1 A Summer with Evan Lee

A Summer with Evan Lee

Isinulat ni: Wackymervin

PROLOGUE

"Good morning Universe! It's summer time!" nagtatalon-talon ako sa loob ng kwarto ko at halos di ko maiwasang hindi maging masaya kasi sa wakas summer na! matagal-tagal ko rin inantay na dumaan ang araw na ito. at ngayon naamoy ko na ang init ng araw, at naamoy ko na ulit si Kenneth. Omg! I can't take this anymore! Magkikita ulit kami ni Kenneth my love so sweet. Magba-bakasyon kasi ang pamilya namin sa probinsya namin sa Palawan at sobrang excited na ako dahil muli na naman kaming magkikita Kenneth. Sa facebook, twitter, tumblr at instagram ko nalang kasi siya nakikita. Minsan nakaka-skype ko siya pero minsan lang mangyari iyon kasi nga busy raw siya sa pag-aaral niya. College na kasi siya ngayon, samantala ako, e highschool palang ang saklap. Parang gusto ko na tuloy bumilis ang oras para maabutan ko na siya para lilipat na rin ako sa school na pinapasukan niya at para sabay na kami laging pumasok.

Patalon-talon at pakendeng-kendeng akong bumaba mula sa hagdanan nakita ko na naghahanda na nang umagahan si Mama samantala, nakita ko naman sa labas si Papa na busy sa pag-aayos ng dyip. Dyepni driver kasi ang papa ko at si Mama naman ay ang kundoktor niya.

"Mukhang masaya ka ata ngayon ah? Anong nakain mo?" tanong niya sa akin habang sumasandok ng ulam sa kaldero at inilagay ito sa isang malaking bowl. Wow! Sinigang sa umaga ang sarap! Mukhang mapapakain ako ng marami ah.

"Excited lang po," magalang na sagot ko saka ako pumunta sa may kusina at naghugas ng kamay. Kinuha ang pitsel sa loob ng refregirator at kumuha na rin ng tatlong baso.

"Excited saan?" ngumuso ako sa harapan ni Mama. Basag trip naman itong si Mama e, ang ganda ng gising ko tapos babasagin niya ang trip ko.

"Summer na Ma! Walang pasok! Walang review! Walang mga project na magpapangarag sa akin. Walang teacher na maingay sa tainga ko. At walang mababaho na Cr na akong maaamoy. At higit sa lahat... makikita ko na ulit si Kenneth my love so sweet." Ngumisi si Mama saka lumapit sa akin at nagulat ako nang hinimas niya ang likuran ko at humarap sa akin.

"Anak. Hindi matutuloy ang bakasyon natin sa Palawan." Parang bumagsak ang mundo ko sa narinig ko sa sinabi niya. Oh to the Em to the Gee. What? Hindi raw matutuloy?

"What?" napasigaw talaga ako ng bonggang-bongga! Saka ako binatukan ni Mama.

"'Wag oa ah? Makasigaw! Marinig ka ng Papa mo, malalagot ka na naman doon," hindi ko namalayan ang presensya ni Papa na nasa likuran ko na pala siya.

"Anong nangyayari dito?" pumunta si Papa kaagad sa may kusina at naghugas ng kamay pinunasan ang kamay nito sa may towel na nakasabit sa may ref. at saka lumapit sa amin sa may hapagkainan at saka siya nilagyan na ni Mama ng kanin at nilagyan ng tubig ang baso sa gilid nito. Lumagok si Papa ng isang tubig at saka muling tumingin kay Mama.

"Pa, totoo bang hindi matutuloy ang bakasyon natin sa Palawan?" kaya pala parang ako lang itong excited sa sobrang excited ko. Last week ko pa na ligpit ang mga gamit ko. Tapos ngayon malaman-laman kong hindi pala matutuloy ang bakasyon namin. Huhuhu. Paki-explain with one word. Huhuhu.

"Hindi matutuloy ang bakasyon natin ngayon dahil may bisita tayong darating." Tang-inang iyan. May bisita lang di na kami matutuloy? Hindi ba pwedeng sa ibang buwan nalang dumating iyang sinasabi nilang bisita at bakit kailangan ngayon pa? at sino ba iyang poncio pilato na iyan at parang nakapa-importante at kailangang sirain ang pangarap ko. Huhuhu. This can't be.

"Sino ba iyang bisita na iyan?" medyo may pagka-mapait ang pagkakasabi ko sa linyang iyon.

"Anak ng kaibigan ko, naalala mo si Evan?" ano raw? Sino raw? Evan? Evan... What? Si Evan Lee? Leche to the max! humaygad! Iyong lalaking iyon? Iyong manyak na iyon? Babalik na naman siya rito? Ano bang trip niya at parang trip na trip niyang dito magbakasyon sa bahay namin? Ako talaga nagtataka na ako sa isang iyon e, pakiramdam ko ay kras niya ako. Ayan ka na naman Mervin! Pa-feeling ka na naman kaya ka nasasaktan e. Pero honestly, ano bang trip nang isang iyon at bakit lagi nalang kapag umuuwi sila ng pamilya niya ay dito nila gustong magbakasyon, okay lang sana kung isang araw, pero hindi e. parang pangalawang bahay na kasi nila itong bahay at itong mga magulang ko e ubod ng kababait. Hays!

Mukhang masisira ata ang dream summer ko ah? Kasi... hindi si Kenneth ang kasama ko kundi ang bastos na si Evan.

avataravatar