3 2020 Part 1

"You guys need to pass that to me immediately," maawtoridad kong sabi sa kausap ko sa telepono.

"Yes, yes I know. Lahat naman busy, lahat naman ngarag na all I'm asking is pass it to me NOW tapos ako nang bahala sa lahat!" pagpapaliwanag ko.

Naglakad na ako papunta sa pinto ng convenience store na kanina ko pa tinitingnan, God nagugutom ako sa inis dito sa kausap ko, ang kulit naman kasi eh ang dami-daming dahilan eh ang dali-dali lang naman ng ipinagagawa ko sa kanila.

Mas nag-init pa ang ulo ko nang hilahin ko ang pinto na may nakasulat na "push" bwisit! pati ako nabobobo na na maski "push" eh hindi ko na maintindihan fuck deadlines! This deadlines and stupid groupmates is consuming the best of me!

"You know what Ciara if you have so much to do at hindi mo maipasa sa'kin 'yung hinihingi ko bakit hindi tayo magpalit ng posisyon?" masaya kong wika,

"I'll be a group member and you'll be the leader instead, tapos magdadahilan din ako sa'yo ng stupid shits," pangpaprangka ko sa kanya.

Nanggigigil na lumapit ako sa isa sa mga shelf na nakita kong may criss cross chips, pagkakuha ko ay pumunta na rin ako sa beverages corner,

"What? Hindi kita niloloko, at wow! Ako? Mayabang? Ay iba, hindi ba kayo ang nag-insist na magbabarkada na sasama kayo sa'kin at ako ang maglileader?"

"Ahhhhh I get it now, akala n'yo I'm a typical genius student na gagawa ng lahat right? Alam mo akala ko chismis lang na shits kayo now I know totoo pala 'yon," tuluyan ko nang pinatay ang call at padabog na ibinaba sa counter ang mga pinamili ko.

Narinig ko ang pagpunch ng cashier sa mga pinamili ko, 

"150 po ma'am," iniabot ko ang bayad ko sa cashier nang mapansin ko ang pamilyar na pares ng kamay na umabot ng pera ko, natigilan ako at unti-unting nawala ang kunot sa noo ko.

Tama ba itong hinala ko? 

Dumako ang tingin ko sa name plate ng lalaking nasa harap ko, Mon.

Kumabog ang dibdib ko sa isiping tama nga ang tumatakbo sa isip ko, 

unti-unti kong iniangat ang tingin ko para makita ang mukha ng lalaking nasa cashier at natulala ako nang makumpirma ang nasa isip ko, 

Momon. Ikaw nga.

Ngumiti naman siya sa akin, iyong ngiti na apat na taon ko nang hindi nakikita, at ang malakapreng lalaking matagal ko na ring hindi tinitingala, teka parang nangangawit na agad ang leeg ko.

Natauhan lang ako nang tumikhim ang taong nasa likod ko, oo nga nakaharang na pala ako rito. Inabot ko na ang plastic ng pinamili ko at wala sa sariling naglakad paalis sa cashier, 

Unti-unti kong binagtas ang daan patungo sa pinto palabas sa lugar na ito, nanghihina kong hinila ko ang pinto at kumakabog na ang dibdib na lumabas ako ng convenience store. Shit.

Napahinto ako sa gilid ng pinto dahil hindi ko na halos marinig ang paligid sa lakas ng kabog ng dibdib ko parang hindi ako makahinga nang maayos. Parang hihimatayin ako sa pagkabigla, naalala ko kasi ang huli naming pagkikita, iyong iniwan ko siyang luhaan sa gitna ng manggahan, naalala ko 'yung mga alitaptap, mga kadena de amor, 'yung pag-iyak ko at ang pagsisisi ko gabi-gabi kung bakit iniwan ko siya ng gabing iyon na luhaan sa manggahan.

