2 The Cast

Nemuella's POV

" Nemuella!! "  sabi ng kabarkada ko na si Iyah.

Actually,tatlo kami. Hindi lang yun, sa maniwala kayo o hindi sikat kami sa school.

Si Iyah ang sporty sa amin, binansagan " Crowd Princess" kasi sa galing niyang maglaro ng volleyball kahit sa ibang team nagchechear para sa kanya. At si Alexa ' The girl who can't live without her kikay kit'  lahat na ata ng kaartehan sa katawan alam niya. Syempre hindi ako magpapahuli "The Good Leader". Parati akong top 1 sa klase. Sabi nila nasa akin na daw lahat. Beauty,brain,money,fame,friends pero ang hindi nila alam kung ano talaga ang pinagdadaanan ko. 

" Pwede ba Iyah wag kang sumigaw? Aatakihin ako sa puso eh." 

" Sorry! "  nagpeace sign siya saken.

They know my real condition. Masyado daw akong fragile kaya iniingatan nila ako.

" Nasaan na naman ba si Alexa? " tanong ko. Parati nalang nawawala yung babaing yun -_-

"Bakit sa akin mo hinahanap? Aba malay ko. "

Naglalakad kami sa corridor.

Lahat ng madaanan namin nag"Hi" samin. Syempre hindi naman kami snob na tao kaya binabati narin namin sila.

Pagdating namin sa room. . . . . 

" GOOD MORNING FRIENDS!!!! " speaking off! akala mo nakalunok ng mic.

" Kanina ka pa dito? " tanong ko.

" Oo naman!! Kayong dalawa ang late. Pssh,pasalamat kayo wala pa si Ma'am "

"Sus 10 mins pa bago magtime Alexa. Wag excited " pambabara ni Iyah.

" Hahaha. Oo nga nuh? Teka nga. Narinig niyo ba yung balita? " sabi ni Iyah.

" Anong balita? Saan channel? " tanong ko.

" Gaga! Walang channel! Balita dito sa buong campus may new student "

" Chismosa ka talaga Alexa " sagot ni Iyah.

" Bakit ako?! Eh narinig ko lang yung haliparot sa labas eh. " 

tsk alam ko na kung sinong tinutukoy nito. Grupo ni Jasha. Sila lang kasi ang grupo dito na walang maipakitang maganda sa mga estudyante kundi ang kamalditahan. 

" Shh. Watch your mouth alexa. Baka may makaring sayo. "

" Oo na. Dami pang sinasabi "

" Good morining class! "

nagulat kaming lahat ng dumating si Ma'am Janet. Dali dali kaming pumunta sa assign seats namin.

" Okay class may bago kayong kaklase ngayon " nagsimula na ang bulong-bulongan sa loob ng classroom. Tapos may biglang pumasok na isang lalaki na matangkad,maputi,messy hair pero cute.

" Good morning Ma'am " tapos nagsmile siya. . 

 hang gwapo!

" Introduce your self infront of the class " sabi ni Ma'am

" My name is Travis Arlson Dela Fuente. Uhhmm? I'm 16 years old. That's all, I think?. . " 

tapos bigla syang tumingin saken  " Hmm. one more thing. I'm  Single " 

jow drop! 

" Okay Thank you Mr. Dela Fuente. You can now sit beside Ms. Alcantara " Muntik na akong mapatayo sa inuupuan ko ng marinig ko ang sinabi ni Ma'am. Buti nalang nacontrol ko agad ang emosyon ko.

Agad siyang umupo sa bakanteng upuan katabi ko. 

" Hi I'm Travis and you are? "

" I'm Nemuella. Nice meeting you. Welcome to the campus " then,nagsmile ako sa kanya. 

" Thank you Ella "

Ella???

    *dubdubdub*

Hindi pa nga ako nakakamove-on sa wink niya kanina tapos ngayon tinawag niya kong Ella? Anong kalukohana to?

avataravatar
Next chapter