webnovel

Chapter 7

Gusto kong muling masilayan ang iyong mukha.

Gusto kong muling madinig ang iyong mga tawa.

Gusto kong muling maramdaman ang saya sa piling mo

sa tuwing tayo ay magkasama.

Pero paano nga kaya?

Noong una halos magdamag tayong nagkwekwentuhan.

Hindi maubusan ng topic na mapag-uusapan.

Pero bakit ngayon, wala na kahit anong salitaan.

Kahit sana munting kamustahan man lang.

Miss na kita, sobra!

Gustong-gusto kitang makita, talaga!

Ang muling makasama ka ang hiling sa tuwi-tuwina.

Sana ikaw ay ganoon din ang nadarama.

-Arrette-

"Yes!" Ang pinaka-iintay na sagot ni James mula kay Billie. Matapos ang masugid na panliligaw ng binata sa dalaga ay nakamit na niya ang matamis na "oo" mula dito. Naging masaya para sa kanila ang kani-kanilang pamilya. Ipinakilala agad ni James si Billie sa kanyang mga magulang at ganoon din si Billie kahit sa video call nga lang pero nangako ang binata na kapag binigyan ng pagkakataon ay magkikita-kita din sila sa personal.

Naging busy si James sa kanilang kumpanya samantalang si Billie ay sa kanyang board exams pero kahit ganoon ay hindi nila pinabayaan maka-apekto iyon sa kanilang relasyon.

"Miss na miss na kita." Sabi ni James na nakatingin sa kanyang phone. "Miss you too." Sagot naman ni Billie na abot-abot ang kilig. "I love you." Muling salita ni James. Namula naman si Billie. Simula't simula pa, ramdam na ni Billie ang pagmamahal sa kanya ng binata kaya hindi naman siya nahirapan na magdesisyon na sagutin ito agad. "I love you too." Sagot niya na ikinangiti naman ni James.

Sa tuwing magkikita sila ay sinisigurado nila na magkasama sila lagi kahit ba sa opisina lang ni James o kaya naman ay sa dorm ni Billie pero dahil kasama nga ng dalaga ang dalawang pinsan ay lagi silang bantay sarado pero ok lang naman sa binata iyon. Ang mahalaga ay magkasama niya ang babaeng kanyang mahal.

Pero sa bawat relasyon ay talagang may pagsubok na dadating...

"Dad, hindi ba pwedeng ikaw na lang ang pumunta?" Nakakunot ang noong tanong ni James sa ama. "Iho, ngayon pa lang ay kailangan mo ng pag-aralan ang mga bagay-bagay sa loob at labas ng kumpanya. Alam mong dadating ang araw na ikaw na talaga ang mamahala kaya parte ng training ang pagpunta sa ibang bansa. "Pero, Dad..." Hindi natapos ni James ang sasabihin dahil nagsalita ito. "Anak, alam kong maiintindihan ka ni Billie. Saka, para naman ito sa kinabukasan n'yo. Alam kong seryoso ka na sa kanya kaya ngayon pa lang ay dapat mo ng paghandaan ang kinabukasan ng mga magiging apo ko." Nakangiting sabi ng ama ni James. Isang buntong hininga ang naging sagot ni James sa ama.

Kinagabihan ay deretso si James sa dorm ni Billie. Dahil malapit na ang board exams ng dalaga ay hindi na ito umuuwi sa mansion ng mga Pascual kaya si James ang nag-adjust para magkasama lang sila kahit ba sabihin na reviewers na lang ang kanilang pinaghaharapang dalawa.

Pagkapasok sa pinto ay agad niyakap ni James ng mahigpit ang dalaga. Gumanti naman ang dalaga ng mahigpit ding yakap dahil nakakalma siya sa tuwing maglalapat ang kani-kanilang katawan.

"Kamusta ang review?" Tanong ng binata habang naka-upo sila sa sofa, nakakandong sa kanya si Billie. "Okay sa alright, galing kaya ng teacher ko." Sagot ng dalaga na ang tinutukoy ay ang binata. "Gwapo pa." Biro ng binata. "Korek!" Patol naman ng dalaga. Ramdam ni Billie ay na may bumabagabag sa binata.

"May problema ba?" Hindi natiis na tanong ng dalaga na sinundan naman ng buntong hininga ni James. "Kailangan kong pumunta ng States for the company." Simula ni James. "For the company naman pala, so what's bothering you?" Tanong ni Billie. "You." Sagot ni James. "Ako? Bakit naman naging ako?" Tanong ng dalaga. "I'm leaving next week. I can't fulfill my promise na sasamahan kita kapag nagtake ka na ng board exams." Sagot ni James na nilubog ang mukha sa leeg ng dalaga. "Hey, it's ok, I understand. Siguro naman makakabalik ka na sa oath taking ko?" Hindi inalis ni James ang ulo niya sa leeg ng dalaga. Nang hindi sumagot si James ay nahulaan na ni Billie na magtatagal ang kasintahan sa States.

"How long?" Pagtapos ng ilang sandali ay nagsalita na si Billie. "6 months to 1 year." Tinaas na ni James ang ulo at tiningnan ang dalaga. "I'm sorry pero kapag hindi ka pumayag ay sasabihin ko kaagad kay daddy na hindi na lang ako tutuloy." Umaasa si James na pipigilan siya ng dalaga. Ngumiti si Billie at hinawakan ang mukha ng binata. "You should go. Everything's gonna be alright, we will make it alright, the both of us. LDR is really hard pero we will make it. Basta constant communication lang tayo, okay?" Tumango naman ang binata. "Saka, mabilis lang ang oras. One day, after 6 months, magkasama na ulit tayo." Pilit na pinasigla ni Billie ang sarili pero sa loob niya ay gusto na niyang umiyak. Muling nagyakap ang dalawa.

"I love you." Bulong ni James sa dalaga bago niya ito hinalikan sa mga labi. Dahil umuwi sila Angela at Lyza sa mansion ay sila lamang dalawa ngayon sa dorm. Ang maiinit na halik ni James kay Billie ay naging mapusok at ang mga kamay nito ay naging malikot. Hindi naman tumanggi ang dalaga sa mga ginagawa sa kanya ng binata. Mahal niya si James at handa siyang ipagkaloob sa binata ang sarili dahil ramdam niya na mahal din siya nito. Ang buong gabi ay naging mainit para sa kanilang dalawa at punong-puno ng pagmamahalan na akala nila ay wala ng katapusan.