6 Chapter 5 : Phone

A Killer's Steps

Chapter 5 : Phone

YEHAN POV

4 YEARS AND 11 MONTHS LATER

"Yan! Yan ang bagay sayo! Di ka nababagay sa mundo! Isa kang salot! Dahil sayo ay hindi mapanatili ang katiwasayan sa ating nayon!" sunod sunod na bulalas ng mga babae sa akin habang binabato ako ng kung ano ano. Nanatili akong nakaupo at walang tigil sa paghikbi. Di ko alam kung bakit nila ginagawa sa akin to. Samantalang wala akong ginagawang masama sa kanila

"Ikay walang Turing! Di ka dapat nabubuhay sa mundo! Ang dapat sayo ay mamatay!" napatigagal ako nang mapakinggan ako mga isinisigaw nila

"wag! Nagmamakaawa ako sa inyo! Wala akong ginagwang masama!" pagsusumamo ko at luhod sa mga laylayan ng mga bestida nila

"Maawa? Hahaha! Isa ka rin palang mapangahas na tao! Sa tingin mo ba kaka awaan ka namin sa mga taong gaya mo?" bulalas ng isa sa kanila. Habang ako ay nangingisay na sa takot

Nagulat nalang ako nang bigla silang maglabas ng bato at mga pamalo. Wala na akong naririnig kundi ang mga masasakit na salita sa kanila kabilang na ang mga hikbi na nagmumula sa akin. Napapikit nalang ako habang hinhintay na dumampi sa akin ang mga pananakit na ibig nilang ibigay sa akin. Pero nakaka dalawang minuto na akong nakapikit ay wala parin ni isang pamalo o batong dumampo sa aking katawan

Humina ang mga bulungan at tila bay gulat sila. Napamulat ako ng mata kaya nakita ako siya

Ang taong tumulong sa akin

.....

"lil sis! Umaga na! Gising na!" agad akong bumangon at panandaliang naghabol ng hininga

Panaginip nanaman?

Pero bakit parang iba na ang panaginip ko ngayon?

Sino siya?

ang tumulong sa akin?

Ako ba talaga yun?

Pero bakit nila ako pinagtutulungan?

***

"Ok class dissmiss" sabi ni prof kaya sabay sabay kaming tumayo ng mga kaklase ko

"Uy Yerin!" Sigaw nila sa labas. Oo tama, silang lahat. Hinihintay kasi nilang matapos ang klase ko. Ok nga e kasi ang aga ng dismissal nila kainggit. Para daw sabay sabay na kaming pupunta sa court at makapag praktis. You know what I mean. College na kami kaya marami na kaming pinagsamahan at di naman ako nagsisisi sa isa sa mga yun haha.

"Tara na!" hikayat ni Kuya Eujin sabay akbay kay Ate Wish. Opa sila na kasi e matagal na Tsss lampo! Di naman halatang nagmamadali sila sa lagay na yan no? -,- diko pa kasi naipapasok yung mga notebooks ko sa bag ko e tapos nanghihikayat na agad sila.

Nauna naman na silang maglakad. Waw? Ang galeng? Sinundo ako tapos iniwan rin lang? Tsss

Sa inis ko ay dinala ko na yung bag ko kahit hawak hawak ko pa yung mga notebooks ko tss.

"Uy wait naman!" sigaw ko sa kanila pero di ako pinansin ng mga mokong. Ang galing talaga e no? Tuloy tuloy lang sila sa paglalakad -,-

Umirap nalang ako sa hangin saka ko inilagay yung mga notebooks ko sa bag ko. Medyo masikip kasi bag ko kaiyaq. Pero natigilan ako aa pag aayos nang biglang magring yung cellphone ko. Sasagutin ko na sana yung tawag nang

"Aray!" daing ko nang matumba ako. Nagkalat yung mga notebooks kooo at ang masaklap pa

Yung phone koooo! Basag basag na siya huhuhuuu. As in! LCD na huhuuuu

"Naku miss! I'm so sorry" sabi niya saka ako tinulungan. Aba! Subukan niya akong wag tulungan at isasampal ko sa kanya tong cellphone na binasag niya! Huhu my baby!

Pero nanigas ako at the same time.

Ang boses na yun

Parang nadinig ko na yung somewhere. Parang kilala ko ang boses na yun. Inangat ko yung ulo ko para makita ko siya

Pamilyar siya pero hinde

Hays! -,-

"Miss sorry talag sa phone mo. Sayo nalang to" di ko napansin na nakatitig na pala siya sa Na LCD kong phone at inilalahad na niya yung phone niya sa akin.

