1 CHAPTER 1

(ERIER)

January 1997

Palubog na naman ang kanilang araw at kulay kahel na ang buong paligid. Pinagmamasdan ko ang repleksyon nang aking kamay sa salamin nang sliding door. Binuksan ko ito at tumapak sa sahig nang verandah sa labas. Naglakad ako sa railings, sumandal at pinagmasdan ang kapayapaan nang buong paligid.

Ilang linggo na ang nakakaraan nang marating ko ang planetang ito. Hanggang ngayon manghang-mangha pa rin ako sa aking mga nakikita. Pinikit ko ang aking mga mata at sinamyo ang banayad na hangin na tumatama sa aking katawan.

Ako nga pala si Erier. Isa akong Xyle-ver alien at may misyon ako. Nagmula ako sa planetang Xyleveria. At billion light years ang layo namin mula rito. Nasa isang solar system kami na may tatlong uninhabitable planet na kapitbahay at umiikot sa isang dwarf star.

Nagpunta ako rito sa Earth na may anim na kasama. Kami ay isang expedition team na ipinadala nang aming planeta. At ako ang may pinaka-mahalagang papel sa lahat, isa akong subject para sa misyon.

Kaylangan kong maghanap nang isa pang subject dito at ito ay isang babaeng tao. May kukunin kami sa kanyang katawan para sa isang mahalagang experiment.

Ang genetic engineer nang aming planeta ay nagbabalak gumawa nang isang nilalang na makakatulong sa aming society balang araw. Isang hybrid na pinag-samang DNA nang human being at Xyle-ver.

Maraming alien race ang naging candidate para sa experiment pero sa bandang huli ang human race ang pinaka-perfect species dahil 80 percent compatible sila sa aming DNA. Kung kaya't naglakbay kami nang ubod nang layo marating lang ito.

Simula palang ng aming training para sa misyong ito ay nagtataka pa rin ako kung bakit kaylangang gumawa nang hybrid. Hindi ito na-explain ng mabuti sa amin dahil ang kaylangan lang naman naming gawin ay ang mag-pokus sa misyon. Nalaman ko rin na pangalawang beses na pala ang misyong ito at yung nauna matagal nang ginawa pero hindi nila sinabi kung nagtagumpay ba o hindi.

Seryoso ang government namin kasi nagkaroon nang global audition at milyong lalakeng Xyle-ver ang sumali at siyempre ang inyong lingkod ang naging ultimate winner. Binalewala ko nalang ang mga katanungang iyan. Ang mahalaga totoong naririto na nga ako sa Earth.

Binigyan ako ng aking mga kasama ng pagkakataong magsagawa ng isang buwang assessment dito sa lupa at nalaman kong malaki pala ang pagkaka-iba nito sa aming planeta. Una-una umiikot sa aksis ang planetang Earth kaya nila nararanasan ang araw at gabi. Landlocked kasi ang aming planeta kaya may parteng puro araw at may parteng puro gabi.

Halos walang pinagkaiba ang gravity niya sa amin kaya hindi treat sa health ko ang pananatili rito. Mas healthy ang kanilang atmosphere kaya siguro hitik sila sa mga flora and fauna. Pero kahit safe ang kanilang environment ay pinoprotektahan pa rin ang aking katawan ng human shell. Hindi ito ang totoo kong itsura, protocol kasi ng mission na kaylangang ikubli ang aking physical Xyle-ver form. Gagawin namin ang misyon dito sa Earth na malinis at walang taong makaka-alam ang tungkol sa existence namin.

Uminat ako sa harap nang railings.

"Hoy kumag!" ibubuka ko na sana ang aking bibig para mag-inhale at exhale.

Napa-pikit ako ng aking mata at nairita sa boses na iyon na bigla nalang sumulpot. Lumingon ako palikod at nakita ang 3d hologram nang aming lalakeng pinuno, si Okron. Nakahalukip-kip ang walanghiya, ano na naman ba ang problema nito. Since training hanggang makarating kami rito sa Earth ay hindi ko na ito napakisamahan nang maayos.

