5 5th Letter: Last time

October 7, 2019

Kung naaalala mo, mahigit isang buwan na simula ng huli tayong magkausap. Sept 1, 2019, yun na din yung huling araw na nagkita tayo. Sunday yun after church.

Kamusta na?

Ako? Medyo ok naman,. Tinapos ko na yung matagal tagal din nating paguusap simula nung makabalik na tayo ng Germany at alam ko may naiwan kang tanong na hindi ko alam kung pano sasagutin. Huling message ko sayo yung pagsend ko ng picture ng 4th letter. Pero hindi mo na ko nireplayan.

Sinabi ko na baka lumaktaw na ko sa pang-pito.. sa pangwakas na sulat kasi wala na kong maisip na sasabihin pa, atchaka alam naman na natin kung ano ang mga sumunod na nangyari pagbalik natin. Ang totoo nyan naapektuhan na rin ako sa pagsusulat ko. Nahirapan ako, parang ang bigat bigat, parang gusto ko na lang matapos kasi gaya nga ng sabi ko sayo.. parang alam ko na rin naman ang katapusan. Alam ko na kung anong kauuwian ng lahat ng to. Siguro iniisip mo masyadong maaga para magsalita ng tapos, pero paano ko nasabi?

Sabi mo susulat ka din sakin, sasagot ka..sa mga sulat ko sayo, your side of the story kamo pero hindi na ko masyadong naniwala, Kasi gaya nung una hindi mo naman nagawa. And now after more than a month, wala naman akong natanggap na sulat galing sayo. Aaminin ko, naghintay ako.

Alam mo ba naghintay din ako dumating yung mga pictures na napagkatuwaan nating iprint at sulatan non. Inabangan ko kung anong isusulat mo sa bawat likod. Pero lumipas ang madaming linggo at buwan walang dumating. Pero ayos na rin yun, kasi at least wala akong nakikitang ala-ala, para at least maiwan na lang sayo lahat ng nangyari sa pinas.

Pitong buwan na ang nakakalipas. Parang ang bilis lang ng panahon, pero yung mga buwan na yun yung isa na yata sa mga mapanghamong buwan na sumubok sakin.

Madami na ring nangyari sa loob ng 7 buwan na yun simula nung Marso. Naghiwalay na kami ni J. Hindi yun naging madali.

Pitong buwan, and we both know kung ano ang mga nangyari satin, sa mga paguusap natin at nagpaliwanag ka na rin naman, pero aaminin ko sa lumipas na 7 buwan na yun i was a bit disappointed..Disappointed but not surprised.

7 buwan pero wala kang napakita kung talagang mean mo yung tanong mo. Napapaisip ako kung totoo yung sinasabi mong madami kang narealize, kasi kung totoo in those times you should have done something. Ang dami nating paguusap nun, ang dami dami mong sinasabi na somehow pinaniwalaan ko, but in the end, after 7 months.. here we are. Stagnant. Haunted by our own memories.

Tinanong mo ko kung paano kung handa kang iwan lahat para sakin? Ang totoo nyan nung mga panahong yun gusto kong sagutin ng sige. Kasi akala ko kagaya nung una, akala ko seryoso ka and may gagawin ka, akala ko natuto ka na at alam mong mas mahalaga sakin ang actions kesa sa empty words.

Ang totoo nyan the whole September i waited for you to prove to me na kaya mo ngang gawin at iwan ang lahat para sakin. Na totoo ngang nakikita mo pa din ang future mo na kasama ako.. kaso wala eh.. after 2 months, still… nothing has changed. Lumipas ng lumipas ng lumipas ang mga araw,.. walang kahit ano man akong narinig o nakita sayo, simula nun. Minsan gusto ko na lang isiping pinaglalaruan mo lang ang kung anong meron tayo. Nanunubok ka lang pero hindi mo naman mean.

Masisisi mo ba ko kung maniniwala pa ko sa puro salita na lang na sinasabi mo?

To be honest, Yes, I did somehow opened my door, after 2 years of it being closed, I considered to open a tiny bit… Which I thought was somehow impossible to open, but I did manage somehow to try, I gave in to my "what ifs" kasi akala ko parehas tayo. Na ni minsan hindi nawala sa isip ko. But when I opened it, you were not there.

Wala, I thought kilala pa kita, that we're on the same page because you were so brave leaving those words,, when all of it are just empty words. And then I realized…

Sana noon, sana noon pa kung talagang willing kang iwan ang lahat para sakin sana hindi mo na pinatagal. Sana may ginawa ka na kagad, pitong buwan na ang lumipas. Sana agad agad may ginawa ka ng aksyon. Pero wala eh. Pag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan.

Alam mo ba, umiyak ako nun… umiyak ako nung tumigil tayong magcommunicate, sometime April nung pinili mong lumayo at dumistansya after mo kong tanungin nung April. And now, History repeating itself lang. Same old. Same old.

Ang mali ko lang siguro kasi akala ko, we deserve a chance.

Pinaiyak ako ng pelikulang 'Hintayan ng langit', it was an eye opener… na akala ko parehas nating ayaw mangyari satin. Kaya nirecommend ko sayo.

"OO" sana ang sagot ko dun sa tanong mo, kung sana pinanindigan mo lang at may ginawa ka kagad. Tinitingnan ko kung gano ka kaseryoso sa tanong mo… pero wala, katulad pa din nung una, imbes na patunayan mo at may gawin ka.. kabaliktaran ang ginawa mo. Lumayo ka. umiwas at hindi nagparamdam. Dun ako medyo naguluhan, ano ba yun, experiment mo lang?

"Action speaks louder than words"

up to now, Iba pa din ang pinipili mo.

At ngayong andito na tayo, naun mo sabihin saking mali ako na alam ko na ang kahihinatnan nito. Naun mo sabihin saking mali ang ending ng istorya natin. Mali pa rin bang sabihin kong alam ko na ang magiging ending nito?

Sinabi ko sayo baka nadadala lang tayo ng emotions natin, ayoko na magstay sa past.

Sabi nila may mga bagay na kung hindi mo lilinawin, habang-buhay ng magiging malabo, i guess iiwan na nating malabo habambuhay. Ayos lang. Ayos lang. Oras na din naman. Kaya naman sa huling sulat ko sayo iiwan ko na ang lahat.

Which leads me to my last letter to you.

avataravatar
Next chapter