"Nako hinde na! Ok lang! sapat na yung nagsorry ka sa akin" nakakahiya naman kasi kung ganun diba? Saka kasalanan ko rin namn kung bakit nasira phone ko e. Di ako nakatingin sa daanan ko. Umiling ako pero umiling di siya. Ano yun? Ilingan lang peg namin? Ibinigay niya parin yung phone niya sa akin

Tatanggi sana ulet ako pero ngumiti siya saka siya tumakbo

Yung ngiti niya. Bat ganun? Nakilala na ba kita? Kung oo, saan? At kailan?

Napatingin naman ako sa phobe na binilay niya

"Huta Iphone7?!" nalaglag yung panga ko nang makita ko yung brand. Grabeeeee! Seriously? Oppo F1s lang kaya yung sakin na nabasag pero Iphone7 ang ipinalit? Aba! Malupet!

Narinig ko namang tumunog yung cellphone ko na basag na ngayon sa ikalawang pagkakataaon. Tinanggal ko yung sim saka inilipat doon. Di ko na kasi makita e, halos all black na yung screen napuruhan talaga. Naapakan kasi niya e.

Nang mailagay ko na ay agad kong tinignan kung sino yung nagtext

From: Secret

Huy! Babaetang sobrang takaw at puti! Asan kana? Time is ticking!

Napairap nalang ulet ako sa kawalan. Makapagsabi siya e no? E kung paikliin din kaya niya yung baba niya tsss

Wala na akong nagawa kundi pumunta sa oval para sa praktis namin

***

"Sige na Umji! Serve mo na yung bola!" sigaw ni Yuju kasabay ang paghampas ng bola ni Umji na nagpapahiwatig na sinerve na nga niya

Hanggang ngayon naguguluhan parin ako pero di ko alam kung bakit

Ang mga panaginip ko na paulit ulit at kakaiba

Para bang konektado lang sila

Malakas anng kutob na si Mat ang taong tumulong sa akin nung tunatakbo kami sa panaginip ko noon sa panaginip ko kagabi

Saka

Simula kasi nung 15th birthday ko ay nagsimula na akong makakita at makaranas ng mga kakaiba at di pangkaraniwang bagay.

Pero bakit? Bakit feeling ko talaga konektado siya? Sa nakaraan ko? Ano bang nakaraan ang ko? At yung mga panaginip na lagi kong napapanaginipan. Anong ibig sabihin ng lahat nang yun? Sino ba si Mat sa buhay ko?

Lagi nalang akong nakararanas ng kaba bawat kaarawan ko. Feeling ko may nagmamatsag sa akin tuwing sumasapit ang kaarawan ko at hinihintay niya ang bawat pag ihip ko ng kandila sa bawat cake ko

Sino siya?

"Yerin!" Nabalik ako sa realidad nang may bolang tumama sa noo ko kasabay ang ang paglapit nila dito sa akin

Aww! Ulo kooo

*

"Anong meron sayo? Bakit lutang ka? May iniisip kaba?" sunod sunod na tanong ni Ate Wish pero puro iling ang sagot ko. Ayokong ipaalam. Natatakot ako sa bawat mangyayari. Saka ayokong mag alala pa sila sa akin

Bumuntong hininga naman si Ate Wish

"Sige na magpahinga ka muna. Break naman na din e!" sabi pa niya sabay tayo at pat sa balikat ko. I mouthed 'thank you' ngumiti naman siya

Napansin ko rin namang papalapit na yung mga boys dito sa amin. Break na ata nila

"Anong nangyari? Nakita kong natamaan si Yerin. Ok ka lang Bunny ko?" Ok na sana pag aalala niya sa akin e. Pero si Star lang pala tss. kakaiba din tong si Kyle eh

"Opo Bunny ko no need to worry" sagot naman ni Star. Saka sila nag ngitian sa isat isa

"Ahem! Sa pag kaka alam ko si Yerin yung natamaan e" Poker face na sabi ni Kuya Rheymond kaya sabay sabay kaming napatawa

Nagsiupuan naman sila saka sabay sabay na inilabas yung mga snacks at inumin nila. Habang ako ay tahimik parin at nakatingin lang sa kawalan

"Ate? Ayos ka lang?" Tanong ni Umji kaya napatango nalang ako

Maraming kababalaghan ang nangyari sa akin at ni isa ay wala parin akong makuhang tamang sagot kung bakit. Naguguluhan na ako. Pano ko ba to matatapos?

Napakapa naman ako sa Cellphone na nasa kanang bulsa ko. Saka nagflashback sa akin yung mukha nung taong nagbigay sa akin nun. Inilabas ko rin yung basag kong cellphone.

