3 Chapter Two

"Girls, be quiet! Why do keep on giggling ba, ha?!" Irritation was so evident in Suzy's voice. Kanina pa kasi niya binabawal yung mga students niya, specially the girls, pero ayaw mga paawat.

Nakaupo lang ako sa tabi ng isa sa mga students ko habang hinihintay namin na matapos i-set up ang PowerPoint na gagamitin ng mga magt-talk ngayon. My head's still aching from what happened earlier, and up until now din, nagp-play pa rin sa utak ko ang mga scenarios na wala akong idea kung saan nanggaling.

Hindi ko na lang pinahalata kina Suzy na may nararamdaman ako kasi baka tawagin pa niya si Eunyce na nagkaklase ngayon sa grade 11. Kapag nalaman 'yon ni Eunyce, hindi siya magdadalawang-isip na ibalik ako sa hospital. And hell, I don't want that to happen.

The guy earlier.. hindi ko in-expect na isa siya sa magt-talk sa symposium na 'to. Dalawa silang doctor at may isa silang kasama na siguro ay med student din pero siya ata yung nakatoka sa presentation at yung dalawang doctor naman ang magd-discuss. Wala pa naman kaming 10 minutes na nakaupo rito at naghihintay sa kanila pero isa na rin ako sa mga naiinip.

Ang tagal nilang mag-present, gusto ko nang mag-lunch break nang makahiga ako sa clinic for a few minutes!

"Ma'am Kylla, kilala niyo po ba yung isang doktor do'n?" My student, Madeleine, asked.

Napatingin din tuloy ako sa gawi ng mga doktor. "Sino ro'n?"

"Yung.. naka-pink dress coat po na naka-gray na slacks!" She giggled while we're looking at the guy she described.

My brows furrowed when I realized that we're actually looking to the guy I bumped into earlier. May hawak siyang mini tripod na may camera, as if he's recording everything that's happening right now to them. Nakatutok 'yon sa med student at sa isa pang doktor na kasama niya.

"Uh, hindi ko siya k-kilala," sagot ko kay Madeleine habang nakatingin pa rin do'n sa doktor.

His smile reminds me of someone.. someone who used to smile at me like that back then. His physique reminds me of a guy from my past na.. na.. hindi ko talaga maalala kahit na gustung-gusto ko talagang maalala.

Is he part of my past? Is he the same guy I knew before I lost my memories eight years ago? Ugh, this frustrates the hell out of my brain. Lalong sumasakit ang ulo ko sa bagay na hindi ko masolusyunan.

Five more minutes passed by and they finally start this symposium na soooobrang tagal sa tingin ko no'ng yung Doctor Cole na yon ang nagd-discuss. Walang kasigla-sigla yung mga students no'ng siya yung nagsasalita sa harap pero after niyang mag-discuss at tumayo na yung isang doktor, parang nabuhayan na ang lahat, lalo na yung mga girls dahil nagtilian pa yung iba.

It's as if they're eagerly waiting for him to go in front.

I just rolled my eyes. Famous siguro 'tong lalaki na 'to kaya ganyan ang asta nila.

"Hey, yo guys, what's up! I knew some of you or.. most of the students here.. kilala kung sino ako. Am I right? Yes or yes?" He was all smiles while talking in front. Sumasagot pa yung mga students sa kaniya na parang engaged talaga sila sa naging topic kanina.

"So, para sa mga hindi "pa" nakakakilala sa akin, my name's Clyde Angelo Bernardo del Mundo, and I'm currently taking my second year academic proper in Med, and other than that, I'm a YouTube vlogger that's why I'm confident na kilala ako ng iba sa inyo. Yes or yes?"

"Yes!"

Hindi ko maiwasang tignan ang paligid ko para lang malaman na halos lahat — the students, even the teachers — ay nanonood pala sa bawat galaw niya ngayon. Feeling ko tuloy, ako lang ang alien dito! Parang ako lang yung hindi familiar sa Doctor Clyde na 'yon!

