1 Chapter 1

Kapag nahihirapan ka na, kaya mo pa bang ipaglaban ang mga bagay sa paligid mo? Kung hindi ka na masaya sa inyong pagsasama, kakapit ka pa ba? Kung sakaling nahihirapan ka na sa mga sitwasyon, sino ang iyong masasandalan? At kung sakit lang ang magiging dulot nito, ipagpapatuloy mo pa ba o handa kang kumapit para sa mahal mo.

Minsan kahit gaano niyo pa kasaya sa relasyon niyo ngayon, darating ang puntong magiging wal-wal ka. Ang mga matamis niyong suyuan ay mapapalitan ng pait, ang pait na magdudulot ng sakit at madadala mo kailanman, paulit-ulit na ipapaalala sayo kahit ilang dekada na ang lumipas.

Minsan ang mga masamang ala-ala ay magiging inspirasyon mo para bumangon at muling lumaban pero kadalasan nagiging sanhi ito para talikuran ang tunay na kahulugan ng buhay. Umiiwas na sa katutuhanan para takpan ang ala-ala ng nakaraan at pilit na binabago ang buhay na naging taliwas sa kaligayahang inaasam-asam at kasiyahang palaging hinahangad.

Pagod ng lumaban, pagod ng makipaglukuhan at sawa na sa buhay na ibinigay na kailanman hindi naging pantay. Papaano kung mahina na ang mga puso at magiging dahilan para mawalan na ng ganang tumibok para sa isa't isa, pipilitin mo pa bang maging matatag? Kaya mo pa bang balikan at ulitin ang kahapon na naranasan mo na sa taong minahal mo kahit minsan ka ng sinaktan at pinaluha?

Minsan ang buhay ay parang nakatadhana na, dahil kahit anong gawin mo para umiwas, may nagdidikta parin kahit pilit mo ng nilayuan.

Kaya dapat, ang bawat pitik ng segundo ng buhay ng tao ay makabuluhan at makahulugan. Ngunit may tanong na naman.

Kadalasan kasi sa mga tao mas nabubuhayan tayo kung tayo'y magtatanong.

***

***

"Paano ba ang magmahal ng tunay?"

***

***

#ADaysToRemember

Louijie: Alam mo love, hindi talaga ako napapagod na mahalin ka.

Jessa: Talagang hinding-hindi ka mapapagod na mahalin ako love, lalong- lalo na ngayon na magkaka-baby na tayo kahit hindi pa tayo kasal.

Louijie: Sana love tuloy-tuloy na ang pagiging masaya natin kahit may mga problema mang darating at sana walang bibigay at walang bibitaw.

Jessa: Ayan ka na naman love, ang negatibo mo talaga, lumalabas na naman yang pagiging advance mo.

Louijie: Hindi naman sa advance akong mag-isip love, may mga bagay lang talaga na dapat pinaghandaan, dahil hindi natin alam ang takbo ng oras, sa bawat segundo ay maraming pwede magbago. At sa pagdating ng oras na iyon handa na tayo para sa laban.

Jessa: Mabuti pa love, h'wag mo munang isipin yan, kumain nalang tayo para maka-duty kana. Baka ma-late kapa.

Nang makaalis si Louijie ay sumagi sa isip ni Jessa ang nasambit ng fiancee. Habang naghuhugas ng pinagkainan ay hindi rin niya mapigilan ang sarili na isipin ang mga bagay-bagay na hindi naman dapat.

Paano kaya kung darating ang puntong tinutukoy ni Louijie? (Tanong niya sa kanyang sarili) Kakayanin ko kaya? May magagawa kaya ako para ipaglaban siya at ang pag-ibig namin?

Hindi mapigilan ni Jessa na mapaluha dala ng emosyong bumabalot sa kanya. Habang ipinapapatuloy ang paghuhugas ay biglang sumakit ang kanyang tiyan kaya itinigil muna niya ito. Nagpahinga nalang si Jessa at baka ano pa ang mangyari sa kanya at sa kanilang magiging baby, kabibilin-bilinan pa naman ng fiancee niya na huwag masyadong magpapagod.

Hindi na muna ipinagpatuloy ni Jessa ang mga gawaing bahay bagkus ay pumunta nalang sa clinic ng barangay nila at nagpa-check up sa kaibigan niyang doctor.