"Nga pala guys! Nagtransfer ngayon dito yung pinsan ko!" natutuwang sabi ni Kuya Eujin sabay labas nung cellphone niya na parang may hinahanap dun

"Pinsan? Si Theo?!" Natutuwang sabi ni Kyle. Halos pumalakpak na nga yung tenga niya sa tuwa e

"Theodore Pete Alijente" Bulong ni Yuju kaya napa tango ako

"Miss mo na si Theo no?" natatawang sabi ni Kuya Eujin kaya tango lang ng tango si Kyle

"may picture ako na suot niya ang uniform natin e. Teka lang nasan na ba yun?" sabi ni Kuya Eujin sa sarili siya habang hinahanap yung picture nung pinsan daw niya

Kaya lalong umingay kami dito. Ay sila lang pala kilala nila e

"Bilis Kuya!" sabay sabay nilang sigaw kasabay ang pag harap ni Kuya Eujin yung Cellphone niya sa amin

Siya?!

Ang taong nagbigay sa akin ng cellphone. Theo?

***

"Ok Class Here's your new classmate" Sabi ni Prof kasabay ang pagpasok niya. Dinig ko ang pag Yes ni Kyle

Kita ko naman na pumasok siya.

Pero bakit ganun? Para talagang kilala ko na siya

Pero di ko masabi kung saan at kailan

Ano bang kababalaghan ang nararamdaman ko?

Siya nga. Yung may ari nung cellphone. Palihim kong inilabas yung cellphone niya kasabay ang pag upo niya sa tabi ko which is tabi rin ni Kyle.

Nang makaupo na siya ay kinalabit ko siya kahit labag sa akin ewan ko ba hays

"ahm" kinakabahang sabi ko. Pero teka nga? Bakit ba ako kinakabahan? Umiling lang ako saka ko inilahad yung cellphone niya nakakahiya kasi e.

Di ko matatanggap yun

"No need. Kasalanan ko naman kung bakit nabasag yung cellphone mo e. Saka besides" pagpuputol niya sa sasabihin niya sabay labas ng bagay sa bulsa niya

"may extra pa ako" sabi niya saka labas nung cellphone niya na kapareho ng model na cellphone na binigay niya sa akin

***

"Yerin Yerin yerin!" hyper na sigaw ni Star kaya napangiti ako at lumapit sa kanila

Nasa court kami at doon mag iistambay. Bakante kasi namin ang next subject kaya ayun

Umupo ako sa tabi ni Yuju at Kuya Eujin. Bale nasa gilid ng court kami saka naka indian sit. May mga dala rin silang pagkain kaya siguradong food trip nanaman ang gagawin namin dito. Omagas! Pagkainnnn!

Nakita ko rin naman sa di kalayuan na papalapit na si taehyung. Nagsilapitan silang lahat doon. Napayuko ako nang di ko namamalayan. Ang weird nga ng nararamdaman ko e hays

Nakapa ko naman yung cellphone niya. Kaya lalo akong nanigas. Hays bat ganun? Pero napangiti rin ako nang makita ko yung cellphone which is di ko alam kung bakit

"Wow. Kinikilig sa cellphone?" Nagtatakang sabi ni Yuju dahilan ng pagkagulat ko at tingin sa kanya. Hala? Di siya tumayo?

"kanina ka pa?!" Gulat na tanong ko pero binatukan lang nita ako. Okey di ko nakita sorry na.

"Sa sobrang pagiisip mo, di mo napansin na di kami tumayo ni Kuya Eujin" pagmamaktol niya kaya napalingon ako sa katabi ko. At oo nga katabi ko pa si Kuya Eujin kasabay ang paghablot ng isang tao ang cellphone ko

"Kay Theo to ah?!" Nanlaki ang mata ko nang buksan noya yung cellphone. Nako paktay! Nakakahiyaaa!

"Ahm K-kuya Eujin hehehe" nahihiyang sabi ko. Nako, pano ko ba sisimulan to? Huhu kainis naman oh!

"Yyieee!" Tukso pa ni Yuju kaya lalo akong nahiya huhuhu "Wahh Yerin Namumula kaa!" Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang mukha ko. Hala! Namumula? Ako?! Watda!

"Hahahha! Naniwala ka naman? Hahahha" Tawa ni Yuju kaya binato ko sa kanya yung bottle nung iniinom ko tsss ang sarap niyang ipakain sa aso no?

"Ahm Kuya Eujin. Ahm Kasi~"

"Binigay ko yan sa kanya" Sabay sabay kaming tatlong napatingin sa nagsalita.

Si Theo at nasa likuran niya yung mga iba

"Bigay mo? Bakit?" Tanong ni Kuya Eujin. Napamulsa naman si Theo at ngumiti lang ng plain. Ang Gwap~ ganda ko!

"Simple lang, nabasag ko kasi Cellphone niya e" sabi niya pa sabay hablot nung phone kay Kuya Eujin Saka siya humarap sa akin

Ngumiti ulet siya sa akin saka niya ini abot yung cellphone niya

"Yan na" sabi niya sabay bigay sa akin nun. Naramdaman ko naman ang pagiinit ng pisngi ko kaya napayuko ako saka ko yun tinanggap

"Ayyie~" dinig kong tukso sana ni Star pero siniko siya ni Secret

Nabalik na sa Huwisyo ang lahat saka kami sabay sabay na kumain ng pagkain namin. Habang ako ay nakayuko parin. Ano bang nangyayari?

