webnovel

One

Love

Weekend came.. nandito ako ngayon sa living room namin nanonood sa netflix habang hinihintay ang gown ko na dumating.

Nandito si mom sa bahay ngayon to check on the gown. Si daddy at kuya naman ay nasa company at busyng busy dahil nagka problema yata. Hindi ko alam kung saan. Wala naman akong pakialam. I'm not interested...

"Yaya, can you get me some snacks?"

Tumango si yaya at nag madaling pumunta ng kitchen para kumuha ng aking makakain. Ilang saglit lang ay bumalik siya at may dala dala ng isang tray ng pagkain.

"May kailangan pa po kayo, miss Atasha?" tanong niya na agad kong inilingan kaya umalis na rin siya agad matapos ipatong ang tray sa lamesang katapat ko.

"You can get snacks on your own, Atasha." mataray na bungad sa akin ng kuya ko kaya inirapan ko lang siya.

Akala ko ba nasa company ito? At bakit naka jersey? Mukhang hindi siya pumasok ngayon at nag basketball lang.

"Ohh. Hi, Atasha.." bati ng isa sa mga kaibigan ni kuya sa akin.

Oh, he's with his friends. Tinanguan ko lamang ito at nagpatuloy sa panood ng TV. Sunod sunod naman ang pasok ng mga kaibigan ni kuya. Apat na lalaking matatangkad at may laban ang mga itsura. Binati nila ako lahat kaya tinanguan ko lang sila isa isa.

Hindi ko alam kung bakit nag aantay pa rin ako ng may isa pang dumaan at bumati sa akin pero wala na. Apat lang talaga sila. Tinignan ko isa isa ang mga ito at wala naman akong makitang mala-Adonis na itsura sa kanila tulad ng sinabi ni Lara. They're all good looking. Pero, wala namang katulad noong description ni Lara sa lalaking di umano'y kasama ni kuya noon sa bar.

"Atasha!" sigaw ni kuya habang pababa ng aming engrandeng staircase. Nakapag palit na ito ng damit pambahay.

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Sinamaan niya lamang ako ng tingin kaya naman ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa TV at kumain na lang ng sandwich na ginawa ni yaya. Akala yata pinag papantasyahan ko ang isa sa mga kaibigan niya. Tss. Walang nakapasa sa standards ko. Duh!

"Sir, may tao po sa labas ng gate. Iyong designer raw po?" ani Mang Rene nang biglang sumulpot sa tabi ni kuya.

Narinig ko naman ang mga yapak ni mommy sa aming hagdan na ngayon ay pababa na. "Tell the guards to let them in, Mang Rene.."

Mukhang may lakad si mommy ngayon. Pusturang pustura! Buti pa siya. Samantalang ako, heto, still grounded. Tss..

"Sige po, ma'am!" ani Mang Rene at nag madali ng lumabas habang may sinasabi sa kaniyang cellphone. Must be the guards..

"Oh, nandito pala kayo.." ani mommy nang makita ang mga kaibigan ni kuya.

Bumati naman ang mga ito sa kay mommy. Nakatayo pa rin sila. Hindi ko malaman kung bakit ayaw nilang maupo sa sofa namin. Oh! Right! Nandiyan si kuya.. and I'm here.. so bawal lumapit.

"Nagpahanda ka ba ng meryenda, Andres?" tanong ni mommy sa kay kuya.

"Yes, mom.."

May narinig na akong tunog ng sasakyan. Nandito na nga ang gown ko! I'm so excited!

Agad akong tumayo at lumapit sa aming double doors para personal nang buksan ang ito. Lumapit na rin si mommy sa akin na ngiting ngiti.

Lumabas sa kaniyang sasakyan ang kaibigan ni mommy na siyang gumawa ng aking gown. May assistant siyang kasama.

"Ola, Lessandra!" ani ng baklang designer kay mommy at bineso ito.

"This is my assistant, Candy.." pakilala niya sa isa pang baklang kasama niya.

Nakipag beso din si mommy sa kay Candy. Iginiya sila ni mommy sa sala kaya sumunod na rin ako sa kanila. Wala na sila kuya. Mukhang nasa dining room at kumakain ng meryenda.

