2 Chapter One

"Skyllar Anne Medina! Where on earth are you?! Hindi ka pa rin ba tapos d'yan?!"

Nagpa-panic na ako dahil kanina pa ako tinatawagan nina Suzy! I could hear the loud music over my phone. Buti pa sila nagp-party na, samantalang ako, hindi pa ako natatapos sa pag-aayos ng table kong nabawasan naman na kahit papaano ng mga papers at quizzes na dapat i-check.

"Heto na, uuwi na 'ko! I'll just change my clothes and I'll go there na," muntik nang malaglag yung dalawang paper bag ng mga portfolio na hawak ko dahil sa kamamadali.

Argh, nakaka-stress sila!

"Hay nako, Kylla, ha. 'Wag kang scam! Ikaw pasimuno neto!" I heard Eunyce said saka sila tumawa nina Suzy at pinatay ang tawag.

I just rolled my eyes after they ended the call. Sa wakas, maayos na rin akong makakaalis! I checked the time and my watch says it's quarter to six pm. After kong maiayos ang mga ilaw at ang aircon ng faculty ay ini-lock ko na 'yon saka ako nag-martsa paalis ng corridor na 'yon.

Today's Friday kaya naman nasa tambayan sina Eunyce at ready nang magwalwal ulit after three weeks nang pahinga ng sistema namin sa alak. We like going to clubs and parties, pero occasionally lang naman. We are teachers at hindi magandang example sa mga students kung lagi nila kaming makikita sa mga clubs.

And since ngayon lang ang free time namin before the students' 1st preliminary examination, inaya ko sila last Wednesday sa club ni Denise na tambayan na namin for how many months. But since I'm so packed right now, mukhang mal-late ako ng punta.

"Ma'am Kylla!"

"Shit!"

I almost fell from the stairs when someone shouted my name out of nowhere! Agad akong lumingon para makita kung sino 'yon and my brows shot up when I saw my student running towards me handling two portfolios.

Almost one week din 'tong hindi nagpakita, tapos ngayon ay tatawagin na lang akong bigla?! What the hell? Anong oras na, bakit nandito pa 'to?!

"The hell," I murmured when I came back near the faculty room. "What are you doing here at this time? At ang tagal mo ring hindi pumasok, ah. What's happening to you?"

He was still panting when he handed me the gray colored portfolio. "S-Sorry, Ma'am, l-late submission."

Tiningnan ko ang portfolio na iniaabot niya, saka ko siya tinignan ulit. "Four pm ang sinabi kong palugit ng deadline ng mini PT niyo, 'di ba? Bakit ngayon lang 'yan?"

He looked a bit hesitant to answer my question, that's why I decided na bumalik na muna kami sa loob ng faculty room para maibigay niya ang valid reason para tanggapin ko ang mini PT niya.

"Ma'am Kylla, pasensiya na po at ngayon lang yung PT ko. May valid reason naman po ako kaya 'yan late. Well.. baka sa akin nga lang valid.." napakamot siya sa batok niya at umiwas ng tingin sa akin.

I smiled at him, lowkey telling him that it's okay for him to tell me what's going on with his life right now. Nandito ako sa harap niya ngayon as someone who'll listen, not a teacher or a counselor this time. "Try me."

"Nakakahiya man pong aminin, Ma'am, pero.." he trailed off, a little bit hesitant to continue or not. "A-Ano po kasi, Ma'am.. f-financial problem po."

Katahimikan ang sumalubong sa kaniyang sagot at ramdam ko ang pagbigat bigla ng ambiance nitong faculty room. Napaupo tuloy ako sa tapat ng table ni Eunyce dahil feeling ko, lalo akong mangangatog 'pag 'di pa 'ko umupo.

"Mind to share.. what.. happened..?" I bit my lower lip. He started to sigh heavily na para bang ang laki-laki ng problema niya. Sa itsura niya ngayon, parang pasan niya ang buong mundo sa balikat niya.

Para siyang nalugi na ewan. Poor Dexter Jacinto.

"Tanggal na po sa trabaho ang Daddy ko, Ma'am. Si Mommy naman po, naloko ng recruiter at natangay yung ₱70,000 na pera niya. Unti-unti na rin pong nauubos yung ipon ng pamilya namin, kaya nag-decide po ako na sa halip na pumasok, mamamasukan na po muna ako sa isang convenience store malapit dito sa school. 'Yon po yung reason kung bakit one week po akong wala sa klase at ngayon lang nakapag-submit ng PT po sa inyo."

