1 First Encounter

Lunch break.

"Sis, baba tayo pagkakain ha?", si Anne na pinaka-sexy sa grupo namin sa IED, pinaka-close at best bud ko.

"Sige, tataya na rin ako sa lotto.", sagot ko.

"Hay, Romina Magsacdal! Ano ba'ng napapala mo sa pagtaya-taya na 'yan. E hindi ka naman nananalo!", pabirong tanong ni Anne.

"Bakit, ano'ng masama sa pag-bet? Malay mo ba! Kapag ako nanalo, who you ka sa akin!", tawanang sinundan pa ng apir.

Ano ba ang draw ngayon. Feeling lucky talaga ako e. Hmmm. Parang ang laki ng jackpot sa Grand Lotto, dun ako tataya. Ready na ang combination ko, lotto card at ayun, ballpen.

"Aray!

"Sorry, sorry! Dun kasi ako nakatingin sa screen, Miss!", sabay tingin sa akin.

"Ay ikaw pala yan, akala ko Miss, pare pala.

"Loko 'to a!", napipikon na sabi ko. "Tabi dyan!"

"Fan ka rin pala ng lotto. Ano tatayaan mo? Eto tip, dapat dun ka lang sa 6/42, the lesser the options, more chances of winning combinations."

Sa isip ko, "hindi ko naman tinatanong ang opinyon mo" but I shrugged the idea para hindi na humaba pa ang interaction.

Siya si Peter. Presko di ba? Pinakabata sa department namin. May sariling grupo at may iba'ng projects. Sobrang bilib sa sarili - iyan ang impression ko sa kanya. Graduate ng UST. May sariling awto. Yayamanin. Hindi kami close at never in my wildest dreams ko naisip. Hindi ko alam na dito pala magsisimula ang lahat.

avataravatar