"By the way, Amaya.. this is my daughter," nginitian ko ang baklang designer na si Amaya. "Atasha.. Tash, this is my friend, Amaya and her assistant, Candy.."

Bineso ako ng dalawang bakla at ngiting ngiti sa akin.

"Ang ganda mo! Pwede kitang gawing model ng mga obra ko!" ani Amaya sabay pasada sa kabuuan ko.

Ngayon ko lang kasi na-meet itong kaibigang designer ni mommy. Ipinadala ko lang sa kaniya ang design at ang sukat ko.

"Oh, no. Sooner or later, she will have her own clothing line.." ani mommy at nginitian ang dalawang baklang nasa harap namin.

"Oh, right! Siya nga pala ang nag-design! You know what hija? You'll be a successful designer someday! Ang ganda ng design mo.." ani Amaya at kinuha ang kanina pa hawak hawak ng kaniyang assistant.

"Thank you.." sagot ko dito.

"Do you want to see it?" tanong nito sa akin kaya naman excited akong tumango.

Binuksan niya ang zipper ng black cover na nakatakip sa aking gown. Dahan dahang tinanggal ng kaniyang assistant ang itim na cover at nang matanggal lahat ay namangha ako sa ganda ng gown. It's not a ball gown.

"Tadah! You see, Sandra? So elegant! Bagay na bagay ito sa anak mo!"

Tinignan ito ni mommy at tumango siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Sukatin mo na, Tash!" excited si mommy na ibinigay sa akin ang gown kaya naman kinuha ko agad ito at nagpaalam sa kanila.

Tumaas ako ng kwarto ko para doon isuot ang gown. It's a long gown. A tube top long gown that is quite revealing. Kita ang cleavage ko dito dahil ito ay isang v-neck tube gown. May slit din ito na hindi naman ganoon kataas, tama lang. Itong ito ang kulay at design na naiimagine ko. Wala itong masyadong beads. I wanted to keep it simple and elegant. Makinang kinang lang talaga ang tube top but I like it!

Isinukat ko ito agad and it fits perfectly. Buti hindi ako tumaba. Madali ko naman iting nai-zipper dahil nasa gilid ang zipper. Kaya ng maayos ko na ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na.

Sa malayo pa lang ay nakikita ko ng pumapalakpak si Amaya at si Candy. Si mommy naman ay ngiting ngiti. I know right? Ang ganda ng design ko!

"You look so elegant, Tash!" ani mommy at pinasadahan ako ng tingin ng makababa ako.

"Bagay na bagay sa 'yo ang kulay!" ani Amaya sa akin kaya nginitian ko siya.

"Isn't it too revealing, mom?"

Nilingon ko si kuya na naroon pala sa tabi ng table kung nasaan ang mga picture frames namin. Naka halukipkip at nakatingin sa gown ko.

"Hallelujah! May anak ka palang Diyos, Sandra!"

Napatingin si kuya kay Amaya at nginiwian ito. Oh my gosh! Napaka suplado talaga nitong si kuya!

"May Diyosa at Diyos na anak! You're so blessed, Sandra!" saad muli ni Amaya na tinawanan lamang ni mommy.

"Design iyan, Andres. It suits your sister! She look so elegant in this gown.." ani mommy sabay paikot sa akin.

"Mommy's right, kuya.." dagdag ko pero tinaasan lang ako ng kilay ng magaling kong kuya!

Tumawa naman si mommy at nag salita. "Masyado kang conservative sa kapatid mo!"

Sumimangot na lamang si kuya at umalis doon dahil alam niyang wala siyang magagawa. Mom's with me when it comes to things like this!

"Conservative ng kuya mo! Bagay naman sa 'yo e.. oh.. ganda!" ani Amaya at pumalakpak muli.

Mommy took a picture of me first bago ako mag decide na mag palit na. Dahil malapit na mag dinner ay dito na pinag dinner ni mommy si Amaya at si Candy. Umalis na din naman agad ang mga kaibigan ni kuya at hindi na sila dito nag dinner. Kaya napuno lang ng tawanan ang hapag namin dahil sa dalawang baklang kasama.