"Ano na ang nangyari sa paghahanap mo?" wika niya na galit pa. "Hanggang ngayon hindi ka pa rin kumikilos,"

Pina-ikutan ko siya nang aking mata. Mas matanda ito sa akin dahil nasa ikaapat na sequence na siya. Ganoon ang edad namin at dito sa Earth, nasa 35 hanggang 55 taong gulang na ito. Nasa ikatlong sequence naman ako. Ito ay nasa pagitan nang 15 at 35 taong gulang dito.

Matangkad siya sa height niyang seven feet habang ako six feet kahit sa aking human shell. Palagi itong nakabusangos, lalong-lalo na sa akin. Okay lang dahil bagay naman sa kanya, panira ang mukha niya. Eto na eh! peaceful na peaceful na ang kalagayan ko rito bigla siyang lilitaw.

"Easy, easy kapitan. Atat lang, hindi kaya ganoon kadali iyon" sambit ko. Ang sabi nila one-month assessment pero ano ito, minamadali na pala ako.

"Ulol! Diyan ka magaling, ewan ko ba kung bakit ikaw ang napili nang planeta natin. Sa totoo lang wala kaming mapapala sayo. Pinapahamak mo ang lahat,"

Pinikit ko na naman ang aking mga mata habang kumuyom ang aking palad. Tinanggap ko nalang ang mga binitawan niyang salita, hobby kasi niya yun. Lagi ko nalang naririnig sa kupal na yan na wala siyang tiwala sa akin. Nakakababa nang morale, pero pinipilit ko nalang tanggapin. Kahit anong pag-eepal niya wala na eh finish na, ako na ang napili nang planeta.

Umupo ako sa sofa at dumikwatro, asarin ko nga. Hindi ko siya tinitignan. Mabuti nalang at mag-isa lang akong na-assign dito sa tinitirahan ko sa Earth. Lahat kasi sila nasa taas nang spaceship namin na tinawag naming Ieverin. Naka-invisible mode ito sa kalangitan somewhere sa itaas. Lahat sila may duty doon at since ang misyon ko ay maghanap kasama na itong assessment, kaylangan mag-stay ako rito sa lupa.

"Erier," nabaling ang aking paningin sa paglitaw nang isa pang 3d hologram. "Kaylangan makahanap ka na ng subject ngayon. Kahit mamarkahan mo lang siya kasi may timeline iyon. Baka masira ang teknolohiyang nakapaloob dito,"

Siya si Avara ang nagsisilbing informer namin at maraming alam tungkol sa misyon pati na sa mga bagay na naririto sa Earth. Anim na talampakan din siya at ikaapat na sequnce rin katulad ni Okron.

Isa din ito, nakaka-stress sila sa totoo lang. Hindi ba sila marunong maghintay. Bakit nila ako minamadali ngayon? Ang gulo nila kausap.

Sapilitan akong ngumiti. "Relaks lang guys! Hindi problema ang paghahanap nang subject sa akin, sa gwapo kong to,"

"Tarantadong ito! Ginagago mo ba kami,"

Nag-korteng trayangulo ang malaking Xyle-ver eyes ni Okron. Umusok ang ilong niya sa galit, mas prominent ang ilong namin kaysa sa mga human beings dahil may buto kasi ito. Ang pangit pala niya kapag nagagalit.

Hanggang sa may marinig akong mahihinang tawanan. Pag-ikot nang aking paningin sa buong sala naka-palibot na pala ang 3d hologram nang lahat except may isang kulang. Mabuti nalang talaga at 3d hologram sila dahil kung personal ko silang makikita, masisira talaga ang araw ko. Kahit yang mga yan hindi ako pinapansin buong journey namin. Kaya buti nalang nilagay ako rito sa lupa ayoko silang makita araw-araw. Tapak na tapak ang ego ko sa kanilang lahat. Na para bang pinag-kakaisahan ako, ayoko kasi nang ganoon.