'Yong Doctor Clyde na ang tumapos sa buong talk since he seemed to catch everyone's attention while discussing more about mental health and awareness with matching jokes pa, kaya maging ako, nae-entertain sa kaniya. The symposium lasted for one hour and twenty minutes but since ang dami pang idinaldal ni Doc Clyde, nag-extend pa ang talk niya na siyang ikinatuwa naman ng mga "fans" niyang nandito.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko mula sa suot kong hindi kakapalang peach colored coat kaya tumayo muna ako para lumabas ng mini convention para kuhanin sa student ko yung activity na ipinagawa ko sa kanila while I'm here. Palabas na sana ako ng pinto nang bigla akong maharang ni Doctor Clyde habang dala niya ang mini tripod niya. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang braso ko at nang humarap ako sa kaniya, halatang nagulat din siya pero agad din siyang nakabawi at ngumiti ng pagka.. pagkaganda-ganda.. sa harap ko.

His eyes went nowhere when he smiled in front of me. Bigla ko na naman tuloy naramdaman yung malakas na kabog ng dibdib ko kaya hindi na ako makatingin ng maayos sa kaniya. I even heard the students' teasing cheer kaya lalo akong nahiya! Oh my gosh, bakit ba kasi ako ang na-corner nitong vlogger na 'to?!

"Hi! We.. meet again," he smiled again to flex his beautiful set of white teeth. "I'll just ask you some questions so, are you in?"

"Um, uh.." I don't know what to say! "Y-Yes, yes.."

"Great! So, first of all, what's your name?" He asked while looking at me and handing me his microphone.

"Full name? Um, I'm Skyllar Anne Medina, Media and Info. Literacy teacher of SHS." I introduced myself and smiled in his camera.

Pansin ko na natigilan siya sandali nang marinig ang sinabi ko, but I just let it slide since marami rin siyang naging tanong after regarding sa naging talk nila ng "ka-duo" niya. After no'n, he let me go to interview some students kaya pagkabigay sa akin ng student ko ng mga activity nila ay bumalik na rin ako sa mga students ko, just to hear their teasing and envying words dahil na-corner ako ng interview ng favourite vlogger nila.

I was sure na lilitaw ang pagmumukha ko sa vlog niya in case na i-post niya 'yon, pero hinayaan ko na lang at hindi na muna pinanood dahil mas nag-focus ako sa exam ng mga students ko. I also had their individual recitation while they were taking their exam kaya medyo busy rin ako.

Actually, wala na akong sigla para um-attend ng party ng mga SHS kaya sinubukan ko na lang na yayain sina Eunyce sa tambayan but she just scolded me that's why I didn't have a choice.

I was wearing a denim skirt ending above my knees partnered with a white crop top shirt underneath my denim jacket and black boots. Hindi rin gano'n ka-heavy ang make up ko dahil alam ko naman na mah-haggard lang ako sa mga students. I let my curly hazel brown hair down para matakpan ang malalaking earnings na suot ko na ipinahiram sa akin ni Denise last night.

My get up was like I was just going to our tambayan and not to a student's party! I should've seen this coming. Buti na lang talaga at walang nagkainteres na sitahin ako sa suot ko kundi, nakakahiya sa mga students ko!

During the party, I took some photos of mine using Eunyce's camera and may picture rin kaming tatlo nina Suzy na pwede nang pampalit profile sa Facebook at pam-flex sa IG. My students and I also had our own class picture while showing off our great outfits at ang ganda naming tignan sa mga photos so I've got the satisfaction that I want.

The party lasted until 1 am and naging back to normal na ulit the next week. Habang nagl-lunch kami nina Eunyce sa isang fast food chain outside the school, napag-usapan ulit namin na pumunta sa tambayan this Friday pero kasama na ako. The last time kasi na hindi ako nakasama ay nabulyawan agad ako ni Eunyce no'ng sober na siya. Kaya ngayon, bawal na 'kong mang-ditch ng moni namin kundi.. goodbye condo na 'ko.

As I expected, wala nang naging hadlang pa para makasama na ako kina Eunyce by Friday kaya na-excite talaga ako kasi makakawalwal na ulit ako without feeling any guilt. High waisted white short lang ang suot ko with a matching brown polo na nakatali sa bandang tummy ko and a pair of white heels. Nakalaglag lang ulit ang buhok ko at minimal lang ang make up na suot ko kaya before 8 pm, nakapunta na agad kaming tatlo sa tambayan.