Nang dumating ang araw ng party ni Lara siyang alis din nila mom at dad. Alas siete ang start ng party. I arrived thirty minutes late but it's okay.

"Tash! You're so beautiful!" bati ni Lara sa akin ng mag kita kami agad.

Lara's wearing a burgundy lacy off shoulder gown revealing her perfect collar bones and with a slight sighting of her cleavage. She partnered it with gold accessories which looked perfect. With matching big wavy curls. She looks so elegant and classy!

"You look so elegant, Lara! Happy birthday! Iyong gift ko nasa table na doon.."

Namula naman si Lara at pabiro akong hinampas. "Thank you, Tash! Mabuti na lang talaga dumating ka na. I'm so bored, you know.. halos puro business partners nila daddy ang nandito.."

Nilibot ko ang mata ko sa buong hall kung saan nagaganap ang kaniyang party. Indeed, I can see so many business men and women. Iilan lang ang mga ka-age namin. Kaunti lang din naman ang dumating sa mga ka-blockmates niya.

"I see.. mom and dad's out of town for business kaya hindi sila makakapunta. While, kuya.. sabi niya he'll try.. he's in the middle of a meeting with chinese investors e.."

Umupo kami ni Lara sa isang table na walang tao na malapit lang sa stage. The overall design of this hall screams elegance!

"Gabi? Meeting?" tanong niya kaya tumango ako.

"Yeah, kanina lang daw kasing 6pm dumating iyong Chinese investors.."

Kaya malabong umabot siya dito ano. Sana lang hindi na siya pumunta para naman masulit ko ang party ni Lara. I miss parties!

"I see.. kumain ka na ba?" tanong niya sa akin ngunit ang mga mata ay sa iba nakatingin.

"Yeah. Pagkarating ko ay agad akong pinag servan ng food.."

Tinrace ko kung sino ang tinitignan ni Lara and there! Sa isang table sa 'di kalayuan ay may mga nakaupong puro lalaki na hula ko ay kasing age namin or matanda lang sa amin ng isa o dalawang taon. Naroon ang isa sa mga kaibigan ni kuya na pinsan ni Lara.

"Hey! Who are you staring at?" tanong ko kay Lara at bahagyang niyugyog siya dahil masyado na siyang nakatulala sa kung sino mang tinititigan niya doon sa table na iyon. Limang lalaki iyong nandoon e, so sino ba diyan ang tinititigan nito?

"H-huh?" aniya at nautal pa.

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip sa harapan niya.

"W-what, Tash?" aniya at ngumisi upang itago ang kabang nararamdaman.

Oh, Lara.. you can't fool me!

"Sinong tinititigan mo doon?" tanong ko at itinuro ang table ng mga lalaki sa 'di kalayuan.

Agad naman niyang kinuha ang kamay ko at ibinaba mula sa pagkakaturo. Namula agad siya at napatingin na lamang sa kabilang side.

"God! Ang arte mo! Sino ba diyan? Tell me!"

She's too obvious. May type siya doon sa isa sa mga lalaki doon sa table. Ayaw pa sabihin kung sino!

"Fine! Basta huwag mo na ituro iyong table nila! Nakakahiya ka!" aniya

Inirapan ko siya at sinimangutan. Anong problema sa pagturo sa table nila?

"Remember the guy? the drop dead gorgeous guy I saw at the bar with your kuya?"

Tinignan ko lang siya at inintay matapos ang kwento. Pabitin masyado e!

"So, what? You realized you're just hallucinating?" saad ko at tumawa pero tinarayan niya lang ako.

"No! He's real, okay! He's real! And he's here! Oh my gosh!" impit ang tili niya.

Hindi kaya nakainom nanaman ito kaya naghahallucinate nanaman?

"Are you drunk already?"

Inamoy ko siya pero iniwas niya lang ang mukha niya sa akin. "I'm not!"

Hindi nga naman siya amoy alak.

"I'm not drunk, okay? Kaya nga he's real! Grabe! Super gwapo niya! I don't know why he's here and who invited him but the important part is that he's here!"

