webnovel

Chapter 9

Dapat ba akong umasa sa mga binitawang mong mga salita.

O katulad ka din nilang mga paasa.

Alam ko naman na siya ang nauna.

Samantalang ako ay baka huli na.

Ano ba talaga ako sayo, kuya?

Choice mo lang kapag wala siya.

O rebound mo kapag ang relasyon n'yo ay tapos na.

Liwanagin mo na ng ang puso ko ay hindi na muling masaktan pa.

Sana sabihin mo na habang maaga pa.

Kung ano ba ang meron sa ating dalawa.

Baka mamaya ako lang pala itong umaasa.

Na balang araw may "tayong" dalawa.

Pero kuya pakiusap ko sana.

Break it to me gently sabi nga ng isang kanta.

Para sarili ko naman ay maihanda

Sa aking muling pag-iisa.

Magkakasunod na pumasok ang magpipinsang Pascual sa conference room at inabutan nila si James na kasama ang isang magandang babae na tumayo naman ng makita sila. Seryoso ang mukha ng bawat isa. Kahit hindi naging maganda ang kanilang mga nakaraan ay isinantabi nila iyon at naging pormal gaya ng mga tunay na mga businessmen.

"Good morning, welcome to Pascual Motors." Panimula ni Logan. Isa-isang pinakilala ni Logan ang mga pinsan.

"Let's get down to business. Napag-usapan na namin kahapon ang deal na ini-offer ko sa inyo kahapon and because my dad trusts me, we will sign the contract right here, right now." Nagulat ang mga Pascual sa nadinig mula kay James. "Hindi mo na ba i-check ang stats ng kumpanya?" Naguguluhan tanong ni Logan. "Madami tayong time para gawin nyan, Mr. Pascual. My secretary, Jana, will give you the papers. I've already signed it. Kung may problema or questions kayo, just tell her. Now, if you'll excuse..." Tatayo sana si James pero naramdaman niya ang panghihina ng kanyang tuhod.

"James!" Nag-aalalang tawag sa kanya ni Jana at tinulungan itong maka-upo muli. "Ang tigas kasi ng ulo mo eh." Patuloy ni Jana na hinawakan ang noo ng binata at lalong nag-alala dahil sa init nito. "Anong nangyari sa kanya?" Tumayo na din ang mga Pascual at lumapit sa kinalalagyan ni James. "Masama na ang pakiramdam niya kagabi pero sabi niya ay wala lang. Kanina bago kami pumunta dito ay mataas na ang lagnat niya." Kwento ni Jana. "Uminom na ba siya ng gamot?" Tanong ni Oliver. "Ayaw na ayaw niyang umiinom ng gamot." Sabi ni Jana. "Pero paano bababa ang lagnat niya kung hindi siya iinom ng gamot?" Tanong naman ni Oliver. "Sa totoo lang, napakatigas talaga ng ulo niya. Ni pumasok sa ospital ay ayaw niya." Patuloy ni Jana. "Ang mabuti pa ay..." Hindi na natuloy ni Logan ang sasabihin dahil nakita nilang tuluyan ng nawalan ng malay si James.

.....

"Okay na ba ang pakiramdam mo baby?" Malambing na tanong ni Billie sa anak. "Medyo okay na po Mommy pero masakit po ang ulo ko." Sagot ni Lucas habang nakaulo sa dibdib ng ina. "Mamaya iinom ka ulit ng gamot ha para mawala na sakit ng ulo mo, okay?" Isang tango ang isinagot ni Lucas.

Makakatulog na sanang muli si Lucas ng magulat silang mag-ina sa ingay na nadidinig nila mula sa labas. "Titingnan ko lang kung anong nangyari kila Tito Logan ha? Babalik agad ako, okay?" Nang tumango ang anak ay lumabas na si Billie.

"Dapat sa ospital na lang natin siya dinala." Nadinig ni Billie na sabi ni Angela. "Eh di ba nga ayaw niya daw sa ospital." Dugtong naman ni Lyza. "Bakit ba pumayag ka na dito dalin yan ha?" Tanong ni Elijah at ang lahat ay tumingin kay Logan. "Pinakiusapan lang kasi ng isang magandang dalaga kaya napa-oo agad." Tiningnan ng masama ni Logan si Oliver na itinaas naman ang kamay tanda ng pagbibiro lang nito. "Hindi pa man tayo nakakapirma eh partner na natin siya sa business. Sa ayaw man natin at sa gusto, we should treat him nice kasi he's our hope na makakabawi ang Pascual Motors." Paliwanag ni Logan.

"Sino bang..." Hindi na naituloy ni Billie ang tanong ng makita kung sino ang nakahiga sa sofa. "Ano'ng nangyari sa kanya?" Nagulat man si Billie sa sarili ay nilapitan niya agad ang nakahigang si James. Nagkatinginan naman ang magpipinsan. "May lagnat siya." Sagot ni Logan. Kumuha agad ng thermometer si Billie.

"40 degrees celsius! Uminom na ba siya ng gamot?" Sabay-sabay na iling ng mga Pascual. "What?" Gulat na tanong ni Billie. "Sabi ng secretary niya, ayaw na ayaw daw niyan ang uminom ng gamot." Sagot ni Angela. "Ano? Nagpapakamatay lang?" Inis na sabi ni Billie. "Bring him to my room." Sabay-sabay na tumingin sa kanya ang mga pinsan. "Look, alam n'yong may sakit din si Lucas. In the first place, bakit dito n'yo siya dinala?" Nakataas ang kilay na tanong ni Billie. "Sabi din kasi ng secretary niya ay ayaw din niyan ng ospital." Umikot ang mata ni Billie sa nadinig mula kay Oliver. "Bakit hindi yung secretary niya ang nag-asikaso sa kanya?" Pilit man itago ni Billie ang selos ay hindi naman nalingid iyon sa kanyang mga pinsan. "May emergency din yung secretary, pauwi na sana sila, ang kaso may tumawag sa kanya at sinabing sinugod sa ospital ang kanyang ama." Paliwanag ni Logan. "Then, that's it, we have no choice but to take care of him. Tinawagan n'yo na ba ang parents niya?" Tanong ni Billie. "Nasa States ang parents niya. He's living by himself sa penthouse niya." Tiningnan ni Billie ang binata bago bumuntong hininga. "Then, bring him to my room." Sabi ni Billie. "No, he's staying in the master's bedroom." Seryosong sabi ni Logan. Hindi na nakipagtalo pa si Billie. Alam niyang kapag ganoon ang tono ng pinsan ay wala ng bawian.