about my handsome face miss De Loughrey?"nang aasar niyang tanong sa akin apaka yabang na nilalang tss.

"Why do you know my surname?"nagbago ang nagbibirong niyang tingin sa akin ng makitang walang ekspresyon na mababasa sa mukha ko.

"Well,sa sobra kaseng focus mo kanina hindi moko nakita kahit ilang beses pa kitang tinggnan,kaya tiningnan ko na lang yung papel mo kanina para malaman ko kung ano yung pangalan mo.Wag kasanang magagalit but Miss Aitana-"Pagkakadiin niya sa pangalan ko"I find you attractive"parang walang bukas kung ngumiti tong ugok na to feeling close ka bruh with matching pacute pa ang kigwa.

"Alam mo para naman may silbi yang kapapacute mo peram na lang ako ng cellphone mo"biglang sumilay sa mga mata niya ang panunukso.maling akala ka.

"Ilalagay mo number mo noh,uyyy gusto mo'ko noh"tukso niya sa aken.

"Ina mopo kuyang assuming"bakas ang pagkagulat sa kanyang mata.

"Kababaeng tao...tss"kalalakeng tao assuming.

Tumingin muna siya bago kinuha ang cellphone sa kanya bulsa.

"Here"pakita niya sa akin ng cellphone niya,pero ng oras na kukunin ko na iyo sa kanya ay parang bata niya itong inilayo sa akin.

Tumingkayad siya para maabot ko iyon pero kahit anong pang katitingkayad ko ay di ko siya maabot abot.

Ng di pa siya nakuntento ay tinago niya pa ito sa kanyang likod.

Ako naman na gusto ng umuwi ay lumapit sa kanya amoy na amoy ko ang pabango niya sa sobrang lapit ko sa kanya.Pinipilit ko pa na abutin at tingnan kung saan banda sa likod niya nilagay ang lintik na cellphone niya at di alintana ang lapit namin sa isa't isa.

Habang tumatagal na hindi niya sa akin binibigay ang cellphone ay unti uniti na akong nainip na siyang dahilan kung bakit ako nagalit.

Sa isang lingon ko sa kanya ay siya ring paglingon niya sa akin huli na ng naramdaman ko ang kanyang labi na nakadikit sa aking labi hindi ko nagawang ilayo ang sarili ko sa kanya ng dahil sa gulat....

C o n t i n u a r á

-A-

avataravatar
Next chapter