Inirapan ko lamang siya habang siya ay kilig na kilig dito sa harapan ko.

"Who?"

Bago pa man niya masagot ang tanong ko ay may biglang lumapit na sa amin at nag salita.

"Ma'am, pinapatawag na po kayo sa harap ni Sir.."

Saad ng isa siguro sa mga organizers ng party kaya nag paalam na muna siya sa akin na aakyat na muna siya doon sa stage.

Nasa stage ang buong family ni Lara. Her mom, dad, her younger brother and of course, Lara.

Kinuha ng Daddy niya ang mic at nag simula nang mag salita. Dahil wala akong hilig sa speeches ay hindi ko iyon pinag tuonan ng pansin. Puro thank you lang naman sa mga tumulong para sa party na ito at message for the celebrant.

"Drinks, ma'am?" tanong ng isang waiter na may dalang isang tray na naglalamam ng champagne.

Kumuha agad ako ng isa at ininom ito. Oh gosh! Kailan ba ako huling nakatikim ng alak? Parang ang tagal tagal na..

"Miss Atasha, huwag po kayo iinom ng madami. Iyon po ang bilin ng daddy at kuya ninyo."

Lumapit ang guard ko sakin nang namataan siguro akong kumuha ng isang basong champagne.

"I know. I won't. Pwede ka ng bumalik doon." malamig kong utas dito at saka umirap.

Agad naman siyang bumalik sa table kung saan naroon sila ni Mang Rene.

Inilibot ko na lang ang mata ko sa buong hall nang mapatingin akong muli sa table ng mga lalaki sa hindi kalayuan. And to my surprise? They were all looking at me! Kumaway ang pinsan ni Lara na kaibigan ni kuya. I forgot his name. Ngumiti lamang ako ng hilaw at agad inalis ang tingin doon sa table nila.

"And, we have a very big announcement tonight..."

Bumaling ako sa daddy ni Lara na si tito Lorenzo na ngayo'y nagsasalita pa rin sa stage. A very big announcement?

Nagbulong bulungan ang mga bisita. Tinignan ko naman si Lara na nakakunot lamang ang noo at nakatingin sa daddy niya tila hinihintay ang announcement. She didn't know? Mukha kasing alam ng mommy niya e.

"You know, we're not getting any younger.." panimula ni Tito Lorenzo.

Nanatiling nakatingin si Lara sa kaniyang daddy na nakatingin lamang din sa kaniya. Why do I feel like I know what's going to happen next? It can't be!

"Our daughter, Lara, being our first born child.."

Oh God! They just can't do that to Lara! If my guess is true I'm going to lose it.

"Sa kaniya namin ipamamana ang aming negosyo.. of course may parte din naman ang aming bunso but for now, Lara will be the one who will take over our business when that time comes.."

Tinignan ko si Lara na clueless pa rin. Nakangiti lamang siya. Mukhang akala niya ito ang big announcement. Gaga! Matagal na nating alam na ikaw ang magmamana ng negosyo niyo! Ugh! Sometimes, she's just so dumb!

"And when that time comes.. kakailanganin niya ng katulong.. karamay.. katuwang.."

Unti unting nanlaki ang mga mata ni Lara at pabalik balik ang tingin sa kaniyang mommy at daddy. Oh yes! Mabuti at nagegets mo na ngayon!

"We are all familiar with the famous quotation.. behind every man's success is a woman.. a supportive wife.."

Tinignan ako ni Lara na gulat na gulat pa rin ang ekspresyon. Umiling na lamang ako. I can't do anything.. I know I must do something about this but I just can't.

"But, in my daughter's case.. let's try to reverse it.. behind every woman's success.. is a man.. a supportive husband.."

May ibinulong ang kaniyang mommy sa kaniya kaya naman ang gulat na mukha niya kanina ay napalitan ng pilit na ngiti.

"Now.. may I call on Haze Fuentes.. the only son of Hilario Fuentes and Elena Fuentes.. my future manugang.." tumawa ng bahagya si Tito Lorenzo habang iminumwestra sa isang lalaking nakatayo na ngayon ang stage. Nag palakpakan ang mga tao.. I didn't.