Nasa gano'n akong lagay nang may tumawag sa pangalan ko,

"Kaye,ayos ka lang ba?" nilingon ko ito at napagtantong si Momon pala iyon,

gaya dati tinatanong na naman niya kung ayos lang ba ako, ikaw ba Momon ayos ka lang ba? Ayos ka na ba? Ako kasi hindi pa.

Tiningnan ko siya at bahagyang nginitian, inalalayan naman niya ko at inakay papunta sa isa sa mga upuang nasa harap ng store na pinapasukan niya.

Binuksan niya ang binili kong bottled water at ang criss cross chips at ibinigay sa akin,

"Kumain ka muna, okay ka lang ba? Bakit parang namumutla ka? May sakit ka ba?" sunud-sunod na tanong niya.

"Sabagay mainit kasi ang panahon ngayon tapos ang init pa ng ulo mo kanina doon sa kausap mo," nakangiting sambit niya.

Natawa na lang ako, narinig pala niya 'yon.

"Hanggang ngayon Kaye, ang init pa rin ng ulo mo noh? Hahahaha naalala ko nung mga bata pa tayo tumitiklop mga kaklase nating gago kapag tinitingnan mo sa mata, wala ka pang sinasabi natatahimik na sila," hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi niya. 

Bakit siya ganito? Sa tindi ng ginawa ko sa kanya noong nakalipas na apat na taon hanggang ngayon ganito pa rin niya kong ngitian parang walang pinagbago.

"Kaye, okay ka lang ba talaga bakit hindi ka nagsasalita?"

"Oo naman. Ano ganito talaga ako minsan kapag nasosobrahan sa init ng ulo sinasaman ng katawan," pagsisinungaling ko sa kanya, pinilit kong ngumiti sa kanya para naman hindi niya isiping may mali at hindi ako okay.

Napatangu-tangu naman siya nang hindi pa rin mapalis ang ngiti sa kanyang mga labi, bakit ganito 'tong lalaking 'to panay ngiti.

Umalis din agad ako sa lugar na iyon at hinarap ang mga toxic kong kagrupo. Sa buong gabi ay hindi ko makalimutan ang nangyari sa convenience store na iyon. Siguro hindi na ulit ako babalik sa lugar na 'yon para hindi na kami ulit magkita.

Isang linggo rin ang lumipas mula ng araw na iyon at halos nakalimutan ko na rin ang lahat ng nangyari nang magpadeliver ang isang kasamahan ko sa apartment ng pagkain, 

Mainit ng hapong iyon, busyng-busy ako na tinitipa ang aking laptop para sa ipapasa kong awtput kinabukasan nang may tumawag sa gate na isinisigaw ang Food delivery po.

Naliligo naman ang kasamahan ko at ang isang kasamahan namin ay busy sa kakahilik dahil nagpuyat ito kagagawa ng report niya kagabi. Kaya no choice ako kundi harapin ang delivery man na iyon.

"Kuya magkano 'yan," nagmamadali kong silip sa pinto

sumigaw naman itong 400 daw, letse ang mahal naman ng pagkaing 'yan ano ba 'yan ginto. Kumuha ako ng pambayad sa wallet ko at sisingilin ko na lang mamaya ang bwisit.

Paglabas ko ay bumungad agad sa akin si Momon, siya pala ang delivery man. Nilapitan ko naman siya at inabot ang pambayad at kinuha ang pagkain.

"Kaye, ikaw pala 'yan," ngiting-ngiting sabi niya,

"Dito ka pala tumutuloy,"

"Oo, kaapartment ko 'yung nagpadeliver," simple kong tugon.

Napatangu-tango siya at saka umalis nang nakangiti sa akin, nagpasalamat pa nga siya at nagpasalamat rin ako, Diyos ko bakit naman si Momon pa?!

Nang sumunod na araw ay nagulat na lang ako na nasa labas si Momon ng gate namin habang may hawak na isang bungkos ng gumamela habang nakangiti sa akin, masaya niya itong iniabot sa'kin at saka umalis rin agad. 

