3 Moving Closer

Reminder: This is a short story.

_______________________

Nemuella's POV

One month later, things have gone back to normal. Everyone was talking about college after school the next day. Napaisip nga rin ako sa course na pipiliin ko. It's either Fashion Designing or Bs Accountancy. Sina Iyah at Alexa naman Multimedia Arts ang trip.

"Nemuella, sabay ka ulit sakin pag uwi mamaya?" alok sakin ni Travis.

Nagtataka siguro kayo kung bakit nya ako inaalok sumabay sa kanya. Naging malapit na magkaibigan kami ni Travis. Akala ko ng una,hindi kami magkakasundo pero mali ang akala ko. Mabait syang tao at napaka maalaga. Daig ko pa nga ang may body guard kapag magkasama kami.

"Naku Travis, pasensya na ha? Nasabi ko na kay Kuya na sya nalang ang susundo sken"

"Ganun ba? Sige next time nalang. Minsan,sabay tayong pumasok sa school ha?" saan nya.

"Oo naman Travis, ikaw talaga. hahaha. Tara na nga malate na tayo sa klase"

Pumunta na kami sa classroom namin. Habang naglalakad kami sa corridor, students were staring at us and rumors started.

"Sila na ba?"- girl 1

" Aba malay ko, itanong mo sa kanila" -girl2

"Ang gwapo ni Travis nuh? Pero mukhang taken na eh. Sayang naman " -girl3

Alam nyo,nasanay na rin ako sa ganito.Hindi naman kasi nakakaoffend yung sinasabi nila. Pero sana alam din nila yung mga limitations nila.

Maya maya dumating na din ang teacher namin. Boring ang klase,kaya pasimple kaming nagkukwentuhan ni Travis. Tapos may inabot sya sa aking papel

'Ihi ka ba?'  

Natawa ako sa sinulat nya kaya sumulat din ako sa papel.

*sulat*

'Ang bastos ha -_-'  

inabot ko sa kanya tapos ngumiti sya bigla at inabot ulit ang papel.

"Hindi yan bastos Nem. Dali na, pick up line yan"

Pick up line pala yun? hahaha

*sulat*

' Hahaha. Okay, bakit?' inabot ko ulit sa kanya

'kasi kapag nalabas ka, kinikilig ako..boom!'

Pasimple akong natawa sa pick up line nya. Ang corny eh.

'Wahahaha. Waley!'

inabot ko sa kanya at agad naman nyang binasa.

*sulat*

'Sus,waley daw pero tumawa ka naman. hahaha. Eto pa. Barya ka ba?' -Travis

'Bakit?'

'Kasi umaga palang kailangan na kita boom! hahaha'

'hahahaha'

'Last na toh Nemuella,Sana hindi ka gaya ng buwan?'

'Ha? Bakit?'

'Naiiwan ako pagdating ng araw'

Simpleng salita pero tagos sa puso ko. What if,dumating yung araw na bawiin na ng dyos ang pahiram niyang buhay? Paano ko sa sabihin sa kanya na kailangan ko syang iwan

avataravatar
Next chapter