Napatingin ako sa table kung saan galing iyong lalaki and to my surprise, doon sa table ng pinsan ni Lara iyon! Nakatingin silang lahat ngayon sa papaakyat na si Haze Fuentes.

"This is Haze Fuentes, my daughter's fiance.."

Ipinaglapit ang dalawa sa stage. Haze was all smiles while Lara's a crying mess. Hinawakan pa ni Haze ang baywang ni Lara at inilapit ito sa kaniya.

"Oh, Lara my baby.. I know how happy you are.. stop crying.."

Fuck! She's not crying because she's happy. She's crying because of this fucking arranged marriage! Oh goodness! I can't watch this anymore!

Kumuha ako ng isa pang baso ng champagne at nilagok agad ito. Diretso ang tingin ko sa table nila Haze. Lahat sila ay pumapalakpak maliban sa isa. Maliban sa isa na ngayon ay matamang nakatitig sa akin.

Inirapan ko siya at saka tumayo para mag hanap ng maiinom. I hate seeing Lara cry. Ever since, ako ang umaaway sa mga nagpapaiyak sa kaniya. Inaaway ko at ginaganti ko siya. Sa aming dalawa, ako talaga ang palaban. Mataray siya pero ako? I'm a war freak! You don't mess with me! Pero ngayon? I'm annoyed because I know I can't do anything about it!

"Miss Atasha, tama na po yan." lumapit nanaman ang guard ko sa akin dahil kumuha nanaman ako ng isa pang basong champagne.

Ininom ko agad ito lahat at pinatong sa lamesa ang baso. Inis akong bumaling sa guard ko na ngayon ay nakatayo sa tabi ko.

"Last one and I'll stop, alright? Umalis ka na diyan." iritado ko siyang pinaalis at kumuha muli ng isang baso sa dumaang waiter.

Habang nilalagok ko iyon ay napatingin nanaman ako sa table nila Haze. Nakatingin nanaman sa akin iyong lalaki kanina. Hindi lang nakatingin kundi masama ang tingin! Nag-iigting ang kaniyang panga. Ang maninipis at mapupula niyang labi ay magkadikit. Naka kunot ang kaniyang noo. At matalim ang tingin ng kaniyang malalalim na mga mata sa akin.

"Now what's his problem?" wala sa sarili kong tanong habang nakikipag tagisan ng titigan sa lalaking ito.

He's wearing a black tux na kala mo'y puputok na dahil sa kaniyang biceps na kitang kita kahit na natatakpan ng tux na iyon. Nakabukas ang unang tatlong butones ng kaniyang white polo na kitang kita ang nanginginang na gold necklace na may hindi gaanong kalaking krus na pendant. Naka brush up at undercut ang kaniyang buhok.

"Fuck." nabasa ko ang sinabi niya dahil sa pagkalabuka ng bibig niya. Siya ang unang nag iwas ng tingin.

I smirked. Wala ka pala e! Bumaling na ulit ako sa stage. Wala na si Lara at Haze doon. Nakaupo na rin ang mga magulang niya sa table sa hindi kalayuan.

"Congratulations, hija!" narinig kong sambit ng isang matandang babae sa likod ko.

Narito pala si Lara at si Haze. Mukhang nag iikot ikot sa mga bisita upang mabati sila. Sunod nilang pinuntahan ang table nila Haze. Nakita ko namang sumulyap muna si Lara sa akin bago pumunta roon kaya sinundan ko siya.

"Congratulations, bro and couz!" ani ng pinsan ni Lara sa kaniya. Tipid na ngiti lamang ang naisukli nito.

"Lara.." tawag ko sa aking kaibigan kaya agad naman niya akong nilingon. I know that look!

"Ohhh... Lara, pakilala mo naman kami sa kaibigan mo..." sabi ng lalaking katabi ng pinsan ni Lara.

"Oh, uh.." tumingin sa akin si Lara pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

Mukhang ipapakilala pa yata ako sa mga ito!

"This is Atasha, Tash.. this is Dylan," turo niya sa lalaking nag salita kanina.

"Benson, my cousin.." turo naman niya sa pinsan niya na kaibigan ni kuya.