Araw- araw ay gano'n siya kagaya noong mga bata kami, gumamela na minsan ay sinasalitan niya ng santan, iyon lang naman ang ginagawa niya pagkatapos ay aalis nang nakangiti sa akin, nung tumagal nga ay niyayaya na siyang pumasok nina Shen at Ren na mga kasamahan ko sa apartment pero hindi niya tinatanggap at sasabihing may pasok pa siya sa trabaho.

Isang umaga, sabado no'n wala akong pasok pero para akong tangang nangmadaling lumabas ng gate nang magising ako, idinahilan ko sa sarili kong bibili akong kape gaya nang mga dahilan ko sa sarili ko nung mga nakaraan pang sabado, pero ang totoo gusto ko lang naman talagang lumabas dahil alam kong hinihintay ako ni Momon na may dalang gumamela o 'di kaya ay santan.

Pero noong umagang 'yon wala akong nadatnan na Momon, nakapagtataka dahil 7am lang naman imposibleng nainip siya at umalis dahil noon nga ay alas-otso na pero nando'n pa rin siya kaya naman naisip kong naaga lang ako.

Sa araw na iyon ay ilang ulit akong naglabas masok sa gate namin pero wala talaga siya, natambakan na nga ako ng kape at tinapay pero wala talagang dumating na Momon, hindi kaya nagsawa na siya? o 'di kaya'y may nangyaring masama sa kanya? 

Alas-siyete na ng gabi ng Sabadong iyon ang may tumawag sa labas ng gate namin, nang silipin ko ito ay si Momon 'yon may dalang gumamela, nakasuot ng uniporme ng isa sa mga trabaho niya at may sukbit na bag sa kanyang likod habang nakangiti sa akin,

Nilapitan ko siya at pinagbuksan ng gate, at pinagmasdan nang maigi, pawis na pawis at halatang pagod.

"Pwede ba kong pumasok Kaye?" nakangiti niyang tanong sakin, ngiti lang ang isinagot ko sa kanya at iginaya ko na siya papasok sa apartment namin,

pagpasok ay ibinigay niya sa'kin ang dala niyang gumamela, tinanong ko naman siya kung kumain na ba siya at nang sabihin niyang hindi pa ay ipinagbukas ko siya ng de-lata at ipinagsandok ng kanin.

Pinagmasdan ko siyang kumain ng ilang minuto nang magsalita siya,

"Kaye pasensya ka na ha. Gutom na gutom na talaga ko eh kaya hindi na ko tumaggi," nahihiya siyang ngumiti sa akin.

"Okay lang kumain ka d'yan ano ka ba para namang first time mong makikain sa bahay ko eh noon nga nakikikape ka pa," pagbibiro ko.

"Oo nga, masarap 'to sa kape Kaye," natatawang biro niya sa akin. ipinagtimpla ko naman siya ng kape dahil masarap nga raw 'ito' sa kape.

Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan kami sandali, nalaman kong maaga pala siyang pinapasok kaninang umaga sa trabaho at pinag-overtime pa kaya ginabi raw siya ng dala ng gumamela. Napakarami niyang kwento, kadalasan tungkol sa trabaho niya at kung minsan ay tungkol sa buhay niya, nalaman kong two-year course pala ang kinuha niya ngayong college at malapit na siyang gumraduate kaya naman doble kayod pa ang ginagawa niya para sa pag-aaral niya at para may panggamot rin ang mama niya na nagkasakit ng diabetes.

Nang gabi na 'yon ay parang napawi ang apat na taon naming hindi pagkikita, parang hindi man lang dumaan ang apat na taon, parang sa isang gabi napagtanto ko na siya ang hinahanap ko, siya ang kulang sa buhay ko, 

siya pa rin pala ang gusto kong makasama,

at ayon sa nakikita kong ekspresyon sa mukha niya, tila napatawad na niya ako sa kasalanang nagawa ko sa kanya apat na taon na ang nakalilipas, iyong kasalanang magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko, 

Momon,

 Mahal pa rin kita,

Mula noon hanggang ngayon,

Kahit kailan.

avataravatar
Next chapter