"Nga pala. Diba Birthday mo sa isang araw yerin?" natigil silang lahat kabilang na ako at si Theo nang biglang mag salita si Jimboy

Oo nga no? Bat di ko naalala yun?

Yumuko nalang ulet ako saka bahagyang timango

"ah-eh Oo" nalulungkot na sabi ko. Hays Ang tanda ko na kasi huhu

"Oo nga no? Teka may naiisip na ba kayo? May celebration?" Tanong sa akin ni Jhope pero napailing nalang ako

"Wala si Daddy kase nasa States siya. Im sure na kami nalang ulet ni Big bro ang mag cecelebrate" sabi ko saka plain na ngumiti kaya sabay sabay nila akong niyakap. Actually dibale kay Theo na nakatayo lang haha. Syempre di pa kami close

"Wag ka nang malungkot" Cute na sabi ni Kyle kaya pinisil ko yung pisngi dahilan para mapadaing siya sa sakit. Nako! Ang cute cute ng batang to! Ang swerte ni Star sa kanya ahaha

"Wag naman ganyan. Baka magshelos si Bunny ko hehe" sabi niya habang pisil ko parin ying pisngi niya napatingin naman ako kay Star na tumatawa at di naman halatang nagseselos haha

Ngumiti nalang ako saka ko tinanggal yung kamay ko sa pisngi niya

"Ano kaya kung Tayo nalang ang mag celebrate ng Birthday mo Yerin?" Nakangiting sabi ni Secret saka siya inakbayan ni Jhope Oppa. Hmmm pwede?

"Oo nga! Unnie! Bakasyon tayo!" Natutuwang sabi naman ni Star na nagpatawa sa akin

"Saan naman?" Tanong ko sa kanila kaya sandali silang napaisip

"What if? Sa dati niyong bahay. Sa lagi mong kwine kwento. Kung saan mo nakilala si Rica" sabi ni Rheymond na nagpangiti sa lahat at nagtatango tango

Sabay sabay silang napatingin sa akin saka binigyan ako ng isa isang pleading eyes sabay ang pout niya dibale syempre kay Theo

Hay nako ano pa bang magagawa ko?

"Ano pa bang magagawa ko?" sabi ko kaya sabay sabay silang nag yes

***

"Happy Birthday Lil sis!" Tuwang tuwang sabi ni Big bro sa akin saka labas nung chocolate cake. For sure binake nanaman niya

"Baliw ka talaga big bro! Sa makalawa pa ang birthday ko. Bat ang exited mo?" Natatawang sabi ko pero nginitian lang niya ako saka ako niyakap. Ipinahawak muna niya yung cake sa kasambahayan namin

"Im sorry Lil sis, Wala si Daddy para i celebrate ang birthday mo. Tapos may pupuntahan ako sa makalawa" Lumungkot naman ang mukha ko sa narinig ko. Alam ko naman kung saan siya pupunta e. For sure sa project nanaman niya as always

"Ok lang po big bro" nakangiting sabi ko saka kami kumalas sa yakap. Ang sweet sweet ng big bro ko. Maswerte parin ako kasi may kuya ako na gawa niya.

"Big bro?"

"hmm?"

Napatingin ako sa kanya habang kumakain kami ng cake sa sala habang nanonood ng TV. Nakapatong yung paa niya sa mesa at straight ang tingin niya sa TV. Kitang kita mo yung katangusan ng ilong niya. Ang gwapo talaga ng big bro ko huhu

"Alam ko na Yehan na Gwapo ako pero wag naman akong titigan. Mamaya matunaw ako wala ka nang big bro niyan" agad kong tinampal yung balikat niya kaya natawa siya habang ako ay nilalamig niya sa lakas ng aircon dito tss

"Pero big bro. Yung mga kaibigan ko kasi" napatingin naman siya sa akin at hinihintay akong magsalita

"Sa Birthday ko. Pupunta kami ng Probinsya para mag celebrate. Sa dati nating bahay" sabi ko kaya natigilan siya saka niya ibinaba yung cake at tumingin sa akin

"Bakit doon pa?" tanong niya kaya napakibit balikat ako

"wala na kaming maisip na location e. Saka para makatipid rin" sabi ko. Dinig ko naman yung pag buntong hininga niya saka unti unting tumango

Agad ko naman syang sinunggaban ng yakap

"Salamat big bro" nakangiti kong sabi pero tinapik lang niya ako

-----------------------------------------------------

Thanks for reading! Hahhaha

Sorry kasi mabagal ako mag ud. You know nga kasi malapit na ang graduation haha

avataravatar
Next chapter