"Edward," turo nito sa katabing lalaki ni Haze. "And uh.."

Natigil lang siya sa lalaking kanina pa nakatitig sa akin. Hindi niya ba ito kilala?

"Dimitry," ani ng lalaki na tinignan ko lang saka binalik ang tingin kay Lara.

"Oh, Dimitry.. and Haze," turo niya sa kaniyang fiancé.

Tipid akong ngumiti, "Yeah, nice meeting you all.."

Bumaling na akong muli kay Lara at lumapit dito para bumulong. "Let's talk."

Tumango siya at tumingin muna dito sa mga lalaking ipinakilala niya sa akin. Hindi naman na ako tumingin sa kanila at tumalikod na agad.

"Suplada.." may nag salitang isa kaya nilingon ko kung sino ang nag salita.

It's that guy! Iyong nakatitig sa akin kanina! Tinaasan ko lamang siya ng kilay at inirapan bago mag lakad paalis. Kasunod ko naman sa likod ko si Lara. Lumabas kami ng hall na iyon at sa may garden sa labas kami nag usap.

"Tash.." aniya at may bumagsak ng luha sa kaniyang mga mata.

"Say no! Lara! For goodness' sake!"

Hindi ko na maiwasang hindi mag taas ng boses gayong nakikita ko ang kaibigan ko na ganito.

Umiling siya habang humihikbi. Kaya napairap na lang ako dahil alam ko na na hindi niya kayang tumanggi.

"God! Lara! Just say no to Tito Lorenzo! They can't just force you to marry someone! You didn't even know that guy!" singhal ko habang tinuturo ang hall.

Nanatili siyang umiiyak at nakatungo lang. I hate her. I hate myself too. Wala akong magawa! Hindi ako pwedeng pumunta kay Tito Lorenzo para sabihing huwag ituloy ang lintek na arranged marriage na ito! I just can't do that! No matter how much I want to, I just can't!

"Tash.. I so love my dad.. I don't want to hurt him.. I-if this is what he thinks the best for me then it is.. If this will make him happy.. then.."

I can't believe her!

"Lara, do you even hear yourself? Fuck! It's your future we are taking about right now! It's your marriage!"

Hindi ko alam kung paano ko bubuksan ang utak niya para naman pumasok sa kokote niya ang pinupunto ko!

"I don't want you to suffer all your life just because of this stupid arranged fucking marriage! I don't want you to regret this! Lara! Do you get me?"

Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. Umiiling pa rin siya habang umiiyak. Damn it!

"If suffering means I will make dad happy, then I'd rather suffer than see him be mad at me. If it means sacrificing my own happiness? I'll do it just for him.. for them.. I love him, Tash.. I will do anything for him.. for my family.. Tash.. you know his health condition.. I don't want to cause any problem.. I love him dearly that.. that.. I will do anything he wants me to do.."

Tinignan niya ako with so much love and adoration in her eyes. Is that love? I don't know! I just know that love is a fucker! It sucks!

"Love? That's what you call.. love?" mahina ngunit may diin kong tanong sa kaniya.

Dahan dahan siyang tumango at pagod na ngumiti.

"Yes, Tash.. you'll do anything and everything for your loved ones.. for love.."

Umiling ako at ngumisi. Tss.. love? You're a fucker!

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. This is the least I can do. Hindi ko mapipigilan sina Tito Lorenzo at pati na rin si Lara dahil.. aniya.. she's doing this for her family, because she loves them dearly.. ugh!

"Is Haze the guy you're talking about?"

Agad siyang napaangat ng tingin sa akin ng tanungin ko iyon. Tinaasan niya ako ng kilay at kumalas sa pagkakayakap. Tinaasan ko rin siya ng kilay at hunalukipkip sa harap niya.

"It seems so easy for you, e.. tell me? Si Haze ba iyong sinasabi mong kasama ni kuya sa bar?"

Kunot ang noo ni Lara na nakatingin sa akin. Umiling siya at tumawa bigla.

"No! He's not! Haze is.. uhm.. let's say.. a demi God but the other guy is a God! You get me?" aniya at bumalik na sa pagiging masigla ang boses. Basta lalaki eh noh?

