2 Stuff Toy

Pasukan na naman. Second Semester na. Sa isang pampublikong paaralan nag-aaral ang isang dalaga na nagngangalang Samantha Teresa Angeles o mas kilala bilang Tessa.

Ang dalaga ay simpleng mag-aaral lamang na ang nais ay makapagtapos nang pag-aaral upang magkaroon ng magandang trabaho.

At upang matulungan ang kaniyang Ina.

"Tessa, anak halika lang sandali." Tawag ng Ina ni Tessa na si Aling Rosario.

"Andyan na po Inay." Tugon naman ng dalaga at dali-daling lumabas mula sa maliit na kwarto na tinutulugan nilang mag-ina.

Dalawa na lamang sila ng kaniyang Ina na nakatira sa silong ng bahay na kanilang inuupahan na up and down.

Maagang naulila sa Ama si Tessa. Nasa limang taon pa lamang noon si Tessa nang masawi sa isang aksidente ang kaniyang Ama.

Namamasada ng jeep ang kaniyang Ama. Samantalang walang hanap-buhay ang kanyang Ina dahil sa ito ang nag-aalaga kay Tessa.

Ayaw ni Mang Terry, Ama ni Tessa, na maghanap-buhay si Aling Rosario dahil baka mapabayaan ang nag-iisang anak na si Tessa.

Mahal na mahal ni Mang Terry ang anak dahil sa bukod sa nag-iisa itong anak. Malapit at malambing din ang anak sa kanyang Ama na kulang na lang ay huwag nang humiwalay sa Ama ang bata sa tuwing ito ay mamamasada ng jeep.

Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay naganap ang trahedyang kumitil sa buhay ni Mang Terry.

Isang gabi habang binabaybay ni Mang Terry ang kalsada, pauwi na sana siya noon. May pasalubong pa siyang isang maliit na teddy bear stuff toy para kay Tessa dahil kaarawan ng anak. Nagulantang na lang si Mang Terry sa isang dump truck na kasalubong niya.

Mabilis ang takbo ng nasabing truck. Kung kaya't hindi na nagawang makapagpreno ng truck at ito'y sumalpok sa jeep na sinasakyan ni Mang Terry.

Nakatulog pala ang truck driver kaya nang magising siya ay nasa harapan na niya ang jeep. Sa lakas ng banggaan ay bumaligtad ang jeep. At sa isang iglap ay binawian ng buhay si Mang Terry.

Nang gabing yaon ay naghihintay si Tessa sa labas ng kanilang bahay sa pagdating ng kanyang Ama.

"Bakit po Inay?" Ang sagot ng dalaga.

"Pag-uwi mo galing sa eskwelahan ay dumiretso ka na sa pwesto natin at sabay na tayong umuwi. Dadaan kasi sa tindahan ang ate Jenica mo. May maganda siyang ibabalita sa atin sabi ng Tiya Celine mo." Ang sabi ng kanyang Ina na naghahanda ng pagkain sa hapag kainan.

Agad naman na tumulong maghain ang dalaga at kumain na silang mag-ina.

"Anak, malapit na ang graduation mo. Ano ang gusto mong regalo ko sa'yo sa graduation mo?" Masayang tanong ni Aling Rosario habang kumakain silang mag-ina.

"Wala naman po Inay. May naipon na rin po akong kaunting halaga panggastos sa graduation ko." Nakangiting tugon ng dalaga sa kanyang Ina.

At hinawakan naman ni Aling Rosario ang isang kamay ng dalaga at mahinang pinisil ang kamay ng dalaga at sinabing,

"Anak, yung gusto mong regalo ang itinatanong ko sa iyo. Gusto kong may maibigay ako sa'yong regalo. Dahil naging mabuti at mabait kang anak sa Nanay. Kahit wala na ang iyong Tatay hindi mo pinabayaan ang Nanay." Ang sambit ng kaniyang Ina.

"Nay, masaya na po akong makatapos ng pag-aaral gaya ng pangarap sa akin ni Tatay." Ang tugon naman ng dalaga sa Ina.

"Alam ko anak pero masaya ang Nanay kung may maibigay ako sa'yo. Pagbigyan mo na ang nanay mo, Anak." Ang paglalambing ni Aling Rosario sa dalaga.

"O sige na nga po, ang gusto ko po sana ay yung katulad na lang ng stuff toy na binili ng Tatay noong ako'y bata pa. Para may kasama naman siya kasi malungkot pag nag-iisa." Ang sagot naman ng dalaga. "O sige ako ang bahala." Ang masayang sagot naman ni Aling Rosario.

"Papasok na po ako Nanay." At nagpaalam na ang dalaga kay Aling Rosario. "Ingatan ka nawa, anak." Ang tugon naman ng kanyang Ina.