My lips parted because of what I've just heard. Hindi ako sanay na may mga students akong ganito. Because this is a prestigious school, nasa isip ko na lahat ng mga nag-aaral dito ay may kaya. Except pala rito sa student ko na 'to na kumakayod instead na mag-aral.

He just smiled at me when I didn't answer. Napayuko rin siya at ramdam kong medyo nahiya siya dahil sa sinabi niya.

"So.. how are you now?" Concern was evident in my voice.

He gave me a small smile. "I'm okay, Ma'am. Nothing to worry about. I'm still sane and keeping up with life."

Nabaling ang tingin ko sa portfolio na ipinasa niya. Puro 'yon printed copies ng iniatas kong task sa kanila that's why I assumed na mahal ang ginastos niya rito.

Imbes na ipangkain na lang niya or what, ipinanggawa niya pa ng hinihingi kong requirement sa PT ang perang hawak niya. Guilt suddenly creeped into my nerves, kaya medyo nagdalawang-isip ako nang kuhanin ko ang wallet ko.

Napansin ko na nakita niyang naglabas ako ng wallet, kaya agad siyang tumanggi kahit na wala pa man din akong inilalabas mula ro'n.

"No, Dex. Take this. Isipin mo na lang na.. na.. binayaran ko yung ipinasa mo ngayon. I know this is not that much but.."

"Ma'am, h-hindi na po kailangan—"

"I insist," pamimilit ko pa rin. Naglabas ako ng two thousand peso bill at iniabot 'yon sa kaniya. I saw how his Adam's apple moved out of embarrassment. Hindi rin siya makatingin ng maayos ngayon.

"T-Thank you, Ma'am." Tahimik lang siyang humikbi ro'n kaya inalo ko siya.

I told him some encouraging and comforting words before I let him out of the faculty room. Halos matagal din nang ma-realize ko na yung pambigay ko mamaya para sa ambagan namin nina Eunyce, ay naibigay ko pala sa student kong nangangailangan. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang maramdaman kong nag-vibrate na ulit ang phone ko na agad kong kinuha para sagutin ang tawag ni Eunyce.

"Ano na?" Bungad niya agad sa 'kin.

I massage the bridge of my nose. "S-Sorry—"

"Luh, gago? Anong sorry?! Pumunta ka na rito! Nandito na rin si Zari!" Lalo akong napapikit ng mariin.

Sige, Kylla. Nag-set-set ka nang moni tapos ngayong nasa tambayan na, ikaw ang aatras!

"Hindi ako makakapunta," sabi ko habang inaayos ang portfolio ni Dex sa paper bag ko. "Kayo na lang muna. Bukas ko na lang kukwento pag-uwi niyo. Have a good night!" Agad kong pinatay yung call para 'di na magsalita pa si Eunyce.

I had no choice kundi umuwi sa condo namin. Nag-dinner lang ako at tinapos ko na ang pagch-check ng mga mini PT ng HUMSS at ABM na requirement nila sa subject ko. After no'n, I did my night care routine and decided to watch a korean drama by 10 pm.

Napahinga ako nang malalim nang mag-12:48 am na at wala pa rin sina Eunyce. Masyado pang maaga kung uuwi sila, pero nab-bored na 'ko rito! I pouted, not knowing what to do. Hindi pa man din natatapos ang episode 3 ng pinanonood kong drama ni Yoo Seung Ho ay pinatay ko na agad yung TV at nag-decide na lang akong matulog na.

Kung nasa party rin siguro ako ay nagpapakasaya rin ako sa mga oras na 'to. Hays. Ba't ba kasi ang bait ko?

"Love~? Baby~? My Sky? Wake up..~" agad kong pinatay ang alarm ko by 6 am para gumising na at mag-inat-inat. Maganda talaga lagi ang gising ko kapag boses na niya ang naririnig ko sa umaga.

