webnovel

Prologo

Halos dalawang oras nang nahihintay si Isa sa kanyang kaibigan. Matagal tagal na ding silang hindi nag kikita at madami silang pagkwekwentuhan. Napagkasunduan nilang magkikita sila sa isang coffee shop na nagngangalang 1983. Isang coffee shop sa main part ng city. medyo may kalayuan ito sa bahay ni Isa pero ok lang sa kanya dahil kikitain nya naman ang matalik nyang kaibigan.

Ang 1983 ay may makalumang disenyo. Siguro ay hinambing ito sa taong nakasaad na pangalan nito. Gawa sa kahoy ang flooring at ang dingding. Kahit ang binatana nito ay gawa sa kahoy. Ang natatanging modernong bagay dito ay ang kanilang espresso machine, ang computer nila sa kaha at ang mga aircons. Nagtaka lang si isa kung bakit parang bagay na bagay ang set up na ito. Ang kanilang mga binibenta ay ang mga karaniwang mga espresso based na beverage, meron din silang mga cakes at ibang mga pastries at ang nakakatuwa pa dito ay may inooffer din silang milk tea. Isang tea person si Isa kaya't nag oolong tea nalang sya. Ang gawaan nila ng mga drinks ay nasa isang 'sunken' na platform. Sa isang kwadradong lugar ay kasya ang kanilang espresso mchine at computer at production area kaya't kitang kita ng mga customers nila kung paano sila gumawa ng drinks. May mga upuan din na nakapwesto sa shelf ng kwadradong production area nila para diretso nang iabot ng mga barista ang mga drinks ng customer nila. May mga table din na nakapaligid dito para sa mga customers na maramihan. May 2nd floor din sila na may parang mini balcony style at mga couches. Puro mga estudyante ang nakatambay sa taas.

Ang usapan nila Rie ay mag kikita sila mga katanghalian pero mag aalas dos na at wala pa din sya. Naiinip na si Isa at nararamdaman nyang masama na ang tingin sa kanya ng staff dahil bukod sa wala na syang iniinom at halos dalawang oras na syang tambay ay nakaupo pa sya sa pang apatang tao na table. Wala syang ibang ginawa kanina kundi may YouTube at manuod lang ng mga kung ano anong bagay. Mga Americas Funniest Videos at mga Fast Workers ang hilg nyang panuorin.

Binuksan nya ang kanyang messenger at tinext si Rie. "Rhia Florentina! Nasaan ka na ba? Ang usapan natin tanghali. Hapon na!" Kaagad namang nagreply si Rie. Sa lahat ng kaibigan ni Ria si Isa lang ang tumatawag sa kanya ng Rie.

"Maria Isabel Espreranza! Akala mo ikaw lang may karapatang mag full name drop. Haha. Sorry na. May dinaanan lang ako sa office namin. Tsaka sinama ko na din si Raw. Bored daw sya sa buhay nya kaya't sinama ko nalang." Paulit ulit nyang binasa ang text ni Rie.

'May isasama si Rie? Bakit? Alam nya naman ayokong may iba kaming kasama. Umalis nalang kaya ako? Ano kaya ang balak ni Rie? Naku naman. Ayoko ng ganito.'

Ito ang mga salitang tumakbo sa utak ni Isa.

"Kung bored na sya sa buhay nya pumunta sya sa amusement park. Huwag mo syang isama Rie. Alam mo naman na ayokong makipagkilala sa ibang tao."

"Sya nga pala si Araw Mont Loren, since tinanong mo naman kung sino sya. Masyado ka naman negative dyan. Kailangan mo nang lakihan ang circle mo. Social circle to be precise.You have to meet new people na din, Isa. Tsaka isa pa, si Raw ay ang ka budy ko sa work ko ngayon. tag team kami dito sa office at may pag-uusapan kami after about wok kaya't isasama ko nalang sya para after natin mag-usap eh diretso na kaming usap sa work. On the way na kami. siguro mga 15 minutes nalang nandyan na kami."

'I have to meet new people?' isip ni Isa. Meeting new people ay hindi strong suit ni Isa. Nagkaroon sya ng problema dati sa mga tao kaya't ngayon ay may trust issues na sya sa mga tao na kikilalanin nya. Napabuntog hininga nalang si Isa. Wala syang ibang magawa kundi hintayin si Rie at itong si Raw. Gustong gusto nya na kasing makitan muli si Rie at mailabas ang lahat ng hinanaing nya sa buhay.