"And it's not easy for me! It's hard!" dagdag niya habang umiiling.

"Then who's the guy you're talking about, then?" maarte kong tanong sa kaniya.

Mag sasalita na sana siya ng may mag salitang bigla sa aming likuran.

"Lara.. bumalik na kayo sa hall." malamig na saad ni Haze sa aking likuran.

Agad namang pinalis ni Lara ang mga luhang nasa kaniyang pisngi. Tumango siya habang hindi nililingon si Haze. Ako lang ang lumingon dito at matamang pinag masdan. He's cold. Tss. He better treat my bestfriend right, or else!

"Susunod kami. Give us five minutes." malamig ko ding saad sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at hinila na palayo si Lara.

Dumiretso kami ng banyo para naman makapag retouch itong si Lara dahil sa humulas ang kaniyang make-up mula sa pagkaka iyak. Buti na lamang at hindi masyadong halata na umiyak siya. Nang matapos kami ay agad din kaming bumalik sa hall.

Nagkakasiyahan na hindi tulad kanina na tahimik at puro mga business men at women ang narito. Ngayon kasi ay mga nagpaparty na mga kasing edad namin ang nasa gitna ng hall habang sumasayaw. Madilim na rin ang paligid at tanging makukulay na ilaw na lang ang nagpapaliwanag dito. Ngumisi ako.

"Tss. I know you missed this." ani Lara sa aking tabi nang nagkatinginan kami at nakita niya ang ngisi sa aking mga labi.

"Hell yeah!"

Nag lakad na kami patungo sa gitna. Kumuha muna kami ng isang baso ng champagne mula sa dumaang waiter.

"Where's your bodyguard and driver?" tanong ni Lara but I'm too preoccupied by the music and the lights to even care about where the hell they are.

"I don't know! Don't mind them! Let's party!"

Hinila ko na siya sa gitna ng dance floor at sumayaw kami doon. May mga nakakasalubong kaming mga ka-blockmates niya na kino-congratulate at binabati siya. Habang ako ay sayaw lang ng sayaw. Wala na akong paki kung naka gown ako. Basta magpaparty ako!

"Tash, baka pagalitan ka nanaman ni Tito and ng kuya mo ha?" ani Lara ng makawala siya sa mga blockmates niya at lumapit sa akin habang sumasayaw na rin.

"Nah!" umiling ako at hindi natitinag sa pagsasayaw. "Hayaan mo sila!"

Tumawa ako at sumayaw sa harap niya. Umiling na lamang ang kaibigan ko at sumabay na rin sa pag sasayaw ko.

Ilang saglit ay nawala ulit si Lara sa tabi ko. Mukhang kausap naman ang ibang mga kaibigan. Unlike me, Lara is a social butterfly. She has a lot of friends. Nilibot ko ang mga mata ko habang sumasayaw. And there, I saw their eyes staring at me.. again!

"Tss.."

Nakaupo pa rin sila sa table nila kanina. Sina Dylan, Benson, Edward, Haze at Dimitry. Yeah? I remembered their names. That's an achievement for me!

Mukhang pinag uusapan ako ng mga ito. Halata mo naman sa kanila. At ang hindi ko maatim ay nakatingin din si Haze sa akin habang naka ngisi. Tss. Jerk! Huwag ko lang talaga malalaman na pinaiyak niya si Lara kundi patay siya sa akin. Tinalikuran ko na sila at saka sumayaw na lang ulit.

"Hoo! Party!"

May mga bumabati sa akin pero tipid na ngiti lang ang isinusukli ko. No time for small chitchats. I'm here to party and enjoy myself!

"What the fuck!" sigaw ko nang matapunan ako ng kung ano mang alak ito.

"Oops, sorry!" ani ng lalaki na nakatapon sa akin ng alak.

"You're so clumsy! What the hell!"

Tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko na nakatapon ng alak sa dibdib ko at sa gown ko. Now what?

"I'm sorry!" aniya at ngumisi.