"Kapag hindi mo nagawa nang maayos yang misyon mo – gagawin namin ang plan-b…At ikaw, kumag ka, ay pwede naming petisyuning maparusahan. Huwag lang kami madamay diyan sa kagaguhan mo,"

"Sandali nga, akala ko ba nasa assessment period pa rin ako. Madami pa rin akong dapat malaman sa mundong ito – "

"Gumagawa ka pa ng dahilan. Wala kaming sinabi na mag petiks ka habang nasa assessment period. As soon na tumapak ka rito sa lupa dapat sinimulan mo na rin ang paghahanap,"

"Hindi nga ganoon kadali ang paghahanap – marami pa akong adjustment na kaylangang gawin. Natutulog ang mga tao hindi kagaya natin,"

Yun din ang isa sa pinagkaiba naming mga Xyle-ver at tao, hindi kami natutulog. Dahil sa hindi nagsasama ang araw at gabi sa amin hindi kami tinubuan nang glands para antukin o matulog.

"Mas mainam iyon Erier," dagdag ni Avara. Kung magsalita sila parang ang daling gawin. "Dalhin mo ang babaeng tao dito sa bahay at patulugin mo, mas madali mo siya malalagyan ng tatak,"

"Tanga kasi yan! Wala talagang alam," bulyaw ni Okron.

Parang may sumampal sa dibdib ko, nasasaktan ako kapag sinasabi niya iyon. Wala siyang karapatang sabihan ako ng ganoon kung kami talaga ay isang matalinong lahi. Mas lalong kumuyom ang aking palad. Kapag nakakarinig ako nang ganyan mas lalo akong nagiging rebelde.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/a-past-with-an-alien_13345271005499505/chapter-1_42341458698632870 for visiting.

Pero sa totoo lang talaga, hindi ko kayang gawin yung mga suggestion ni Avara sa akin. Sa halos isang buwan kong pagmaman-man dito sa lugar ko. Pati na rin sa mga nakalap kong impormasyon gaya ng video, ibang-iba pala talaga ang mga tao kaysa sa amin. Unique ang bawat isa sa kanila pati ugali at gusto sa buhay. Lalo na ang mga babaeng tao.

Nung una ang akala ko nga mang-mang ang mga tao kasi nga ahead kami sa kanila sa maraming bagay. Pero mayroon silang tinatagong kaalaman na hindi namin alam at yung ang gusto kong maunawaan muna. Kapag nangyari iyon tsaka ako pipili nang subject. Hindi ko na nga sinabing wala pa talaga akong nakikilalang babaeng tao baka lalo pang humaba ang usapan.

"Make her fall in love!" singit nang isang boses. Natahimik kaming lahat at sabay-sabay na lumingon sa 3d hologram ni Alta. Isang babaeng limang talampakan at maputlang rosas ang balat, mas bata siya sa akin.

"Fall in love?" sabay-sabay pa naming tanong sa kanya.

"Yun kasi yung natutunan ko sa tinatawag nilang TV shows at movies dito. Nag bo-bond yung lalake at babae sa pamamagitan nang love. Na-aaliw lang ako kasi ang cute tignan at tsaka kinikilig din. Ewan ko ba! Ang wierd niya pero nagugustuhan ko na siya,"

Sinermonan tuloy siya ni Avara. "Hoy Alta! I'm letting you to have these kind of Earthly ways pero unahin mo muna ang trabaho mo rito. You came here for a mission at hindi magpakasaya sa mga ganyang non-sense na bagay. Nagpapa-impluwensya ka sa mundong ito,"

"Kunwari ka pa Avara, nakita din kita minsan na nanonood," singit ni Okron. Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ko maiwasang matawa. Patay kang kupal ka.

"I want evidence kapitan. Akala ko ba you hate immature acts pero talking to me like that is so immature," bwelta ni Avara.

