1 Prologue

Feb 25, 2015

"Diane, mag-saing ka na. Mamaya ka na diyan mag cellphone!" sigaw ni Mama.

Nasa bahay ako ngayon at nag-ce-cellphone... Nanonood kasi ako ng Chinese drama at gaya nga niyo ay laging bad timing kung mag-utos si Mama. Kung kailan aamin na yung lalaki dun naman ako uutusan.

"Ito na po Ma!" Nasa 2nd floor kasi ako kaya nag-sisigawan kami

Dinala ko na yung cellphone ko at nilagay sa gilid ng lababo na hindi mababasa, pagkatapos ay kinuwa ko na yung kaldero at nagtakal ng bigas.

Habang nag-huhugas ako ng bigas ay nanonood narin ako para pagtapos kong maghugas ay tapos na rin ako sa panood.

Kahit mayaman kami ay marunong akong gumawa ng gawaing bahay.

Halos umabot ng thirty minutes bago ako matapos mag-saing. Sinalang ko na ito at pumunta sa sofa oara humiga.

"Mama, pahingi po mamaya ng pera. May bibilhin lang po akong gamit " hingi ko kay Mama ng pera.

"Diba may pera ka? Binigyan ka ng Ninong mo ng tatlong libo dahil pasko nung nakaraang buwan?" Yeah, tama si Mama, may pera ako pero kulang parin dahil mahal yung bibilhin ko

"Eh mama, kulang po yung pera ko. 3,500 po yung bibilhin ko kaso diba nga si Ninong lang po ang nagbigay. Kayo naman po ni Mama at Papa ay binilhan ako ng bagong Cellphone. Kaya wala pong dagdag na pera." Paliwanag ko kay Mama

"Oh eto, isang libo yan. Hindi na muna kita bibigyan ng pera dahil malaki na yan. Ikaw bata ka kung saan-saan mo ginagastos ang pera mo. Oh sya, yung sinaing mo kumukulo na baka masunog" paalala ni Mama "Lagyan mo na rin ng suka para hindi mapanis agad. Yung sinaing mo kahapon napanis. Hindi mo nilagyan kasi ng suka" sermon ni Mama.

Hindi nalang ako sumagot dahil alam ko namang totoo yung sinabi ni Mama. Nakalimutan kong maglagay ng suka kaya napanis agad. Pinahinaan ko na yung sinaing ko at nilagyan ng suka para hindi na agad mapanis.

Habang naghihintay maluto ang kanin ay nag luto narin ako ng hotdog at itlog. Ang pambansang ulam tuwing agahan.

Ng matapos ay umupo na kami ni Mama sa lamesa at nagdasal bago mag simulang kumain.

"Anak, sasama ka ba samin ng Papa mo sa Korea? Pupunta kasi kami sa korea ng Papa mo sa Monday." Napatingin ako sa kalendaryo. Sabado ngayon bale may tatlong araw pa bago ang tinutukoy ni Mama na pupunta sa Boracay "Kasama rin ang Tita Marie mo at mga anak niya."

"Hindi ko pa po alam Mama. Parang gusto ko pong umuwi sa Sanctuary, kala Lola" sabi ko. Malayo rin ang probinsya namin at bandang Norte ito.

"Bakit naman gusto mo doon pumunta? Gusto mo bang isama ang Lola at Lolo mo? Sige, sasabihan ko silang mag-ayos na dahil papasundo natin sila"

"Ma, hindi po yun. Para kasing namimiss ko na po ang Probinsya natin. Minsan nalang po kasi tayo nakakauwi roon." Agad kong sagot

Nag-isip saglit si Mama "Kung gusto mo talagang pumunta sa Sanctuary sabihin mo lang sakin para ma-inform ko rin ang Tita mo. Samantalang ang Papa mo naman ay tatanungin ko muna kung payag siya." Sagot ni Mama habang may maliit na ngiti sa kanyang labi

"Salamat Ma" akmang ililigpit na ni Mama ang pinagkainan kaya pinigilan ko siya "Ako nalang po ang maghuhugas Ma" sabi ko at kinuwa sa kanya ang pinagkainan. Ngumiti naman si Mama at umakyat.

Nilagay ko na si lababo ang mga pinagkainan. Pinunasan at nag-walis narin muna ako bago ako mag-hugas. Naalala ko bigla ang mga panaginip ko nung mga nakaraang araw.

Laging pinapakita ang bahay namin sa Probinsya. Nag-umpisa lang ito nung isang buwan. Akala ko napaginipan ko lang ito dahil namimiss ko na ang bahay namin doon pero naging sunod-sunod na ito. Gabi-gabi ay napapaginipan ko ang bahay namin.

Kaya gusto ko rin pumunta sa Sanctuary para maka-musta sila Lolo at Lola kung ayos lang ba sila doon at para mahanap ang mga sagot sa mga katanungan ko.

★★★★

Abangan:

*Bakit kaya napapaginipan ni Diane ang bahay nila sa Probinsya?

*Makakapunta kaya siya sa Pangasinan?

*At papayagan kaya si ng Tatay niya na pumunta sa Pangasinan na mag-isa?

avataravatar
Next chapter