Dimitry.. damn you! Anong ginagawa nito sa harap ko? Kanina lang nasa table pa nila ito ah? Inirapan ko siya at tinignan ang dibdin at gown kong may spill ng alak. Ugh!

"What are you fucking doing!"

Agad kong tinanggal ang kamay niyang may tissue na pinupunasan ang dibdib ko.

"Cleaning it?" sagot niya sabay taas ng kilay.

The nerve!

"Oh really? Ang sabihin mo gusto mo lang akong manyakin!"

Ngumisi siya at tinaasan muli ako ng kilay.

"Ikaw na nga ang gustong tumulung ikaw pa itong nahusgahan. Are you really like that, huh?" aniya at humakbang ng dalawang beses para makalapit sa akin.

He's now towering over me. Ang tangkad niya kaya kahit naka heels ako ay nakatingala ako sa kaniya. I guess, he's a six footer or something. Tss. Anong paki ko?

"Really? You call that helping?" sarkastiko kong tanong habang nakahalukipkip sa kaniyang harapan.

Akala mo matitinag ako dahil sobrang lapit natin? Oh, no. Never.

"If you just wore something decent and not too daring and revealing—.."

I cut him off.

"So now you're blaming my gown? So are you saying that it's our fault because we wear too daring and revealing clothes? I can't believe you!"

I can wear whatever I want, whatever I like! Hindi dahil sa suot ng babae kaya sila nababastos! Hindi dahil maiksi ang shorts, kita ang cleavage, ay ang sisi ay nasa babae na kapag nabastos ito!

"That wasn't my point!" kitang kita ko ang iritasyon sa kaniyang mukha. Napasapo na lamang siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay tinignan ako.

"You pervert!" singhal ko at sinampal siya.

Hindi agad siya nakabawi sa biglaang pag sampal ko sa kaniya. Pero nang makabawi ay masama niya akong tinignan.

"Why would you do that?" matigas at may diin niyang tanong sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Akala mo naman matitinag ako ng mga masasama niyang tingin at galit na tono. Na-uh!

"That's what you get, pervert!" sigaw ko at umalis sa harapan niya.

Wala namang nakapansin sa amin. Siguro may iilan pero iyong iba ay wala talagang pakialam. Bukod sa busy ang lahat sa pagsasayaw ay masyadong malakas ang music. Nang nadaanan ko si Lara ay napansin niya ang basa kong gown at ang lukot lukot kong mukha.

"Hey, Tash! What.. happened?" turo niya sa aking gown.

Damn that pervert!

"Someone spilled his drink on me! Ugh!"

Tuloy tuloy ang labas ko ng hall. Nakita ko na agad ang bodyguard ko at si Mang Rene na mukhang aligaga sa paghahanap sa akin. Agad silang lumapit sa akin ng makita ako at tila nakahinga ng maluwag.

"Are you going home na?" tanong niya habang naka sunod pa rin sa akin.

"Yes, Lara. Wala akong pamalit and besides.. wala na ako sa mood! Sorry, I'll message you. Happy birthday!"

Tumango siya at inihatid na ako sa sasakyan naming nag aabang na sa akin sa labas. "I understand, Tash. Sorry! Thank you!"

I waved at her bago ay isinara na ng bodyguard ko ang pintuan ng backseat. Nakasimangot lang ako sa buong byahe. Nang makarating ako sa bahay ay naroon na si kuya at nakapameywang na nag aabang sa tapat ng aming bukas na bukas na double doors.

"Atasha!"

Pababa pa lang ako ay iyan na ang bungad ni kuya sa akin. Oh no, not now!

"What the? Bakit basang basa ka? What happened.. to you?" pinasadahan niya ng tingin ang gown kong basa at bumalik ang tingin sa mukha kong naka simangot.

"Did you drink again?" pagalit na tanong niya habang sinusundan ako.

"I'm not in the mood, kuya! Don't talk to me!"

Dali dali akong pumasok sa aming bahay at tumaas sa aking kwarto. Agad kong hinubad ang gown at naligo dahil lagkit na lagkit na ako kanina pa.

Damn that pervert! He ruined my night! I was supposed to enjoy that party but he ruined it! Ugh! Annoying jerk!

Next chapter