Mas lalo akong tumawa pero hindi ko pinakita, nakapag-higanti rin ako. Napahiya ang kupal, buti nga sayo. Bigla ba naman bumaling nang tingin sa akin at bumawi.

"Anong tina-tawa tawa mo diyan kumag ka! Kumilos ka ngayon din" galit na wika niya. "Pag hindi mo nagawa ngayon yan. Pasensyahan nalang tayo,"

"Dude! Samahan kita, tulungan kitang maghanap," singit ni Mamir na ka-edad ko rin.

Bumuntong hininga nalang ako habang naka-upo at naka-dikwatro. "Guys! Ako ang bahalang dumiskarte okay," ayokong ipahalata ang pressure ko sa kanila.

"Nagmamarunong ka pa!" utas ni Okron.

"Erier! kaylangan mong gawin yan ngayon, bago dumilim diyan sa kinalalagyan mo. Kahit mamarkahan mo lang muna siya," mariing paliwanag ni Avara na ang taray na nang tono ng boses.

Sinegundahan siya ni kupal. "Kapag hindi mo ginawa ngayon yan kumag! Plan-b na ang susunod na gagawin namin, at ikaw bahala ka sa buhay mong harapin ang magiging kaparusahan nang council,"

Kung pwe-pwede lang maglaho ako sa harapan nila. Alam kong kaylangan na magawa ang misyon ng maayos ngunit hindi naman tama na pilitin nila akong gawin ito agad-agad.

"Hayaan nating bigyan si Erier ng mahabang panahon," sulpot ng isa pang boses, si kapitan Zegyr.

Siya ang pinaka-matanda sa amin na nasa ikalimang sequence. Ang piloto nang Ieverin, ang bukod tanging nakakasalamuha ko sa lahat. Buti nalang dumating siya, mas nauunawaan kasi ako nito.

"Kapitan! Ang tagal na natin dito pero wala pa rin nangyayari. Para saan ang training at mga paghahanda natin kung hindi niya magagampanan ng maayos ang misyon. Iresponsable nang maituturing yang ginagawa niya," kumuyom na naman ang palad ko kay kupal, kelan ako naging iresponsable?

Dinepensahan pa rin ako ni kapitan Zegyr. "Okron may batas ang mundo, kung ayaw mong malaman nang mga tao ang tungkol sa atin ay dapat mas maging maingat tayo. Mahaba ang panahon na binigay nila sa atin. Hayaan nating gawin ni Erier ang misyon sa sarili niyang paraan,"

"Pero ang teknolohiya kasi may timeline kapitan, pano na kung mahuli siya," singit ni Avara.

"Sana maisip niya ang kapakanan nating lahat, ayokong maparusahan at makulong kapitan," diin ni kapitan Okron. "At alam kong, alam mo yun,"

"Aalis ako!" bulalas ko. Hindi na maganda ang atmosphere sa loob nang bahay. "Maghahanap ako! Sana masaya na kayo"

Nag walk-out ako at iniwan ang lahat. Dumeretso ako sa basement nang bahay. Naririnig ko pa ang galit na boses ni kupal pero hindi ko na siya pinansin pa.

Sa basement naroroon ang garahe at kotse. Isang Aston Martin DB 97, ayon sa aking mata na parang monitor. Nilapatan ang sasakyang ito nang aming teknolohiya dahil sa planetang ito low-tech ang lahat pati na sa ganyang mga bagay.

Bumukas mag-isa ang pinto nito at saka ako pumasok. Mag-isa ring bumukas ang garahe at nag self-drive ang kotse na akala mo may sariling buhay. Nilagay ko ang aking mga kamay sa aking batok at sumandal sa driver's seat. Pinilit kong mag-timpi at kalimutan silang lahat. Gusto kong mawala ang mga negative forces sa aking paligid. Bahala na kung saan ako mapad-pad ngayon.

Next chapter