1 A Chance Given To Her Ex

Maaga palang, busy na si Grace sa pagpapaganda sa sarili. Excited na kasi siyang bisitahin ang isa sa mga kaibigan niya, si Shiela Bartolome. Kapapanganak lang niya kahapon at hindi na makapaghintay si Grace na makamusta ito. Kahit ikalawang anak na ito ni Shiela, hindi maiwasan ni Grace na matuwa para sa kaibigan niya. Alam kasi nitong gusto ni Shiela ng malaking pamilya. Buti nga at parehong may trabaho si Shiela at kanyang asawa kaya kahit limang anak pa ang gusto nila, kakayanin nila lahat ng supportang kakailangan ng mga nito.

"Buti pa sila, may mga asawang nandyan palagi para sa kanila."

Napabuntong hininga nalang si Grace habang sinusuklay niya ang buhok niya nang maalala niya yung nakaraan niya. Hindi niya mapigilang ikompara ang kanyang pamilya sa mga kaibigan nito.

Para sa kanya, para kasi siyang tinutukso ng kapalaran. Dagdagan pa ng malas niyang ex.

"Please Lord, sana wala siya doon." Hiling ni Grace sa Panginoon bago siya tuluyang lumabas sa bahay niya, suot ang isang simpleng skirt na may bulaklak na pattern tsaka simpleng pink t-shirt.

"Grace? Buti napadalaw ka."

Kita sa mukha ni Shiela kung gaano ito kasaya nung nakita nito ang kaibigang si Grace. Matagal na silang magkaibigan at sa hirap at ginhawa, maliban sa asawa niya, hindi rin siya iniwan ng mga kaibigan niya.

"Wag kang masyadong gumalaw! Baka mapano ka!" Awat naman ni Grace nung nakalapit na ito kay Shiela at pilit na pinapahinto siya sa kagagalaw. Hindi rin nito nakalimutan na ipakita sa kaibigan ang dala niyang apple para sa kanya, paborito kasi ito ni Shiela.

"Salamuch Mars! Tsaka, gusto talaga kitang makita. Nandito pala sina Ericka at Jociel minutes ago. Kaaalis lang nila."

"Ganun ba..."

Biglang natahimik si Grace kaya di mapigilan ni Shiela na ma-guilty dahil sa sinabi niya. Nakalimutan niya kasi yung isa sa mga masasakit na pangyayari sa buhay ni Grace dahil sa sobrang saya niya.

"Pasensya ka na Mars."

"Okay lang."

Pilit na ngumiti si Grace tsaka binago yung topic, "Saan na pala anak mo? Asawa mo? Si Angelo?"

Pansamantalang nawala yung tensyon sa loob ng silid ni Shiela dahil sa tanong ni Grace.

"Nandun sila sa NICU, binisita ng mag-ama ko si baby Angela. Medyo hindi kasi stable yung heartbeat niya kaya kailangan niya munang mag-stay dun. Pero wag kang mag-alala, hindi naman daw malala yun. Days later pwede ko na raw isama sa pag-uwi si baby Angela."

"Mabuti naman kung ganun."

Tumayo si Grace sa kinauupuan niya at nagsimulang hugasan at hiwain yung apple na dala niya. While doing this, pinagmasdan ni Shiela ang bawat galaw niya.

"Mars..."

Halata sa boses ni Shiela na may gusto siyang pag-usapan pero nag-aalangan ito.

"Bakit?"

"Kasi..." napalunok ng laway si Shiela bago niya naipagpatuloy yung gusto niyang sabihin, "wag mo sanang masamain ah... Wala ka na ba talagang balak makipag-relasyon? Sayang naman kasi yung ganda mo. Baka kasi nakalimutan mo, lagpas ka na sa kalendaryo."

Nung nasa college pa silang apat, si Grace ay isa sa mga kilalang dilag sa university na pinag-aralan nila. Sobrang bata kasi ng mukha niya, hindi halata sa edad niya. Akala nga ng iba, first year pa siya kahit graduating na siya. Maliban diyan, biniyayaan din siya ng Panginoon ng mapang-akit na alindog. Ang mas malupit ay matalino din siya. In short, nasa kanya na lahat.

Yung iba kasi, maganda lang at pagpapaganda lang alam, wala namang laman ang utak. May mga kilalang mag-aaral din naman na may laman ang utak pero hindi naman pinagpala sa pisikal na anyo.

Kaya nga sobrang nagtaka ang tatlong magkakaibigan kung bakit hindi pa nagka-jowa si Grace sa kabila ng kasikatan niya. Sila mismo ay nasaksihan kung gaano karaming lalaki ang nahumaling sa angkin ganda ni Grace.

Ang akala talaga nila ay mamamatay si Grace na hindi man lang niya malalaman ang sarap ng sekswal na kasiyahan. Ngunit nagulat nalang sila nung nalaman nila bigla dahil may ipinakilala si Grace sa kanila. Ang hindi nila inakala, na yung lalaking yun, ay matagal na pala nilang kilala.