Doc. Aime: Oh! mars ba't ka napasugod?

Jessa: Magpapa-check up sana ako mars, bigla kasing sumakit ang tiyan ko kanina at nahihilo rin ako.

Doc. Aimee: Bakit? Ano ba'ng ginagawa mo kanina?

Jessa: Naghuhugas lang ako ng mga pinagkainan tapos, iyon na nga ang nangyari.

Doc. Aimee: Wag ka munang magpapagod ng masyado mars baka ikakasira ito ng pagbubuntis mo, malapit ka pa namang manganak.

Jessa: Maraming salamat mars. Sige mauuna na ako mars para makapagpahinga na ako.

Habang palabas si Jessa sa clinic, bigla siyang kinabahan ng malakas, napahinto siya at naalala niya si Louijie. Nagmamadaling naglakad si Jessa, dahilan ng kaba at pag-aalala hindi niya napansin ang motorsiklo at na bundol siya nito.

Nawalan ng malay si Jessa at dinala ito sa pinakamalapit na hospital dahil hindi ito pwede dalhin sa clinic dahil malubha ang kanyang sitwasyon.

Maaliwalas ang sinag ng ilaw nang pagising ni Jessa, at sa sulok ay nakita niya si Louijie at eksakto rin ang pagmulat nito sa pansamantalang pag-idlip.

Napatingin siya sa bawat sulok ng silid na kanyang pinaruruunan.

Jessa: Love? Nasaan tayo love?

Loiijie: Hindi mo alam? Wag mong sabihing hindi mo rin alam ang mga nangyari?

Biglang nagulat si Jessa sa biglang pagtaas ng boses ni Louijie. Ngayon lang niya na narinig ang fiancee na nagalit. Matagal na silang nagsasama ngunit ngayon lang ito sumama ang loob.

Jessa: Love, ano ba ang nangyayari? Hindi ka naman ganyan dati diba?

Louijie: Hindi ko alam Jessa kung anong klasing ina ka? May utak ka ba o hindi ka lang talaga nag-iisip?

Jessa: Ipaliwanag mo naman sa akin kung ano ang nangyayari love.

Louijie: Wala na ang anak ko! Siguro naman ay naliliwanagan ka na kung bakit?

Hindi mapigilang maluha ni Jessa sa balita ng fiancee. Walang ibang naging reaksyon si Jessa sa pangyayari kundi ang umiyak dala ng takot sa mga reaksyon ng fiancee.

Jessa: Love, hindi ko naman sinasadya nangyari diba?

Louijie: Maaari ngang hindi mo sinasadya ngunit pinabayaan mong mangyari ang bagay na alam mong ikakasira ng relasyom natin.

Hindi na umimik si Jessa dahilan ng mga reaksyon ni Louijie. Hindi naman niya masisisi ang fiancee kung siya ang mapagbuntungan nito ng galit, palagi kasing pressure sa trabaho si Louijie baka dala narin iyon ng kanyang pagod.

Ilang araw lang nag-stay si Jessa sa hospital at na discharge na siya dahil okay na lagay niya. Pagkarating nila sa bahay nila kasama ang fiancee ay di man lang ito kumibo at wala man lang tunog na inilabas sa bibig. Dahil kinailangang magpahinga ni Jessa, agad na siyang pumasok sa silid niya para magpahinga.

Hindi nakapaghapunan si Jessa dahil sa sobrang tulog nito at ni hindi man lang ginising ng fiancee para kumain.

Dahilan ng sobrang pagka-idlip ay hating gabi na nagising si Jessa dahil ginising siya ng gutom niyang sikmura. Ngunit pagka-gising niya'y wala ang fiancee niya sa kanyang tabi. Hinanap niya ito ngunit wala naman ito sa sofa. Sa sofa kasi minsan nakakatulog si Louijie habang nanonood ng paborito niyang movies. Nagtaka si Jessa sa mga oras na iyon dahil wala doon ang fiancee. Kahit hating gabi na at pagod pa si Jessa pinilit niya ang kanyang sarili, nilibot ang buong bahay. Wala siyang nakita sa kusina at pati na rin sa labas. Isang bahagi nalang ng bahay na pwedeng tutulugan ni Louijie ang hindi niya nasilip. Napaluha na si Jessa, hindi sa takot kundi sa pag-aalala na baka may masamang nangyari na sa kangyang fiancee.