Kaunti pa lang ang mga tao at nagulat pa ako nang makita ko si Zari, talking to the bar tender kaya doon nami dumiretso ni Eunyce habang si Suzy naman ay si Denise na nasa couch ang pinuntahan.

It's been weeks since the last time na nakita ko si Zari kaya agad ko siyang nginitian but she just rolled her eyes on me. Nagalit yata siya no'ng ipasundo ko siya kay Alex, at doon ko lang na-realize na hindi pa nga pala ako nakakapag-sorry sa kaniya!

"Zari.. sorry na.." I poted, hugging her waist. "You were wasted that time! I mean, lahat kayo wasted, kaya wala akong choice kundi ipasundo ka kay Alex." I pouted again. She's still not talking to me despite of my pa-cute face that's why I pouted even more.

"Ugh, Skyllar! Sinasabi ko talaga sa 'yo, kapag ikaw ang naging wasted mamaya, ipapasundo rin kita sa—"

"Two tequila!" Biglang sabi ni Eunyce kaya naputol ang sinasabi ni Zari. They even looked at each other pero dinedma ko na lang sila.

Nagsimula na yung party at as usual, marami na namang mga taong pinapunta si Denise. Some were college students from the school where we work, pero dedma lang dahil dito, walang traba-trabaho at dedma lang kami rito, though nagbabatian kami 'pag nakikita nila ako.

Kakaikot ko sa mga table ng mga kakilala kong nandito ay pinapa-shot nila ako, na okay lang naman sa 'kin dahil high tolerance naman ako when it comes to alcohol. Maya-maya pa ay pumunta naman ako sa bar tender ulit para humingi ng tubig dahil medyo hilo na ako.

Argh, shot pa more kasi, Kylla! Ayan!

"Water please,"

"Isang Black Label,"

Nagkatinginan kami ng lalaking nakasabay ko sa pagsasalita. I saw a hint of recognition in his eyes when he smiled at me.

"Hi," he said, still smiling. "Nagc-club ka rin pala?"

"Hello! Uh, yeah. I'm into clubs and parties din, but occasionally lang." I smiled back at him. Kinuha ko na ang tubig ko na kalalapag lang ng bar tender at uminom agad doon.

Woah, refreshing.

"Sinong kasama mo?" He suddenly asked after drinking his Black Label.

"Friends!" I shouted as the music started to be loud. "Ikaw?"

"Same—!" Napatigil kami sa pag-uusap ni Clyde when some random guy bumped my back purposely.

"Hi, babe." He said, looking intently at me. He seemed drunk and out of his mind kaya humakbang ako palapit kay Clyde.

"Dude, fuck off." Clyde held my waist to pull me near him. Iba kasi ang tingin ng lalaki sa akin kaya lumayo na talaga ako.

"Why? Is she yours? Is she your girlfriend or what?" He sounded so drunk.

Nakita ko kung paano nag-iba ang itsura ni Clyde, as if he's ready to punch this guy's face. "She is," my lips parted when I heard him say that. "So get fucking lost and beat other girls out there who likes you, but not my girl."

The guy suddenly raised his both hands to surrender. "Geez, okay! Sorry," he said and left just like that.

Clyde looked at me and concern was evident in his eyes after he let go of my waist. "Are you okay?"

I nodded as a respond. "I think we should go, baka may iba pang lalaking gumanon ulit sa 'yo rito kapag nawala ka sa paningin ko. Let's go?" He said, pero hindi pa man ako umooo ay hinawakan na niya ang kamay ko para hatakin ako palabas ng club.

Habang hawak niya ang kamay ko, may kung ano na namang mga scenarios ang pumapasok sa isip ko. A guy holding my hand like this while we're in a pathway full of lovely flowers and fairy lights. I can't help but to held my head because it can't contain the memories suddenly hitting me. I don't know if they were real, if they really happened to me.

Pero isa lang ang natitiyak ko. This guy is surely part of my past, dahil wala namang ibang nakakagawa nito sa 'kin for eight years.. siya lang.

avataravatar