1 His Mother

"Riza, ano ba?" galit na galit na tawag sa akin ng aking kasama.

"Andiyan na," pabulong kong sagot.

Araw-araw, ganito ang turingan naming dalawa. Kahit na palagi kaming magkasama sa isang proyektong, hinding-hindi kami magkasundo.

Padabog siyang sumunod sa akin sa paglalakad nang nilagpasan ko lang siya mula sa kaniyang kinaroroonan. Huwag ngayon, Reziah, pikon na pikon na ako sa 'yo. Idagdag mo pa ang mga tao sa bahay.

Pagod na pagod na ako sa buhay. Ayokong umuwi pero wala akong magawa dahil nag-iipon pa ako para bumili ng sarili kong apartment. Nag-iisa lang akong anak, hindi ako breadwinner dahil hindi kailangan ng aking mga magulang ang aking pera. Ang aking pera ay akin pero ang kanilang pera ay napupunta sa akin at sa kompanya.

Pero ang hindi ko gusto sa pamamaraan ng aking ama ay dapat lahat ng mga bagay na gusto nilang ipagawa ay dapat sundin. Dapat ay walang lalabagin. Ako ang kanilang kaisa-isang anak kaya kailangang masunod ang kanilang hangarin. Labag man sa aking kalooban, 'wag lang sa kanila. Ang buhay ko ay hindi ko pag-aari kundi pag-aari nila.

Ang buhay ko'y punong-puno ng kalungkutan, at bilang lamang ang kasiyahan na aking naranasan.

Isa pa ang babaeng nasa harapan ko na ngayon. Walang ibang pinapansin kundi ang aking pagkakamali. Ang aking mukha, kung bakit daw mas maganda ako kaysa sa kaniya. Tsk, insecurity at its finest. Palagi akong pinupuna kahit na mas marami siyang mapupuna pero ayaw ko na lang magsalita. Be a professional. Act like a professional, they say.

"Hey, Riza," aniya saka lumingon sa akin pero diretso pa rin ang aking tingin.

"Ano?"

"Wala ka bang napapansin sa suot ko?" Napapikit ako. Ayan na naman. "Ang ganda 'di ba?"

"Oo." Pinagtaasan niya ako ng kilay sa aking naging sagot.

"Binili 'to ng boyfriend ko sa Chanel."

"Okay."

Pansin ko ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao. Ano'ng magagawa ng kaniyang kamao kung isasagasa ko ang kaniyang mukha sa escalator? Isama pa ang Chanel niya raw na damit, pake ko! Masisira rin naman niyan. At 'yang boyfriend mong playboy, iiwan ka rin niyan. Nakapagtataka kung bakit nagtatagal 'yan sa 'yo. Ah, alam ko na. Love is a delusion. O di kaya ay love is a love potion. Gayuma kumbaga.

"Tss, inggitera," aniya nang nilagpasan ko siya. Ano naman ang ikakainggit ko sa kaniya? 'Yang damit niya? 'Yang ugali niyang bulok? Aanhin ko ang mga 'yan? Ihampas kita sa bloke, eh. "Kaya siguro walang boyfriend at hindi mahal ng pamilya." Napatigil ako sa paglalakad. Humugot ako nang napakalalim na hininga at pumikit. Control, Riza, control.

"Alam na alam ko talaga kung ano ang kahinaan mo," saka siya humalakhak at sinadya akong bundulin. "Oops, akala ko estatwa, taong walang kuwenta pala. Padaan, ha?" At doon na ako nawala sa sarili kaya ko hinila ang kaniyang buhok, at napaatras siya.

"Kanina ka pa! Nagtitimpi lang ako sa 'yong babae ka kaya huwag na huwag mo akong susubukan. Huwag mo akong tirahin dahil alam mo ang kahinaan ko. Gusto mo bang ibulgar ko o sabihin ko sa boyfriend mo na may kahalikan ka kagabi sa bar?" Halatang gulat siya kaya nagmakaawa. "Kaya mo naman palang gawin ang magmakaawa. Kung sasabihin ko sa boyfriend mo, mas kawawa ka dahil mawawalan ka ng kasintahan, saka wala ka pang magulang. Ako, oo, kahit nagiging hangin lang ako sa bahay, may pamilya pa rin akong mauuwian. Kaya parehas lang tayong kawawa at walang kuwenta, naintindihan mo?"

"O-oo... 'yang buhok ko, please. Kaka-Brazilian blowout lang niyan." Tangna. Binitawan ko na ang kaniyang buhok pero itinulak ko. Inirapan niya ako na parang mananaksak na pero nginisian ko lang siya. "Magbabayad ka."

"Alam ko. Ilang beses ko ng narinig 'yan. Sanay na ako."

"This is for real, you brat."

"Okay." Nauna na akong naglakad at lumabas sa building ng Franchester. Napasapo na lang ako sa noo nang may dumating na mensahe galing sa aming kliyente na kanina pa pala naghihintay. Bwiset na Reziah kasi 'yan. At mas nakakabuwiset yung magkalapit ang aming pangalan. Mas hamak na mag maganda naman ako at mas may kuwenta. Mas swerte nga lang siya dahil may masasabi siyang nagmamahal sa kaniya.

Pumara ako ng taxi at sumakay patungo sa isang sikat na resto. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto ng mga mayayaman ang magkaroong ng pulong sa ganitong lugar. What reason? To expose how rich they are? Does my father and mother like this? Hindi ko man lang namalayan na tumulo na pala ang aking luha. Tama si Reziah, para lang akong estatwa, walang kuwenta. Pan-display lamang.