Sinilip ni Jessa ang silid na kung saan magiging silid sana sa kanilang mumunting anghel, hindi nga siya nagkamali, nandoon si Louijie at natutulog katabi ang alak. Nilapitan ito ni Jessa at nakita niya ang bakas ng mga luha sa mukha ng fiancee, gigisingin sana niya ngunit hindi niya tinuloy bagkus nilagyan nalang niya ito ng kumot at unan. At habang nilalagyan niya ng kumot ang fiancee, dumaloy na naman ang luha ng pagsisisi mula sa mata ni Jessa. Bumalik siya sa kanyang silid na may pagsisising dala-dala.

Kahit nakita na niya ang fiancee ay hindi parin siya comportable sa sitwasyong nangyayari sa buhay nila ngayon. Buong gabing nagdamdam si Jessa at buong gabi rin siyang nag-isip sa kalunos-lunos na pangyayari sa buhay nila ngayon na naging dahilan na hindi na siya muling naka-idlip.

Habang nakipag-agawan ang bukang liwayway sa mapanlinlang na dilim ay saka pa dinalaw ng antok si Jessa.

Kinaumagahan, kasabay ng pagsikat ng bagong liwanag ay ang pag-usbong rin ng panibagong yugto ng nataliwas na buhay ng dalawang tao na noon ay labis ang pagmamahalan at noon ay magkasabay pang nangarap pero binago ng tadhana na minsan narin nilang inasahan.

Naunang nagising si Louijie sa umagang puno ng hapdi, bakas parin sa mukha ni Louijie na hindi parin niya matanggap ang mapait na dinanas ng kanyang mumunting anghel. Buhay na buhay pa sa alaala ni Louijie ang pangyayari at hindi pa niya tanggap kahit ilang araw na ang lumipas. Noong araw ng pagkawala ng anak nila ay parang nawala narin ang lahat kay Louijie. Mula noon ay hindi na siya masyadong kumikibo sa fiancee niya, gabi-gabi na siyang naglalasing at wala narin siyang paki-alam sa paligid niya. Napabayaan na ni Louijie ang kanyang trabaho, paminsan-minsan nalang siya pumupunta, lasing na kung umuwi at nandadabug pa kahit walang dahilan.

Jessa: Love, bakit ka ba nagkakaganyan?

Louijie: Ano bang pakialam mo Jessa? Eh wala ka ngang pakialam sa kung anong nararamdaman ko diba?

Jessa: Siguro hindi mo lang naiintindihan ang mga pangyayari love, kaya hindi ka maka-get over.

Louijie: Alam mo bang ang unfair mo, ni hindi ka man lang nagdaramdam sa pangyayari.

Jessa: At ako pa ang unfair ngayon Louijie, Oo sige tatanggapin ko'ng unfair ako sa nararamdaman mo ngayon pero I was not unfair sa bawat oras na minahal kita.

Louijie: Kung hindi ka unfair, bakit pinabayaan mong mawala ang anak natin?

Jessa: Sa tingin mo Louijie ginusto ko yon? Sa tingin mo hindi ako nasasaktan? Tinanggap ko lang kung ano ang nangyari Louijie dahil iyon ang tama at iyon ang makakabuti.

Louijie: Alam mo Jessa tumahimik kana, pagod ako.

Jessa: Kung pagod ka, edi magpahinga ka. Hindi yong gagawa ka ng bagay na alam nating pareho na pagsisisihan mo habambuhay.

Ang mga gabing malamig kasabay ng ihip ng mapang-akit na hangin ay biglang may malaking puwang. Ang gabing mapayapa ay napuno ng galit na para bang bagyong galit sa mga tao sa mundo. Ang matiwasay na buhay ay naging isang magulong mundo. Pero hanggang kailan ba lalaban ang mga pusong napaglaruan ng mapagbirong tadhana. Hanggang kailan ba mananatiling matatag ang mga pusong minsan ng sinubukan ng tadhana at minsan ng nanghina.

avataravatar
Next chapter