Nang makaraan ang maghapon ay nagtungo na ang dalaga sa kanilang pwesto sa Divisoria gaya ng ibinilin ng kanyang Ina. Habang naglalakad ang dalaga ay napahinto ito sa tindahan ng mga stuff toy.

Nakangiting pinagmamasdan ng dalaga ang iba't-ibang mga display ng stuff toy sa tindahan. Maya-maya pa ay nagpatuloy na siya sa paglalakad patungo sa pwesto ng kanilang tindahan.

Nang matanaw ni Aling Rosario ang anak ay agad na napangiti ito. Masayang binati ni Tessa si Aling Rosario.

"Nay, mukhang maraming tao ngayon." Masayang sambit ng dalaga.

"Oo nga anak, magbeber months na kasi. Kaya nag-uumpisa nang dumagsa ang mga tao." Ang sagot naman ni Aling Rosario.

"Tulungan ko na po kayo Inay." Ang sambit ng dalaga.

May isang oras pa silang nagtinda ng mga prutas nang dumating si Jenica na masaya ang aura ng mukha nito.

Pagkalapit ni Jenica ay agad na nagmano ito kay Aling Rosario at nagyakap naman ang magpinsan.

"Kumusta na po kayo Tiya Rosa?" Ang tanong ni Jenica. "Heto sa awa't tulong ng Dios maganda ang benta ngayon."

"Ano ba ang magandang balita mo, ate Jenica?" Naeexcite na tanong ng dalaga.

"Heto lang naman madadagdagan na ang lahi natin." Ang masayang sambit ni Jenica na lubhang ikinatuwa nina Aling Rosario at Tessa.

Halus gustong lumundag sa tuwa ng dalaga nang marinig ang magandang balita kaya hindi niya napigilang yakapin ang kanyang pinsan.

Sila ay nagkwentuhan pa ng kaunti at nagpaalam na si Jenica kina Aling Rosario at Tessa. Pinabaunan ni Aling Rosario ng mga prutas ang pamangkin na mabuti para sa kanyang dinadala.

Ayaw tanggapin ni Jenica ang mga prutas sapagkat alam niya na ito lamang ang ikinabubuhay ng mag-ina. Ngunit nag-iwan pa rin ng pera si Jenica kahit ibinibigay lang ito ng kanyang Tiya Rosario.

Pagkatapos makaalis ni Jenica ay nagligpit na ang mag-ina sa kanilang mga paninda. At nagsimulang itulak ang kanilang kariton pauwi sa kanilang bahay.

Habang naglalakad pauwi ay dumaan na sila sa karinderyang binibilhan nila ng ulam na kanilang pinagsasaluhan na mag-ina sa hapunan.

At habang daan ay masayang nagkukwentuhan ang mag-ina.

"Naalala mo Nay, noong hindi pa naaayos ang bangketa. Madalas tayong hinahabol ng mga MMDA kaya lagi tayong tumatakbo, kung kaya't nahuhulog na ang ibang mga prutas. Feeling ko nga pwede na kong sumali sa track 'n' field sa school baka nanalo pa ko dun." At sinabayan nang tawa ng kaniyang Ina.

"Oo nga, anak." Sagot ni Aling Rosario na naaalala ang mga karanasan nila noong araw.

"Natatandaan ko nga na yung mga nalaglag na prutas binabatan mo na nang kain pagdating sa bahay." Natatawang sambit ni Aling Rosario.

"Eh sayang naman kasi yun, Nay. Nagkapasa lang naman di kainin ko na lang tutal nagutom naman ako sa pagtakbo." At nagtawanan silang mag-ina.

"Maalala ko lang Tessa, kinakamusta ka nga pala ni Benjie. Napadaan kasi nung minsan sa tindahan." Biglang sambit ni Aling Rosario.

"Bakit naman ako kinakamusta ng Benjie na yon? Di pa sya nadala nang huli kami magkita." Asar na sambit ng dalaga.

"Anak, bakit may nangyari ba sa inyong di maganda?" Pagtataka naman ni Aling Rosario.

"Wala naman po Nay. Mahilig kasi yung mang-asar. Binato ko lang naman po sya ng prutas. Kaso di ko po namalayan na guyabano pala ang nadampot ko. Kaya ayon di na po nagpakita. Pero nagsorry na po ako sa kanya bago sya umalis." Nahihiyang sambit ng dalaga na napayuko na lamang.

"Naku, anak, huwag mo nang uulitin 'yan. Baka makadisgrasya ka." Ang paalala ni Aling Rosario sa dalaga.

"Opo, Nay. Nakakahiya nga po yung ginawa ko noong bata pa ako." Ang naisagot ng dalaga.

"Bayaan mo, Nay, pag nagkita kami ni Benjie. Ililibre ko sya ng guyabano shake." At napatingin si Aling Rosario sa anak at nagkatawanan na lang sila.

avataravatar
Next chapter