"Okay lang po kayo, ma'am?" napaangat ako nang tingin kay manong driver.

"Ah... opo, manong."

Iniabot niya sa aking ang isang rolyo ng tissue, "eto po, ma'am. Pamunas ng luha." Kinuha ko ang tissue at pumunit para pamunas ng aking luha.

"Salamat, po."

"Okay lang po, ma'am. Kung ano man po ang iyong nararanasan, ipagkaloob na lamang po sa Maykapal. Tayo ang gagawa pero siya naman ang gagabay sa atin."

Medyo gumaan ng konti ang aking loob dahil sa mga paalala at mensahe ni manong. Hindi man ako palasimba pero naniniwala at kinikilanlan ko ang Diyos.

Nang makarating ako sa lugar kung saan ang aming kliyente ay agad akong pumasok at hinanap ang kaniyang pangalan. Inalalayan naman ko ng isang waiter papunta kay Mrs. Hidalgo na aking kliyente.

"Goo—."

"Good morning, Mrs. Hidalgo. You're quite stunning for today," napairap na lang ako sa kawalan dahil dumating na ang taong pinakaayaw ko sa mundo. "Reziah Ambrocio, and my partner... Riza Vulgarr."

Mabuti naman at kilala pa ako, "Ma'am..." inilahad ko ang aking kamay na siya namang tinanggap. Isang matamis na ngiti ang pumalit sa aking maasim na mukha. Her face is so angelic and I can't avert my eyes on her. She's 48 year old, but still, gorgeous. I wonder what's her secret to have that kind of skin — so flawless.

"Sit," aya niya sa aming dalawa. "This is not urgent, so, I apologize for asking your presence in this kind of hour. My son is coming home tonight, and I want him to stay here for good. Since, both of you are interior designer, I want you to design the apartment of my son... Because you are recommended by him, actually. I am expecting too much from the both of

you." Halata sa boses niya ang pagkamahinhin pero may halong pagkastrikto na nakatatayo ng balahibo. Pero ang sabi niya "son", sino ba ang kaniyang anak? "Sa bahay muna siya uuwi kaya bibigyan ko kayo ng dalawang araw para tapusin ang inyong proyekto."

Dalawang araw? Another exhausting day it is. "Yes, ma'am," sagot ko.

"Ms. Ambrocio. We've met before but I did not paid attention, right?" nahati ang tingin ko sa dalawa. Kailan sila nagkita?

"O-opo." Pansin kong hindi na masyadong confident si Reziah sa pananalita. Anyare?

Sumimsim muna siya ng alak bago nagsalita. "So, how long have you been in a relationship with my son?" Napaubo ako sa aking narinig. Buti na lang at nainom ko muna ang wine bago ko 'yon narinig. Like what? Siya ang nanay ng boyfriend ng kikay na 'to? "Something wrong, Ms. Vulgarr?"

Umiling ako, "wala po, ma'am." Bumaling ulit ang atensyon niya kay Reziah. Eto lang ba ang pag-uusapan namin at kung paano sila nagkita ni Reziah? Ba't naman kasi by partner ba? Ang hirap tuloy. My masasabing superior at inferior. Sa aming dalawa, walang gustong maging inferior kaya palagi kaming naglalaban. Ang bagsak, walang talo pero wala ring panalo.

"How long?"

"A year po, Ma'am... we've met at Venice." Tumango-tango ang ginang pero hindi man lang ngumiti o ano. Napakaanghel ng mukha pero napaka-enggrata naman pala ng ugali.

"I see... Venice. Where lovers met yet not to be together forever." Bahagyang kumunot ang aking noo sa pinagsasabi niya. Napabaling ako ng tingin sa babaeng kasama ko. Ang kaniyang kamay ay nakahawak sa laylayan ng kaniyang palda, na para bang mapupunit na. "Temporary happiness." Para bang may pinapatamaan siya sa kaniyang mga salita. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko na... ayaw niya kay Reziah. Kumirot ang aking dibdib dahil parang nalungkot ako sa namuong obserbasyon ko. Kung totoo man 'yon, kawawa talaga si Reziah pero hindi ako naaawa sa kaniya.

Tumikhim ako at napatingin sila pareho sa akin. What?

"Let's eat," wika ng Ginang. Umorder si Mrs.

Hidalgo ng aming makakain at siya na rin ang nagbayad ng bill. Tama nga ako, ang laman lang ng proyekto namin ay pagandahin ang apartment ng anak niya at boyfriend ng isang 'to. At 'yong pangalawa, tungkol kay Reziah at sa kasintahan niya. Duh.

Kung sa ganoon, ang papagandahin namin ay magiging bahay rin ng kikay na bruhang 'to. Iisipin ko pa lang 'yong kwarto na gagawan ko ng disenyo ay nasusuka na ako. Doon sila magsi-sipping, yuck. Paano kaya 'pag lagyan ko ng hidden camera? HAHAHA just kidding. Ayokong makakita ng hubad-hubad na lalake't babae.

Naunang tumayo si Mrs. Hidalgo saka kami napatayo. Gulat pero nanatiling kalmado. "I'm going. I am counting to the both of you. Start when you're ready." Parang napako ang aking paa nang biglang dumapo ang kaniyang mga tingin sa aking mga mata. "See you later, Ms. Vulgarr." Napaawang ako nang tumalikod na siya at naunang lumabas. Anong "see you later?" Baka nagkamali lang ng nasabing apelyido. Sana ay dapat Ambrocio, hindi Vulgarr.

avataravatar
Next chapter