webnovel

PART ONE

Sa tuwing ika'y nakikita

Di mapigil ang luha sa aking mata

Paano nga ba? Paano nga ba?

Paano nga ba'ng limutin ka?

Kung sa puso ko ika'y nag-iisa.

Mali ba na ako'y umaasa?

Tama ba ang nadarama

Para sa'yo sinta?

Bakit nga ba, bakit nga ba?

Bakit nga ba mahal kita?

Kung sa puso mo ay mayro'n ng iba?

Unti-unting lunurin ang aking nadarama

O, buhos ng ulan -----

Arkin removed his earphone and let himself to unhear the other verses of the song. Bahagya siyang napailing. That's his favorite song from his playlist at kaya niya iyong pakinggan nang paulit-ulit, pero hindi sa pagkakataong ito. Ang liriko ng awiting iyon ay lalong nagbibigay sa kanya ng ibayong sakit habang pinakikinggan iyon.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na sa dinami-rami ng kantang nag-i-exist sa mundo, may kantang akala mo ginawa para sa'yo? Kumbaga sa libro, aakalain mo na ikaw ang bida sa kantang 'yon."

Arkin imagined Wila's smiling face upon remembering her childish belief. Kung noon ay hindi niya binigyan ng pansin ang sinabi na iyon ni Wila, ngayon naman ay halos umukilkil at nagpapaulit-ulit sa utak niya ang mga sinabi nito.

He then smiled with bitterness. Itinuon niya ang tingin sa bintana ng kotse. Malakas ang pagpatak ng ulan buhat sa labas. Pasado alas-otso na iyon ng gabi. Halos isang oras na siyang naka-park sa espasyong iyon at buhat doon ay malaya niyang pinagmamasdan ang bahay nila Wila.

Next chapter