Madalas nga ay tinutukso ng magkaibigan yung lalaki kasi sobrang masekreto raw ito. Pati kapatid nito mismo ay hindi nahalata ang mga "the moves" niya kay Grace.

Everything was smooothly progressing sa mga panahong iyon. Pero hindi nagtagal ay nasira din ito.

Lahat ay nagimbal sa ginawa ng ex ni Grace. He cheated on her, he betrayed her love for him.

Ang masaklap pa dun, mismong yung kaibigan pa ni nila Shiela at Grace ang nagtraydor sa kanya, si Ericka.

Simula noon, hindi na ulit nakipag-relasyon si Grace. Kahit pa na tatlong put dalawang taong gulang na si Grace, hindi na nito naisipan pa ang makipag-relasyon ulit.

Ganoon pa man, hindi nakaligtas sa mata ni Shiela ang pananabik ni Grace na magkaroon ito ng sariling anak.

Kung gugustuhin talaga ni Grace, posibleng makahanap pa ito ng lalaking mamahalin siya mg lubos at hinding-hindi siya sasaktan.

"Ayoko na Mars. Tama na sakin yung nasaktan ako ng dalawang beses."

Maikli pero determinado ang sagot niya kung kaya't mas pinili ni Shiela na huwag nalang ipilit kay Grace yung ideya niya, baka kasi mag-away pa sila.

There was an awkward silence going on for few minutes between them, but it did not last long because the door suddenly opened.

Isang lalaki ang bumukas nito at hindi nag aksaya ng oras na pasukin ang silid. His gaze checked the entire room until it landed on the woman that was facing the other way around.

Medyo nagulat pa ito nang makita ang dalaga kaya hindi niya napigilan na sambitin ang pangalan nito.

"G-grace?"

Natigilan si Grace sa ginawa niya, yung tibok ng puso niya ay nagiging abnormal na.

Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili pero hindi niya parin mapigilan ang nag-aalab na galit nito para sa lalaki.

With a stern face, Grace turned around to face him.

"Yes Floyd?"

"W-why are you here?"

Binaba ni Grace yung kutsilyong hawak niya at baka mademonyohan pa siya bago ito tumawa na parang bobo yung kausap niya.

"Malamang, kaibigan ako ng bunsong kapatid mo. Duh!"

Tama, kapatid ni Shiela ang dahilan kung bakit mas lumala pa ang galit ni Grace sa mga lalaki. Si Floyd Bartolome, ang tanging nag-iisang lalaking binigyan niya ng pagkakataon para sana mapatunayan niya sa sarili niya mismo na hindi lahat ng lalaki manloloko at masama.

But in the end, sinaktan pa rin siya. Kahit na minahal niya ito ng buong-buo, nakuha parin ni Floyd na durugin ang mapagmahal at seryosong puso ni Grace.

Hindi agad nakasagot si Floyd at tanging yung mga mata lamang niya ang nagsasalita. Halatang marami siyang gustong sabihin kay Grace, the way he stares at her.

Kahit alam niyang hinding-hindi na maaayos ang trato ni Grace sa kanya, he still wants to ask for her forgiveness atleast.

"Can we talk?"

Nagbaka-sakali ulit si Floyd after his thousand attempts.

Grace's reaction was still unreadable. This was not the first time he received such an incomprehensible deadly glare from her.

"Mars, payagan mo na si kuya please? Kahit ngayon lang? Hindi naman sa tinutulungan ko siya pero baka ito na ang paraan para naman mabawasan yung galit mo sa mga lalaki. Tsaka, alam mo naman, kahit kuya ko yan, hinding-hindi ko yan mapapatawad. Ang gusto ko lang naman ay sana, hindi maghahari ang galit dyan sa puso mo."

It took a while before Grace responded to her plea.

"Mars, I can't promise anything but for you, I'll talk to him."

Naunang lumabas si Grace na parang sasabak sa isang digmaan. Nag-alangan tuloy sumunod si Floyd dahil sa aura niya pero pinilit siya Shiela.

"Ano? Are you gonna waste this opportunity?! Gusto mo bang suntukin kita dyan?! Huh, kuya?! Man the f*ck up!"

Napakamot si Floyd sa ulo niya bago tuluyang sumunod kay Grace.

Shiela shook her head in disbelief as a reaction to his brother's disappointed actions.

She had witnessed everything with her own eyes. Simula nung naging sila, hanggang sa ilang beses na pagtatangka nitong makausap si Grace, mapatawad lang siya nito. Everytime he tried though, it always ended up with failure. Pati narin si Ericka.

May araw nga na hindi na natiis ni Shiela ang kapatid nito kaya tinulungan niya ito para lang makausap si Grace pero hindi siya napagbigyan ni Grace.

Laking pasalamat na lang ni Shiela kay Grace at hindi naapektuhan ang pagkakaibigan nila dahil dito.

avataravatar