Actually, hindi ko alam kung kaninong boses 'yan, e. When my brother, Rain, handed me two phones eight years ago, ito ang narinig ko sa voice recorder ng isang cellphone noong kalikutin ko 'yon. A voice of a guy waking me up, and from then on, lagi ko na siyang ginagamit as my alarm tone. Though I'm still wondering kung kaninong boses 'yon nanggaling, since I lost my memories after an accident also 8 years ago.

Nag-iinat akong lumabas nang kwarto nang mapatili ako dahil sa bumungad sa akin sa sala. The hell! They're wasted as fuck! Napanganga ako habang tinitignan sina Eunyce at Suzy na nasa sahig at mahimbing na natutulog. Si Denise naman ang nasa sofa at nakataas pa ang paa! Mga hindi na nila nakuhang magbihis pa. Amoy alak 'tong sala, ano ba 'yan!

Agad ko silang dinala sa mga kwarto nila kahit na amoy alak sila. At since kami ni Eunyce ang magkasama sa iisang kwarto ay no choice ako kundi ipasok din siya ro'n. Hingal akong lumabas ulit para sana kumuha ng tubig sa fridge pero nabulaga ako nang makita ko si Zari sa dining table namin, nakadukdok habang natutulog. I held my head when I looked around and realized that the whole house was a mess! Agad na binalikan ng mga mata ko si Zari na payapang natutulog sa dining table namin ngayon.

"Oh, God. Bakit ba kailangan niyong magpaka-wasted just because I'm not with you?!" I whispered to myself before getting my phone to call my student, si Alex, Zari's brother.

"Yes, hello?" Alex picked it up at the third rang. "Ba't ka napatawag, Ma'am? Good morning!"

"Uh, yes, um, c-can you pick up Zari? Nandito siya sa bahay nga—"

"Fuck, what?!" Nabigla ako nang magmura ang student ko. I was about to scold him when he apologized so instead, I just gave him our condo's address para masundo niya ang Ate niya.

Sa loob ng dalawang araw na walang pasok ay tila naging nanny ako nina Eunyce at Suzy na hindi pa rin natatanggal ang sakit ng ulo kahit na mag-Tuesday na. The rest of the week went normal, pero abot na ang discuss namin sa mga students dahil next week ay 1st prelim na nila. Wala kaming choice kahit masakit na ang mga lalamunan namin kundi magturo kahit feeling namin ay bibigay na kami.

By Friday, nakuha na namin ang sweldo namin pero nakalaan na ang iba ro'n for bills sa condo, plus ang pambili pa ng mga gagamitin namin for acquaintance party ng mga students after ng last day ng exam.

Bago ang two-day exam nila ay nagkaroon ng mini symposium sa school kung saan may mga doctors na magt-talk sa mga grade 12 students about mental health awareness. I was one of the teachers na naka-assign sa pagtawag ng mga students para makapunta sila ng mini convention kung saan ih-held ang symposium mamaya.

Since may klase, hindi ko matatawag ang buong grade 12 sa loob lang ng ilang minuto kaya nag-chat na ako sa GC naming mga grade 12 teachers para palabasin na nila ang advisory class nila para sa symposium.

I was busy typing with my phone when I suddenly bumped into a guy wearing a lab coat kaya abot ang sorry ko dahil nalaglag yung mga papel na hawak niya.

I was about to give back the papers when I saw him, staring at me. There was a long silence when we saw each other, and as if on a cue, my head suddenly played some scenarios with a guy, smiling at me, though hindi ko maaninag kung sino siya.

Lumayo ako sa lalaki na nakatingin pa rin sa akin hanggang sa mag-sorry ulit ako for the last time, but he grabbed my arm kaya napahinto ako sa paglalakad. I slowly looked at him while my head still aches so bad. His eyes were fixed on mine kaya napatitig ulit ako sa kaniya.

There's something about him na hindi ko mapigilang hindi tignan? And this might sound funny but, my heart.. it beats so fast na parang gusto nang lumabas nito sa dibdib ko habang magkatinginan kami ng doctor na 'yon.

He let go of my hand but not my gaze. I did the same, though. I saw his lips parted as if he wanted to say something, and he did.

"Have.. Have we met before?" He asked in a low voice.

My lips parted when I remembered something.. as if someone's voice suddenly played inside my head. A voice I know I knew since then.

Matagal bago ako nagsalita, but instead of answering, I asked. "Have we?"

avataravatar
Next chapter