'Ang hassle naman nito.' Isip ni Isa. Para kay Isa, isang malaking aksaya lang ng oras ang pakikipagkilala sa isang tao. Para ka kasing makakakita ng isang blankong canvas pero habang kinikilala mo ito ay hindi mo na ito pwedeng pinturahan ng panibagong kulay pa. Isang blangkong canvas na may kulay na.

Huminga ulit ng malalim si Isa. Tumayo sya pero iniwan nya ang bag nya na senyales na hindi pa sya aalis. Kaagad syang pumunta sa may cash register at bumili ng isang blueberry cheesecake, club house at isang large na americano na hot. Nginitian sya ng barista ng kanina pa sya minamatahan at nginitian naman sya ni Isa.

'Isang pekeng ngiti para sa isang pekeng ngiti.' Isip ni Isa.

Kaagad nyang naubos ang pagkain na inorder nya at kumuha sya tubig para inumin muna. Masyado pang mainit ang americano nya. Napahinga ulit sya ng malalim dahil naalala nya nanaman na may bago syang makikilalang tao ngayon.

20 minuto na ang lumampas pero wala pa din sila Rie.

"Rie, baka naman gusto mong magpakita? Naiinis na ako." Text nya habang humigop ng americano nya.

"Malapit na Isa. Sorry na talaga." Hindi na nireplyan ni Isa si Rie sa inis nya. Pinanuod nalang ni Isa ang barista mag gawa ng mga drinks. Nahalata nya kung paano gawin ng barista ang mga orders ng customer nya. Bukod sa sanay ang barista sa pag gawa ng drink ay seryoso sya. Sya din ang umiirap kay Isa kanina pa pero alam ni Ia na gusto nya ang ginagawa nya.

Precise and refined na movement. Walang naaksayang galaw at ang expression nya. Seryoso pero masaya. Nakangiti sya. Naisip ni Isa ang panahong ganoon sya. Times passed.

Tumayo ang balahibo nya ng marinig nya ang isang malambing at pamilyar na boses. "Isaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaabeeeeeeeeeeeelllllll..."

Lahat ng inis nya ay nawala ng makita nya ang matalik nyang kaibigan. Si Ria Florentina, 24 ang edad pero mas bata ang itsura nya. Youthful at masayahin. May mahabang buhok na umabot sa bewang nya. Mas matangkad sya kay Isa ng kaunti. Ang pinakarefining feature nya ay ang kanyang mga matang maamo.

"Rie!" Agad na tumayo si Isa at niyakap ang kanyang kaibigan.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------Sa likod ni Rie ay nakatayo ang isang lalaki, si Raw. Tinignan nya ang babaeng niyayakap ng kabuddy nya sa work.

Maputi at medyo payatin. Singkit at may mapulang labi at isang perpektong ngipin.

'Isang tsinita... na may katarayan.' Isip ni Raw.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Oo nga pala." Sabi ni Rie kay Isa at tinuro si Raw. "Ang ka buddy ko sa work. Si Araw Mont Loren." Tinignan ni Isa si Raw. May katamtamang tangkad, mawavy na buhok na kulay itim. Kayumangi ang kulay ng kanyang balat at may walang facial hair. Napansin ni Isa na halos pareho sila ni Rie ng mata. Taglay nya din ang maamong mata ni Rie.

Sinubukang makipag kamay ni Raw kay Isa pero pinigilan nya ito. "Please," sabi ni Isa. "No skin touching. Hindi kita kilala at hindi tayo close." Mataray at naging masungit ang expression ni Isa. Kaagad nawala ang nakangiti nyang expression kanina nung niyakap nya si Rie.

"Hoy!" malambing na tapik ni Rie kay Isa. "Meet some new people." Sumenyas si Rie kay Raw.

Huminga ulit ng malalim si Isa. "Sorry. I have issues when meeting new people. Nice to meet you, Raw." Napatawa si Raw sa pagpronounce ni Isa ng pangalan nya. Ngumiti si Raw na pagkalaki laking ngiti at halos mawala ang mata nya sa pisngi nya.

Kumunot ang noo ni Isa. "Isa," sabi ni Rei. "Hindi Raw na raw food kundi Raw na Araw. Tagalog na Raw."

'Oh what fresh hell is this!' Isip ni Isa.

Hi! How are you?

I usually only read novels about suspense and thriller at a little romance on the side.

Trying to write something good and wants to maybe publish a book someday.

A dreamer with a certain passion.

Filipino, Male, 26

theafternoonofcreators' thoughts